.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

VENICES POV


To: Roj Morales
Ngayon na ba talaga? As in ngayon na? 

After kong i-send ‘yun ay napabuntung-hininga ako. Kinakabahan ako sa mangyayari. Nandito ako ngayon sa corridor sa 3rd floor at naghihintay na dumating siya. Grabe naman kasi ‘yung taong yun! Ngayon niya pala planong gawin ‘yun, di man lang agad ininform sa akin!

From: Roj Morales
Yeah. Papunta na ako.

Pagkabasa ko ng text niya, lalo akong kinabahan. Gulay naman oh! Hala ka, ako talaga ang kinakabahan para sa kanya! Paano kung fail pala? Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kaya niyang gawin pero...hindi niya pa naman gamay ‘yun eh! Naku naman ‘yang taong ‘yan oh! Naman Roj!

Iniintay ko siya ngayong dumating. Alam niyo kung bakit? Kasi ngayon daw siya magpapakita bilang ibang tao. I mean, ‘yung hindi nerd, ‘yung hindi geek, ‘yung hindi baduy. Syempre nagpanic ako nun kasi di pa naman niya gamay ‘yung pag-aayos right? Pero sana maging maayos. Baka mamaya, may mang-away na naman sa kanya. Baka i-bully na naman siya. At habang tumatagal ako sa corridor, mas lalo akong kinakabahan dahil alam kong malapit na siya. Ano ba ‘yan! 6:50 AM na at 10 minutes na lang magsstart na ‘yung klase, asan na ba siya?!

Nilabas ko yung phone ko at tatawagan ko na sana siya kaso may narinig akong ingay mula sa baba kaya napatingin ako at…

“OMG! Sino siya?”
“Transferee ba siya? Ang gwapo niya!”
“Baka may dinadalaw lang dito sa school?”
“Grabe naman! Umaga palang may dinadalaw agad?”
“So handsome!”
“Teka parang may kamuha siya eh. Pero ang gwapo niya talaga!”

May isang kumpol ng kababaihan na nagbubulungan, or should I said nagsisigawan since rinig hanggang dito sa 3rd floor, tungkol dun sa guy na dumaan…

Nakacivilian siya. Simple shirt, jeans and rubber shoes pero ang appeal ng look niya. Nakataas yung buhok then kita naman na nakacontact lens siya ng brown. He’s...attractive...or rather, cute? No, he’s really...handsome.

Naglalakad siya sa gitna ng quadrangle at alam kong pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Sino ba naming hindi mapapatingin eh hindi siya nakauniform tapos ang gwapo pa niya tignan. At alam ko na tuwing lalagpasan niya ang mga grupo ng estudyante ay nagsisimula na silang magbulungan kung sino ang lalaking ‘yun.

Lumiko na siya sa kanan which means umakyat na siya sa hagdan. Petrified pa rin ako dito. Hindi ko akalain...hindi ko ineexpect na magiging ganun ‘yung outcome. Mas maganda pa sa ineexpect ko. Ewan ko pero napangiti ako. I’m proud of myself dahil nakatulong ako sa kanya.

‘Yung mga katabi ko sa corridor ay nag-uusap na rin tungkol sa kanya. I know, ginulat niya ‘yung mga nakakakilala sa kanya. Talagang ginusto niya ‘to, ha? Pero tama lang naman ‘yun eh. Pinakita niya sa buong school na hindi na siya ‘yung taong laging binabalewala at dinadaan-daanan lang.

Mula sa malayo ay nakikita ko na siyang papalapit sa room…papalapit sa akin. Bigla na lang lumakas ‘yung tibok ng puso ko sa ‘di ko malamang dahilan.

At hindi ko namalayan, nakahinto na pala siya sa harap ko…

“Roj…” Napatingin ako sa mga mata niya at naaamoy ko ‘yung pabangong halos ipaligo niya sa buong katawan niya.

“Ayos ba?” tapos ngumiti siya.
Innocent smile. And that smile made my heart beats faster.

“OMG ROJ IKAW BA YAN?!”
“Oh shit! Ang gwapo mo!”
“Grabe ka! Umeksena ka kanina sa baba ha! Pero ang gwapo mo talaga ngayon!”
“Wow, di ko akalain Roj. Dapat ganyan ka nalang lagi!”

Hinila siya ng mga classmate kong babae papasok sa loob kaya ‘di na kami nakapag-usap.
Halos lahat sila, pinagkakaguluhan siya. Sabagay, a nerd transformed into a prince? Sino ba namang hindi magugulat?

Ngayon, may nakakapansin na sa kanya.

Nagsimula ang klase na hindi ko siya nakausap. Marami kasing kumakausap sa kanya mula pa kaninang pagkadating niya. Ayoko namang makisingit para lang makausap siya. Nakakahiya. At isa pa, namimiss ko na si Ziela. Wala siya sa first class. Ano na kayang nangyari dun? Oo, nagtatampo ako sa kanya, pero best friend ko pa rin naman siya ‘di ba? And I know wala naman talaga akong karapatan na magtampo o magalit eh. Hindi naman talaga niya kasalanan. Ako lang ‘tong maarte.

Pero ngayon ko lang napansin, bakit nga pala siya hindi nakauniform? Anong meron? Anong nangyari kahapon? Bakit ba kasi umabsent ako kahapon? Ang arte ko kasi!

“Uhmm, Jenny anong meron kahapon? Tsaka bakit pala nakacasual si Roj?” Kinalabit ko si Jenny na nasa harapan ko para lang magtanong.

Lumingon naman agad siya. “Ah, nagnominate kami ng mga sasali sa Mr. and Ms. Amarrison.”

Huh?

T-teka...don’t tell me...

“Si Ziela ‘yung nanominate para sa girls dahil siya ang sinuggest ni Ma’am last week. Eh alam mo naman na walang hilig sa ganito ‘yung boys ‘di ba?
Ayun, pinagtripan nila si Roj kaya siya ang nanominate. Pero, ‘di ko akalain na ganyan pala ang itsura ni Roj. Ang gwapo na niya ‘no? Actually dati ko pa siya crush eh. Like ko na siya ngayon—Waaah! Hala sorry, ang daldal ko talaga!” then tinakpan niya ang mukha niya at humarap na ulit sa unahan.

Natawa naman ako sa sinabi niya.
Wow. Hindi ko alam na may nagkakacrush pala kay Roj nung nerdy look pa siya. Pero wait, ibig sabihin silang dalawa ni Zie ang contestants namin?! Ibig sabihin magiging loner ako for two weeks?! Kasi lagi silang excuse sa klase tapos magppractice sila para dun. Ganun din kasi ‘yung ginawa ko last year dahil kasama ako dun ‘di ba?

Bigla akong nangalumbaba sa desk ko nung iniisip ko pa lang na wala akong makakasama for the next two weeks! Naman eh!

Biglang nabaling ang tingin ko sa left side. At parang nabahala ako sa nakikita ko. Bakit hindi na magkatabi si Ivan at Raya? Anong nangyari? Hindi kaya...No, no, no Venice. Malay mo trip lang pala talaga nilang lumipat ng upuan right? Tsk. Bakit ko ba kasi pinag-aaksayahan ng oras ang dalawang ‘yun? Nakakainis sila.

Lalo na ‘yang Ivan na ‘yan. Oo na. I promise, magmomove-on na talaga ako. Ayoko ng laging ako ‘yung umiiyak at natatalo. I’ll show him what Venice Liann Damian can do. I’ll show him that he’s not really worth loving.

“Ma’am! Sorry po late ako!” Nagulat ako at napatingin sa pintuan tapos nakita ko si Ziela na humihingal at nakayuko. Hindi rin siya nakauniform at nakablouse and pants lang siya.

“Oh sige na. Roj, Ziela, pumunta na kayo sa baba para magpractice,” sabi ni mMa’am sa kanila.

Nakatingin lang ako sa kanila habang papalabas na ng room at biglang nagtama ang mga mata namin ni Ziela pero tumingin agad ako sa baba. Gustung-gusto ko na siyang yakapin at sabihing miss ko na siya pero hindi ko magawa.
Nahihiya kasi ako sa kanya. Sa inasal ko, sa ginawa ko. Nakakahiya ako.

“Okay class, let’s start.”

Nagsimula nang magdiscuss ‘yung teacher namin pero hindi ko makuhang making dahil andaming gumugulo sa isip ko. Andami kong inaalala.

Siguro nga, kailangan ko munang magpakabusy para ‘wag ko munang maisip yung ibang bagay. Tama.


***