.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

“Ate! Meron ka bang pang-scapbook materials dyan?” Sumigaw ako sa loob ng kwarto ko dahil katabi ko lang naman ‘yung kwato ni ate Steff.

“Wala eh!” Narinig ko ‘yung sigaw niya sa kabilang kwarto.

Ang ganda ng communication namin no? Wall to wall. Spell tamad tumayo? V-E-N-I-C-E. Pero dahil mukhang kailangan ko na talagang tumayo ay ginawa ko na rin. Pumasok ako sa kwarto ni ate.

“Ate, samahan mo ako sa National Bookstore. Sige na! Please! Please? Please?” Nagplead na ako dahil mahirap pakiusapan ang ate ko. Dapat laging may kapalit. Tsk.

“Ay magpapasama nga rin sana ako sayo eh. May bibilhin rin ako.”

WHOA! OMG! Totoo ba ‘to? Hindi niya ako tinanggihan? Anong nakain ng ate ko at parang bumait siya ng kaunti?

“Ate anong nakain mo?”

“Strawberry.” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“Hala ka, kinain mo na naman ‘yung strawberries sa ref? Lagot ka kay Daddy, gagawin nga daw ‘yung desserts eh.” Napakaadik talaga ng ate ko sa strawberries. 

“Tatlo lang naman eh.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Ah...apat pala.” Nakapamaywang na rin ako. “Hindi...lima ata?” Tumingin siya sa taas at lumapit ako sa kanya. “O sige na, sige na pito ‘yung kinain ko!” Pumikit siya at yumuko habang ako ay napahawak sa noo ko.

Pupunta pa naman dito mamaya ‘yung mga tita at tito namin dahil may reunion sila nina Daddy. Ang adik talaga ni Ate!

Pinagbihis ko na siya para madali na agad kami.
Tinext ko na rin si Daddy na bumili ulit ng strawberries dahil kinain ni Ate. Parang tuloy ako ang panganay. Well, sabi rin nila. Eh kasi naman, ewan ko rin kung bakit. Medyo immature ‘tong si Ate eh.

“Teka nga pala, paano tayo pupuntang National eh gamit ni Daddy ‘yung car?” biglang sabi ni Ate habang pumunta kami sa garahe. Oo nga no?

“Uhm, T-taxi?” sabi ko kahit may phobia na kami ni Ate sa pagsakay sa taxi.

“Taxi ka dyan?! No way Ven! Mag-jeep na lang tayo! Tara!” Hinila niya ako palabas ng bahay at naglakad kami palabas ng subdivision tapos naghintay ng jeep. At in fairness, ang init.

Nakasakay naman agad kami ng jeep. Tapos may naalala ako bigla.

‘Yung araw na ‘yun. ‘Yung oras na magkasama kami.
Sa jeep din yun eh. Nakakatawa talaga ang nangyari nun. And at the same time ay nakakahiya talaga. Buti na lang at hindi talaga tumayo si Roj nun para magbayad.

“Hoy, bakit ka nakangiti dyan? Para kang baliw.” Sinamaan ko nga ng tingin ‘to
ng ate ko. Panira ng moment.

“Masama bang ngumiti? Alam mo Ate, panira ka ng moment eh. Eto na ‘yun oh. Mumomoment na ako eh.” Nagulat naman ako nung binatukan niya ako bigla. “Aray ko naman! Makabatok wagas!”

“Emoterang babae ka!” tapos tinawanan niya ako.

At ayun, parang baliw lang kami sa loob ng jeep. Buti nga konti lang ang nakasakay dahil tanghaling tapat. Kung hindi ay mapagkakamalan talaga kaming baliw dito. Actually, muntik na nga naming makalimutang magbayad eh.
Nagmamarunong kasi ‘tong Ate ko eh hindi rin pala marunong magbayad sa jeep. Buti pa ako, marunong na. Hah!

Nakarating agad kami sa National. Naghiwalay muna kami dahil sa magkaibang sections kami bibili. Ako ay doon sa scrapbook section, si ate naman sa mga books ata.
Nasa gitna ako ng pagpili kung anong magandang scrapbook materials nung may narinig akong nag-uusap. Pamilyar ‘yung mga boses nila eh.

“So do you like it?”
“Yeah. Thank you. Sige, una na ako.”
“Wait, gusto mo kain muna tayo? Treat ko.”
“Hindi na siguro. Una na ako.”
“Oh, c’mon Roj! Lika na!”
“W-wait Raya!”

Halos mabitawan ko ang hawak ko nung makita kong magkasama si Roj at Raya.
Tapos naka-angkla pa ‘yung kamay ni Raya sa arms ni Roj. Ano ba ‘to?

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang akong nainis at lalo lang dumami ang dahilan ko para sabunutan si Raya. Ang bigat sa pakiramdam. Bakit ganito?

Nagtago ako sa isang sulok para hindi nila ako makita. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong magpakita. Basta naramdaman ko lang na hindi nila ako pwedeng makita.

“Selos ka?” Halos mapatalon ako nung may bumulong sa tenga ko. Pagtingin ko ay nasa likuran ko na si Ate.

“A-ano? Sinong nagseselos?” I tried to calm myself.

“Nye? ‘Di ba si Roj ‘yun?
Sino ‘yung kasama niya? Girlfriend niya?”

HINDI NIYA GIRLFRIEND YUN!

“Malay ko? Wala akong pakialam sa kanila,” tapos nauna na ako sa counter at baka gisahin na naman niya ako.

“Wow kapatid, ang taray lang ha. Pwede ng kontrabida!” Tumingin ako sa kanya tapos inirapan ko siya. Baliw talaga ‘yun. “Aba at may irap pa! Lumelevel up ka na!”

EH BAKIT BA KASI SILA MAGKASAMA?!

“Pero ‘di nga? ‘Di ba close kayo ni Roj? Bakit ‘di ka niya pinansin?” At ayan, nasa tabi ko na naman ang intrigera ng buhay ko.

“Di ako nagpakita. Nakakahiya naman sa kanila. Maistorbo ko pa sila.” 
Tama nga naman. Ayokong makaistorbo sa paglalandian nila.

“Ayun ‘yun eh.
Confirmed. Selos nga ‘yan. Congrats kapatid, lumalovelife ka na ulit,” then nagbayad na siya nung binili nyang libro.

“Ano ka ba ate? Hindi ako nagseselos ‘no. Naiinis lang.” Napayuko ako. Ewan ko ba. Nakakalungkot kasi eh.

“Sabi na nga ba eh. Teka nga, bakit ka naman naiinis?
Eh di nagseselos ka rin!” Ang gulo ng utak ng kapatid ko!

“Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman siya gusto. Iba mahal ko ‘no. Naiinis lang ako kasi kaibigan ko siya tapos ‘yung kasama niya ay ang mortal kong kaaway at kaagaw. Nakakabwisit talaga! Tapos bakit parang friends pa sila?”

“Oh panyo. Tutulo na eh. ‘Di mo nga ba talaga mahal?”

Nagulat ako nung inabutan niya ako ng panyo. Hindi ko napansin na tutulo na pala yung luha ko. What the eff?

“Hindi no.”

Pagkasabi ko nun, parang may kakaiba akong naramdaman—nevermind. Umalis na agad kami sa National after makapagbayad sa counter. Pero dahil nagugutom daw siya ay dumiretso muna kami sa KFC.

“Ugh. Ano bang masarap kainin bukod sa chocolate at strawberries, ha Venice?” Bakit ba sa lahat ng pwedeng kaadikan ay sa pagkain pa siya nahilig? Ngayon ko lang napag-isip-isip. Buti hindi siya tumataba.

“Chicken—what the—tara na!”

“Huh? Bakit Ven? W-wait—”

Mag-oorder na sana kami kaso bigla kong hinila si ate palayo sa KFC. Itinakbo ko siya hanggang dun sa kabilang dulo ng mall. Eh kasi naman!
Bakit sa dinami-dami ng kainan dito sa SM ay doon pa sila sa KFC? Nakakainis!

“Whoo! Hiningal ako dun ha! Teka nga bakit ka ba tumakbo?!”

“Eh kasi...a-andun sila...” Nahiya ako kay Ate dahil nagugutom na nga siya, hinila ko pa siya palayo dun. asi naman eh! Bakit ba sila nandun?!

Nakakabwisit ka Roj! Alam mo namang kaaway ko ‘yang si Raya tapos makikita kong magkasama kayo ngayon? And worst, nagtatawanan pa sila. Ano ba ‘to? Gaguhan? Nakakapraning na. Nafufrustrate na ako. Kung kailan naman gusto kong sumaya tsaka ko makikita ‘yung ganun.

Wala na nga si Ziela.
Tapos pati ikaw, mawawala rin sa akin?

Mag-isa na naman ako. Wala na naman akong kasama.
Bakit ba lahat ng mga taong mahalaga sa akin ay unti-unting nawawala? Ano bang mali sa akin, ha?

“Tara na nga, mukhang may love issues ka pa eh.” Inakbayan ako ni Ate at saka kami umuwi sa bahay.

Siguro nga may love issues pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi ako nakakapagmove-on kay Ivan eh. Tapos hindi pa rin ako nakakapagsorry kay Ziela. Tapos ngayon, inaagaw na naman ng Raya na ‘yun ang kaibigan ko. Sinong hindi maiiyak ‘di ba?

Nagtext ako sa kanya dahil hindi ko na mapigilan.

To: Roj Morales 
Pati ba naman ikaw aagawin niya sa akin? Mawawala ka na rin ba?

And this time, kasama na rin si Roj sa mga dahilan ng pag-iyak ko.


***