Chapter 19
***
One week na ang nakakalipas. Busy masyado ang
mga tao sa paligid ko. Well ako rin naman busy rin.
Quiz bee dito, interschool
doon. Super haggard na ako this week. Di ko kasi naisip na interschool competition na pala. As in nito ko lang din narealize
kaya super nag-cram ako sa pag-aaral. Buti na lang maaasahan ang groupmates ko
kaya nakasagot naman kami nang maayos. And to my surprise, kami pa ang first
place. Pakiramdam ko tuloy wala akong naitulong sa group.
“Congrats kids!” salubong sa amin nung
teacher-in-charge sa amin sa interschool.
Ewan ko ba pero parang kulang. Dapat kasi
kasama si Roj ngayon since siya ang top 2 namin. Dapat kasama siya sa team kaso dahil sa pageant
ay excused siya. Sayang tuloy.
Oo nga pala, next day na ang pageant kaya
super busy lahat dito sa school. Ako naman, dahil rarampa lang naman ako at
magpapasa ng crown at sceptre ay hindi na ako nag-abala pang makisali sa
pagpapractice nila. Ginawa ko na lang ‘yung project namin sa Values. Nakakainis
nga dahil para siyang scrapbook at ilalagay mo lahat ng insights mo tungkol sa
sarili mo, sa mga taong nakapaligid sayo and such. Nagsusulat ako ng draft
ngayon dito sa room habang nagkakagulo silang lahat. ‘Yung chairs kasi namin,
nakagilid lahat and then gumagawa sila ng banners and other stuff para sa Mr.
and Ms. Amarrison. Dahil ayoko naman na makisiksik doon at andami-dami na nila
ay umupo na lang ako dito sa upuan ko at nag-iisip kung anong ilalagay sa
project ko.
“Ate, may nagpapabigay po
sa’yo.” Napatingin ako doon sa babaeng sumulpot na lang bigla sa gilid ko.
Halos mapatalon ako sa upuan nung makita ko siya dahil hindi ko alam kung kelan
pa siya nakatayo dyan. Napatingin naman ako sa hawak niya. Isang maliit na
piraso ng papel na may nakasulat na SMILE
tapos may smiley pa sa dulo.
Pagkabasang-pagkabasa ko nun ay automatic na
napangiti rin ako.
“Sino nga palang nagpabi—” Nagulat ulit ako
nung humarap ako sa gilid at nakita kong wala na pala akong kausap. OMG. So
nagteteleport nga siya?! Bakit ang bilis niyang mawala? Tao ba ‘yun? Kinilabutan tuloy ako bigla.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa babaeng ‘yun
at sa kung sino mang nagbigay ng papel na ‘to. Pero naappreciate ko talaga dahil
kailangan ko ng comfort ngayong mga panahong ‘to lalo na at parang ang layu-layo
ng mga kaibigan ko sa akin.
Tinago ko ‘yung papel sa wallet ko. Nilagay ko
siya dun sa lalagyanan ng mga pictures. Then bigla kong nakita ‘yung mga
pictures na nilagay ko sa wallet ko.
First picture ko with Ziela nung grade 4 kami.
Picture namin ni Ate nung 7th birthday ko. Picture ko with my other classmates
and mostly ay kaming dalawa ni Zie. Then nakita ko ‘yung picture ni Roj habang
nagwawax ng buhok.
Bigla akong
napangiti.
Naalala ko bigla ‘yung mga araw na tinuturuan
ko pa siya kung paano maging boy next door. Maging heartthrob ng school. ‘Yung
mga panahong nerd pa siya.
Yung mga panahong lagi ko
pa siyang kasama.
At ngayon, natupad na ‘yung promise ko. I made
him a famous student. And I’m a bit happy for that.
Ang dahilan talaga kung bakit ko siya
tinulungan ay para mawala ang attention ng buong school kay Ivan since siya ang
heartthrob ng school. Gusto kong maagaw ni Roj ang attention mula sa kanya. I
want his fame to fade away. And I’m pretty sure, it will fade later. Si Roj na
ang center of attention ngayon. Sa students, maging sa mga teachers.
Actually ‘di ko talaga inaasahan na siya ang
mapipili as representative for the pageant. Ang buong akala ko ay si Ivan
talaga. Pero mabuti na rin na siya anng napili, at least hindi si Ivan. He’s
now being neglected by the crowd. And I’m happy because of that. I know I may
sound bitter, but that’s really it. I want revenge. I want to make him suffer.
Like what I’ve experienced after he broke my heart.
And that Raya? May iba akong plano para sa
babaeng ‘yun. Nung una ay nagtitimpi lang talaga ako sa kanya at pinalalampas
ko lahat ng ginagawa niya sa akin. Pero nung binangga niya si Zie at si Roj?
That’s enough. Masyado na siyang nagiging epal sa buhay ko.
Alam kong masama ‘tong ginagawa ko, pero
masisi niyo ba ako? I’m also the victim here. I just want them to learn their
lesson. And I’m also doing this for Ziela’s and Roj’s sake. Pati kasi sila
nadadamay na sa gulo naming tatlo. And I know it’s my fault. Kasi naniwala ako kay Ivan. Kasi umasa ako.
And speaking of the devil,
“Uhm, Venice can I talk to you?”
Alam ko darating at darating ang time na ‘to.
Yung confrontation. Kalmado lang ang itsura ko habang nakatingin sa kanya.
Hindi ako iiyak. Hindi na ako ulit iiyak nang dahil sa kanya.
No more tears to fall.
“Sure.” Sinarado ko yung notebook ko kung
saan ako nagsusulat ng draft para sa scrapbook at nilagay ko sa loob ng bag ko.
Tumayo ako at sinundan ko lang siya palabas ng room.
Alam kong pinagtitinginan kami ng classmates
namin at nagtataka kung bakit kami magkasama. Alam naman kasi nila kung ano ang
nangyari eh. It was a big deal. Not only for me, but for all of us.
Walang umiimik sa amin. Patuloy lang kami sa
paglalakad hanggang sa makarating kami sa bakanteng room. This vacant room where
I heard those hurtful words...kung saan siya sinagot ni Raya.
Nagflashback ‘yung nangyari nung araw na ‘yun
pero tinigasan ko ang expression ko.
“So anong pag-uusapan natin?” Lumakad ako
sa room habanag nakatingin sa mga upuan. As much as possible, ayoko siyang
tignan.
“All.” Nakita ko sa peripheral view ko na
umupo siya sa isang upuan.
Nanhimik lang ako at nagpatuloy sa pag-ikot sa
room. Ayokong mag-initiate ng usapan na ‘to.
“Siguro alam mo na ‘yung tungkol sa break-up
namin ni Raya.” I heard him sighed.
“Yeah. So what about it?” Narinig ko lang
‘yun sa classmate namin at base na rin sa observations ko nung hindi na sila
magkatabi ng upuan.
Another sigh from him. Nararamdaman kong
sobrang sakit ng pinagdadaanan niya ngayon. Kasingsakit nung pinagdaanan ko
dati.
“Siguro nga eto na ‘yung karma ko dahil sa
ginawa ko sa’yo.” I tried to be strong. Nakatalikod ako sa kanya dahil
ayokong makita niya ‘yung mukha ko. Deep inside, alam kong anytime ay may babagsak
ng luha sa mga mata ko kahit ayoko nang umiyak.
“And I apologize for that. I’m really sorry
Venice. Hindi ko gustong saktan ka. Sorry dahil naging selfish ako. Sorry kung
nasaktan ka nang sobra. Sorry kung hindi ko inisip ‘yung mararamdaman mo nung
mga oras na ‘yun. Sorry kasi mali ‘yung ginawa ko. I’m really sorry. Sana
tanggapin mo ‘yung apology ko. I will do everything for you to forgive me. I’m
really sorry.” He’s crying while he’s saying that. Naririnig ko ‘yung
boses niya na nagcacrack habang nagsasalita and it really hurts me. Oo, lahat
ng sinabi niya.
Umiiyak na rin ako ngayon pero nakatalikod ako
sa kanya. Para lang akong tangang nagpipigil ng luha pero wala ring saysay
dahil tuluy-tuloy silang umaagos sa mga mata ko.
“Venice…” Narinig ko ‘yung tunog ng upuan
na gumalaw. After nun, biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko alam kung anong
nangyayari kaya lumingon na ako. And I was shocked when I saw him.
“Please forgive me. Alam kong ito ‘yung dapat
kong gawin. Ito yung una kong kailangang gawin para maitama lahat ng maling
nagawa ko sa’yo, sa ibang tao.”
Nakaluhod siya sa harapan ko. Lalo na akong
naiyak nung ginawa niya ‘yun. I can’t hold my tears anymore. I can’t hold my emotions
anymore.
“Oo Ivan, sobrang sakit ng ginawa mo. Alam mo ‘yun?
Akala ko ikaw na talaga eh. Pero nagkamali ako. Nagpakatanga ako kasi naniwala
ako sa lahat ng sinabi mo. Ang sakit sakit. Sobra. Alam mo bang narinig ko ‘yung
usapan niyo ni Raya dito? Mismong sa room na ‘to? Kung paano ka niya sinagot?
Kung paano mo ko pinaasa? Kung paano mo pinamukha sa akin na reserba lang ako?
Alam mo bang balak na rin kitang sagutin nung araw na ‘yun? Alam mo ba lahat
‘yun? Hindi ‘di ba? Kasi sarili mo lang ‘yung inisip mo. Paano naman ako Ivan?
Paano naman ‘yung nararamdaman ko? Basta-basta mo na lang itatapon pagkatapos?
Ni wala man lang explanation? Ni wala man lang sorry? Ni hindi mo man lang ako
kinausap? Ganun lang yun? Alam mo bang gabi-gabi ay iniiyakan kita? Dahil mahal
na kita eh. Minahal kita pero anong ginawa mo dun sa pagmamahal ko? Sinayang mo
lang. Pinagpalit mo sa pagmamahal ng Raya na ‘yun. Alam mo ba kung gaano ako
nahihirapan sa tuwing nakikita ko kayong magkasama? Dapat ako ‘yun eh. Dapat
ako ‘yung masaya. Pero bakit ako pa ‘yung nagdusa? Bakit ako pa ‘yung nasaktan?
Wala naman akong ginawang mali ‘di ba? Wala naman akong tinapakan na tao. Ang
ginawa ko lang naman ay magtiwala sayo at mahalin ka, pero ano? Wala! Basta mo
lang tinapon ‘yun. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa nangyari. Hindi ako
makapagmove-on. Hindi ko makaya ‘yung mga nakikita ko. Ano ba kasing mali sa
akin ha? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan pagdating sa pagmamahal? Ano bang
ginawa ko sa inyo para saktan niyo ako ng ganito ha? Alam mo bang ngayon ko
lang nalabas lahat ng kinikimkim ko? For the past few months, Ivan! Sinasarili
ko lang ‘to. Ang bigat-bigat na halos iiyak ko ‘to gabi-gabi! Ang sakit sakit! Dahil ‘yun sa’yo! Dahil ‘yun sa
pagpapaasa mo! Dahil ‘yun sa mga walang kwenta mong pangako! Dahil yun sayo… ”
Halos mapaupo na ako sa sahig sa sobrang iyak at
sakit habang siya ay nakaluhod pa rin at kasabay kong umiiyak.
Hindi ko agad napansin na lumapit pala siya sa
akin at niyakap ako. Wala na akong lakas para pumiglas. Basta ang alam ko,
patuloy pa rin akong umiiyak. Alam kong bang-basa na ‘yung
polo niya dahil sa akin.
“I’m really sorry...sa lahat
Venice...sorry...”
Siguro kalahating oras kami sa loob ng room na
walang imikan. Hinihintay na tumigil ang luha namin at mga paghikbi. At least
ngayon, nailabas ko na ‘yung gustung-gusto kong ilabas dati. Hindi na masyadong
masakit.
Hindi ko alam kung nagkakaintindihan ba kaming
dalawa o ano pero sabay na rin kaming lumabas ng room na ‘yun. Alam kong
parehong mugto ang mga mata namin ngayon pero wala na akong pakialam. Gusto ko
lang ngayon ay pumunta sa kung saan.
Paakyat na kami ng hagdan paunta sa room
namin, kaso biglang...
“Oh. Look who’s here.”
Bigla naming nakasalubong si Raya…kasama si
Roj.
***