.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 1, 2015


***

“What?!” Tinakpan ko kaagad yung bibig ni Ziela dahil ang lakas ng boses niya.

“Shhh! Wag kang maingay!”

“Okay, okay. Na-shock lang ako. Pero, why?!” 

“Pinagpalit ako sa fans niya eh.”

Ganito kasi yun. Richard WAS my boyfriend last school year. Pero nung March lang naging kami. Heartthrob siya sa academy. Yeah, maraming babaeng nakaaligid diyan. Kaya nga sobrang saya ko nung niligawan niya ako. Kaso nung May, nakita ko siya na may kasamang maraming babae sa mall. At ang masaklap pa dun, dapat date namin nun! Grrr! Pinagpalit niya ako sa flings niya! Kainis!

“Naku condolences bruha.”

“Wag ako ang icondolence mo kundi siya! Isusumpa ko talaga yung hinayupak na ‘yun!”

Naku talaga! Buti crush ko pa lang siya nung sinagot ko siya. Kung hindi, emote ang drama ko ngayon.

Maya-maya ay dumami na ‘yung mga tao sa classroom. Gosh. Buti talaga nauna kami ni Ziela at nakatapat kami sa aircon!

Napalingon naman ako sa may bintana at sumama ang hangin. Naku po. Eto na naman sila! Lumalapit na naman sila sa akin! Ang kukulit talaga!

“Hi Liann! You make sali na kasi in our group! You belong there!”

“Yeah right! You are sossy naman eh, so pwede ka na.”

Ilan ba ang utak nila at hindi nila maintindihan ang salitang ‘ayoko’? My gosh!

“Sorry. Ayoko talaga eh.”

“Hay naku. Ikaw na nga ang inaaya, ayaw mo pa! You’re so arte naman!”

Eh mas maarte ka pa nga sa akin eh! Sinabi ko bang pilitin niyo ako? Kainis. Nakakasira ng umaga ang mga babaeng ‘to!

“Hmp! Low-level kasi gusto niya eh! Eh mukhang mga ewan naman yung mga nasa group mo!”

Aba! Aba! Aba! Nilalait ang group ko?! Eh sila nga mukhang mga sapatos ang mukha eh! Kung makagawa ng group akala mo talagang may mga itsura! Hmp! Eh tatlo lang ata maganda sa group nila! Kainis!

“Would you please stay away from her? She rejected your offer so fuck off,” seryosong sabi ni Zie sa kanila at napaatras ‘yung dalawa.

Naks. Tapang ng best friend ko!

“Whatever. Tara na nga!” sabay hatak nung isa sa mga kasama niya. At ayun. Lumayo na rin ‘yung tatlo! Buti naman!

“Huh! Akala mo naman kung sinong maganda! Mukha namang shrek!” sigaw ni Zie habang palayo ‘yung tatlo.

“Yaan mo na sila. Papansin lang ‘yung mga ‘yun.”

“Tss. Mga takot naman kapag sagutan. Whatever lang ang sinagot sa akin. Hahaha!”

Yan ang totoong ugali ni Ziela. Medyo may pagkamaldita pag naiinis na siya! Lalo na pagdating sa grupong yun. Nakakairita talaga kasi sila eh.

Saktong 8 AM, pumasok ‘yung teacher namin. Okay, start na ng class. As usual, mag-iintroduce sa harapan. Lagi namang ganun. Di na nagbago. Kahit kilala naman kami ng teacher namin. Pero sabagay may transferees ngayon.

“Hi! I’m Raya Casimiro, 15 years old. Let’s get along! And you can join our groupie.”

Psh. Nakakainis talaga siya. Siguro dahil member siya ng sossy group na ‘yun. Sabagay, leader ‘yung ate niya doon kaya malakas din ang influence niya.

“Good morning. I’m Ivan Vorch, fifteen. And umm, a basketball player.” 

“Yo, Jack Lazaro. Mag-fififteen sa July. Drummer.” 

“Francis Villegas po. 15 years old. Uhh, normal lang?”

Oh my gosh! Ngayon ko lang napansin na may tatlong cuties pala sa section namin ngayon! Si Ivan, kasama siya sa varsity, si Jack naman sa heartthrobs at kahit pinipilit ni Francis na normal siya ay isa rin siya sa heartthrobs! 

“Hi. I’m Ziela Angeli Willson, 15 years old. Dancer and I love fashion.” 

“Uhm, hello. I’m Venice Liann Damian. Turning fifteen. Dancer and I also love fashion.”

Nung nakapag-introduce na ‘yung huling student ay nagsimula nang magdiscuss si Ma’am. Orientation lang naman at ‘yung requirements sa subject niya. Nilista ko na rin ‘yung names ng mga iistalk ko sa facebook at twitter mamaya. Hihi. 

After ng dalawa pang subject, break time na namin.

“Zie, kakain ka ba?”

“Nope. Di ako nagugutom eh.”

“Ako rin eh! Dun na lang muna tayo sa corridor.”

Lumabas kami ng room at tumambay muna sa corridor. Since nasa third floor kami, nakikita namin yung mga tao sa baba. Ang dami nga eh. Malamang, breaktime.

Nagulat naman ako nung kinakalabit ako ni Ziela. Ang sakit na nga eh! Kalabit pa ba tawag dun?

“Bakit?”

“Ivan’s staring at you,” bulong niya.

Bigla naman akong kinabahan at pasimple akong sumilip sa loob ng room. At OMG! Nagkatinginan kami ni Ivan...tapos ngumiti siya! Ang gwapo niya!

Okay. Actually matagal ko na siyang crush. Kaso hindi ko naman siya nagiging classmate. Syempre kay Ziela ko lang naman sinasabi ‘yung mga crush ko at ganun din siya. 

“Naku ayan ka na naman, bru. Masyadong mabilis ha!”

“H-hindi no!”

Si Ziela naman eh! Alam niya kasing madali akong maattract at madali rin akong mahulog. Like kay Richard. Konting pasweet niya lang sa akin dati, kumagat agad ako. Weakness ko talaga ata ang malakas na charisma ng mga lalaki.

After that, halos araw-araw nang nagpapapansin si Ivan sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na interested din siya sa akin. Tapos ang sweet din ng gestures niya at ang gentleman niya. My gosh! Ang swerte ng makakatuluyan niya! At sana ako ‘yun!

Three weeks after, nung nasa corridor kami ni Zie, umalis muna siya para puntahan ‘yun Dad niya sa office. During that time, nakita kong lumapit sa akin si Ivan. Tumabi siya sa akin at para akong kinukuryente nung magkadikit ‘yung kamay namin.

“Uhm, Liann...”

“Y-yes?”

“I want to know more about you, and I want you to know more about me. Uhm so...” then napahawak siya sa batok niya, which I found cute. “Can I court you?”

And during that time, hindi na ako nakapag-isip ng matino.


***