.

.

Chapter 20

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

Alam ko at naramdaman kong bumigat ‘yung atmosphere sa pagitan naming apat. Nagkatinginan kami ni Roj pero iniwas ko ‘yung tingin ko.

“Wow, magkasama kayo?” Nung nagsimulang magsalita si Raya, nagsimula na akong mairita. Idagdag mo pa na sobrang badtrip ako ngayong araw kaya ang sarap mambara.

“Well obviously. Nakikita mo nga ‘di ba? Bulag ka ba?” then I raised my eyebrow.

Minsan lang ako magtaray and I think this is the best time to do it. Gusto kong manalo naman kahit minsan sa kanya. Kahit ngayon lang. 

Nakita kong nagtaas rin siya ng kilay at nagsimulang magpamaywang. Lalo lang akong nairita.

“Oh well, I don’t care. Dalawang losers, nagsama? How funny,” tapos umirap siya.

Naku! Ang sarap niyang sipain sa mukha promise!
Kung pwede ko lang hubarin ‘yung sapatos ko at ibato sa mukha niya eh. Kaso hindi pwede, baka mapunta ako sa guidance office.

Tinignan ko si Ivan at alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Raya. Loser?Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘to!
Pagkatapos ng ginawa niya kay Ivan? Minahal ba talaga ni Raya si Ivan? Or just for publicity? Naiinis ako. Parang ginamit niya lang kasi si Ivan. At alam kong masakit magamit.

“Wow ha? Loser? Look who’s talking? ‘Di ba loser ang tawag sa mga taong naggagamit ng ibang tao for their benefits?”

“Anong pakialam mo kung ginamit ko ‘yang lalaking yan? Bakit? Mahilig ka na ba ngayon sa leftovers? Yung mga tinatapon ko, pinupulot mo?”

Pagkasabi niya nun, talagang kumulo na ang dugo ko.
Ang kapal ng mukha niya! Ni hindi man lang ba niya icoconsider na nasa harapan niya ngayon si Ivan at kung makapagsalita siya ay parang wala?! Damn this bitch!

“Oh, and oo nga pala Venice—”

“Don’t call me Venice! We’re not even close. Ano ba kita?” Naririndi ako kapag tinatawag niya akong Venice.

“Then, let me call you...a loser bitch.
Pakialagaan na lang ‘yang lalaki sa tabi mo ha? Sorry nagsawa na kasi ako sa kanya eh.” Dahil sa sinabi niya, talagang nagdilim na yung paningin ko.

Lumapit ako sa kanya and I slapped her really hard to the point na may hand mark ko ‘yung pisngi niya at halos mamanhid din ang kamay ko sa sakit. Namilipit siya sa sakit at ako naman ay nasatisfy. Serves her right.

“Ubos na ubos na talaga ang pasensya ko sa’yong babae ka!
Para ‘yan sa mga masasakit na salitang binitawan mo kay Ivan! Tao ka ba talaga ha? Bakit ang asal hayop mo? Minahal mo ba talaga siya ha? Asal hayop ka talaga!”

I slapped her again, this time, sa kabilang pisngi. Harder than the first.

“Yan! Para kay Ziela! Ang kapal rin ng mukha mo para sisihin siya sa break-up niyo? Wala siyang ginagawang masama sayo pero dinadamay mo siya sa inyo? O gusto mo lang talagang humanap ng dahilan para magbreak kayo?!
Bobo ka ba para hindi mapansin na pinagseselos ka lang ni Ivan? Wala ka bang utak? Bakit hindi mo ginagamit, ha?! Nabubulok lang ba ‘yan sa ulo mo?!”

“You bitch—!” Naramdaman ko na lang bigla ‘yung kamay niya sa buhok ko kaya lumambitin na rin ako sa buhok niya. Wala na akong pakialam kung ma-guidance ako or what, ang gusto ko lang ay makalbo ‘tong impakta na ‘to. Lumabitin talaga ako, literally, sa buhok niya. Hinahatak ko pababa at tinuhod ko rin ‘yung sikmura niya. Gusto niya ng pisikalan? Fine!

“You asshole! Get your hands off my hair!” She’s crying in pain as I pulled her hair downwards.

“Then get your hands off my hair too! You bitch!” tapos binitaw ko ‘yung isa kong kamay sa buhok niya at sinampal ulit siya.

Alam kong kanina pa kami inaawat nina Roj at Ivan pero hindi nila magawa dahil talagang magkadikit na ‘yung ulo namin sa pagsasabunutan.

“Venice, tama na. C’mon!” Narinig kong sabi ni Ivan sa akin habang nakahawak siya sa bewang ko at hinihila ako palayo kay Raya.

“Raya, stop!” Ngayon ko lang narinig na magsalita si Roj. Hindi ko siya makita dahil nga nakayuko na ako dahil sa pagsasabunutan namin ng bruhang ‘to.

“You bitch! Walanghiya ka talaga!” sigaw ni Raya at naramdaman kong lalong humigpit ‘yung hawak niya sa buhok ko kaya mas hinigpitan ko rin ‘yung hawak sa buhok niya at saka ko hinila ng sobrang lakas to the point na mapasigaw na siya sa sobrang sakit. ‘Yung ulo ko rin masakit na pero ayaw kong sumigaw dahil ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako.

“What’s happening here?!” Naalarma ako sa sigaw na ‘yun, at boses pa lang, alam kong si Mrs. Catimbang ‘yun. Yung prefect of Discipline namin.

“Both of you, go to my office! NOW!” Nakatingin lang siya sa amin at talagang nanlilisik ang mga mata.

“I said NOW! Or you want me to call your parents?”

Nung sinabi niya ‘yun ay napasunod agad ako sa kanya. Ayokong malaman ‘to ni Daddy. Ayaw kong madisappoint siya sa akin. Kaya kahit nakakahiya dahil sabog-sabog ‘yung buhok ko at puro kalmot ‘yung mga braso ko ay lumakad na ako.

“Mr. Vorch and Mr. Morales, pumunta rin kayo sa office ko mamaya after nila. Clear?!” tapos naglakad na siya at ako naman ay nakasunod sa likod niya habang inaayos ko ang buhok ko. Si Raya, sumusunod rin yata pero padabog. May naririnig kasi akong hikbi sa likod ko eh. Ngayon iiyak-iyak siya? Sana pala mas lalo kong pinanggigilan ‘yung buhok niya para humahagulgol siya ngayon.

Ang daming estudyanteng nakatingin sa amin habang naglalakad kami sa corridor at hanggang makapasok kami sa office ni Mrs. Catimbang.

“Maupo kayong dalawa.” Natatakot ako sa boses niya. Sobrang galit kasi.

Umupo ako dun sa may pinakadulong part ng sofa sa room niya habang si Raya ay sa kabilang dulo.

“Ano bang pinaggagawa niyo sa corridor ha? Hindi niyo ba naisip na pinapahiya niyo ang sarili niyo sa harap ng maraming tao? Kababae niyo pa naman tapos ganun kayo kumilos?”

Simulang sentence niya palang, gusto ko nang umiyak. This is actually my first time in her office. Hindi naman kasi ako yung tipong naguguidance eh. Ngayon lang talaga. Nakakahumiliate pala.

“Siya po ‘yung nagsimula nun, Ma’am!” bigla akong tinuro ni Raya habang umiiyak siya. Ngayon ko lang rin nakita ‘yung mukha niya after ng 
‘sagupaan’ namin. Sobrang gulo ng buhok niya, pulang-pula ‘yung mga pisngi, puro kalmot sa mukha pati sa braso at may pasa sa bandang noo.

“Ako pa? Eh ikaw nga ‘tong nag-initiate.” sabi ko sa kanya sabay irap.

“ENOUGH! Both of you, shut up!”

Napayuko agad ako dahil dun. Pinigilan kong wag umiyak sa harapan nila.
Ayokong umiyak na naman. Tinanggal niya ‘yung salamin niya at humarap ulit sa amin.

“I’m going to call your parents for this. Nakakadisappoint ang ginawa niyo.”

Napatingin ako bigla sa kanya. Tatawagan niya si Dad? Oh God. No! No way!


***