.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

“Ma’am wag naman po oh. Ayaw ko pong madisappoint si Daddy sakin.” Halos paiyak kong sabi sa kanya.

“You think hindi madidisappoint ang Daddy mo kapag nalaman niya pa ‘to sa iba? Ms. Damian, gumawa ka ng bagay na alam mong makakasira sa image mo pero ginawa mo pa rin. You should take the consequences.”

Pinipigilan kong wag maiyak. Ayokong umiyak sa harap ng ninuman. Ayokong makita na naman nila yung kahinaan ko.

Si Raya ay parang walang pakialam kung matawag man yung parents niya. Sabagay, minsan ko na ring nakita na naguidance siya. Siguro nga hindi na big deal sa kanya ‘to.

Pero sa akin, oo. Napakabig-deal. First time. First time kong makapunta dito sa guidance office. Naiiyak na talaga ako. Ayoko namang mapatawag si Daddy ng dahil lang dito. Nakakahiya.

Alam kong madidisappoint siya. At kapag naiisip ko ‘yun, nakakaramdam ako ng guilt. Sobrang mahal ko si Daddy kahit hindi halata kaya ayaw kong nagkakaproblema siya nang dahil sa akin.

“Ma’am please? Kahit ano po gagawin ko ‘wag niyo lang pong ipatawag si Daddy.” Halos magmakaawa na talaga ako sa harapan niya. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harap ni Raya at ni Mrs. Catimbang.

“Tss. Ang corny mo ha?
Para kang sira dyan na nagpeplead para lang sa tatay mo,” sabay irap niya sa akin. At syempre, nairita ako sa sinabi niya. Bakit ba ang foul ng mga lumalabas sa bibig niya? Ang sarap sabunin para luminis naman kahit konti.

“Ako kasi, may pakialam ako sa parents ko.
Ayokong madisappoint sila dahil sa reckless actions ko. Di tulad mo. Ang sama na nga ng pagmumukha mo, ang gaspang ng ugali mo, ang sama pa ng tabas ng dila mo. Now I’m wondering, tao ka ba talaga? O hayop na feelingera?” Pagkatapos ko ‘yung sabihin ay humarap na ulit ako kay Ma’am na halata namang napeperwisyo na sa bangayan namin ni Raya.

Alam ko ring kanina pa nanggigigil sa akin si Raya kaya pasalamat ako at nasa guidance kami. Safe pa rin ako kahit papaano.

“Okay, I’ll forgive you for this incident. Pero hindi ibig sabihin ay walang punishment ang ginawa niyo. Detention for one week, okay? Tuwing uwian, maiiwan kayo para tumulong sa preparations for the promenade. Is that clear?”

“What?! Detention?! No way!” Napatayo talaga si Raya nung sinabi ni Ma’am ang detention at umangal siya dahil dun.

“Want me to call your parents, Ms. Casimiro?” Nakataas ang kilay ni Mrs. Catimbang habang tinatap ‘yung ballpen niya sa lamesa. Bakit kapag ginagawa niya ‘yung gesture na yun ay parang kinikilabutan ako? Para siyang magtatransform into some deadly beast.

Ako naman, tumango na lang ako. Baka bigla pang magbago ‘yung isip niya.

“Ugh!” Yeah. The sound of defeat.
Napangiti ako nung ginawa ‘yun ni Raya. Akala niya ha?

“Sige na. Umakyat na kayo at late na kayo sa class niyo.”

Pagkasabing-pagkasabi ni Ma’am nun ay nagmartsa agad palabas si Raya.
At take note, padabog pa. Napakawalang modo talaga nung babaeng ‘yun.

Ako naman ay dahan-dahan lang sa pahglalakad dahil ayokong maalog ‘yung ulo ko. Masakit pa rin talaga siya sa kakasabunot nung bruhildang Raya na ‘yun! Feeling ko ay kapag gumalaw ako nang gumalaw ay matatanggal lahat ng buhok ko eh. Parang nag-loosen lahat ng strands.

Kasabay pa ng pag-inda ko dun sa sakit ng ulo ko ay ‘yung iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Daddy. Bwisit kasing Raya ‘yun eh. Naubos ang pasensya ko sa kanya kaya ko nagawa ‘to!

Pano kung magalit sa akin si Daddy?
Pano kung madisappoint siya ng sobra? Pano kung— 

“Ouc—sorry po! Sorry talaga!”

Pinulot ko ‘yung mga papel na naglaglagan dahil may nabangga ako at nabitawan niya ‘yung mga gamit niya. Sa sobrang kakaisip ko kasi ng pwedeng mangyari ay hindi ko nakita na may mabubunggo na pala ako. Naman Venice! Tanga-tanga!

“Okay lang.” Halos mawalan ako ng oxygen sa katawan nung narinig ko yung boses nung nabangga ko. No way. Binilisan ko ang pagpulot sa mga nagkalat na papel sa corridor at inabot ko sa kanya ng hindi nakatingin sa kanya.

“O ito,” tapos nilagpasan ko na siya. Bakit sa lahat ng taong pwedeng makabangga ay siya pa?

“Galit ka ba?” Naramdaman ko ‘yung kamay niya sa mga braso ko. Ewan ko pero parang nakuryente ‘yung buong pagkatao ko nung ginawa niya ‘yun.

“Pwede ba Roj? Ano ba sa tingin mo?”

Oo galit ako sa kanya. No. Scratch that.
Nagtatampo ako sa kanya.

Kasi ako ‘yung kaibigan niya eh. Ako ‘yung close niya tapos kay Raya siya sumasama at kumakampi.
Sinong ‘di masasaktan dun? Hindi pa nga kami ayos ni Ziela tapos pati siya mawawala rin sa akin. Nakakainis! Ano bang problema sa akin? Lahat na lang sila nawawala!

“Venice…”

“Roj, alam mo tama na. Tapos na naman ako sayo eh. Nagamit na kita. Bumagsak na sa
spotlight si Ivan. Tapos na. Kaya pwede ba, layuan mo muna ako.” Bigla niyang binitawan yung braso ko pagkatapos ko yung sabihin, at alam ko, nasaktan ko siya sa mga sinabi ko.

Hindi ko rin naman gustong sabihin yun eh.
Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Maski ako nagulat sa ginawa ko. Pero kasi…

Ayaw ko lang muna talaga siyang kausapin. Ayoko munang makisama sa mga tao ngayon. I need to find myself first.

Paalis na sana ako kaso may sinabi siya na halos magpatigil ng mundo ko.

“Welcome. Alam ko namang ginamit mo lang ako. Salamat na rin pala sa pagbago sa akin.
Nakinabang rin naman ako sayo. Sige.”

Nagulat talaga ako. Sobra.

Parang nalaglag ‘yung puso ko nung sinabi niya ‘yun. Sabayan mo pa na naglalakad na siya palayo sa akin. Gusto ko siyang pigilan pero…

Hindi ko kaya
.

Bakit ganito? Ako na naman ba ang may kasalanan? Bakit ang sakit nung mga sinabi niya? 

Gusto ko siyang habulin para magsorry pero parang dumikit yung mga paa ko sa lupa.

Gusto ko siyang sabihan na joke lang ‘yun at namimiss ko na siya pero parang umurong ‘yung dila ko.

Gusto ko siyang sabihan na nagtatampo lang naman ako pero parang hindi ko kaya.

Roj, sorry na. Hindi ko naman intensyon na sabihin ‘yun eh.

Kasalanan ko na naman.
Katangahan ko na naman. Lagi na lang, Venice.

Wala na siya sa paningin ko. Pumasok na siya sa isang room sa first floor. Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa room.

Pero kasabay ng unang hakbang ko, ay tuluy-tuloy na nagsipatakan ang mga luha ko.


***