.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako. Ayoko na dito sa school. Ayoko nang makita ‘yung mga tao dito. Ang dami ko lang naaalala.

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at humiga. Hindi muna ako nagbihis at nakatulala lang sa kisame. Ngayon lang nagsisink-in lahat ng nangyari sa akin sa buong school year. Gusto kong umiyak pero parang naiyak ko na lahat kanina. Wala na ba talaga akong matinong gagawin bukod sa pag-iyak?

Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit ganito?

Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko ngayon. Kahit ilang beses ata akong umiyak, wala pa ring mangayayri. Masakit pa rin.

“Ven, pahiram nga ako ng—”

Napatingin ako sa pintuan at nakatayo doon si Ate. Nakatingin lang sa akin at alam kong magtatanong na naman ‘yan kung bakit ganito ang itsura ko—mugto ang mata, gulu-gulo ang buhok at wala sa sarili. Tumalikod ako pero naramdaman kong papalapit siya sa akin.

“Venice.” Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at hinawakan ‘yung balikat ko.
Sa gesture na yun, parang lahat ng pinipilan kong luha ay nagpupumilit na lumabas.

At di nga ako nagkamali, 
umiyak na naman ako.

“Ate!” Napatayo ako at napayakap sa kanya. Hindi ko na talaga kaya ‘tong sakit. “Ate, b-bakit ganun? Ang...ang sama-sama ko ba? A-ate...”

Niyakap ko siya nang sobrang higpit to the point na sobrang basa na ng damit niya kakaiyak ko. Siguro ito na ang pinakamatindi kong iyak ngayong high school.

“Shh. Sige andito lang si Ate. Iiyak mo lang lahat. ‘Di kita iiwan.”

Di kita iiwan.
 

Those words.

Pagkarinig na pagkarinig ko nun, mas umiyak ako. Sana nga wala ng mang-iwan sa akin. Lahat kasi sila, iniwan n
a ako. Lahat sila, umalis na sa tabi ko. Sino na lang ang magiging kakampi ko?

“Ate mag-isa na lang ako.
L-lahat sila iniwan ako. M-may mali ba sa akin? Pano na lang ako, Ate? Anong gagawin ko?” Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok at likod ko. Pakiramdam ko ngayon ay may kakampi ako. May kasama ako.

“Venice alam mo, ‘di ka naman talaga nag-iisa eh. Malay mo nandyan pa rin sila. Malay mo hinihintay ka lang talaga nila. Hindi naman basta-basta binabalewala ang pagkakaibigan. Hindi ‘yan basta-basta nasisira. At isa pa, nandito kami. Nandito kaming pamilya mo. Pwede ka namang mag-open up sa amin eh. Pwede mo kaming iyakan. Para naman kahit papano ay mabawasan ‘yung sakit.”

Alam ko ‘yun. Kaya nga sobrang thankful ako kay God at sila ang pamilya ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang isipin lahat-lahat. Lahat ng masasakit na nangyari sa akin.

“Pero alam mo, mas mabuting iiyak mo na lahat. Iiyak mo na lahat ng sakit ngayon. Ilabas mo lahat ng lungkot, galit at sakit. Minsan kasi, ‘yun na lang talaga ang paraan para mas gumaan ang pakiramdam natin. Iiyak mo lang lahat. I’ll be your handkerchief for today,” saka niya ulit ako niyakap.

Wala naman akong nagawa kundi umiyak. Bakit ba kung kelan ayaw mo ng umiyak, at saka may nagtutulak sa’yong umiyak? Ang sakit sakit na ng mata ko. Nakayakap lang ako sa kanya ngayon at basang-basa na ang damit niya sa dami ng luhang pumapatak.

“Can you tell me, how can one miss what she’s never had?
How could I reminisce when there is not past?
How could I have memories of being happy with you, boy?
Can someone tell me how can this be?”

Nung kumanta si Ate, naramdaman kong umiiyak na rin siya. Nagcacrack na kasi ‘yung boses niya.
Sa kanta niya, ramdam na ramdam ko ‘yung lungkot sa boses niya.

“How could my mind pull up incidents
Recall dates and times that never happened?
How could we celebrate love that’s too late
And how could I really mean the words I’m about to say?”

Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Alam kong kailangan niya rin ‘to ngayon. ‘Di man halata na may problema siya, alam ko. Nararmdaman ko. Siguro ayaw niya lang makisabay sa pag-iyak ko. Alam kong may problema rin siya.

“I miss the times that we almost shared
I miss the love that was almost there
I miss the times that we used to kiss
At least in my dreams just let me take my time and reminisce” 

Habang kinakantahan niya ako, sobrang nalulungkot rin ako para sa kanya. Gusto ko rin siyang icomfort pero ‘di ko kaya ngayon. Sarili ko nga, ‘di ko magawang patahanin. ‘Yung iba pa kaya?

Ang alam ko lang, nakatulog ako sa pagkanta niya.

“I love you, Ven. Kaya natin ‘to. I know you’re strong. So am I. Good night.” ‘Yun ang huling narinig ko sa kanya bago ako nakatulog.

***

Start the day right.

Walang dapat isipin. Magpapaka-GC nalang ako.
Itutuon ko na lang kahat ng pansin sa grades ko. Baka bumaba ako dahil sa stress.

Tutulong nga pala ako ngayon sa preparation ng JS namin dahil ‘yun ang punishment.
Actually, 2 days na lang talaga at JS prom na. Pero bakit ganun? ‘Di ko mafeel. ‘Yung classmates ko, kinikilig dahil daw inaaya sila ng mga crush nila na maging date for that night.

Okay. Eh di sila na.

Actually dito lang sa school gaganapin yung JS. Meron kasi kaming hall for events like JS. Pumunta ako sa Event Hall at tinanong ko sa mga coordinator kung anong matutulong ko.

Actually, naeexcite rin ako sa pagdedesign. Kasi nga, passion ko ‘yun. Mahilig akong magdesign. Pinaayos sa akin ‘yung balloons and curtains. Ang cute nga ng mga kulay eh. Nagbeblend talaga.

Habang nag-aayos ako ay nakikinig lang ako sa usapan nung mga coordinator. Super kinacareer talaga nila ang pag-aayos kaya natutuwa ako. Kaso napatingin kaming lahat nung may pumasok sa pintuan.

“Ms. Gabriel, tawag po kayo ni Ma’am Ferrer,” sabi nung babaeng pumasok.

“Ah okay, sige pupunta na ako,” sabi naman ni Ms. Gabriel, ‘yung head coordinator for the JS Promenade.

Kaso hindi ako nakatingin sa kanya kundi dun sa nagsalita. Parang bumigat na naman ‘yung puso ko. At mas nagulat ako nung napatingin siya sa akin.

“Ven...”

Namiss ko ‘yung boses niya habang tinatawag ang pangalan ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero ‘di ko magawa.

In the end, nginitian ko lang siya at bumalik na sa pag-aayos.

Zie, miss na miss na kita.


***