.

.

Chapter 24

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

Busy ang mga tao. Halos lahat tumatakbo. Halos lahat kumikilos nang mabilis. Pageant na kasi ngayon.

Andito lang ako sa labas ng room, nakasilip sa quadrangle kung saan gaganapin ang pageant. Nakaset-up na ‘yung stage, mga upuan at lahat lahat. Umaga pa lang pero hindi na magkandaugaga ang mga tao sa school. ‘Yung mga classmate ko, inaayos ‘yung banner para kay Ziela at Roj.

Napatalon naman ako nung nagvibrate ‘yung phone ko. Akala ko text lang, pero may tumatawag pala kaya sunud-sunod yung vibration.

“Hello?”
“Ven! Kinakabahan ako!”

Si Ziela pala. Wala pa ngayon ‘yung contestants sa school dahil busy silang ayusan at lagyan ng style para sa pageant.

“Ano ka ba, kaya mo yan! Self-confidence lang, Zie.”

“Heh! Palibhasa kasi ikaw nanalo ka na last year kaya parang wala lang sayo.”

Naalala ko tuloy last year. Sobrang kabado rin ako nun before the pageant. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oo alam ko nagmomodel ako pero iba naman ‘to. Pero may sinabi sa akin si ate na sobrang nakatulong para manalo ako.

“Ven, stay focused. Wag mong hayaan na mapahiya at tawanan ka ng mga tao. Ipakita mo sa kanila na magaling ka. Besides, may advantage ka sa kanila. Nagmomodel ka. Oh and lastly, ENJOY. Isipin mo na lang, hindi ito competition kundi entertainment lang.”

Dahil dun, nagawa kong manalo. Yung nanalo sa boys ay actually fourth year na ngayon, si kuya Gab.

“Huy bruha! Andyan ka pa ba?” Naalala ko na nakikipag-usap pa nga pala ako kay ZIe.

“Ah, sorry. Ano nga ulit ‘yun?” ‘Di ko na kasi narinig yung iba nyang sinabi dahil inalala ko yung sinabi ni ate dati.

“Hay naku di pala nakikinig. Tsk. Sabi ko punta ka rito.
Ikaw mag-ayos sa akin. I trust your taste. Sige, bye!” 

Binabaan ako? Ayos ‘yun ah?

At dahil nga boring dito sa school at mukhang wala naman na akong maitutulong sa classmates ko, kinuha ko ‘yung bag ko sa room at bumaba na.

Nung nasa gate na ako, bigla akong hinarang nung guard.

“Bawal na pong lumabas.”

Medyo nagpanic ako nun dahil akala ko ay pwedeng maglabas-pasok sa school pag may ganitong contest. Pero dahil pilya ako, nakaisip agad ako ng paraan.

“Pinayagan ako ni Mr. Wilson lumabas dahil pinapapunta niya ako sa bahay nila.”

Tinaasan lang ako ng kilay ni Manong Guard at feeling ko ay hindi siya naniniwala kaya tinawagan ko si Zie at niloudspeaker pa.

“Oh ano na Ven? Asan ka na?”

Tinignan ko ng nakakaloko si Manong Guard. “Eh ayaw akong palabasin ni Manong Guard.”

“MANONG!” Nagulat ako nung sumigaw si Zie sa phone. Buti na lang talaga at hindi nakadikit sa tenga ko kundi ay baka dumugo na ‘yun ngayon.

Nakita kong natakot ‘yung mukha ni Manong kaya agad-agad niyang binuksan ang gate. Pinigilan ko na lang ‘yung tawa ko dahil baka magdalawang-isip pa siyang palabasin ako.

“That was cool, Zie.”
“Well.”
This time, ako naman ang nagbaba ng phone. Hah! Gumanti lang ako sa ginawa niya kanina. Nung makalayo na ako sa school ay sumakay ako agad ng tricycle since malapit lang naman ‘yung bahay nila Zie sa school.

At alam ko naman kung paano magbayad sa tricycle.

Nung nasa loob ako ng tricycle, nagflaskback ulit kung papano kami naging magkaibigan ni Ziela. ‘Yung dahil sa binigyan ko siya ng
Chuckie. Nakakatawa lang. Dahil sa simpleng chocolate drink ay nahanap ko ang best friend ko. Tapos biglang nagflash sa utak ko na may binigyan din ako dati nung first year ako. Binigyan ko siya ng—err nevermind. Nakalimutan ko na. Basta ang hilig kong mamigay ng pagkain kapag may nakikita akong batang nalulungkot. Kasi sabi sa amin dati ni Daddy, ang pagkain daw ay nakakapagpasaya ng isang tao. Kaya kung gusto mong mapasaya ang isang tao, bigyan mo ng pagkain.

Oh well, naalala ko lang bigla.

Wala pa sigurong five minutes ay nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Since kilala naman nila ako at lagi akong nandito during our elementary days at hanggang ngayon ay pinapasok na nila ako. Feel at home nga ako eh. Pakapalan na ng mukha.

“Zie!” Tumakbo agad ako dun sa sala nila kung saan siya inaayusan.
Ang daming nakapalibot sa kanya. Meron para sa buhok, sa mukha, sa kuko sa kamay, sa paa.

“W-wait! Wait lang!” then tumayo siya at hinanap ako. “Ven! Whoa, akala ko hindi ka dadating!” Hinila niya ako kung saan siya inaayusan at pinatayo niya ako malapit sa kanya.

So anong gagawin ko rito? Mukhang nabasa niya ang expression ko kaya tinawanan niya lang ako. Kung batukan ko kaya ang babaeng ‘to?

“Observe mo ginagawa nila.
Dapat bagay sa akin ha! Kundi, ikaw may kasalanan kapag pangit ako mamaya sa pageant.”

“Oo na, oo n—”

“Kahit ano namang gawin nila sayo, maganda ka pa rin.”

Napatingin ako sa nagsalita at hindi ko alam kung matatawa ako o hindi kasi biglang namula ‘yung pisngi ni Zie.

“Bakit ka nandito?!”

“Checking my...fiancée, I guess.”

At ayun, naghabulan sila sa buong sala. Maganda ‘yan. May contest pa talaga mamaya eh. Oh well, si Ivan nga pala ‘yung dumating. Akala ko nga masasaktan na naman ako, pero wala na akong naramdamang sakit. Siguro nakatulong na rin sa pagmomove-on ko ‘yung confrontation namin dalawa. At actually, medyo kinikilig ako sa kanila ngayon. Nakakatuwa kasing makita ‘yung namumulang mukha ni Ziela.

Naalala ko bigla, sabi ni Ziela dati, pag daw nanalo si Ziela sa contest, hindi na sila engaged.
Effective pa kaya ‘yun? Oh well, hindi ko na lang tatanungin.

Nung mabatukan na ni Ziela si Ivan ay saka siya bumalik sa pwesto niya para ayusan.
Kami naman ni Ivan ay umupo doon sa couch na malapit kay Zie. 

“So, kamusta ka naman?” Nagulat ako nung bigla akong kinausap ni Ivan.

“Hmm, okay lang. I guess.” At least ngayon, nakakapag-usap na kami. Hindi tulad dati na makita ko lang siya ay umiiyak na ako.

“Well I guess, not.” Napatingin ako agad sa kanya dahil sa sinabi niya. At wala akong nagawa kundi ngumiti nang malungkot. Sabi ko nga marunong siyang manghula.

Saglit lang din ay tapos ng ayusan si Ziela at kulang na lang ay ‘yung damit niya. Ako ‘yung hinayaan niyang pumili para sa kanya since may trust daw siya sa taste ko. Simple lang ‘yung pinili ko para magmatch sa simplicity niya. Black gown yung napili ko para angat ang beauty niya. Tapos strong make-up para match sa gown niya. And wow, ang fierce lang ng dating niya. At dahil nandito na raw din lang naman ako ay magsuot na rin ako ng gown. Ako naman ay nagback-out dahil nakakahiya. Papasok ako sa school ng naka-gown at hindi naman ako contestant?! 

Tsaka niya pinaalala,

“Ven, ikaw kaya ang magpapass ng crown!”

Halos nanlaki ‘yung mata ko nun. “OH MY GOD. Oo nga!” Nakalimutan ko na kailangan ko rin pa lang magbihis para sa entrance at awarding! Oh men! Hindi kasi ako nagchecheck ng phone these past few days! Panigurado ang daming text ni ate Aubrey sa akin.

Dali-dali akong naghanap ng pwedeng isuot sa closet ni Zie na puro gown. Wow lang, last minute naghanap? Ang adik ko talaga.

Nag-end up ako sa isang red na gown na may design na roses at isang white gown na backless. Bahala na. Eto nalang ang nakikita kong matino para sa akin. So ayun, inayusan rin ako ng mga nag-ayos kay Ziela. Ang una kong isusuot ay ‘yung white na gown tapos para sa awarding ay ‘yung red.

After nun ay ready na kami. Actually, 2 PM na and magsstart ‘yung program by 4. Great, maaga pa. Paalis na sana kami kaso biglang sumigaw si Zie.

“OH MY GOD. Damn.” Hindi ko alam kung anong nangyayari pero alam kong nagpapanic siya. “Ivan, mauna na kayo ni Ven. Dali!” tapos pinagtutulakan niya kaming dalawa sa pinto. Anong problema ni Ziela?

“Bakit ba Zie? Pwede naman tayong pumunta doon ng sabay-sabay ah?” sabi ko sa kanya dahil nagtataka lang talaga ako.

“Eh kasi...b-basta! Mauna—”

Biglang bumukas ‘yung pinto at lahat kami ay napatingin doon. Tinignan ko si Ziela at nakita kong napayuko siya at napailing.

“Ziela, tara na—” sabi nung nasa pintuan na napatingin rin sa akin.

Halos manigas na naman ‘yung buong katawan ko sa presensya niya. Bakit siya nandito?

“Roj.” Bigla kong nabanggit ang pangalan niya. Yung pangalan ng taong...
namimiss ko na.


***