.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

“Sorry. Nakalimutan kong sabay pala kami ni Roj na pupunta dun para makapagrehearse pa kahit kaunti.” Napatingin kaming lahat kay Ziela na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

Wow. What an awkward moment between the four of us.
Ni walang nagsalita. Lahat nakikiramdam. Lahat tahimik. Pero biglang binasag ni Ivan yung katahimikan na ‘yun.

“C’mon Ziela. I think they need some...space. And so are we.”  Biglang hinila ni Ivan si Ziela palabas ng bahay at nakita kong may kotse palang dala si Ivan. Nakatingin lang sa akin si Ziela hanggang sa makapasok siya sa kotse ni Ivan at nagmouth siya sa akin ng isang 
‘Sorry’.

Habang kami ni Roj dito ay nakatayo lang.
Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Nahihiya ako sa kanya. Guilt is killing me right now. Sa lahat ng nagawa ko. Dahil ginamit ko siya. Pinagsalitaan ko siya ng masama. Tapos—

“C’mon. Baka malate tayo,” tapos bigla niyang hinawakan ‘yung wrist ko. Hindi ko alam pero naramdaman ko na naman ‘yung kuryente na ‘yun. Pag tuwing hahawakan niya ako o kahit madikit lang ako sa kanya.

Umupo ako doon sa likuram, habang siya...teka...

“Ikaw ang magdadrive?!” Halos napatayo ako sa loob ng kotse dahilan para mauntog ako. “Ouch!”

“Yeah. Marunong ako. Don’t worry wala namang manghuhuli sa atin dito. Subdivision naman ‘to. At isa pa, malapit lang naman ang school.”

Ngayon ko nalang ulit siya narinig magsalita nang matagal. Napatingin lang ako sa mga mata niya at saka umiwas ng tingin. Nakakainis naman si Ivan eh! Sana sa kanya na lang ako sumabay! At least hindi ganito ka-awkward.

Sinimulan niyang paandarin ‘yung kotse habang ako, nakaupo lang sa likod, nilalaro ‘yung damit ko. Pero napatingin ako sa salamin sa harap ng kotse. Nakatingin lang ako dun at tinitgnan ‘yung mukha niya sa pamamagitan nun. Napangiti ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Nagpanic ako nung bigla siyang tumingin rin sa salamin. Hindi ko alam kung nakita ba niya na tinititigan ko siya o hindi. And I prefer the second one.

Hindi na ulit ako tumingin sa salamin at sa labas nalang ako tumingin...hinihintay na sana ay nasa school na kami. At wala pang five minutes, ay nakarating din kami. Nakita ko na hinihintay kami ni Ivan at Zie sa gate. Now I wonder, ano kayang pinag-usapan nila sa loob ng five minutes? Nanahimik lang rin ba sila tulad nung sa amin? Hay.

Bubuksan ko na sana ‘yung pinto kaso biglang may nagbukas na para sa akin. Sino pa ba, eh di si Roj.

“T-thanks,” sabi ko sa kanya at saka ako lumabas. Pero bago pa kami makalapit kila Zie ay nilakasan ko na ang loob ko para magsalita ulit.

“By the way, goodluck,” tapos ngumiti ako ng kaunti. And ayun na nga, naghiwa-hiwalay na kami ng landas after pumasok sa gate.

Dumiretso ako sa back stage kung saan andun si ate Audrey, yung coordinator ng pageant.

“Ate Audrey.” Tinawag ko ‘yung attention niya at napatingin naman siya sa akin.

“Oh Venice buti andito ka na! And wow, you look...splendid.”

“Thank you.” 

Tinuro niya lang sa akin kung paano ako papasok sa stage para sa entrance kasama ng mga contestants. Kasama ko na rin ngayon si kuya Gab na kapartner ko para sa pag-akyat mamaya.

“Wow, ang ganda mo pa rin baby Venice.”

“Mana syempre sa gwapo kong daddy Gab.”

Then nagtawanan kami. Naging close kami ni kuya Gab during the pageant last year. Daddy ang tawag ko sa kanya at dahil anak-anakan niya ako ay baby ang tawag niya sa akin.

Maya-maya lang ay narinig na naming ‘yung MC na nagsalita.
Kasama na rin namin ngayon ang mga contestants. Hindi ko na nagawang hanapin si Zie o si Roj dahil magsisimula na talaga.

“Let’s all welcome, Mr. and Ms. Amarrison 2010 and the 24 candidates!”

Halos wala na akong marinig kundi yung sigawan at palakpakan ng mga tao matapos magsalita yung MC at nag-cue na para pumasok kami sa stage. Inalala ko lang ulit ‘yung sinabi ni ate dati at rumampa na ako sa stage. Ang daming tao!

Maya-maya lang at lahat kami ay nasa stage na. Kaming dalawa ni kuya Gab ay nasa unahan tapos yung 24 candidates ay nasa likuran namin. At ang ikinagulat ko ay nung lumapit ‘yung dalawang MC sa amin ni kuya Gab.

“So. Anong maipapayo niyo sa ating mga candidates ngayong year?” then iniabot ‘yung mic kay kuya Gab.

“Well, give your best shot, guys. Minsan lang makita ng mga tao ang talent niyo kaya dapat, itodo niyo na. At syempre, don’t forget to wear the best accessory for this pageant, your smile,” tapos nagpalakpakan ang mga tao. Ang ganda ng sinabi ni kuya Gab. No wonder siya ang nanalo bilang Mr. Amarrison last year.

“And how about you, Ms. Damian?” then iniabot din sa akin yung mic.

“Just prove to all of the people here, that you are worth clapping and cheering for. And of course, don’t think of this as a contest, but as an entertainment. All you should do, is ENJOY and SMILE.” 

“Wow partner. No wonder they won the last Mr. and Ms. Amarrison! They’re great speakers!”

“Of course partner! They’re the best and they look awesome just by standing there!”

At nagtawanan naman ‘yung audience. After nung introduction na ‘yun ay agad kaming bumalik sa backstage habang ‘yung ibang contestants eh bumalik sa kani-kanilang room dahil ‘yun ang magiging prep room nila.

At dahil gusto rin naming manood ni kuya Gab ay pumunta kami sa audience area at naupo sa pinakaunahan. Gusto kong mapanood ‘yung mga contestants at kung paano nila paghihirapang makuha yung attention ng jury at ng audience.

Sports wear na nga pala. At hindi ko natanong kay Zie kung anong isusuot niya. Oh well, papanoorin ko na lang. Alam ko namang kaya niya ‘yan at mataas rin naman ang self-confidence niya.

Isa-isang rumampa ‘yung contestants mula first year hanggang fourth year. Ang cute nga ng isang second year dahil nagcowgirl siya at super cute niya. Ang daming nagpalakpakan sa kanya. Pati ‘yung partner niya na syempre nakacowboy naman. Maya-maya lang ay third years na. Syempre sina Zie at Roj ang mauuna since kami ‘yung first section. Tumahimik muna ang mga tao. Parang pati sila kinakabahan.

“Now, from III-Diamond! Ms. Ziela Angeli Wilson and Mr. Roelle James Morales!”

Pagkapasok na pagkapasok nila, halos mabingi ako sa dami ng sumisigaw at sa lakas ng palakpakan. Napapalakpak lang rin ako sa kanila.

Wow.

Beach or swimming ang theme nila. Si Ziela nakatwo-piece pero nagsuot siya ng maikling shorts at nakabukas yung butones. Si Roj naman, half-naked. I mean, nakashorts lang siya, and infairness ang ganda ng katawan nilang dalawa.

“Whoa! Now we’ve got a sizzling pair here!” sabi ng MC na namangha rin sa ginawa nila Zie at Roj. And I know na nag-eenjoy sila. ‘Di nila mapigilang mapangiti after nilang makita ‘yung impact ng ginawa nila. Now the audience and the jury remember them.

Biglang may umupo sa right side ko. Bakante kasi ‘yun at si kuya Gab naman ay nasa left side ko.

“Now now, she’s gourgeous.” 
Natawa ako habang sinasabi ‘yun ni Ivan. Feeling ko nagseselos siya dahil ang daming lalaki ang nakapansin kay Ziela dahil sa ginawa niya ngayon.

“It’s okay. Fiancee mo naman eh, right?” then nginitian ko siya.

“Not after this night,” tapos bigla siyang ngumiti pero alam kong malungkot ‘yun. I tapped his shoulder for comfort. Nanood na lang ulit kami sa mga fourth year na kasalukuyang rumarampa ngayon.

After ng sports wear, talent portion na. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ni Ziela pero sa tingin ko sasayaw siya since ‘yun ang forte niya.
Si Roj? Uhh, siguro tutugtog. ‘Yun pa lang ang alam kong talent niya eh.

Bigla naman akong lumingon kay Ivan para magtanong. Baka kasi alam niya eh.

“Ivan, alam mo ba ‘yung itatalent ni Zie?” then umiling siya sa akin in return. Hay, sabi ko nga manonood nalang kami.

Nagsasalita lang yung dalawang MC and ‘yung reactions nila sa sports wear. Of course, namangha sila kay Zie at Roj, dun sa dalawang second year pati sa fourth years na nagtennis attire.

“So for the talent portion, the criteria for judging...”

Di ko na napakinggan ‘yung sinasabi ng MC dahil napatingin ako sa third floor kung saan ang prep room nina Ziela at Roj. Parang...may nagsisigawan?

Ewan ko pero bigla akong kinabahan kaya tinawagan ko si Ziela pero ring lang nang ring. Balak ko na sanang tumayo at umakyat pero pinigilan ako ni kuya Gab at ni Ivan. Bawal palang pumunta sa prep room ngayon. Sana okay lang silang lahat dun.

Maya-maya lang ay nagsimula na ‘yung first years.
Ang cucute nga nila eh. Karamihan ay sumayaw. ‘Yung iba naman nagmonologue and super galing nung isang first year dahil dalang-dala niya ang pag-arte. Nakakaiyak at nakakatawa ‘yung ginagawa niya kaya napabilib talaga ako pati na ang audience. Unti-unti akong kinabahan nung matapos na yung mga second years.

Sila na.

Ako talaga ang kinakabahan para sa kanila.
Sana wala lang ‘yung narinig kong sigawan kanina. Sana imagination ko lang ‘yun.

Tinawag na ang pangalan ni Ziela at umakyat siya sa stage with a fierce look. Sexy ang outfit niya. Nakalabas yung tiyan and fitted jeans with killer heels. So, sasayaw siya ng nakaheels? OMG Ziela, you’ve got to be kidding me.

Maya-maya lang ay tumugtog na ang kanta ni Kesha na Tik Tok pero feeling ko instrumental. SO KAKANTA RIN SIYA?

Sing and dance?

WOW ZIELA.

“Wake up in the morning feeling like P Diddy
Grab my glasses, I'm out the door, I'm gonna hit this city
Before I leave, brush my teeth with a bottle of Jack
'Cause when I leave for the night, I ain't coming back”

Nakatingin lang ako sa kanya sa buong pagkanta at pagsayaw niya. Sobrang naaamaze ako sa nakikita ko. Singing, dancing and take note of the heels, gracefully and just enjoying.

“Don't stop, make it pop
DJ, blow my speakers up
Tonight, I'mma fight
'Til we see the sunlight
Tick tock on the clock
But the party don't stop, no”

Nung tumugtog ‘yung chorus ay halos lahat ng tao ay pumalakpak. Sobrang galing niya. Para siyang professional performer. Tapos nakangiti lang siya habang sumasayaw. Parang wala lang sa kanya.

Now that’s my best friend! And I’m so proud of her!

Pagkatapos na pagkatapos niyang magperform ay nagkaroon ng standing ovation. Grabe ang galing niya!

“Whoo! Best friend ko ‘yan! Go Zie!” Hindi ko alam na nakikisigaw na rin pala ako sa crowd. Grabe such an amazing performance. OMG best friend ko ‘yan!

“Okay okay mga tao kalma lang! Kalma tayong lahat! Whoo! That was a hot performance Ms. Wilson! Congratulations!” Nagbow lang si Ziela and tumakbo papuntang backstage. At pagtingin ko sa kanan ko ay wala na si Ivan sa tabi ko. Must be congratulating her.

Siguro two minutes muna ang lumipas bago kumalma ang audience. At syempre, tumaas ang expectation nila sa next performers. So ang susunod ay si Roj. Ano kayang gagawin niya?

Nung tinawag ang pangalan niya ay narinig kong mag
 ’Oh My God’ ang crowd. Well sino ba namang hindi mabibigla kung parang may Greek God sa harapan mo?

Simple lang ‘yung suot niya pero ang lakas ng appeal. Now mas kilala na siya dahil dito. Naririnig ko ang bulungan ng mga babae sa likod ko.

‘Grabe ang gwapo talaga ni Roj!’
‘Oo nga eh. Dati nerd lang tapos ngayon, heartthrob na!’
‘Magpapaligaw talaga ako sa kanya tapos iinggitin ko kayo. Hahaha!’

Ewan ko pero biglang nag-init ‘yung dugo ko at hindi ko nalang pinansin. Mga impaktang babae ‘yun. Ngayon lang napansin kung kelan sumikat na?! Sipain ko sila isa-isa eh. Effin’ girls.

Tumingin na lang ulit ako kay Roj na may hawak na gitara at nakatayo na sa harapan. Tinetesting kung ayos na ‘yung tono or what, then may mic sa harapan niya. Biglang kumabog nang malakas ‘yung dibdib ko. Feeling ko nga lalabas na ‘yung puso ko eh. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

“Hello everyone.” Napatingin kaming lahat sa kanya nung magsalita siya. 

Lalo lang akong kinabahan. 

“I’m dedicating this performance,” biglang nagkaroon ng bulung-bulungan at bigla kong nakita si Raya sa isang side, nakangiti nang malapad. Biglang bumigat ‘yung pakiramdam ko. Bakit ba kasi nandito ako sa harapan? Para marinig na para kay Raya ang performance niya? Shit Ven. “To the girl...I secretly love since I entered this school. The girl who gave me this,” tapos may inilabas siya mula sa nakasuot na kwintas sa kanya— ‘yung pendant ay ‘yung binubuksan sa isang softdrink tin can.

At biglang nagflashback lahat.

First year ako nun. ‘Yung time na may nakita akong lalaking nag-iisa sa garden. At tulad ng ginawa ko dati kay Ziela na binigyan ko ng Chuckie nung grade four, binigyan ko rin ‘yung batang lalaki ng Coke in can at saka ako umalis.

Nung lagi niyang hinahawakan ang kwintas niya, hindi ko naman nakikita ang pendant. Pero bakit hindi ko naisip...na si Roj ‘yun?

“I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Looking nowhere in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening”

Napatingin agad ako sa kanya. And now he’s singing this song…naaalala ko ‘yung nangyari kanina habang nasa kotse kami. Nakapikit lang siya habang kumakanta. At alam kong damang-dama niya yung kanta. 
So am I.

“And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me”

Sariling version ang ginawa niya.
Rendition niya kumbaga. Maganda. Sobrang ganda na pati ‘yung audience ay naiiyak sa kanta niya. Parang napapasa niya sa amin yung emotions niya. Lalo na sa akin.

Pagkatapos na pagkatapos niyang kumanta, isang mahabang palakpakan ang nangyari.
Hindi sila tumigil hanggat hindi sila pinatigil nung mga MC.

“Now that was so emotional Mr. Morales. You are so amazing to the point that you made me cry! That girl is so lucky to be loved by you!” Nagtawanan ang audience, pero ako, hindi ko magawang tumawa.

Ang alam ko lang ay pagkatapos niya at nagsimula na ang ibang magperform, pumunta ako sa banyo.


***