.

.

Chapter 26

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

Nagstay ako sa CR for about ten minutes. Umiyak ako dun nang umiyak hanggang sa maramdaman kong nailabas ko na lahat. Tinitigan ko lang ‘yung sarili ko sa salamin. Kung gaano ako kapathetic.

“Bakit ba ang tanga-tanga mo kahit kelan? Wala ka ng ibang alam gawin kundi iyakan lahat ng bagay? Venice, grow up!”

Para akong tanga na kinakausap ang sarili sa salamin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung-hininga at saka lumabas sa comfort room. Pero parang gusto ko ulit pumasok sa loob nung makita ko kung sino ‘yung makakasalubong ko.

Si Raya.

“Oh, here’s the pathetic slut.” Hindi ko na lang siya pinansin at nagdirediretso sa paglalakad. Pero hinarang niya ako. “Narinig mo ba yung sinabi kanina ni Roj?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Malamang, nasa harapan ako eh.
Hindi ako bingi. At lalong hindi ako bobo. Ginagamit ko ang utak ko sa pag-iisip. Hindi tulad ng iba, pinagpipyestahan na ng langaw ang utak dahil hindi ginagamit. In short, basura.” Gusto kong ngumiti sa likod ng utak ko pero hindi ko magawa dahil baka magkaroon ng riot dito. Nakita ko naman na napanganga siya sa sinabi ko kaya mas lalong gusto kong tumawa.

“Whatever. At least alam kong ako ‘yung mahal na Roj. Remember? The girl na nagbigay sa kanya nun? Binigay ko yun sa kanya nung first year and akalain mong mahal na pala niya ako simula nun?”

I gasped.

Gusto ko siyang sampalin at saktan sa sinabi niya. Paanong magiging siya ‘yun kung ako ang nagbigay nun? O baka nag-aassume na naman ako?

“Talaga? Saan mo naman napulot ‘yang kwento na ‘yan? Alam mo, pwede ka ng maging writer eh. Galing mong gumawa ng kwento,” saka ako tuluyang nagwalk-out. Actually binilisan ko ‘yung lakad ko dahil baka mamaya ay hilahin na naman niya yung buhok ko katulad dati.

Luckily, nakabalik ako ng buhay sa upuan ko.

‘Di ko namalayan na Q&A na pala.
And mind you, kakaiba ang Q&A dito sa school since ang mga tanong ay galing sa mismong students. Bawat isa sa amin ay required na gumawa ng tanong at ipasa sa adviser namin a day before the pageant. Kaya ang kadalasang tanong dito ay about sa love or relationship. Swerte na lang kung ang mabunot ay ‘yung tanong mo rin. Yeah, bawat contestants ay required din na gumawa ng tanong.

Nung si Zie na ang lumabas para sa Q&A, na-amaze na naman ako sa kanya.
Very creative ‘yung suot niya ang I know na siya ang nagdesign nun. Simple lang pero cute.

“Okay Ms. Wilson, bumunot ka na dito.” Bumunot siya sa isang bowl kung saan nakaabang ang mga question na inihanda ng mga kapwa niya estudyante.

“So here’s the question for you.”

Halos ‘yung tunog lang ng mic ang naririnig. Lahat tahimik at hinihintay ang tanong na nabunot niya.

“Sang-ayon ka ba sa fixed marriage?”

Sa mukha ni Ziela, alam kong nagulat siya. Maski naman ako eh. Pati si Ivan na nasa tabi ko ngayon.
Nakikinig ng mabuti sa anumang isasagot ni Ziela.

Yeah I know, parang ganito ang sitwasyon nila. Ang malas naman niya para mabunot ‘yung ganitong tanong. Iniabot ang mic sa kanya at tumingin siya sa audience. Sa akin. At kay Ivan.

“Honestly, no.” Narinig ko ang 
‘aww’ mula sa audience at napahawak ako sa kamay ni Ivan. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko, kailangan ko ‘yung gawin hangga’t hindi natatapos magsalita si Ziela.

“Fixed marriage is not reasonable. Ginagawa lang ‘to ng mga magulang para mag-expand ng business nila. Pero para sa mga anak nila? No. Love is not about business. Love is a sacred thing to consider. Hindi dapat pinipilit, hindi dapat minamadali. At higit sa lahat, hindi mo ‘yun ibibigay sa maling tao. Pero, sa fixed marriage or even engagement,” bigla siyang tumingin kay Ivan, “minsan, matututunan mo ring mahalin ‘yung taong sa una...akala mo ay para sa business lang. Hindi mo mamamalayan, nagkakaroon na pala kayo ng bond sa isa't isa. And the funny thing is, you’ll never know how and when did you fall in love. Thus, it’s a no and yet a yes. No, because fixed marriage is not about loving and caring but purely for business sake. And yes, because when love grows between them, it can break that stupid business border. That’s all. Thank you.” She bowed and waved at pumunta sa likod kung saan andun rin ‘yung mga tapos ng sumagot.

All I can say is...damn, she’s great. Alam kong hindi ‘yun kaplastikan or whatever. Its from her heart
. And a message for Ivan. Nakita ko rin ‘yung ngiti sa labi ni Ivan. Natutuwa ako. Natutuwa ako na sinaktan ako ni Ivan, at napunta siya kay Ziela. Alam kong masaya si Ziela sa kanya. And kapag nanloko ulit si Ivan, ako na mismo ang bubugbog sa kanya. Swear. Okay lang na lokohin niya ako, wag lang ang best friend ko.

As expected, maraming na-amaze sa sagot niya. She handled it very well. Hindi na ako magtataka kung siya ang mananalo this year.

“Thank you Ms. Wilson. You never fail to amaze us. And now, again from III-Diamond, let’s all welcome, Mr. Roelle James Morales!”

Umakyat siya sa stage with his oozing personality. Angelic smile, perfect posture, well-styled hair and all. Then bumunot na rin siya. Again, isang matinding katahimikan.

“Question is...”

Mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit.

“What will you do, if someone you love used you for their own benefit?”

Ngayon alam ko na kung bakit ako kinakabahan kanina. It’s because…that was my question.


***