.

.

Chapter 27

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

That was the question I submitted. Bakit naman sa dinami-dami ng tanong ay ‘yun pa ang nabunot niya?!

Biglang iniabot sa kanya ang mic kaya lalo akong kinabahan. No...no...don’t answer that question. Please. Please, Roj.

“I will thank her,” sabay tingin niya sa akin. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko at natulala ako sa kanya kahit na gusto kong iiwas ang paningin ko.

Pagkatapos niya ‘yung sabihin ay nagkaroon na naman ng bulung-bulungan. Petrified and all, tumingin na lang ako sa kanya.

“Magpapasalamat ako na ginamit niya ako. Why? Simple. So that I can help her realize, that I’m willing to be her toy or something, for her happiness. That I’ll do anything for her, even if it involves using me. I’ll be at her side until the end. Handa akong gawin lahat, kahit masaktan ako, makita ko lang na masaya siya. Even if it hurts, even if it means breaking my heart, I will not regret anything, because I love her. Love is about happiness. And I’m willing to sacrifice my own happiness to make her happy. After all, love is not perfect. One may cry and one may smile. But the best thing about love is...sacrifice. That’s how genuine love is. Pero may limitasyon din ang pagmamahal. Hindi naman habangbuhay, ay kailangan mong magsakripisyo. Minsan, mas magandang bumitiw ka na lang. Tanggapin na hindi kayo ang para sa isa’t isa. At ngayon, gusto kong sabihin sa harapan ninyo, sa harapan ng taong mahal ko...” Tumahimik bigla ang lahat. Paghinga lang ng niya ang naririnig mula sa mic. “That I’m letting you go.”

After his answer, nagkaroon na naman ng standing ovation at hindi ko alam kung bakit. Until I realized, umiiyak na pala ako. No, umiiyak na
naman ako.

Lahat ng sinabi niya, tumagos. Unti-unti kong narerealize lahat. Pagkatapos ng sinabi niya. Unti-unti kong nararamdaman lahat.

Nagkaroon ako ng excuse para umalis dito. Sinabi kong magpapalit na ako ng gown since after nito ay formal or night attire na then awarding na.

Pumunta ako sa prep room nina Zie at kinuha ko ‘yung paperbag kung saan nandun ang red gown na susuutin ko.
Nagpatulong lang ako sa assistants ni Ziela para maisuot ko ‘yun at dumiretso ako sa CR. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

So that I can help her realize, that I’m willing to be her toy or something, for her happiness
.

Kaya ba siya pumayag na magpamake-over, kahit alam niyang ginagamit ko lang siya? Why Roj? Bakit ako?

Siguro thirty minutes akong tumambay sa CR, nagmumuni-muni. Iniisip lahat ng nangyari ngayong gabi. Lahat ng nangyari sa amin ni Roj. Mula nung makilala ko siya, hanggang sa naging awkward kami sa isa’t isa, at hanggang sa gabing ito.

Ano na nga bang nangyari sa amin?
Bakit kami nagkaganito? Ayos naman kami dati ah? Nakakapag-usap kami ng matino. Pero ngayon...

Parang wala na.

Parang may hiyawan kanina sa labas pero hindi ko na lang pinansin. Baka nagchicheer lang sila sa mga candidates. Pero naalarma ako nung nagvibrate mula sa kamay ko ang phone ko kaya sinagot ko agad.

“Hello?”

“Venice, asan ka na? Malapit ng iannounce yung winners!”

Bigla kong naibaba ‘yung phone ko nung marinig ko si ate Audrey sa kabilang linya at tumakbo ako nang mabilis papunta sa backstage. Buti na lang at hindi ako nadapa or something dahil tumakbo ako ng naka-heels.

“Oh andito na si baby Venice.” Napatingin ako kay kuya Gab na naghihintay ata sa akin.

“Akala ko nawawala ka na naman.
Oh sige, umakyat na kayo dun,” sabi ni ate Audrey. Nagmouth nalang ako ng sorry before kaming umakyat sa stage.

Habang umaakyat kami sa stage, napansin ko si Ivan na umiiling sa akin.
Teka, may nangyari ba habang nasa CR ako?

“And now, to pass the crown, let’s all give a round of applause to Mr. Venoso and Ms. Damian, last year’s Mr. and Ms. Amarrison!” Nagpalakpakan ang mga tao at tulad namin, naghihintay kung sinong mananalo. 

Matapos ang fifteen seconds na drumroll at pagpigil ng hininga,

“Our Mr. and Ms. Amarrison for this year are Ms. Ziela angeli Wilson and Mr. Roelle James Morales!”

Pumalakpak ako dahil nanalo yung section namin. Wow! I’m so proud of them. Ang galing nila. At halos hindi ko na marinig yung pinagsasabi ng mga MC sa sobrang lakas ng palakpakan at hiyawan.

Nung umakyat sila sa stage, kiniss ko si Ziela sa cheeks at kinongrats ko siya. Then pinasa ko sa kanya ‘yung crown and ‘yung sash pati ‘yung bouquet of flowers na hawak ko. Nung icocongratulate ko na si Roj, ay biglang hindi ko inaasahan ang nangyari.

May umakyat sa stage at lumapit kay Roj, dahilan para maitulak ako at matumba. Pero hindi ang pagtumba ko ang dahilan kung bakit ako nasaktan, kundi...

Ang paghalik ni Raya kay Roj sa harapan ko.


***