.

.

Chapter 28

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

Ayokong umiyak dito kaya tumayo ako at tumakbo papalayo sa stage. Palayo sa mga tao. Palayo sa kanila. Tumakbo ako hanggang sa gate at hanggang makalabas ako.

“VENICE!” Narinig ko si Ziela na tinatawag ako pero hindi ko siya nilingon. Ang alam ko lang ngayon, kelangan kong lumayo dito kasi nasasaktan na ako. Sobrang nasasaktan ako.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa sumakit ang paa ko. Ang alam ko lang ay nasa playground ako ngayon sa park na malapit sa school. Walang katao-tao rito dahil gabi na.

Umupo ako sa swing at tinanggal ang sapatos ko. Ano na kayang nangyayari doon ngayon? Siguro pinag-uusapan na ako doon. Siguro sinasabihang maarte dahil nagwalkout mula sa pagpapasa ng korona.

Mag-isa lang ako rito. Madilim at sobrang lamig ng paligid pero parang hindi ko masyadong maramdaman lahat ‘yun dahil isa lang ang nararamdaman ko ngayon—nasasaktan ako.

Siguro nga kasalanan ko rin. Ako naman ang laging may kasalanan eh. Hindi ko kasi ginagamit nang maayos ang isip ko kapag nagdedesisyon.

Bakit kung kailan ko narealize lahat, at saka nagkaganito? Bakit kung kailan handa na akong tanggapin lahat, at saka pa ako nasasaktan ng sobra?
 

Ang sakit na ng mata ko sa kakaiyak. Pero at least dito, okay lang na humagulgol at magwala dahil wala namang makakakita sa akin.

“Venice!” Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko sina Ziela at Ivan na tumatakbo papalapit sa akin.

“Go away!” Isinigaw ko nang malakas sa kanila. Ayoko ng kasama. Gusto ko munang mapag-isa.
Pero nakita kong pinaalis ni Ziela si Ivan at lumapit siya sa akin.

“I said go away, Zie!”

“No Venice! Hindi kita iiwan ditong mag-isa! Alam mo ‘yan! Hindi ko hahayaan na ikaw lang mag-isa yung umiiyak!” then bigla niya akong niyakap. Pati siya umiiyak na rin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Ang sakit talaga.

“Ziela, ang sakit sakit eh...Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Bakit ba kasi nito ko lang narealize? Bakit ba kasi nagbulag-bulagan ako?”

“Sa tingin mo bakit ka nasasaktan?” tanong niya sa akin habang hinahagod ang likuran ko at patuloy pa rin siyang nakikisabay sa pag-iyak ko.

“Kasi kaibigan—” bigla niyang pinutol yung sasabihin ko.

“Hindi ka nasasaktan dahil kaibigan mo siya. Nasasaktan ka dahil mahal mo siya Venice. Mahal mo si Roj.”

“Mahal ko siya. Pero iba mahal niya.” Nasabi ko bigla. Naalala ko nung bigla siyang hinalikan ni Raya kanina. Sa harap ng madaming tao. Sa harapan ko.

“Si Raya? Isa pa ‘yung babaeng ‘yun eh. Pagkatapos kasing magsagot ni Roj kanina sa Q&A, bigla siyang sumigaw ng
‘don’t let me go’ dahilan para pansinin siya ng mga tao. Akala nila, si Raya ‘yung tinutukoy ni Roj sa sagot niya.”

“Eh sino nga ba?”

“Itanong mo sa sarili mo, Venice.”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla niya akong binitawan at tumayo. 
“Pagbibigyan kita ngayon Venice. Aalis muna ako, kung gusto mong mapag-isa.”

Nung umalis siya, mas lalo akong naiyak. Oo mahal ko siya. Dati pa. Pinipigilan ko lang na aminin sa sarili ko. Nung mga oras na nagmomove-on ako kay Ivan, siya ‘yung nasa tabi ko. Siya ‘yung nagpapasaya sa akin. Siya ‘yung laging nandyan para sa akin. Kapag kasama ko siya, parang wala akong problema. Lagi lang akong nakangiti at nag-eenjoy sa company niya.

Pero anong ginawa ko?
Ginamit ko lang siya. Sinaktan ko lang siya.

Siguro nga karma ko ‘to. Na maskatan ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero ngayon ko lang din narealize, na nasasaktan ako kasi mahal ko siya.
Nasasaktan ako kasi nagselos ako kanina.

Sa kakaiyak ko, biglang sumakit ‘yung ulo ko. Nung tumayo ako ay biglang nandilim ang paningin ko. Pero bago tuluyang dumilim, ay may nakita akong tao na tumatakbo papalapit sa akin habang tinatawag ang pangalan ko.

“Roj…”

At tuluyan nang nagdilim ang paligid.

***

Pagkagising ko, nasa kama na ako. And to be specific ay sa kwarto ko. Hindi ko masyadong maidilat ‘yung mata ko dahil mugtung-mugto sa kakaiyak ko.
Sakto namang pumasok si Daddy, si Ate at si Mommy. Wow, umuwi pala si Mommy, hindi ko man lang alam.

“Anak, ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo? Wala ba—” biglang umiyak si Mommy habang hinihimas yung buhok ko.

“Okay lang ako, Mom,” tapos pinunasan ko ‘yung luha niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang umiyak ng ganito. Kasi hindi naman siya emotional pagdating sa amin eh.
Cold siya sa amin ni Ate. Pero dahil dito, nalaman kong nag-aalala rin pala siya sa amin kahit papaano.

Kinausap lang nila ako. Sinabi ko naman kung anong nangyari, pero hindi ko sinabi ‘yung tungkol kay Roj.
Ang sinabi ko lang ay nahimatay ako sa may playground. Pero alam kong hindi naniniwala si Ate. Alam kasi niya lahat ng tungkol sa akin.

Maya-maya pa ay umalis na sila at naiwan ako sa kwarto. Napalingon naman ako sa kanan at nakita ko ang isang magandang silver na gown. Napangiti ako bigla. JS Prom na pala mamaya. How great. Pupunta pa ba ako?

Inabot ko ang phone ko na nasa side table ko at pagtingin ko, 84 missed calls.

13 from Ziela
9 from Ivan
7 from Kuya Gab
10 from Ate Audrey
27 from Roj
8 from Daddy
10 from Ate Steff

Wow lang, busog ang phone ko. Walang messages. Oh well, alam naman nila na hindi ako mahilig magbasa ng messages eh. Paminsan-minsan lang kapag natitripan ko o kaya pag sinisipag ako.

Napangiti ako dahil nalaman kong nag-aalala pala sila para sa akin. Pinilit kong tumayo at lumabas ng kwarto ko. At nagulat ako nung nasa nakita ko sa sala sina Ziela at Ivan.

“Bakit kayo nandito?” Napatingin agad sila sa akin at tumakbo paakyat sa hagdan.

“Ven!” tapos bigla akong niyakap ni Ziela.
Muntik na nga kaming matumba, buti nakahawak agad ako sa railings.

Pagkatapos nun ay bumaba kami at dumiretso sa sala. Nandito raw sila para kumustahin ako since nalaman nila kay Roj na nahimatay nga ako. At dahil nacurious ako, tinanong ko sila kung anong nangyari kagabi.

“Bumalik kami sa school, pero nakasalubong namin si Roj na tumatakbo at tinanong kung nasaan ka. Kaya sinabi namin. Tapos pagbalik namin sa school, nagkakagulo na. Tapos nalaman namin na ipinahiya pala ni Roj si Raya sa harap nila at sinabing hindi siya ‘yung babaeng tinutukoy niya. Ayun, nagwalkout ang bruha. Buti nga sa kanya. Pasalamat siya hindi ko siya naabutan dahil kung hindi...naku! Baka kalbo na siya ngayon!”

Natawa na lang ako sa kanya dahil gigil na gigil siya. Bigla ko namang napansin na pareho silang may singsing.

“Teka, teka, ano ‘yan?” sabay turo ko sa singsing na suot nila. Bigla siyang namula at napayuko kaya napangiti ako.

“Ah eto ba? Kasi...tuloy pa rin,” tapos napakamot ng batok si Ivan.

Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa maglunch ay inaasar ko pa rin sila. Nakakatawa kasi parehas silang nagmumukhang kamatis pag inaasar. Ang cute cute lang.

Pagpatak ng hapon ay nagsimula na kaming ayusan ni Mommy at ni ate Steff. Kaya pala umuwi si Mommy dahil gusto niya, siya raw ang mag-aayos sa akin para sa JS. Syempre natouch ako dun. Minsan lang siya umuwi sa Pilipinas dahil may business kami abroad.

Nalaman ko rin na silver din ang gown ni Ziela kaya parang terno kami. Ang cute cute nga eh. Parehas kami ng kulay. Siya ang unang inayusan kaya pinanuod ko lang sila. Itinaas ‘yung buhok niya. Cute updo ang ginawa then nilagyan ng design na parang lace ‘yung paligid tapos make-up na nagmamatch sa skintone niya. Para siyang prinsesa, swear.
Ang ganda-ganda ng best friend ko. Nga pala, umalis muna si Ivan at umuwi sa kanila para rin magprepare.

Then after niya, ako na yung inayusan. Nilagyan ako ng extension tapos kinulot at nilagay sa isang side. Simple lang. Light lang din ang make-up na ginawa and then, we’re ready! Kinuha na rin namin ‘yung masks namin dahil masquerade ang theme ng JS namin nagyon.

Para ngang walang nangyari kagabi at nagmukha kaming fresh ni Ziela eh. Well, si Mommy ang nag-ayos eh. Magaling siyang make-up artist at kilala siya sa ibang bansa.

Hinintay lang namin si Ivan at ‘yung car niya. After fifteen minutes ay lumabas kami dahil bumusina na siya.

“Ready for the night, girls?” tanong sa amin ni Ivan habang pinagbubuksan kami ng sasakyan.

“Ready!” Pumasok kami sa loob at nagdrive papunta sa school.

Magsasaya ako ngayon. Kakalimutan ko muna lahat ng problema ko. Enjoy this night, Venice.


***