.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 1, 2015


***

"Ano bru? Buhay pa?"

Andito nga pala kami ngayon ni Zie sa canteen. Grabe lang. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala eh. Si…si Ivan… ‘yung crush ko...

"Oh my gosh. Oh my gosh Zie! Totoo ba talaga yun? Si Ivan? Eff! Eff! Parang nung nakaraan lang nililista ko ‘yung pangalan niya sa crush list ko tapos...OMG! Tubig!"

"Oh eto eto. Hinga. Hinga," inabutan naman agad ako ni Zie ng tubig. Grabe lang talaga. UNBELIEVABLE.

Can I court you? 

My gosh! Totoo ba talaga ‘yun? As in si Ivan Vorch? The Ivan Vorch? Liligawan ako?

Hanggang sa matapos lahat ng class ngayong araw ay hindi nawala ‘yung ngiti ko. Dahil maraming witness kanina sa corridor ay inaasar na kami ng classmates namin. Hindi tuloy ako makatingin sa side niya! Nakakahiya!

"Bye Zie! I'll call you na lang later!" sabi ko kay Zie sabay sakay sa car namin.

"Daddy! Shopping tayo, please?” Si Daddy kasi yung sinabihan kong magsundo sa akin ngayon. Gusto ko kasing magpasamang magshopping eh.

Oh. Oo nga pala. Mahilig akong magshopping. As in. Gusto ko kasing bumili ng mga bagong dress, accessories, shoes and such. Minsan, kasama ko rin si Ate Steff. Siya lang naman ang idol ko pagdating sa fashion. Ang ganda kasi ng fashion sense ni Ate at nainspire ako sa kanya.

Dahil ayaw ni Daddy na samahan akong magshopping, sya nalang daw magdadrive. Bakit kaya? Bakit ba ayaw ng mga lalaking magshopping? Si Ate na nga lang isasama ko!

"Daddy, punta tayo kay Ate. Magshoshopping kami!" then I smiled at him.

Pinaandaar na agad ni Daddy yung kotse. Di kaya may phobia si Daddy sa pagshoshopping? Pag kasi naririnig niya yun, natatahimik siya eh. Oh well. Wala pa sigurong ten minutes ay nandito na agad kami sa tapat ng campus nila Ate.

Sandali lang din ay nakita na niya kami ni Daddy. Ako naman, nag-smile ako nang malawak. Sana pumayag si Ate! Pagkapasok niya sa kotse ay kinulit ko kaagad siya. At matapos ang mahaba-habang pilitan ay pumayag na rin siya. Kaso may kapalit! Kailangan ko raw siyang bilhan ng shoes gamit ang allowance ko.

Pagdating namin sa mall, pumunta ako sa may men’s area. Ano kayang pwedeng iregalo sa kanya? Nasearch ko kasi kanina na next week na ‘yung birthday ni Ivan. Wait, dahil basketball player siya, jersey kaya? Or bola ng basketball? Ugh! Hirap mag-isip!

Then may nahanap akong pwedeng iregalo. Pwede na siguro ‘to.

Nagulat naman ako nung biglang nagvibrate ‘yung phone ko. Pagtingin ko, si Ivan pala ‘yung nagtext kaya napangiti agad ako at nagpigil ng kilig. 

From: Ivan
Can I take a picture of  you? So I can show Santa what I want for Christmas. Good evening Liann :)

Muntik na akong magtatalun-talon doon at sumigaw pero pinigilan ko ‘yung sarili ko. Walanghiya naman ‘tong si Ivan! Ang lakas magpakilig! 

"Huy Ven, anong nangyari sayo dyan? Halika na hinihintay na tayo ni Daddy sa labas." Napatingin naman ako kay Ate at sobrang lawak ng ngiti ko.

Buti hindi niya napansin na kinikilig ako. Naku patay ako dun pag nagkataon. Eh kasi protective siya masyado. Pero kinikilig talaga ako eh. Grabe buong-buo na ang araw ko!

Dagdag pogi points for you, Ivan! Kahit matagal pa ang Christmas, gusto ko nang magcelebrate ng Pasko! Lalo kitang nagugustuhan! Hihi.

I think this will be a good start for us.


***