.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, April 25, 2015


***

Two months na rin ang nakakalipas simula nung manligaw si Ivan, and super sweet niya. As in. Araw-araw kasi, pagdating ko sa class ay merong chocolates and three roses sa upuan ko. Sino ba namang hindi kikiligin dun, right? Tapos pag magkakatinginan kami, lagi siyang kikindat. Grabe talaga. Kilig!

“Ahem, kelan mo ba balak sagutin ‘yan?” Napatingin naman ako kay Ziela. Nahuli niya ata akong nakangiti habang nakatingin sa mga rose. This time, napangiti ulit ako.

“Zie, sasagutin ko na siya mamaya sa dinner.”

“Whoa. Really? OMG. Nice one Ven. Excited na rin ako ah.”

May dinner kasi ‘yung buong section namin mamaya and sponsored by my prettiest best friend, Ziela. Parang meeting na rin kasi for our play sa Social Studies. Buti nga pinayagan ako ni Daddy eh. Kasi baka gabihin kami sa meeting. Sabi ko naman, pwede akong makisleep-over kila Ziela pag gabi na masyado.

Nakinig na lang ulit ako sa teacher namin.

“Okay class, you need two participants for the upcoming Social Studies Quizbee. ”

Naku naman. Social Studies month kasi ngayon kaya ang daming activities. Ayan nga, may play tapos quiz bee, tapos may kung anu-ano pa.

Si Liann po tsaka si Roj!” 
Halos unanimous na sigaw nila.

“Ms. Damian and Mr. Morales, kayo ang participants okay? Please sign here.” Lumapit na lang ako kay Ma'am at pumirma dun sa sheet of paper. Pero teka, parang ngayon ko lang nakita yung Roj na ‘yun ah? Baka ibang section siya dati?

“Zie, sino nga pala ‘yang Roj na ‘yan?” pabulong kong tanong kay Ziela.

“Ahh, ‘yan ‘yung top 1 ng kabilang section last year. So siya ‘yung 2nd honor ng buong batch dahil ikaw ang first. Ang nerdy ng itsura niya ‘no?”

“Ahh. Kaya pala hindi siya masyadong familiar.”

Oo nga, ang baduy niya. Sobrang laking eyeglasses. Suspenders. Flat hair. May ballpen pang nakasuksok sa bulsa ng polo niya. My gosh! Where's the style?! Gusto ko siyang sugurin at ipamukhang ang baduy ng style niya! Nakukunsumi ang dugong fashionista ko!

Hay naku. Teka nga, bakit ko ba ‘yan inaalala eh may dapat pa pala akong paghandaan mamaya. God, kinakabahan ako! Sana talaga maging ayos mamaya. Oh my gosh. Magiging boyfriend ko na si Ivan Vorch!

Pinatawag lang ako and si Roj sandali ni Ma'am then break na. Buti naman dahil gutom na ako.

“Zie, halika na kain na tayo.”

“Wait lang, ‘di ko makita ‘yung wallet ko eh.”

Nilapitan ko naman siya. Ang tagal kasi eh. Actually kami na lang ang naiwan sa room.

“Ayun! Found it!” sabay taas pa niya ng color red niyang wallet.

Pababa na sana kami kaso may narinig kaming nag-uusap dun sa may bakanteng room. At dahil may dugong chismosa rin kami, sumilip kami doon sa bintana nang patago. And to my surprise...

Si Ivan at si Raya pala yung nag-uusap.
At kailan pa sila naging close? 

“Really?! Thanks, Raya!” tapos hinug niya pa si Raya. Ewan pero napakunot ‘yung noo ko sa gesture niya na ‘yun.

“No problem. Alam mo namang love kita eh. I just want to challenge you. Pero paano na nga pala ‘yung reserba mo? Alam ba niya?”

“No. Sasabihin ko na lang mamaya. Akala ko kasi hindi mo ako sasagutin kaya nanligaw ako ng iba. Pero thanks dahil sinagot mo ako. And I'm really happy.”

“Okay. C'mon. Kain na tayo,” then inangkla niya ang braso niya kay Ivan.

Bago pa kami tuluyang makita ay hinatak na ako ni Zie sa may kabilang side. Buti nga at hindi nila kami nakita eh. Pero natulala ako sa lahat ng narinig ko. Totoo ba ‘yun?

Ako? Reserba? Reserba niya lang ako?!

“V-Ven, okay ka lang?”

“C'mon Zie, kumain na muna tayo.”

Naglakad na ako papuntang cafeteria at si Zie ay nakasunod lang sa akin. Ayoko munang pag-usapan ‘yung bwisit na Ivan na ‘yan at lalong-lalo na ang super bwisit na Raya!

Hanggang sa pagkain ko, hindi ko pa rin alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

“Nakakainis! Nakakainis talaga! Ang kapal ng mukha niya!” At tuluyan ko nang tinusok-yusok ‘yung manok sa plate ko. Nagulat naman ako nung tumawa si Ziela.

“Bakit ka tumatawa?!”

“Eh kasi kawawa naman yung manok Ven. Patay na nga, pinapatay mo pa lalo,” tapos tumawa ulit siya.

Bwisit kasi eh. Buong akala ko, nililigawan niya ako dahil may gusto siya sa akin. Tapos bigla kong malalaman na reserba lang ako? Like what the heck? Ilan pa ba kaming reserba niya? At ang hindi ko matanggap ay reserba niya lang ako para kay Raya!

“Ven, alam mo hindi naman siya worth it eh. Pero natutuwa talaga ako. Kahit papano ay nalaman natin ng maaga. At least, hindi ka mapapahiya mamayang gabi right? And besides, okay lang naman ata sayo eh.”

Napakunot naman yung noo ko nun. What does she mean by that?

“Huh? What do you mean na okay lang sa akin?”

“Ven, obvious namang infatuation lang ‘yang feelings mo for him eh. You don't love him. Kasi kung mahal mo siya, eh ‘di dapat umiiyak ka na ngayon dahil sa narinig mo kanina. Eh anong ginagawa mo ngayon? Tinutusok-tusok mo lang ‘yang chicken dahil sa inis.”

Bigla namang lumiwanag ‘yung mukha ko dahil sa sinabi ni Zie. Sabagay, she has a point. Pero nakakalungkot rin kasi na akala mo totoo ‘yung feelings sa’yo ng isang tao, ‘yun pala hindi. Bakit ba ang malas ko pagdating sa ganito? Nung una si Richard, tapos ngayon naman kay Ivan.

After nun ay buong araw na akong hindi mapakali dahil hindi ko maimagine kung anong pwedeng mangyari mamaya sa dinner.

***

At ito na nga. Nasa dinner na kami.
Nandito kami ngayon sa garden nina Ziela. Malaki siya and kayang i-occupy ang buong section namin. At ang nakakainis pa, tama ang hula namin kanina—magkasama si Ivan at Raya. Ang kakapal ng mga mukha! Kailangan harap-harapan? Kailangan pinapakita niya sa akin ‘yung ginawa niyang panloloko? I effin’ hate them! 

And as expected, lumapit sa akin si Ivan. Buti medyo konti pa lang kami rito since ‘yung iba ay umuwi pa para magpalit ng damit or iwanan ang gamit nila sa bahay.

“Uhm, Liann. I have something to tell you.” I composed myself at humarap ako sa kanya tapos ngumiti.

“Ano ‘yun? Na ginawa mo lang akong reserba at kayo na ni Raya?
‘Yun ba Ivan? Sus. Okay lang ‘yun. Actually, wala rin naman akong balak na sagutin ka eh. Sorry kung pinatagal ko pa ‘yung panliligaw mo. Sige, alis muna ako.”

After kong sabihin ang speech na ‘yun ay lumapit ako kay Zie dahil naiiyak ako. Naiiyak ako dahil dapat, ako ‘yung nasa tabi ngayon ni Ivan. At naiiyak ako dahil nakakahumiliate ‘yung ginawa niya sa akin. Sobrang nakakainis talaga.

At talagang pinanindigan nila eh. Inakbayan niya pa si Raya. Naiinggit tuloy ako. Ayan na, kainis naman. Tumulo na ‘yung luha ko. Tumakbo ako papunta sa CR nina Zie pero bigla na lang akong natumba.

My gosh, tanga naman Ven! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan! Pinunasan ko ‘yung luha ko pero napahinto ako dahil may nakita akong gasgas sa kamay ko.  

“A-are you okay? Sorry hindi kita nakita. Nabasag kasi yung salamin ko kanina.” Napatingin naman ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko.

“Teka classmate ba kita? S-sino ka?” Bakit parang hindi ko siya nakikita sa class namin? Trespasser ba siya?

“I'm Roj, kung hindi mo pa ako kilala. Pero ang alam ko, nakilala mo na ako kanina dahil sa quiz bee ‘di ba?”

Oh. My. God. Si Roj ba ‘to?! Bakit hindi siya baduy ngayon?!


***