.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, April 25, 2015


***

“Sige, una na ako,” tapos tumayo na ako at tumakbo ulit.

Nakarating ako sa CR at nagtuluy-tuloy ang luha ko. Ang sakit kasi na makita ‘yung taong pinagkatiwalaan mo na niloko ka lang pala. Ginawa pa akong reserba. Bwisit talaga. Basang-basang tuloy ‘yung panyo ko kakaiyak. Nakailang tawag at text na rin si Zie pero di ko sinasagot.

Akala ko, si Ivan na.
Akala ko talaga, siya na. Hindi pa rin pala. 

Lahat na lang. Una, si Richard. Ngayon, si Ivan. Lahat sila manloloko. Ganun ba talaga kapag sikat? Kapag pinag-aagawan ng mga babae? Kapag gwapo? Mga manloloko.
Bakit ba lahat ng lalaking nagugustuhan ko ay sinasaktan ako? Mabait naman ako ahh? Wala naman akong ginagawang ikagagalit nila. Pero bakit ang malas-malas ko pagdating sa love life?

Siguro thirty minutes akong nagstay sa banyo bago ako tumahan. Mugto na nga ‘yung mata ko eh. Dumaan na lang ako sa backdoor para walang makakita sa akin. Hinintay ko doon si Kuya Ronald, ‘yung driver namin. Tinext ko na lang si Zie nung nakasakay na ako sa kotse. Sabi ko uuwi na ako at ibalita na lang sa akin kung ano mang nangyari sa meeting.

Nagtuluy-tuloy lang ako sa kwarto ko.
Ni hindi ko inimik sina Daddy at Ate. Wala ako sa mood. Pansin din naman siguro nila ‘yun kaya hinayaan na lang nila ako. Grabe talaga, hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa mga nangyari. Pag naaalala ko yung nangyari kanina sa vacant room, nanlalambot ‘yung tuhod ko at nakakaramdam ako ng inis.

“I promise, I won't be hurt by another guy, again.” Sinabi ko ‘yun sa sarili ko at nakatulog na ako sa sobrang pagod ng mata ko. 

***

“Ven dalian mo baka nagstart na ‘yun!” Sabay kaming tumatakbo ngayon ni Zie papuntang auditorium. Nalate kasi kami sa pagpasok.

“Oh my, sana ‘di pa ako late!” sigaw ko at binilisan pa namin ‘yung takbo namin. Sana talaga hindi pa nagsisimula!

Okay, students. We will now start the quiz bee.”

Pagkasabing-pagkasabi ni Mrs. Santiago nun ay saktong nakarating na ako sa table ng section namin. Whoo! I made it!

“B-buti na lang dumating ka,” sabi ng katabi ko. Teka, ano nga ulit ang pangalan niya?

“O-oo nga eh. T-teka…hihinga muna…ako,” tapos nag-inhale exhale ako doon habang ‘di pa tinatanong ‘yung first question.

“Uy, partner...teka ano nga ulit pangalan mo? Nakalimutan ko eh,” sabay ngiti at kamot ko sa ulo.
Nakakahiya naman. Siya pa man din ‘yung nakabangga ko kagabi. 

“Roj. Lagi mo na lang nakakalimutan,” sabi niya sa akin. Teka mukhang kinakabahan pa siya ah.

“Ahh! Okay, Roj nga pala. Sorry! Liann nga pala.” Nakipagshake-hands ako sa kanya.

Napatingin naman ako sa porma niya at bumalik na naman ‘yun sa dati. Grabe, ang sakit sa mata!

“Kilala na kita. Ikaw ang batch first honor eh.”
Ay kilala na niya pala ako. Pero at least, nakapagkilalanan na kami sa isa’t isa. Ni hindi ko nga alam dati na siya ang second honor ng batch.

Sino ang huling dakilang emperador ng Roma na humati sa kanilang bansa sa kanluran at silangan? Go!”

“Tsk, nakalimutan ko yung pangalan,” bulong niya.

“Diocletian,” sabi ko sa kanya. Buti pala natandaan ko pa ‘yun. Di kasi ako nag-aral kagabi gawa nga nung mga nangyari. Ayan na naman! Ano ba Venice, focus nga muna sa quiz bee! Sinulat nalang niya sa cardboard yung sinabi ko.
Bahala na, yun yung tanda ko eh.

Times up! Raise your answers!”

Tinignan ko naman yung answers ng mga kalaban namin. Karamihan ay Diocletian din. Yes! Tama yung natandaan ko!

And the right answer is Diocletian!”

“Yes! Tama tayo!” sabi ko at ngumiti naman siya.

***

Nasa difficult round na at tinatally ang scores namin. Nagtutulungan na nga lang kami eh. Kasi hindi ako nag-aral at marami akong hindi matandaan. Siya naman ay kalahating part lang ‘yung naaral dahil sobrang late na raw sila nakauwi kagabi.

Okay, ang third place ay ang III-Sapphire!”

Nagpalakpakan naman ‘yung section ng Sapphire. Ang quiz bee kasi na 'to is universal. I mean, all levels ang kasali. Kaya nga feeling ko ay lugi ang mga first year eh. Malamang naman ‘di ba? Pero last year ay ang nagfirst place dito ay first year. Ang galing nila nun.

But we need a clincher round for the first and second place! Ang maglalaban ay ang IV-Quartz at III-Diamond!”

Nagulat naman ako sa announcement. ‘Di ko inexpect na makakapasok kami dahil nagkamali kami sa ibang questions. Oh my God. Kinabahan tuloy ako lalo!

GO LIANN! GO ROJ!” 

Narinig namin na chinicheer kami ng section namin. At take note, kasama pa ‘yung adviser namin. Ang supportive naman nila. Nakakatuwa. Pero kinakabahan talaga ako!

“K-kaya natin ‘to.” Kita mo 'to. Halata namang kinakabahan siya kanina pa eh. Nanginginig nga siya kapag nagsusulat. Pero kailangan naming manalo.

The question is—Ano ang pinakalumang lungsod sa Sumeria o mas kilala rin sa tawag na Mesopotamia? Go!”

Natulala ako nung marinig ko ‘yun. Oh my gosh! Hindi ko ‘yan alam!

“Roj, alam mo ‘yung sagot?”

“Di ko matandaan kung Akkad o Nippur. Di ko kasi masyadong nabasa eh.”

Kinakabahan na kami ngayon. Hindi kami makapili kung Akkad or Nippur. Gosh talaga! Hindi ko kasi nabasa ‘yan eh. Pero familiar ‘yung Akkad at Nippur. ‘Di ko nga lang alam ‘yung description sa kanila.

10 secons left.”

“Ano na? Akkad nalang?” sabi ko sa kanya. Wild guess na lang ang pag-asa namin.

“Ewan.
‘Yun na lang ba?”

“Sige.
Bahala na.” Napapikit na lang ako habang sinusulat niya yung answer.

Narinig na namin ang tunog ng buzzer at hindi na ako nakahinga. Oh my gosh! Sana tama kami!

Time’s up! Raise your answers! And the correct answer is...”

Akkad, please! Akkad! C’mon!

“NIPPUR!”

Halos nanlumo ako nung marinig ko ‘yun. Bakit Nippur?! Hala naman oh!

Naghihiyawan na ‘yung mga tao habang ako ay nakayuko lang. Sobrang nanghihinayang ako. If I know ay mga fourth year yung sumisigaw. Tama ata sila eh.

And now we have our first and second place! First place goes to III-Diamond!” 

Napatingala ako nung marinig ko ‘yun. Teka, Akkad ang sagot namin ah?

Napatingin tuloy ako bigla sa board namin at nanlaki ang mata ko nung nakasulat ang salitang Nippur doon.

“Pinalitan mo?” Hindi ako makapaniwala sa nakasulat.

“Instinct.
Sinulat ko na lang ‘yung Nippur. Pakiramdam ko ‘yun ang tama eh. And I’m right. We won.”

Napasigaw na lang ako at napatalon. My gosh, nanalo kami!
Hanggang sa pagsabit ng medal ay hindi pa rin matanggal ‘yung ngiti sa labi ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwala! 

***

Congrats Roj! Congrats Liann!”
Congrats!”
Whhoooo! Go III-Diamond! We're the best!”

Nagcecelebrate kami ngayong lahat sa room sa pangunguna ng adviser namin na si Ms. Mendoza. Grabe ang sarap talaga sa feeling pag nananalo ka! Habang tinatanggal ko ‘yung medal na sinabit sa akin kanina ay may nakita akong nakatayo sa harapan ko na ikinagulat ko.

“Congrats Liann.”

Si Ivan.
Now I feel like I’m going to cry, again.


***