.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, April 25, 2015


***

“Tawag tayo sa baba.” Bigla naman akong hinila ni Roj palayo kay Ivan. Buti na nga lang at ginawa niya ‘yun, kung hindi ay baka umiyak na ako sa harapan ni Ivan.

“Here. Don't cry in front of a guy. That will make you a loser,” sabi niya tapos inabot niya sa akin ang panyo niya. 
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Saan naman niya nakuha ‘yun?

“My sister told me that.” Whoa! Mind reader ba siya? Paano niya nahulaan ‘yung tanong sa utak ko?

Habang nagpupunas ako ng luha, tahimik lang kaming dalawa. Halos hikbi ko lang ang maririnig pati ‘yung mga nahuhulog na dahon kapag humahangin ng malakas. Nandito kasi kami ngayon sa mga bench sa side ng quadrangle.

“Salamat ha?”

“No problem.” Tumayo naman siya at mukhang balak na niyang umalis. Pero pinigilan ko siya dahil may kung anong pumasok sa isip ko.

“Bakit?” sabay ayos niya pa sa makapal niyang salamin.

“Pwede ba kitang ayusan?”

Halos tumitig lang siya sa akin sa loob ng ilang minuto. Oo, tulala lang siya. Mukhang nagloading ang utak niya dahil sa sinabi ko.

“Uhm.” Naghihintay ako ng karugtong na sasabihin niya, kaso wala! Walang lumabas na words sa bibig niya.
Kaya ako na ang naglakas loob na magsalita ulit. “Please? Uhm sabihin na nating ito ‘yung bayad sa ginawa mong pagtulong mo sa akin. Kasi...teka wag mong mamasamain tong sasabihin ko ha?” Tumango naman siya. “You know, uhm, may itsura ka naman eh. Kaso nga lang ano...kasi ‘yung style mo...” Ang hirap namang sabihin! Baka kasi maoffend ko siya. Pero bahala na! “...ang nerdy. Ang baduy.” 

Nagtitigan lang kami at naghihintay ako ng comment sa kanya o di kaya kung sisigawan niya ba ako o ano. Pero wala siyang sinabi at nakatingin lang sa akin.

“Uy, sorry. I didn't mean to offend you—”

“No. Okay lang. Sanay naman na ako eh. Araw-araw sinasabihan ako ng ganyan. Sanay na ako.”

Bigla namang bumigat ‘yung pakiramdam ko nung sinabi niya ‘yun. Bigla akong naguilty and at the same time ay nasaktan ako para sa kanya. At nagulat ako nung biglang nanubig ‘yung mata niya.

“Kung sanay ka, bakit ka umiiyak ngayon?”

Hindi naman talaga siya umiiyak. Maiiyak pa lang. Naipon na ‘yung luha sa gilid ng mata niya pero parang pinipigilan niyang bumagsak ‘yun.

Ganito pala ‘yung nararamdaman ng mga nabubully. Ang sakit lang isipin na may mga tao palang nagtitiis araw-araw sa ginagawa sa kanila ng mga tao sa paligid nila.

“Here. Mukhang mas kailangan mo 'to ngayon eh.” Binigay ko sa kanya ‘yung panyo ko. Nasa bulsa ko lang pala kanina. Akala ko nawala na nung hinatak niya ako.

Tumulo na ‘yung luha niya at tinanggal niya ang salamin niya. This is the first time I saw a guy crying. Parang naiiyak na rin tuloy ako dahil ang bigat sa pakiramdam.

“Pasensya na. Kahit na sinabi kong sanay na ako, ang totoo...” Hindi na niya naituloy ‘yung sasabihin niya at tahimik lang siyang nagpupunas ng luha niya. Kahit naman hindi niya ituloy ay alam ko na ang sasabihin niya.
Alam kong masakit pa rin sa kanya na lait-laitin. Sobrang naguilty tuloy ako dahil nilait ko rin sa isip ko ang itsura niya nung nakaraan.

“Hey, don't cry in front of a girl. That will make you a loser,” sabi ko na lang.

Napatingala naman siya sa akin and then I smiled at him. Pinilit niyang tumigil sa pag-iyak and he tried to smile. Much better. At least nalabas na niya ‘yung sama ng loob niya. Mas magaan ‘yun sa pakiramdam.

“Okay ka na?” tanong ko sa kanya after niyang umiyak.

“Better,” sabay hawak sa kwintas niya.

Nagstay kami doon for another ten minutes. Tahimik lang at walang nagsasalita sa amin. I'm thinking of Ivan right now. Gusto ko na siyang burahin sa buhay ko tulad nung paglimot ko kay Richard, ‘yung first boyfriend ko. Haaay, lahat nalang ng lalaking dumadating sa buhay ko, ang bilis mawala.

Pero hindi ko maiwasang magalit kay Ivan tuwing maiisip ko siya dahil sa ginawa niya.
Bakit sa akin pa? Sa lahat naman ng pwedeng saktan, ako pa? Ang sakit lang isipin na ‘yung taong pinagkatiwalaan mo ay binalewala ka lang. Gusto kong gumanti. Gusto kong maramdaman niya kung paano mabalewala ng mga tao sa paligid niya. Para matuto siya ng leksyon. Para maintindihan niya na hindi dapat sinasaktan ang isang babae. Lalo na kapag umaasa siya.

“Payag na ako.” Napatingin naman ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita.

“Saan?”

“Make-over.”

Napatayo ako sa narinig ko. OMG. Pumayag talaga siya? YES!

Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko maitago ang kasiyahan ko.

“I promise, I'll make you a better Roj Morales.”


***