.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, May 2, 2015


***

“Okay, class dismissed. Don't forget your homework due tomorrow!” sigaw ni Ma’am bago tuluyang lumabas.

Buti na lang at uwian na. At buti ay tapos na lahat ng activities para sa Social Studies month. Nakakastress.

“Bruha, una na ako ha? May family gathering kami ngayon eh.”

“Okay. I’ll text you later.”

Bumeso sa akin si Zie at umalis din siya kaagad. After kong mag-ayos ng gamit ay bumaba na rin ako at tumayo ako sa gilid ng gate. Tinignan ko ang relo ko. Ang tagal naman nun. At bakit ba parang baligtad? Dapat babae ang hinihintay at hindi ang naghihintay.

Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko kaya tinignan ko kaagad. 

From: Roj Morales
+6305*******
Pababa na ako. Sorry

At nagtext na rin sa wakas.
Tinext na niya kanina na malelate siya dahil ang tagal nilang idismiss dahil sa club meeting nila. Pero nung nabasa ko ‘yung text niya na pababa na siya ay nagcountdown na ako. Wala pang one minute ay nakarating na siya rito. Bilis maglakad ah! O baka tumakbo?

“Ano bang gagawin?” tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“The Roj make-over operation, I guess?” at saka ako nagsmile. “Kaya tara na at marami tayong dapat gawin!”

“Wait—”

Hinatak ko na siya sa braso at saka ako tumakbo kaya napatakbo rin siya. Ayos lang naman sa akin ‘yung ibang pormahan ng mga matatalino sa school pero pagdating kay Roj, ewan ko ba pero napapailing na lang ako. Kailangan ko siyang turuan kung paano manamit nang maayos.

Sinabihan ko naman si Kuya Ronald na wag na akong sunduin dahil may pupuntahan pa ako. Kaya ngayon ay nakasakay kami sa jeep papuntang SM. Actually, this is my first time riding a jeepney. Kasi kadalasan nagtataxi ako, pero nung muntik na kaming mamatay ng ate ko dahil doon ay natrauma na ako. Doon kami pumwesto malapit sa babaan. Pero teka nga, paano ba magbayad dito?

Ah! Tama!

Gagayahin ko sana ‘yung ibang pasahero, ang kaso nga lang, wala pang nagbabayad.

“Ui Roj.”

“Bakit?” Lumapit ako sa tenga niya tsaka bumulong.

“Paano ba magbayad dito?” Nanlaki naman ‘yung mata niya pagkatapos ko yung sabihin.
My gosh! Siguro pagtatawanan na niya ako dahil hindi ako marunong magbayad sa jeep!

“H-hindi mo rin alam? Akala ko marunong ka.”

This time ako naman ang nagulat.
Rin? Ibig sabihin, hindi rin siya marunong?! Hala! Para tuloy kaming tanga na paranoid na paranoid kung paano magbayad. Bakit kasi wala pang nagbabayad?! At dahil wala na kaming choice dahil malapit na ‘yung mall, magbabayad na kami. Inabot ko kay Roj ‘yung bayad ko tapos siya ay akmang tatayo na para lumapit dun kay manong driver.

“Ma bayad po.”

Biglang may nagbayad na ale doon sa bandang gitna kaya natigilan kami pareho. Bago pa makatayo si Roj ay hinatak ko na siya tapos ginaya na lang niya ‘yung ginawa nung babae—pinapaabot sa mga katabi ang bayad.

Ganun pala yun?!

Grabe nakakahiya pag nagkataon! Iniimagine ko tuloy si Roj na naglalakad palapit kay manong driver. Hala nakakahiya talaga! Buti hindi natuloy! Pero andaming tumingin sa amin at palihim na tumatawa. Grabe lang talaga! At ngayon lang rin namin nalaman na
para pala ang sinasabi kapag bababa ka na ng jeep. Buti may mga bumaba rin sa mall kaya walang hirap kaming nakababa rin sa jeep.

“Nakakahiya yung ginawa natin kanina,” bulong ko sa kanya.

“Bakit kasi nagjeep tayo? Akala ko alam mo kung pano sumakay doon,” bulong din niya with matching ayos pa sa salamin niya.

“Sorry naman ayaw ko kasing sumakay sa taxi eh.”

Bago pa humaba ang usapan ay hinatak ko na siya papasok sa mall. Kalimutan na ang jeep incident kanina! Make-over dapat ang nasa isip ko.

Una kaming pumunta sa
EO. Tumingin ako doon ng contact lenses na pwede niyang gamitin. 100-100 pala ang grado ni Roj. Clear contacts lang yung pinili niya kaya yun yung kinuha namin. Pero dahil naiinggit ako ay bumili na rin ako ng colored contacts. Next stop—Penshoppe at Bench. Piniliaan ko siya ng mga shirts doon. Ang kulit nga eh, gusto niya daw bilhin ‘yung suspenders na nakadisplay doon. Aaanhin naman niya ang suspenders, aber?

Pumunta na rin kami sa
department store para bumili ng perfume, cardigans and other stuff. Mukhang mababankrupt ako dito ah? Bakit nga ba kasi ako nagsuggest na i-makeover siya?

“Teka lang, nagugutom na ako.” Nagreklamo na ako nung nakaramdam na ako ng gutom habang naglalakad. Gabi na rin kasi eh. At etong kasama ko ay sinusulit na yata ang mga huling araw niya sa pagiging nerd dahil tumambay siya ng isang oras sa
National Book Store. Kamusta naman di ba?

“Sige kain muna tayo. Libre ko na.”

Napahinto naman ako sa paglalakad. Teka, tama ba ang rinig ko o dala lang ‘to ng gutom? Libre niya raw? As in siya? Libre niya? 

Siya na ang nanguna papuntang
KFC. Wowsteak lang yung inorder ko tsaka ‘yung fries. Di rin naman kasi ako ganun kalakas kumain eh. Pero ako ang nagulat sa kanya. Aba naman at nag-fully loaded meal lang naman ang loko with extra rice at Krushers! Jusme, di ko akalaing sa payat niyang ‘yan ay ganyan siya kalakas kumain!

“Bakit?” Bigla akong natauhan na nakatitig na pala ako sa kanya dahil sa hindi ko mapaniwalaang katakawan niya.

“Kaya mong ubusin lahat yan?”

“Oo naman. Mukhang kulang pa nga.” Wow. Eh di siya na talaga matakaw. Siya na nakulangan sa fully loaded meal. Siya na matakaw pero hindi tumataba.

Pagkatapos naming makipagbakbakan sa pagkain ay umuwi na rin kami. Nagpasundo na lang ako kay Kuya Ronald dahil ayoko nang mag-jeep. Hindi ko pa nakakalimutan ang kahihiyang nangyari kanina. Siya rin ay nagpasundo na kaya naghiwalay na kami after nun.

Nung nasa sasakyan na ako, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nangyayari.

Just wait and see, Ivan. You are going down. I'll make sure of that.


***