.

.

Chapter 8

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, May 2, 2015


***

“Bye Ate, bye Dad,” then kiniss ko sila sa cheeks. Pagkaalis nila ay umakyat agad ako at pumasok sa room. Buti na lang wala kaming assignments ngayon. Nakatulog kasi ako kaagad pagkauwi kagabi eh, sobrang napagod ako.

“Ven!” Nakita ko kaagad si Ziela at kumaway ako tapos umupo sa tabi niya.

“Oh ano? Kamusta family gathering niyo?” tanong ko dahil hindi ko na siya naitext kagabi.

“Ayos naman, medyo BV nga lang.”

“Bakit? What happened ba?”

“Naku saka ko na lang ikukwento, long story eh.”

“Okay. Nga pala, punta tayong SM sa friday ha? Sale kasi eh. Shopping to the max tayo!”

“OMG really?! Sure, sure!”

At ayan nag-usap na naman kami tungkol sa shopping. Dumating rin naman agad yung homeroom teacher namin kaya nagsibalikan na rin sa mga upuan ‘yung iba kong classmates.

“Okay class, itago niyo yung notebooks and books niyo. We'll have a recitation. Surprise,”
sabay grin ni Ma’am sa amin. At oo, nasurprise kaming lahat!

Nagkagulo tuloy sa room. Nagsilapitan kasi lahat ng mga walang notes doon sa meron. Buti na lang at nagsusulat ako lagi.

“Grabe naman si Ma'am, walang patawad!” bulong ni Zie habang nagsscan ng notes niya.

Nagreview na lang kaming dalawa ng
Chemistry. Balancing equations lang naman ang recitation. Kaso medyo mahirap ‘yun kapag sobrang complicated na ng reaction. Sana ‘di mahirap yung makuha ko. Kinabahan tuloy ako bigla.

“Casimiro, Raya.”

Tumayo naman siya sa upuan niya at ang ikinagulat ko ay tumingin siya sa direksyon ko tapos, bigla niya akong inarapan. Now what was the meaning of that? Malinaw naman ang mata ko at ‘di ako pwedeng magkamali na inirapan niya talaga ako. Oh baka si Ziela inirapan niya?

“Zie, nakita mo ‘yun?”

“Ang alin? Si impaktitang babaita
ng malditang impokritang Raya?” Pfft. Natawa ako bigla sa sinabi ni Ziela. Ayos makadagdag ng adjectives ah?

“Oo. Umirap ba siya?”

“Oo, sarap ngang dukutin ng mata eh. Feeling ko tayong dalawa ‘yung inirapan nun.”

“Tayong dalawa?” Teka may atraso rin ba si Zie dun sa Raya na ‘yun?

“Oo kasi nga invited si Ivan doon sa gathering kagabi.
Ayan, tinatarget na rin yata ako. Asa naman siyang papatulan ko ‘yung Ivan niya no. In his dreams!”

Ah kaya pala BV raw ‘yung gathering nila kagabi. Naku, panghatid-BV talaga ‘yang Raya na yan eh. Naaalala ko tuloy ulit ‘yung mga panahong dapat ay sasagutin ko na si Ivan pero nawala na lang ang lahat na parang bula.

“Hoy ano ka ba, chemistry subject 'to hindi crying subject. Tsaka akala ko ba hindi mo na siya iiyakan?”

Hindi ko naman napansin agad na namumuo na pala ‘yung mga luha sa mata ko. Bago pa ‘yun pumatak ay pinunasan ko na kaagad. Tama, hindi ko dapat siya iniiyakan. Kung iiyak man ako dahil sa kanya, sisiguraduhin kong dahil ‘yun sa masaya akong nakapagmove-on na sa kanya. He's not worth it for my tears, after all.

Natapos naman agad si Raya pero may kaunti siyang mali kaya 9/10 lang siya. Kaya ayan, nakakunot ‘yung noo niya habang pabalik sa upuan niya...which is sa tabi ni Ivan.

“Damian, Venice Liann.”

OMG ako na! Sana madali lang at sana tama rin yung isasagot ko.

Papunta na sana ako sa board kaso nga lang, may naramdaman akong tumama sa paa ko. At ang alam ko na lang, tumama na ‘yung tuhod ko sa sahig.

Pagtingala ko, nasa gilid ko pala si Raya and take note, nakagrin pa siya. So siya ang pumatid sa akin?! Pinilit kong tumayo dahil nagtatawanan na ‘yung classmates ko. Nakakahiya. Halos maluha na ako sa sobrang hiya. Ano bang kasalanan ko sa kanya at ginaganito niya ako? Nakuha na niya si Ivan ah? Meron pa ba siyang kailangan sa akin? Nakakainis na!

“Okay ka lang?”

Nagulat naman ako nung may umaalalay na pala sa akin patayo at pagtingin ko ay nakita ko si Roj. Pinilit kong ‘wag umiyak sa harap nilang lahat...sa harap niya. Ayoko nang umiyak dahil lang sa mga walang kakwenta-kwentang mga bagay.

“Y-Yeah. Thanks.”

“Ms. Damian, are you alright?”  Napatingin ako sa teacher ko na hinihintay na akong magsagot sa board.

“Yes, Ma'am.” I flashed a smile and sinagutan ko na ‘yung tanong niya.

And thank God, hindi siya ganun kahirap. Kahit medyo nagtagal ako ay nasagutan ko naman ‘yung problem. I got a perfect score. Pati na rin si Ziela.

Nung nagbell na para sa break time, tumayo na agad kami ni Ziela dahil sobrang gutom na kami. Ayoko pa namang nagugutom si Ziela dahil nakakatakot siya kapag walang laman ang tiyan. Parang monster kung magalit! Kaya dapat hindi siya gutom pag galit at hindi siya galit pag gutom. Teka anong sabi ko, naguluhan ata ako?

Kaso, eto na namang Raya na 'to ay humarang sa daan namin. Ano ba talagang gusto niyang patunayan?! Naiirita na ako sa kanya ha!

“Ayos ka gumawa ng scene kanina ah? May tagatayo ka pa. Ano yun? Nerd in shining armor? Eww Liann! Pero sabagay, bagay naman kayo nung nerd na ‘yun. Swak na swak ang level niyo. Losers,” sabay tawa niya sa harapan ko.

“Yeah right, losers!” Nag-chorus pa ‘yung mga alipores niya.

Pagkabing-paagkasabi niya nun ay tumalikod na siya pero nagulat ako nung hinila ni Zie yung buhok niya. OMG!

“Ang kapal rin ng mukha mong mang-asar eh ‘no?
Sino kayang namatid sa kanya? ‘Di ba ikaw? Ikaw na mang-aagaw? ‘Yung bigla-bigla na lang eepal sa isang relationship? Wow ha, kung makaepal ka wagas eh ‘no? Ano ka singit? Sabagay mukha ka namang singit.”

“W-what did you say?!” halos hindi siya makapaniwala sa narinig niya kay Zie.

“Oh ano?
Totoo naman ‘di ba? Insecure ka lang kasi mas sikat pa rin si Venice kaysa sa’yo. Insecurities nga naman. Wag ka na kasing tumapat sa level niya, di mo kaya. Masyadong mababa ‘yang uri mo.” then tinignan siya ni Ziela from head to toe habang nakataas ang kilay.

Ito na nga ba ‘yung sinasabi ko eh. Dapat hindi hinahayaang gutom 'tong babaitang 'to! Masama na tama nya! Kailangan nang umalis dito. Hinatak ko na siya para makalabas ng pinto kaso biglang pumasok si Ivan na may dalang pagkain.

Hindi kaagad ako nakagalaw.
Hindi ko rin namalayan na nasa tabi na rin pala ni Ivan si Raya. At ang maldita, ngumisi sa amin. Pero lalo akong hindi nakagalaw nung biglang...

Hinalikan niya si Ivan...in front of me. In front of my face.  

Parang gusto ko nang malusaw ngayon. Hindi ko na maigalaw ‘yung mga paa ko. Oo alam ko nasasaktan ako pero bakit hindi ko maiwas yung tingin ko? Bakit nakatingin pa rin ako sa kanila habang naghahalikan?

“Tara na nga Ven. Masyadong PDA rito!
Ang lalandi!” sabay hatak sa akin ni Zie nang sobrang lakas. 

Bakit ganun? Bakit ang sakit?


***