.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, March 14, 2017

***

Music.

They said music is a means of communication. An art. A way of life. But music can also destroy people.

I loved music. When I was young, my family would always play instruments and sing. Making and enjoying music served as our pastime. Tandang-tanda ko pa ang saya ko tuwing gagawin namin ‘yon pero ngayon, hindi ko na ulit mararamdaman ang ganoong bagay.

***

“Mel, tara na. Late na tayo.”
“Wait.”

Inubos ko ang kape ko at pagkatapos ay nagtoothbrush na. Kinuha ko ang bag ko sa upuan at agad na lumabas ng bahay. Nilock ko ang pinto at sumunod ako kay Kuya. Sa totoo lang ay ayaw ko talagang pumasok pero hindi naman ako mananalo kay Kuya kaya wala na rin akong magagawa.

“Please Mel, wala sanang—”
“Magbebehave ako. Wala kang maririnig na kahit ano tungkol sa akin.”
“Good,” sabay gulo niya sa buhok ko kaya tinignan ko siya nang masama. Tss. Tapos kapag ‘yong buhok niya ang ginulo, magagalit din. Alam naman niya ‘yong feeling tapos gagawin pa sa akin.

Sumakay kami ng bus at tumingin na lang ako sa bintana. Bakit ba kasi kailangan kong lumipat ng school? Ako na ang nabully, ako pa ang pinaalis. Pero mas maganda na rin siguro ‘to para new environment. Hindi ko na makikita ang mga nambully sa akin sa dati kong school. Kaso nga lang, bakit kailangan kasama ko pa si Kuya?

Ayoko talagang pumasok sa school na ‘yon dahil nandoon si Kuya. I don’t want to be compared to him. Ever since we were young, he was the star and I was hidden in the shadows. It was okay with me since he’s really great but as we grew older, it became suffocating.

Kaya nga noong nag-highschool ako ay nag-iba ako ng school na pinapasukan. Third year college na siya, samantalang ako ay first year college. Dapat ay doon pa rin ako sa dati kong school magcocollege dahil may college counterpart sila na katapat lang ng high school building pero dahil nga sa gulong napasok ko roon ay minabuti niyang ilipat na ako kung saan makikita at mababantayan niya ako.

Pagdating namin sa campus ay agad akong humiwalay kay Kuya. Sinabi ko naman sa kanya dati na ayaw kong makilala as his little sister. At kahit hindi ko sinasabi ay may itsura naman si Kuya kaya alam kong may mga nagkakacrush sa kanya rito. Hindi naman ‘yong sobrang heartthrob pero ‘yong tipong mapapatingin ka sa kanya ng ilang segundo tapos balik na ulit sa dati.

“Text mo na lang ako kapag may problema o kailangan ka. Sabay na rin tayong kumain—”
“Kuya, ang OA mo. Sige na, bye.”

Iniwan ko siya ro’n at hinanap ko ang room ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit protective si Kuya sa akin. Simula kasi nang mamatay ang parents namin ay siya na ang nag-alaga sa akin. Kaming dalawa na lang ang magkasama kaya close kami sa isa’t isa. Kaya nga lang, nasobrahan naman ‘tong si Kuya.

Nang nakita ko ang room ng first subject ko sa building na ‘to ay pumasok agad ako at umupo sa dulong row sa may tabi ng bintana malapit sa pinto. Sabi ni Kuya, dapat daw ay hindi na ako umuupo sa dulo dahil ‘yon an madalas target ng bullies, pero nakasanayan ko na kasi. Dahil may twenty minutes pa bago magsimula ang klase, nag-observe muna ako sa paligid.

May iilan na ring estudyante ang nandito. Mukhang ‘yong iba ay magkakakilala na. Sabagay, may highschool counterpart ang university na ‘to na katabi lang din nito. May napansin naman akong isang lalaki sa unahan na nasa tabi rin ng bintana. Nasa same column kami. Nakasandal siya ro’n sa bintana habang may nakalagay na headphones sa tenga. May lumapit sa kanyang babae at parang may inaabot na papel pero nilipat niya ang tingin sa labas. Mukhang napahiya ‘yong babae kaya umalis na siya sa harapan ng lalaki at bumalik sa upuan niya. Ang ilang babae naman na malapit sa pwesto ko ay narinig kong nagbulungan.

“Pahiya tuloy siya. Alam naman niyang hindi nakikipag-usap sa mga babae si Priam.”
“Pero sayang ‘no? Gwapo sana, isnabero naman.”
“Kahit noong highschool daw ay ganyan na siya.”

Hanggang college, uso pa rin ang heartthrob sa classroom. Tumingin na lang din ako sa labas dahil puro tsismisan na lang ang narinig ko sa mga babaeng nakapaligid sa akin.

Below us were students running to their rooms since there was only a few minutes left before the classes start. However, one guy was leisurely walking, not even fazed by the strict rule of the campus regarding latecomers. I was looking at him when he suddenly glanced upward and our eyes met. Both of us were surprised and I immediately turned to the other side. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit ako tumingin sa labas at nagfocus na lang sa classroom.

Isa-isa na ring nagdatingan ang ilang classmates ko kaya medyo kinabahan ako. Wala akong kakilala at halos lahat sila ay may mga kausap kaya naman naglabas na lang ako ng notebook. I was doodling and scribbling nonsensical stuff when a song suddenly played out of nowhere. I looked around to find the source and saw two speakers attached to the front corners of the room.

Some guys stood while the girls flashed their smiles and some squealed.

“Favorite band!”
“Me, too!”

Nagsimula ang unang verse ng kanta at halos lahat sila ay sumabay sa kanta.

~ Baby, I know the story,
I've seen the picture,
It's written all over your face ~

Lalo namang lumakas ang boses nila nang nasa chorus na at hindi ko naman inexpect na may ganito pala sa university na ‘to. According to my brother, this university is known for being a center for arts and culture. They create and nurture artists and their talents that’s why aspiring actors, singers, dancers, performers and other art professions want to enter this school.

Since I got involved in a bullying scandal in my previous school, my brother chose to enroll me here, even if I don’t want to. He made me take the entrance exam and I don’t know why I took that seriously. In the end, I passed the test and here I am.

After a few minutes ay natapos na ang kanta at sakto namng pumasok ang professor namin.

A woman dressed in black blazer and trouser pants with her wedged shoes stood in front of us. The whispers and talks were immediately silenced by her imposing stance and presence.

"Good morning. This is ART 101, Introduction to Art, and I'm Prim Malzel, your professor."

Nagbigay naman siya kaagad ng syllabus at halos mawala ako sa sarili ko nang nagkatinginan kami. Kinabahan ako dahil baka bigla niya na lang akong tawagin o pagalitan kaya naman yumuko ako at nagfocus sa syllabus.

She discussed the requirements for the class, as well as the schedule of our lectures and exams, as written on the syllabus.

“Introduce yourself and state your expectation from this course,” she said and pointed at the girl in front.

Bigla akong kinabahan dahil doon. Ang pinakaayaw ko sa klase ay ang pagpapakilala sa harapan ng kaklase mo, lalo na’t wala akong kahit isang kakilala rito. Isa-isa namang nagsalita ang mga kaklase ko at halos lumabas na ang puso ko nang katabi ko na ang nagpapakilala.

“Okay, next,” our professor said and looked at me.

My heart was thumping crazily against my chest and I can’t breathe properly anymore, but I managed to say what I should say.

“M-Melodia Davis. I . . . I want to appreciate art again,” I said in a timid voice. Luckily, the students looked uninterested or maybe they didn’t hear me but Ms. Prim, as well as the guy with the headphones earlier, looked at me with curiosity.

After that ay nakahinga ako nang maluwag at ang katabi ko na ang sumunod na magsalita. Nang natapos na ang lahat ay may sinabi lang siyang babasahin at agad din niyang tinapos ang klase. She left the room and some of the students immediately chattered with each other.

“She’s the vocal coach of Ciara Carlos, right?”
“Hala oo nga! Sabi na nga ba familiar siya, eh!”
“Ciara Carlos? As in, ‘yong magaling na soloist at vocalist?”
“Oo! ‘Di ba nga, napuri pa siya ng international singers?”

Pagkarinig ko ng usapan nila ay napaisip ako kung sino si Ciara Carlos. I don’t really listen to current music anymore because of that but I remember her because of her huge photo outside the campus.

Nagulat naman ako nang biglang may tilian sa labas ng room at pagtingin ko ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko. His eyes wandered inside the room and met mine but before he could even move, several girls were already surrounding him. I averted his gaze and quietly left the room.

Naalala ko bigla ang tanong niya sa akin kanina bago kami pumasok.

“Mel, are you really not going to take music courses?”
“No.”
“But why?”
“You know why,” I said and we both went silent.

That incident started to play in my mind again and even after several years, it still haunts me every night. Because of music . . . because of me . . . our parents died. That's why I will never enjoy it again. I can't appreciate it anymore.

Music is my first love, but also my worst nightmare.


***