.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, April 1, 2017

***


“Ami!” sigaw ni Venus, best friend ko, habang tumatakbo palapit sa akin. Hindi ko naman siya pinansin dahil nagbabasa pa ako pero sinunud-sunod niya ang pagtawag sa akin kaya wala akong choice kundi tignan siya.
“Bakit?”
“Eh ‘di lumingon ka rin! Nagbabasa ka na naman n’yang mga patayan! Brutal ka talaga kahit kailan.”

Dahil sa sinabi niya ay binalik ko ang tingin ko sa libro pero hinarang niya ang kamay niya sa page.

“Eto na nga kasi,” sabay upo niya sa tabi ko. “May blind date ako later.”

Her words caught my complete attention, enough for me to close the book I was reading. Hindi ko nga lang alam kung tama ang narinig ko pero base sa expression niya, mukhang wala namang problema ang tenga ko.

“Blind date?” I asked, emphasizing both words.
“Yup. Trixie set me up with his brother’s classmate. Excited na ako,” sabi niya habang nakangiti.
“Oh, God, Venus. Bahala ka nga.”
“’Yan na ang support mo? Salamat friend, ha?”
“Oh, eh ‘di good luck. But no, hindi ako sasama.” Binalik ko ang tingin ko sa libro pero hinarang na naman niya ang kamay niya.
“I need a support! Kailangan nandoon ka! Ito naman, parang ‘di kaibigan!”
“Excuse me? ‘Yan na ba ang sukatan mo ng friendship natin? Bahala ka. You know that I hate stuff like that.”
“Tss. Ang sabihin mo, ayaw mo lang sa tao. Jusko, sino pa ba ang friend mo rito bukod sa akin?” she retorted but I didn’t counter her argument.

Totoo naman kasi. She’s my childhood friend and we’ve been together for thirteen years now. The reason why I don’t have any friends aside from her is because I can’t initiate a conversation, along with my introverted nature, and I think I don’t really need more. I’m fine with my life right now, even if Venus is the only one I can depend on.

“Sige na kasi, Ami! Please?”
“Ayoko.”
“I’ll buy you a Michael Crichton book,” she suddenly said and my shoulder tensed.
“Okay,” sabi ko naman at nakita ko ang pagngiti niya. I lost it again. Dang it. Venus and her bribery!
“Ha! I know your weakness, girl. Pa’no ba ‘yan? Wala nang atrasan ha? Sasamahan mo ako later.”
“Tss. Fine. Basta siguraduhin mo lang na ibibigay mo talaga sa’kin ‘yang libro.”
“Sure.”

Nagsimula naman ang class namin sa Kas 2 at dahil nagtatawag na ang prof namin ay iniwasan ko ang mga mata niya. Wala namang grade ang participation sa class so okay lang kahit hindi mag-recite.

“Ms. Calderon?” tawag niya at napatingin ako kay Venus na mukhang hindi alam ang sagot. She shook his head and our prof turned to my direction. Tumingin agad ako sa notebook ko, hoping na hindi matawag.
“Mr. Anastacio?”

Nakahinga naman ako nang maluwag pagkatapos kong marinig ang ibang apelyido. Pagtingin ko ay ‘yong classmate naming nakasalamin na nasa likuran ko ang tinawag.

“Mr. Anastacio. Why do you think civilizations started in Mesopotamia, Egypt, India and China?” Our prof repeated the question and my other classmates were also wary, not wanting to be called.
“Ma’am, I think its because of their locations. These civilizations are situated along the banks of large, fertile rivers.”
“Very good, Mr. Anastacio.”

Napatingin naman ang ilan naming classmates sa kanya at ako naman ay tumango. Hindi ko kaagad naisip ‘yon. This guy is really smart. Classmate din kasi namin siya ni Venus sa majors since magka-block kami pero gaya ko ay wala ring masyadong kumakausap sa kanya.

Nagpatuloy sa pagdidiscuss si Ma’am hanggang sa halos lahat yata kami ay natawag niya. I answered her question though I think it wasn’t that right. After ng class ay dumiretso ako sa next classes ko. Halos 5 PM na rin kami na-dismiss sa last class at tinadtad ako ng text ni Venus dahil malapit na raw ang blind date niya.

Pumunta naman ako sa main entrance ng campus para kitain siya pero hindi ko siya nakita ro’n. I waited for a few minutes but I still can’t see her.

Where are you? Dito na ako
, I texted and luckily, she immediately replied.
Sorry! Nag-seatwork kami. Tatakbo na ako papunta dyan. Wait for me!

I sighed after reading her reply. Sana pala hindi ko na lang inagahang pumunta rito. Sumandal na lang ako sa pader para hintayin siya at nilabas ang Volume I ng Sherlock Holmes. I have read this few years ago but I wanted to read it again.

“Ami!”

Napapikit naman ako nang marinig ko ang boses ni Venus. Halos isang sentence pa lang ang nababasa ko pero wala na akong choice kundi isara ang libro at ilagay sa bag ko.

“Tara na!” sabay hatak niya pero agad din siyang huminto. “Wait, ayos na ba ang itsura ko? Hindi ba ako mukhang haggard?”

I stared at her for several seconds and she looked at me expectantly. Venus is actually good-looking. Her wavy hair, large eyes, pointed nose, full lips and tanned skin made her appealing. The only downside is her height. She’s only 5 feet flat.

“You look fine,” sabi ko at bigla naman niya akong hinampas. “Ouch! What was that for?”
“Wala! Tara na nga!”

Sumakay kami ng tricycle at panay naman ang pagtetext niya. Sinilip ko ang phone niya at nakita ko naman ang pangalan ng cafe.

“Iris cafe? D’yan ang meeting place n’yo?” tanong ko at bigla namang nilayo ni Venus ang phone niya.
“Bakit mo binabasa?” she said and her face was blushing. “A-anyway, hindi ‘yon ang name. Sa Cafe Tea Ria tayo.”
“Ahh, so malapit lang pala,” sabi ko naman at tumahimik na lang ako. Buti na lang talaga at halos five minutes lang ang byahe kaya nakalabas agad kami.

Nasa tapat kami ngayon ng isang cafe at papasok na sana ako pero bigla naman akong pinigilan ni Venus.

“Kinakabahan ako. Paano kung ‘di niya ako magustuhan?” tanong niya.
“Eh, ‘di wala. Hanap ka ng bago,” sagot ko naman at tinignan niya ako nang masama.
“Galing mo talagang magbigay ng advice. Sige na, pumasok na tayo.”

Pumasok kami sa loob at mukhang ayos naman ang ambiance sa cafe na ito. Nagtext ulit si Venus sa ka-blind date niya at ako naman ay tumingin sa menu. Should I order a cup of coffee?

“Oh my gosh, ayun siya!” she whispered and glanced quickly at the right side. I looked at the guy sitting there and with his blonde hair, red shirt and silver accessories, he was quite a sight.
“Puntahan mo na,” bulong ko pabalik.
“Bakit ako lang? Kasama ka!”
“Ayoko. Uupo ako mag-isa. Bahala ka d’yan.”
“Dali na kasi, Ami! Akala ko ba support kita?”
“Bakit, may sinabi ka bang same table? Sabi mo lang naman samahan kita. Ayokong maki-table sa inyo. Date mo ‘yan, eh.”

Sinulyapan ko naman ulit ang lalaki at umiinom siya ng kape habang nakatingin sa phone niya. Dahil kanina pa ako kinukulit nitong si Venus ay tinulak ko siya. Napansin naman kami ng ilan at kasama ro’n ang lalaki. They met each other’s eyes and he smiled at her.

“Ami, anong gagawin ko?!” mahinang sabi ni Venus habang nakangiti.
“Pumunta ka na ro’n,” sabi ko naman.

The guy waved at her so I pushed her lightly but we both stopped when his expression suddenly changed. He held his neck and he looked like in pain. The guy collapsed and the people near him either yelled or stood up in confusion. Venus and I didn’t move a muscle as we were both shocked and puzzled to what has happened.

“Oh my God! Anong nangyari?”
“Check him!”
“Sir, okay ka lang ba? Sir! Sir!”

Several people approached him and one of the waiters checked his pulse. I held Venus’ hand, hoping that the guy was alright but when the waiter made an upset expression, my heart sank.

“H-he’s dead,” the waiter announced and the place turned into chaos.


***