.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, February 8, 2016


***


Graduation.

My classmates were crying after the ceremony and here I am, bored and tired of waiting for Mom and Dad. Nakikipag-usap pa kasi sila sa ilang business partners nila na nandito rin ngayon sa graduation ceremony dahil sa anak o kamag-anak nila.

"Look. It's LJ Sy."
"Oh, so she's the famous troublemaker, huh?"
"Sabi ng friend ko na ka-section niya, may pinaiyak daw siyang babae kahapon."
"Grabe. Graduation na nga, nagpapaiyak pa."
"Sabi rin ng friend kong isa, kaya lang daw 'yan nakapagstay sa school ay dahil sa kapit ng parents niya."
"I heard that, too. Pero sabi naman ni Dad, mabait ang parents niya, ibang-iba sa ugali niya."

Dahil sa lakas ng boses nila ay lumingon ako sa likuran at sinamaan ko sila ng tingin. Bigla naman silang napaatras pero nakatitig pa rin sila sa akin kaya tumayo ako at akmang lalapit sa kanila.

"Les!"

Napalingon naman ako sa pamilyar na boses at nakita ko si Jaehan kaya napangiti ako. Inirapan ko na lang 'yong dalawang babae at sinalubong ko siya.

"Makikipag-away ka na naman ba?" bulong niya sa akin at nilingon ko ulit 'yong dalawang babae.
"Nauna sila. Tsaka hindi ko pa naman sila nagagantihan."
"Kaya ka laging pinapatawag sa Principal's Office, eh."

Nagpout lang ako sa kanya at nakakainis dahil siya pa ang nangangaral sa akin. Jaero Hander Jung, I call him Jaehan, is one of my childhood friends pero 14 years old pa lang siya. Yup, he's three years younger than me pero magkasingtangkad na kami at feeling niya ay mas mature siya kaysa sa akin. Minsan na nga kaming nabalitang may relationship dahil siya lang ang kinakausap ko nang matino sa school.

"Oh. Hi Jae!" Napatingin naman kami pareho sa gilid at naglalakad na pala sina Mommy at Daddy palapit sa amin.
"Hi Tita Daphne," sabay ngiti ni Jaehan kay Mommy.
"Ang tangkad mo na, ah? Parang last year mas matangkad pa si Les sa'yo," sabi naman ni Daddy kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bigla namang hinawakan ni Jaehan ang ulo ko.
"Sadyang maliit lang po talaga siya," sabi niya at nagtawanan silang tatlo.
"How's Alexa pala?" tanong ni Mommy sa kanya.
"Okay na po siya. Binabantayan siya ni Dad ngayon sa ospital."

Narinig ko kay Mommy noong nakaraan na na-dengue si Tita Alexa kaya siya sinugod sa ospital. Gusto ko sanang dumalaw last week pero dahil sa pesteng graduation ceremony practice ay hindi ko nagawa. But I'm relieved that she's okay.

"Sumama ka na sa amin for dinner, Jae," aya ni Mommy sa kanya but he smiled awkwardly.
"Sorry Tita pero magkikita kasi kami ni Kuya Jaerim ngayon."
"Jaerim's here? Then invite him too. Please? Minsan ko na lang kayo makitang dalawa."

Hearing his name made me cringe and I really don't want to see that guy. Although he's also my childhood friend, matagal na kaming hindi nagkikita.

"Well, if you insist, Tita."

Nagulat naman kaming apat nang marinig namin ang boses niya sa likuran at halos umabot ang ngiti ni Mommy sa tenga niya nang nakita niya si Jaerim.

"Tsk, tsk. Mas lalo mong nagiging kamukha si Tristan," sabi ni Daddy habang nakangiti sa kanya at nginitian din naman siya ni Jaerim.

Bigla naman kaming nagkatinginan at binigay ko sa kanya ang pinakamalalang expression na magagawa ng mukha ko at saka ko siya inirapan. Mom sighed at us while Jaehan and Dad were holding back their laughter. Ugh, these two!

"Kayong dalawa, kailan ba kayo magbabati? You're not kids anymore," sabi ni Mommy at tinignan ko ulit nang masama si Jaerim.
"Never!" sigaw ko sa kanya at bumuntong-hininga lang siya.

After that ay umalis na kami sa hall at pumunta kami sa parking lot. Doon ko naramdaman ang gutom dahil ang tagal-tagal ng ceremony at may iyakan session pa silang nalalaman.

"Ah. Tita, dala ko ang kotse ko."
"Tinatanong ba?" sabat ko naman.
"Kausap ka ba?" he retorted.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy at medyo natakot ako dahil kapag seryoso na siya ay mas nakakatakot siya kaysa kay Daddy.

"You two, reconcile with each other. Jae, dito ka na sumakay sa amin." Pagkasabi niya no'n ay napatigil ako sa paglalakad.
"But Mom!" sigaw ko at tinignan niya ako.
"No buts. Let's go."

Pumasok silang tatlo sa kotse namin habang kami ni Jaerim ay naiwang nakatayo sa harap ng kotse niya. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko kaya huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko.

Bigla naman siyang naglakad papunta sa kotse niya at binuksan niya ang pinto sa may driver's seat. Huminto siya at tumingin sa akin.

"Ano? Sasakay ka o iiwan kita dito?"
"Eeshh!" I stomped my foot and after a second, I marched into his car.

I swear, pagkatapos ng gabing 'to, sisiguraduhin kong hindi ko na siya makikita kahit kailan! After all, he's my enemy, and a troublesome one! Ugh! Jaerim Haron Jung, I hate you!


***