Chapter 1 [Gemma]
Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014
***
“Nasaan na ba ako?” Hindi ko na
talaga alam kung saan ako napadpad. Pagod na rin ako at uhaw na uhaw. Plus may
dalawang maleta pa akong dala. Great. Just great.
Nagpatuloy nalang ako sa
paglalakad. Tsk. Bakit ba kasi ako naglayas? Buti sana kung may alam akong
lugar na matutuluyan eh. Pero ayoko na talaga sa bahay na yun. They are nothing
but hypocrites and idiots. Hindi ko na kayang makitira sa kanila.
Pero masakit na rin talaga yung
paa ko. Tapos mahigit 2 hours na rin akong naglalakad. Ni hindi ko man lang
alam kung saan ba talaga ako pupunta. Basta ang alam ko lang ay wala na ako sa
White Division. Ayoko na rin namang bumalik doon. Kahit puro mayayaman at
elites ang nakatira roon, pakiramdam ko hindi naman ako kasama dun. Isa pa,
nandoon ang stepmother at step-sister ko. Ayoko na silang makita pa. Pero
nag-aalala ako kay Daddy dahil iniwan ko siyang kasama ang mga yun. Siguro
naman maiintindihan niya ako. Hindi ko na talaga kayang mag-stay ng kahit isa
pang araw kasama ang dalawang babaeng yun.
Tumakas ako sa bahay kanina.
Balak ko nga sanang sumakay ng transit pero kailangan pa doon ng permit bago
makapunta sa ibang division. Tanging mga officers lang ang freely na
nakakasakay doon. Kaya no choice ako kundi maglakad. Doon ako dumaan sa may
border line ng White Division at East Black Division. Ang Black Division ang
nag-susurround sa White Division at nahahati siya sa four quadrants – North,
South, East and West. Nandito ako ngayon sa East side ng Black Division. Hindi
ko rin alam kung bakit dito ako pumunta, pero wala, nandito na ako eh. At mas
madaling makalusot sa border line ng White Division at East Black Division
dahil kaunti lang ang guards na nakabantay.
Pero ang masama ngayon, naliligaw
ako. First time ko lang kasing makalabas sa White Division. All my life, nandoon
lang ako sa place na yun.
“Miss, naliligaw ka ba?” Nagulat
ako nung may biglang humarang sa aking limang lalaki.
I knew it.
Balita na ito lagi sa White
Division. Ang Black Division daw ay ang hometown ng delinquents, hoodlums, at
ng iba pang mga walang kwentang tao. And here I am, facing a group of them.
A gang.
Napabuntung-hininga nalang ako. Okay,
Gemma, ilang kamalasan ba ang sinalo mo mula sa langit? Great. Naligaw na nga
ako’t lahat-lahat, may makakasalubong pa akong gang members? What a bad luck.
“No thanks,” ngumiti ako sa
kanila at nagsimula nang maglakad ulit. Kaso bigla na lang nila akong
pinalibutan.
“Ang suplada mo naman miss beautiful. Ayaw mo bang sumama sa amin?” sabi ng lalaking kulay brown ang buhok at gold yung dalawang ngipin sa harap. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.
Unti-unti na akong nababadtrip
dahil sa kamalasang natatanggap ko ngayon. Una, napilitan akong maglayas dahil
sa dalawang babaeng hindi ko na kayang tagalan. Pangalawa, naliligaw ako. At
ngayon naman, mukhang mapapalaban pa ako. Punung-puno na ako sa nangyayari
ngayon.
“Tatabi kayo o hindi?” binitawan
ko yung dalawa kong maleta at hinawakan ko yung bagay na nakasuksok sa likod ng
isa kong maleta. Hindi ko alam na magagamit ko agad ‘to.
“Aba, lalaban ka miss? Hindi mo ba alam na isa kami sa mga kilalang gangs di—”
Mabilis akong tumakbo papunta sa
kanya at hinampas ko sa kanya yung hawak ko. Then I jumped and inangkla ko yung
hawak ko sa may leeg niya at agad siyang natumba.
“BOSS!” sigaw nung apat habang
nakadagan ako sa boss daw nila.
“Now, papadaanin mo na ba ako?” then I smirked at him.
“What the hell is that? A-a sword?” gusto ko sanang tumawa sa reaction niya dahil para siyang nakakita ng multo pero tumayo nalang ako at tinutok ko yung bokken ko sa leeg niya. Nakita kong nagdugo yung gilid ng leeg niya na inangklahan ko kanina ng bokken ko, pero hindi naman umaagos yung dugo.
“It’s a wooden sword. Wanna try it again?”
Pagkasabing-pagkasabi ko nun,
bigla niyang hinawakan sa gitna yung bokken ko at pati yung right foot ko.
Bigla kaming bumaliktad kaya ako ngayon ang nasa ibaba at nakadagan siya sa
akin. But what’s worse is I landed on my butt. Shit! That hurts!
“Heh. Don’t underestimate me,
miss. After all, I’m the gang leader,” saka siya naglabas ng kutsilyo. Uh oh.
Shit. Eto na ba ang climax ng kamalasan ko ngayong araw?
Pinilit kong kumawala sa kanya
pero nakaupo siya ngayon sa tiyan ko at hindi na ako makagalaw. Idagdag pa na
nakaapak rin siya sa bokken ko kaya hindi ko rin magalaw yun. Damn!
Nagsimula na akong magdasal ng
mga dasal na alam ko dahil alam kong anytime ay babaon na sa katawan ko yung
kutsilyong hawak niya. Pero napadilat ako nung makarinig ako ng sigawan sa
bandang likod namin.
“B-boss! Tulong! Tulong!
Aaaaagghhh!” Kahit hindi ko makita kung anong nangyayari, buong puso akong
nagpasalamat sa pagkakataong yun dahil napatingin rin yung boss na ‘to sa likod
kaya nawala yung focus niya sa akin. During that splitsecond, binuhos ko lahat
ng lakas ko para umikot at gumulong, at makawala sa kanya.
And I succeeded!
Agad-agad akong tumayo habang
siya ay nakasubsob pa rin dahil sa ginawa kong paggulong. Then nakita ko kung
anong nangyayari sa may likuran namin.
It’s a girl.
She’s fighting against those four
faggots. Namangha ako sa kanya. She can fight evenly even if she’s just alone...
and bare-handed. Pero halos lumuwa yung mata ko nung makita kong naglabas rin
ng kutsilyo yung isa sa likod niya. I don’t even know when pero ang alam ko,
napatakbo ako ng mabilis sa side niya, pero at the same time, tumakbo rin siya
sa direksyon ko at hindi ko alam kung bakit. But nagfocus ulit ako sa lalaking
may hawak ng kutsilyo. I targeted his hand with my bokken at nabitawan niya
yung kutsilyo. I kicked his face hard and smacked his back with my bokken.
After that, bigla nalang siyang natumba and the next thing I knew, wala na siyang
malay.
Napatingin naman agad ako dun sa
babae kanina and nagulat ako nung nakita kong nakaapak na yung paa niya sa
mukha ng walang malay na boss nila.
Then she looked at me. The skin
on the back of my neck tingled. Parang na-freeze ako sa tingin niyang yun.
“You should always..” ang
ikinagulat ko pa ay bigla na naman siyang tumakbo sa direksyon ko pero
nilagpasan nya lang ako. “…watch your back.” tapos bigla niyang hinawakan yung
mukha nung dalawa pang asungot na sumusugod pala sa likuran ko and she smashed
it on the road.
Ouch. I’m sure masakit yun.
Tumingin ulit siya sa akin. And
this time, ngumiti ako sa kanya.
“Tell that to yourself, too,” sabi
ko sa kanya tapos binato ko yung kutsilyong hawak-hawak ng lalaki kanina, at
nasalo naman niya agad. Then saka ako naglakad papunta ulit sa mga maleta kong
nadumihan na ng putik.
“I’m Gemma nga pala. Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina. Akala ko tuluy-tuloy na ang kamalasan ko
kanina to the point na bye bye Earth na rin ako,” tapos tumawa ako. Akalain
mong may darating pa palang swerte sa akin?
Pagkakuha ko ng gamit ko, lumapit
ako sa kanya. Pero wala pa rin siyang imik at parang wala siyang balak
makipag-usap.
“Hindi kita tinulungan. It’s just
that.. they are my targets,” sabay pakita niya sa akin nung parang maliit na
flag na may symbol.
“Target? Sila?” saka ko tinuro yung mga lalaking nakahalik ngayon sa lupa.
“Yeah. Their gang.” After niyang sabihin yun ay tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad. Oh well. I guess ayaw niya talagang makipag-usap masyado sa akin. Pero wala naman akong masabi dahil in the first place, siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. At sabagay, hindi naman kami magkakilala. Tumalikod na rin ako sa kanya at naglakad papunta sa... err... sa kung saan man. Nakakalimang-hakbang palang ako nung...
“My name’s Krystal.”
Napalingon agad ako and nakita
kong tuluy-tuloy pa rin siya sa paglalakad. I don’t know why pero napangiti ako
bigla. And the next thing I knew, tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya
hanggang sa kasabay ko na siya maglakad.
***