.

.

Chapter 10 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Nanlamig ako sa nakikita ko. Ang daming bumagsak na katawan at halos pula na ang lupa dahil umaagos yung dugo nila. Alam kong magulo rito sa Black Division. Sabi nga ng ilang officials, ‘barbarians’ ang mga nakatira dito. Pero hindi ko akalaing ganito kabrutal ang aabutan ko.

“Sino yun?!” biglang bulong sa amin  ni Kelsey habang nakatingin siya sa babaeng tumalon kanina.
“A bounty hunter, I think,” sagot naman ni Krystal.
“Eh? Hunter? Kasamahan niya ba yung nakita natin sa may palengke, Tanda?”

Tsk. Napakawalang-galang talaga ng batang ‘to. Feeling ko tuloy ang tanda ko na talaga. Kinalma ko muna yung sarili ko dahil sa sight na nakita ko.

“No. Ang Huntres, part sila ng government sa White Division, pero ang bounty hunters, independent. Kapag may nahuli sila na nasa wanted list, dadalhin nila yun sa White Division at bibigyan sila ng pera base sa level ng nahuli nila.”

Napatingin ulit kami doon sa babae habang nakatayo siya sa harapan nung dalawang leaders. Nagulat rin ako kanina nung tumalon siya mula dito sa may puno at di man lang namin napansin ang presence niya. Habang nagkakagulo yung members, yung leaders ay nakatingin lang doon sa babae, tapos tumawa yung leader ng Hawk Eye.

“Are you alright, kiddo? Anong pinagsasabi mo? May tama ka na ba sa ulo?” sabay tawa niya ulit.

“Hay. Mga matatanda talaga, bingi,” then hinugot ulit nung babae yung dalawang baril niya mula sa side kaya humugot rin yung dalawang leaders.

“Don’t mess with us, kid,” seryosong sabi nung lalaking may mahabang peklat sa braso. Napailing naman yung babae sabay bumuntong-hininga pa.

“Bingi na nga, paulit-ulit pa. Wala—”

Halos mapasigaw rin kami nung biglang nagpaputok si Mr. Peklat doon sa babae pero iniwas niya lang yung ulo niya at hindi siya natamaan sa kahit saan.

What the hell? Don’t tell me alam niya kung ano yung path na tinravel ng bala at iniwasan niya lang yun? O baka naman sinwerte lang siya?

“Ohh. Taurus PT92! Nice gun!” sigaw nung babae. Gun freak ba siya? Bigla namang nagpaputok ulit si Mr. Peklat ng sunud-sunod kaya natakot ako para doon sa babae. Pero para lang siyang sumasayaw at tumatalon dahil iniiwasan niya lang yung mga bala na papunta sa kanya.

“Abnormal ba siya?!” bulong ni Kelsey habang mahigpit niyang hawak yung whip niya.

“Nagsalita ang hindi abnormal,” sabi ko kaya tinignan niya ako nang masama. Aba totoo naman eh. Hindi siya normal no. At maging kami rin ni Krystal. Kung makapagsabi ng abnormal sa isang tao eh.

“Tsk. Tsk. Mister, nagsayang ka ng fifteen bullets,” then tumingin yung babae doon kay Mr. Peklat. “Two more,” sabay takbo niya nang sobrang bilis sa direksyon niya.

Napansin ko naman na parang nagpanic si Mr. Peklat dahil sa pagtakbo nung babae papunta sa kanya kaya nagpaputok ulit siya ng dalawang beses.

“You little—” Biglang tumalon sa ere yung babae at mabilis niya ulit na hinugot yung baril niya sabay nagpaputok ng isang beses kay Mr. Peklat. Natamaan siya sa may bandang tagiliran kaya napaluhod siya.

“You’re holding a gun but you can’t even hit me. Sinayang mo lang lahat ng bala mo, Mister.”

Bigla namang hinugot nung leader ng Hawk Eye yung dalawang baril niya at saktong nakatalikod yung babae sa kanya kaya hindi niya nakikita. Sisigaw na dapat ako pero bigla na lang tumalon si Kelsey at napatingin na lang ako sa kanya. Pinigilan naman ako ni Krystal sa pagtalon at tinignan niya na lang rin si Kelsey. Para lang siyang lumilipad dahil hindi pa rin siya bumabagsak at malayo na yung natravel niya. Ginawa niya ring foothold yung ulo ng mga naglalabang members. What a sadist. Nung malapit na siya, sinigawan niya yung babae.

“Watch your back, idiot!”

Napatingin yung babae sa likuran niya pero pumutok na yung baril nung leader. Akala ko nga tatamaan na siya pero nagawang ihampas ni Kelsey yung whip niya sa ere, at nastock doon yung bullets na papunta dapat doon sa babae.

Bago pa makakilos ulit yung leader, pinaputukan na rin siya nung babae sa dalawa niyang kamay kaya nabitawan niya yung mga baril niya.

Bigla ko namang naalala yung unang beses na nagkita kami ni Krystal. Halos ganito rin ang nangyari nun, sa pagkakatanda ko.

“Hah! Ang yabang mo kanina tapos hindi mo man lang binabantayan yung likuran mo?!” Oh God. Bakit ba ganito ang personality ni Kelsey? Imbes na maganda ang una niyang sabihin, ganito agad yung binungad niya doon sa babae.

“Tss. Sinabi ko bang tulungan mo ako?!” sabi naman nung babae sabay talikod kay Kelsey.

Jusme. Mukhang pareho pa sila ng ugali. At sa tingin ko magkasing-edad rin sila. Napaface-palm na lang ako sa scenario.

“This is not good,” biglang sabi ni Krystal at tumalon siya pababa kaya sinundan ko siya.

Nakatingin na kasi sa kanilang dalawa yung natitirang members at mukhang di pa nila narerealize yun. Tumakbo agad kami ni Krystal papunta sa kanila at nilabanan namin yung mga natira.

“Boss!”
“Anong nangyari kay Boss?!”

Hindi ko na lang inintindi yung mga bangkay na nagkalat sa lupa at nilabanan ko na lang lahat ng nakikita ko. Ganun rin ang ginawa ni Krystal kaya in no time, nakarating agad kami kina Kelsey. Pero...

“Aba ikaw na nga tinulungan, ikaw pa galit?”
“Pakialam mo ba? Kaya ko namang iwasan yun, tapos umepal ka!”
“Ikaw iniinis mo—”
“If you don’t stop talking, I’ll freeze the two of you to death.”

Maski ako natakot kay Krystal nung sinabi niya nun dahil sobrang seryoso yung way ng pagkakasabi niya. Hindi yung trip-trip niya lang na tinatawanan ko. Napatigil agad si Kelsey at yung babae sa pag-aaway nila at tumingin sila kay Krystal.

“L-leader...”

“We have enemies in front,” pagkasabi nun ni Krystal, agad siyang sumugod sa mga members na sinusubukang pumunta doon sa leaders nila. Saka ko lang napansin na yung mga baril na hawak ng leaders ay nasa side pockets na nung babae. Whoa! Ni hindi ko man lang nakita kung kelan niya kinuha ang mga yun!

“S-sino yun? She’s scary,” narinig kong sabi nung babae at napangiti na lang ako. Yeah. Scary talaga. Maski ako natakot.

“Hoy Nene, kunin mo na yung dalawang insignia,” sabi ko kaagad dahil yun ang kailangan namin kahit na aksidente lang na nakita namin ‘tong dalawnag gangs na ‘to.

“Tss. Tanda!”

Haha! Asar-talo talaga.

Napatingin naman ulit ako sa side ni Krystal at napatumba niya na lahat. Grabe. She’s really a monster.

“Oh my gosh. Did she just...freeze the face of that guy?” Nakita ko naman na shocked yung itsura nung babae. Oh well, sino bang hindi mashoshock kapag nakita nila yun?

“She’s scary, right?” then I grinned at her.

Bigla naman siyang umiling-iling na parang gusto niyang gumising sa isang panaginip. Then tumalikod siya at tinignan yung dalawang leaders na napabagsak niya.

“Hmm. Paano ko kaya sila dadalhin sa White Division?” sabay kamot niya sa ulo niya. “Kasi naman! Bakit sabay ko silang tinira! Dapat pala isa lang! Ang hirap neto!”

“Why don’t you just contact them para sila na lang ang pumunta dito?” suggestion ko. Bigla naman siyang tumingin sa akin at tinuro niya ako.

“Whoa! Ang talino mo! Tama! Yun na lang!”

Natulala naman ako sa sinabi niya. Di ba yun naman ang maiisip mo agad?

“Tanda, di ko akalaing may utak ka pala. Nice,” dagdag pa ni Kelsey.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. They are really talented, yes. But they are both idiots. Nagulat naman ako nung tumakbo bigla yung babae palayo sa amin.

“Oyyy! Pakibantayan yang mga kumag na yan! Tatawag lang ako ng officer!” sigaw niya at saka siya ulit tumakbo.

“Wait! Hey wait!” pero hindi siya lumilingon.

Dahil wala na akong choice, binato ko yung bokken ko papunta sa direksyon niya at tumama yun sa puno na nasa harapan niya. Napatigil agad siya sa pagtakbo at lumingon siya na parang takot na takot ang pagmumukha.

“Why the hell are you running? You can contact them through phone,” sabay taas ko ng phone ko. “Pakikuha ng bokken ko,” dagdag ko pa.

“B-b-bokken?”

“That wooden sword,” saka ko tinuro yung sword ko na nakatusok sa may trunk ng puno. Agad naman niya yung hinatak at kabadong naglakad papunta sa akin. Napatingin naman ako kay Krystal na nakatingin rin doon sa babae. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko na kung anong iniisip niya.

This kid, is an interesting one.


***