.

.

Chapter 12 [Miles]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Promise, hindi ko na aasarin si Tanda—I mean si Gemma. Tsk. Nahawa na ako sa Kelsey na yun! Tanda kasi siya nang Tanda eh! Muntik na tuloy akong sumakabilang-buhay kanina. Grabe ha, dalawang beses na akong muntik mamatay. Katakot!

Nandito ako ngayon sa isang kwarto sa may second floor.

“Ano ba yan, bakit tayo magkasama dito?!” I mean, KAMI pala. As if namang gusto ko rin siyang makasama sa kwarto na ‘to? Dapat Dumbsey pangalan nito eh.

“Ginusto ko? Ginusto ko?”

“Whatever,” sabay tayo niya at saka siya lumabas sa kwarto.

Problema nun? Bahala siya sa buhay niya.

Bigla naman akong napahiga sa kama ko. Grabe. Anong nangyari sa buhay ko? Parang kanina balak ko lang hulihin yung nasa wanted posters para magkaroon ng pera, tapos ngayon naging member na ako ng gang daw na ‘to? Hindi ko maimagine! Pero wala naman na akong choice eh. Panigurado, nasa wanted list na rin ako ngayon dahil sa ginawa ko doon sa dalawang officer. Kasalanan rin naman nila yun! Sinugod nila ako kaya dinepensahan ko lang ang sarili ko. Buti na lang sumigaw si...

Naman! Of all people, bakit kay Dumbsey pa ako magkakautang na loob?!

Pero nung nakita ko siyang lumaban kanina, masasabi ko na may potential siya. Sa katunayan, mas natakot pa nga ako doon sa dalawa niyang kasama—si Scarystal at Gemmatanda, kaysa sa dalawang leaders na target ko kanina. Ni hindi man lang sila pinagpawisan sa pagpapatumba nung members. Sa nakita ko kanina, yung weapon na ginamit ni Dumbsey ay parang chain at napigilan nun yung bullets galing sa baril nung target ko, though hindi ko alam kung paano nangyari yun. Yung kay Gemmatanda naman ay yung wooden sword na muntik na akong matamaan nung hinagis niya! Then kay Scarystal, parang wala akong nakitang weapon na ginamit niya.

And somehow, parang may kakaiba akong nafifeel sa kanila.

Katulad ko rin kaya sila?

No. Imposible. Ano yun, parang destiny na makakahanap ako ng katulad ko? I don’t think so. Siguro magaling lang talaga sila makipaglaban. At siguro...kakaiba lang talaga ako.

“Mama Lena, nakakatakot siya.”
“Di po siya tao!”
“Paalisin niyo po siya dito!”
“Mama Fe, she’s a freak!”

Iniling-iling ko kaagad yung ulo ko para makalimutan ko yun. Bakit ko ba inaalala yung mga panahong nasa ampunan pa ako? Those were my worst moments. Kaya nga kahit 8 years old pa lang ako nun ay nagawa kong lumayas doon at magpagala-gala na lang dito sa Black Division. And then nakita ako ng isang merchant sa Black Market at kinupkop niya ako. Maliit lang yung bahay niya pero sobrang saya ko nung nakapasok ako doon. Halos four months rin akong naging palaboy kaya sobrang thankful ako sa kanya.

He trades different kinds of weapons for guns. Sobrang hilig niya sa baril. Marami siyang iba’t ibang uri ng armas like swords, blunt weapons, spears, bows, grenades, axes, whips, daggers and even shields. Tinetrade niya ang mga yun para sa iba’t ibang type ng baril. Kaya nga ang dami niyang collection ng weapons sa bahay niya.

Para hindi ako maging pabigat sa kanya, pumupunta ako sa mga lugar kung saan nakakarinig ako ng away ng iba’t ibang gangs at yung mga nakakalat na weapons ay kinukuha ko at ibinibigay ko kay Leo, yung kumupkop sa akin. Siya na rin ang tumayong tatay ko kaya napamahal na ako sa kanya. Pero two years ago, nung magt-thirteen pa lang ako, nagkaroon ng malaking gulo sa Black Market at isa siya sa mga nadamay. Maraming namatay na merchants doon dahil sa pagwawala ng isang gang. Dahil sa kanila, namatay si Leo kahit wala naman siyang ginagawang masama. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na maghihiganti ako sa kanila. That’s why I became a bounty hunter—to hunt those murderers.

“Hoy, baba raw!” Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto at mukha ni Dumbsey ang nakita ko. Bakit ba parang lagi siyang galit? Nakakairita rin tuloy!

Wala naman akong nagawa kundi bumangon at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, nasa sala silang tatlo kaya pumunta rin ako doon at umupo ako sa may single couch. Pagkaupong-pagkaupo ko ay biglang nagswing sa akin yung whip na hawak ni Dumbsey at pumulupot yun sa katawan ko.

“Hoy! Ano ‘to?! Te-teka!” Pinipilit kong alisin yung pero lalo lang humihigpit yung pagkakapulupot sa akin. Grabe! Para akong nililingkis ng ahas!

“So you’re not affected,” sabi ni Gemmatanda. Anong hindi affected? Eh halos di na nga ako makagalaw oh!

“What? No way! Kagaya rin natin siya?!” sigaw naman ni Dumbsey. Excuse me, hindi ako dumb kagaya niya!

“Miles, right?” tanong ni Scarystal. Bigla naman akong napatango kahit hindi naman masyadong nakakatakot ang expression niya ngayon. Kusang nagrereact yung katawan ko! May Scarystal phobia na ata ako.

“Y-Y-Yes, Ma’am!”

Pagkasabi ko nun, biglang tumawa yung dalawa. Nakakainis! Tinatawanan ako ni Dumbsey at Gemmatanda! Nakakasira ‘to ng pagkatao!

Bigla naman silang natahimik nung tinignan sila ni Scarystal. Oh. I think hindi lang ako ang takot sa kanya. Hah! Buti nga sa inyo!

“Do you have an Attribute?” Ilang segundo ang lumipas bago magloading ang utak ko sa tanong niya. Ano daw? Attribute? Ano yun?

“Huh?”

“Pfft! Stupid! Di alam!” Kahit pabulong lang na sinabi yun ni Dumbsey, rinig na rinig ko pa rin. Ako pa ang sinabihan niya ng stupid?! Grabe gusto ko siyang barilin ngayon din!

Pero teka, ano ba yung sinasabi niyang Attribute? Kung meron daw ako nun? Type ba yun ng baril? Wala pa akong naririnig na ganun. O baka naman type ng weapon? Ano ba yun?

“It’s not a gun or any weapon.” This time, napatulala na lang ako kay Scarystal.

“W-w-wait. D-did you just read my mind?”

Pagkasabi ko nun, natahimik rin si Dumbsey (good!) at Gemmatanda. Tumingin rin sila kay Scarystal na parang kakaibang nilalang siya. Then she sighed.

“Yeah. A bit.”

“WHOA! Leader! Teka anong ibig mong sabihin?!”

“The heck, Krystal? Totoo ba yan?!”

Maski ako napanganga na lang. Ngayon lang ako nakakilala ng taong nakakabasa ng isip, kung totoo nga ang sinasabi niya.

“Just a bit. Hindi ko rin alam kung paano nangyari pero simula nung bata ako, nakakabasa ako ng isip ng ilang tao.”

“Teka, what do you mean by ilang tao?” tanong ni Gemmatanda na gulat pa rin yung expression.

“I can’t read everyone’s mind. Just a few from White Division and the three of you.”

Natahimik ulit kami after that. Then narealize ko yung sinabi niya.

“Wait. You’re from White Division?” Napatingin sila sa akin.

“Ah. Actually, ako at si Krystal, galing White Division. Kamakailan lang kami napunta dito sa Black Division,” sabi agad ni Gemmatanda.

“Teka, Leader! Kaming tatlo lang?” sigaw naman ni Dumbsey sabay taas pa ng dalawang kamay niya kaya nahatak yung chain na hawak niya at mas lalong humigpit yung pagkakawrap sa akin. Hayup ka, Dumbsey!

“Yes. And then naisip ko na baka yung may mga Attribute lang ang kaya kong basahin ang isip.”

At bumalik na naman kami sa kung anumang Attribute na yan.

“Ano ba talaga yang Attribute na sinasabi mo...po?” Gosh. Pati speech mechanism ko nagrereact na rin sa pagiging scary niya at natututo na akong gumalang!

“It’s a unique ability...”

Mas lalo akong napanganga sa nakita ko. Bigla na lang kasing nagfroze yung kamay niya. Tapos si Gemmatanda, tinutok sa akin yung bobokken or something, basta yung wooden sword niya, at nakita ko na yung edge nun ay may nakausling ice.

“My whip can freeze any moving object, in case na magtanong ka,” sabi naman ni Dumbsey.

Ilang minuto lang akong nakatulala at hindi ko maprocess yung nakita ko. Napayuko ako dahil alam kong anytime ay tutulo na yung luha ko. Naalala ko kasi yung sinabi sa akin ni Leo dati nung eleventh birthday ko.

“Akala mo ba hindi ko alam na may kakaiba sa’yo?”

“P-paano mo nalaman? Papaalisin mo na ba ako kasi may kakaiba sa’kin? Kasi freak ako?” halos paiyak na ako dahil ayokong lumayo sa kanya. Akala ko itataboy niya ako pero hinawakan niya lang ako sa balikat at tumawa.

“Bakit naman kita papaalisin? You are my daughter, remember? And having a special ability doesn’t make you a freak. Here, take this. Happy birthday, anak,” tapos binigay niya sa akin yung twin guns na favorite niya.

“Teka, ito ang regalo mo sa akin?” pero alam kong sobrang importante ‘to sa kanya.

“Galing yan sa kaibigan ko dati, na katulad mo, ay kakaiba rin. Ikaw lang ang makakagamit niyan. At darating ang panahon, na makakakilala ka rin ng mga kagaya mo. Kapag dumating na yun, hindi mo na kailangang itago ang kakayahan mo...dahil sigurado akong tatanggapin ka nila ng buong puso.”

Akala ko dati, niloloko lang ako ni Leo at sinabi niya lang yun para mapagaan ang loob ko. I did not believe him. Pinaniwala ko ang sarili ko na ako lang ang ganito, na ako lang ang kakaiba, at kahit kailan, hindi ako matatanggap ng mga tao maliban sa kanya. Pero ngayon...

“Release me,” mahinang sabi ko. Pinakawalan naman agad ako ni Dumbsey dahil alam kong naramdaman niyang seryoso na ako.

Tumayo ako sa harapan nila at binunot ko yung twin guns ko.

And then pinaputukan ko silang tatlo.

As I expected, ni hindi man lang sila natamaan. Gaya nung sinabi ni Dumbsey kanina, pumasok doon sa chains ng whip niya yung mga bala kaya nastop yung momentum nila. Si Gemmatanda naman, pinatama niya sa ice side ng sword niya yung bala kaya nag-iba yung path ng bala. At si Scarystal, hinarang niya lang yung frozen palm niya niya at bumagsak na sa sahig yung bala.

“I knew it. You really have an Attribute,” sabi ulit ni Scarystal at pinulot niya yung bala na nalaglag sa sahig. “And it’s an Ice Attribute.”

Ngayong naiintindihan ko na kung anong ibig niyang sabihin sa Attribute, alam ko na rin ang sagot sa tanong niya kanina.

“Yes. My twin guns have unlimited ice bullets,” sabay lagay ko ng dalawang baril ko sa side pockets ko.

“Whoa! Cool!” sigaw ni Gemmatanda.

“Tsk. Bakit mas astig yung sa’yo?” Gosh, Dumbsey. Kung pabulong lang rin naman ang sasabihin mo, sana yung hindi ko naririnig!

Pero kahit papaano, gumaan yung loob ko. Ngayon naiintindihan ko na yung ibig sabihin ni Leo dati. Hindi ko akalaing mangyayari talaga yung sinabi niya. It’s like he predicted it.

Lumapit naman sa akin si Scarystal.

“Welcome to the cool group.”


***