Chapter 13 [Miles]
Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014
***
Maaga akong nagising after ng
encounter namin kahapon. Actually, hindi ako masyadong nakatulog dahil hindi
ako sanay. Doon pa rin kasi ako nakatira sa bahay ni Leo kahit na wala na siya. Binabantayan
ko pa rin kasi yung weapons niya doon dahil hindi ako makakapayag na makuha
lang yun ng kung sinu-sino.
“Gising ka na pala.”
“OH MY GOD!”
Napatalon ako mula sa pagkakaupo
ko sa couch dahil biglang may nagsalita sa may likuran ko. Hindi naman ako
matatakutin dahil mag-isa lang ako sa bahay namin dati pero kinilabutan talaga
ako. Bigla kasing lumamig, as in tumaas yung balahibo ko sa batok! Pagtingin
ko, si Scarystal pala! Grabe scary talaga siya!
“The hell with Scarystal? Kahapon
pa yan,” sabay hikab niya pero wala man lang expression yung mukha niya. Parang
bumuka lang yung bibig niya. Tapos.
Pero gosh! Akala ko hindi totoo
yung nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi niyang nababasa
niya yung isip naming tatlo. As in eto, nababasa niya ang naiisip ko! Mas
lalong nakakatakot!
“Uhm, n-n-nasanay na kasi p-po
akong gumawa ng nicknames n-ng mga tao,” saka ako umayos ng upo. Wala bang way
para hindi niya mabasa ang isip ko? Nakakahiya tsaka walang privacy! Paano kung
pervert pala ako (which is hindi), eh di sobrang nakakahiya yun?
“Oh. You’re the same as Kelsey.”
Para naman akong ininsulto nun. Kami ni Dumbsey, magkaparehas?! No way! Hindi
kami magkalevel!
Bigla naman siyang napatingin sa
orasan kaya tumingin rin ako doon, at 5 AM pa lang pala. Nagulat ako nung
biglang kumalam yung sikmura ko at tumingin sa akin si Scarystal—OMG nabasa
niya ba yung isip ko? Pero nasanay na ako sa Scarystal eh!
Pagtingin ko sa kanya,
bumuntung-hininga na lang siya sabay iling.
“Gisingin mo si Kelsey. Siya ang
tagaluto namin dito.” After niyang sabihin yun ay lumabas siya ng bahay. Saan
kaya siya pupunta?
Saka lang nagsink-in sa utak ko
yung sinabi niya. Si Dumbsey ang cook?! Aba marunong palang magluto ang babaeng
yun? Hindi halata!
Dahil nagugutom na talaga ako,
umakyat ako sa second floor at pumunta sa kwarto namin. Pagkalabas ko dito
kanina, maayos pa yung higa niya, pero ngayon, yung ulo niya nasa paanan na.
Ganito ba ‘to kalikot matulog?
Nakaisip naman ako ng way kung
paano ko siya gigisingin. Bumwelo ako mula doon sa may pintuan at tumakbo ako
papunta sa kama niya. Then, ginulungan ko siya.
“Aray! Sinohgskdmm...”
Umangat lang yung ulo niya at
nag-aray pagkatapos natulog na ulit siya. Ako ba chinachallenge ng babaeng ‘to?
Fine!
Umakyat ako sa kama niya at umupo
ako sa likuran niya dahil nakadapa siya. Tapos hinawakan ko yung binti niya at
binend ko yun papunta sa akin. Tignan ko lang kung hindi ka pa magising!
“OUCH! Aray! Hoy!” I win!
Nagising si Dumbsey! Wrestling lang pala katapat nito eh!
“Oh eh di nagising ka rin!” saka
ko binitawan yung binti niya at bumaba ako sa kama.
“Baliw ka pala eh! Sinong hindi
magigising kung binabali na pala yung binti mo?!” tapos bigla niya akong sinipa
kaya tumalsik ako papunta sa kama ko.
“Hoy! Ang sakit nun ha!”
“We’re even,” sabay turo niya sa
binti niya. Tss. Pasalamat nga siya, mild lang ginawa ko eh!
Sinabi ko naman agad sa kanya na
magluto siya dahil inutos yun ni Scarystal kahit hindi naman. Baka kasi hindi
siya magluto kapag sinabi kong nagugutom ako kaya dapat kong gamitin ang
pagiging leader at scary ni Scarystal para makakain ako. Ang talino ko!
Sinundan ko siya palabas ng
kwarto at pumunta muna siya sa kwarto ni Gemmatanda. This time, narealize ko na
mas malala pala ang isang ‘to kaysa kay Dumbsey! Para siyang sinaniban dahil
over sa pagkakabaluktot ang katawan niya.
“Epileptic style,” bulong ni
Dumbsey sa sarili niya. Nag-agree ako sa tawag niya sa position ni Gemmatanda. Weird pala ng sleeping positions ng mga tao
rito! Si Scarystal kaya paano matulog? Gusto kong malaman!
Bigla namang nilabas ni Dumbsey
yung chain whip niya at hinagis niya papunta kay Gemmatanda. Pumulupot yung dulo nun
sa paa niya at hinatak yun ni Dumbsey. Nalaglag si Gemmatanda sa kama at
nakakatawa yung itsura niya dahil bigla siyang nagpanic.
“Anong meron? Huh? Huh?”
Tuluyan na akong natawa dahil ang
epic talaga ng itsura niya! Hahaha! Si Dumbsey napaupo na sa sobrang tawa kaya napasandal na rin ako sa
pinto. Ang sakit sa tiyan! Itsura ni Gemmatanda mukhang ewan!
“You two…” napatigil agad ako sa pagtawa nung narinig ko yung tono ng boses
ni Gemmatanda. Sobrang seryoso. Biglang tumakbo si Dumbsey sa may hagdanan kaya
tumakbo na rin ako. Tsaka bakit
ako nadamay?! Hindi naman ako yung nanghatak sa kanya ah!
“Katakot! Ngayon ko lang nakitang
seryoso si Tanda!”
“Eh pano ginising mo! ‘Di ba
nakakatakot daw ang bagong gising?!”
“Huh? Sino nagsabi niyan?”
“Ewan ko! Narinig ko lang somewhere!”
Hanggang sa kusina ay
pinag-uusapan pa rin namin kung saan galing yung sinabi ko about sa
bagong-gising. Narinig ko lang yun sa may Black Market dati pero hindi ko sure
kung yun ba talaga yung sinabi nung babae. Basta may bagong-gising, yun na yun!
Nagsimula naman siyang magluto
kaya umalis muna ako sa kusina. Baka raw kasi pumangit yung lasa ng niluluto
niya kapag nakita niya ako. Kapal ng face. Tumambay na lang ulit ako doon sa
may couch.
Naisip ko naman agad yung bahay
namin. Kailangan kong bumalik doon dahil nandoon yung mga gamit ko pati yung
weapons ni Leo. Baka biglang may makadiskubre ng location nun at kunin ang mga
yun. Pagkatapos kong kumain mamaya, pupuntahan ko yun.
Bigla naman akong napangiti.
First time ko rin kasing may makasamang ibang tao bukod kay Leo. Hindi kasi ako
nakikipagtulungan sa kapwa ko bounty hunters kahit na yun ang ginagawa ng
karamihan. Mas nasanay kasi akong maghunt mag-isa at gusto kong sa akin lang
ang pera. Mahirap rin kasing makipagnegosasyon sa bayad kapag may kahati ka.
“Hoy, ready na yung pagkain.”
Napatingin naman ako doon sa kusina at papunta rito si Kelsey. Pero napahinto
siya bigla nung tumingin siya sa may hagdan. Pagtingin ko, parang nakalimutan
ko yung gutom ko.
Naglalakad pababa si Gemmatanda
habang hawak-hawak niya yung sword niya at nakatingin siya sa amin. Parang
naramdaman ko ulit yung scary vibes na nafeel ko kay Scarystal. Nakakatakot rin
pala si Gemmatanda!
“Ready?” sabi ni Gemmatanda
habang pababa ng hagdan at winawasiwas niya yung sword niya.
“T-T-Teka Tanda! Hoy joke lang y-y-yung kanina!” sabay atras ni Dumbsey
hanggang sa nandito na rin siya sa may couch.
“H-Hindi naman ako kasali dun sa paglaglag sa-yo k-kanina! Si Dumbsey lang
yun!” sigaw ko tapos sinamaan ako ng tingin ni Dumbsey. Aba bakit ba kasi ako nadamay dito?! Wala
naman akong ginawa kundi tumawa ah?!
“Hindi pa ako nakakapag-exercise. You will be
my training partners,” sabi ni Gemmatanda habang naka-evil smile siya. Nag-iba
na ang ibig sabihin para sa akin ngayon ng training partners! Pakiramdam ko
katapusan ko na talaga!
Bigla namang bumukas yung pinto
at nagpapasalamat talaga ako sa presence ni Scarystal sa oras na ‘to.
“Leader!” Tumakbo si Dumbsey
papunta kay Scarystal kaya sumunod na rin ako. Mas safe sa kanya kaysa kay
Gemmatanda!
“Anong ginagawa nyo?” tanong ni
Scarystal sa amin.
“Leader! Nakakatakot si Tanda!
May balak siyang masama sa’min!” sunud-sunod yung pagnod ko sa sinabi ni
Dumbsey dahil nakakatakot talaga si Gemmatanda. Pinapangako ko sa sarili ko na
hinding-hindi ko siya gigisingin kahit kailan. Hindi talaga!
“Kayo ang nauna kaya gaganti lang ako!” sabi naman ni Gemmatanda.
“Stop this childish act or—”
“Fine!”
“Y-yes, Leader!”
“O-okay!”
Napatingin kaming tatlo sa isa’t
isa dahil narealize kong pare-pareho lang kami ng naisip. Mas nakakatakot si
Scarystal kaya ititigil na namin ‘to. Ayoko nang marinig yung line na yun dahil
kinikilabutan ako.
Matapos ang near-death experience
namin ni Dumbsey kanina, dumiretso na kaming apat sa kusina. Nung nakakain na
si Gemmatanda ay bumalik siya sa dati niyang anyo. Naging jolly na ulit siya at
parang nakalimutan na niya yung nangyari kanina dahil nakikipagbiruan na siya sa
amin. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko na talaga siyang katakutan o sadyang
mababaw lang siya.
“We’re already an official gang.”
Napatigil kami sa pagkain nung sinabi yun ni Scarystal. Ano raw? Official gang? Teka, may ganun pala?
“Binigay mo na yung nakolekta
nating insignias?” tanong ni Gemmatanda.
“Yeah. We need seven insignias to
be an official gang,” sabay tingin sa akin ni Scarystal. Siguro dahil hindi ko
alam kung anong nangyayari kaya ineexplain niya. Napaisip naman ako bigla. Eh
di yung gangs na nakuhaan nila ng insignias, hindi na maituturing na gang? So
para maging official, kailangang i-take down yung mga official na talaga. Kaya
pala ang daming gang fights na nangyayari.
“We need to have a name and our
own insignia.”
Pagkatapos naming kumain, pumunta
kami sa sala at nagbrainstorming para sa pangalan ng gang namin pati na sa
design ng insignia.
“Hmm alam ko na!” Napatingin kami
kay Gemmatanda. “Ice Ice Ladies!” Di na lang namin siya pinansin.
“The Ice Gang!” sabi naman ni Dumbsey. Magkasing-level lang sila ni
Gemmatanda.
“Freeze You To Death.” Isa pa
‘tong si Scarystal!
“Killer Ice!”
“Ice Candies!”
“Deadly Freeze.”
Napafacepalm na lang ako sa sunud-sunod nilang suggestions. Siguro nung nagsabog ng creativity ang Diyos,
sinangga ng tatlong ‘to. Ako na lang ata ang may matinong naiisip.
“What about—”
“Ah! Ice Four Sale! Gosh ang
ganda nun!” sasapakin ko na ‘tong Dumbsey na ‘to!
“Mas maganda kung Four Ice!” Ugh!
Tama na, Gemmatanda!
“Freezer.” Utang na loob!
Wala ba talagang matinong maisip
ang tatlong ‘to?! Saan nila hinuhugot ang mga pangalang yun? Wala. Wala nang
pag-asa ang pangalan ng gang na ‘to.
***