.

.

Chapter 14 [Miles]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Pinagpaliban muna namin ang pag-iisip ng name dahil out of this world na yung suggestions nila. Napagdesisyunan namin na ayusin muna yung insignias. Kumuha ng tela si Scarystal sa taas at humanap naman kami ng paint at brush.

“Ako na lang ang magpepaint,” sabi agad ni Gemmatanda.

“Marunong ka, Tanda? Weh? Baka babuyin mo yan ha!”

“Try natin sa mukha mo, gusto mo?” Napaatras agad si Dumbsey pagkatapos sabihin yun ni Gemmatanda.

Naglatag muna kami ng mga lumang papel na nakita namin sa may bodega at saka namin nilatag yung itim na tela. Kinuha naman agad ni Gemmatanda yung paintbrush at pumwesto siya doon sa bandang gitna.

“So anong gusto niyong design?” tanong niya.

“Basta may ice!” sabi naman ni Dumbsey.

“Ikaw Krystal? Anong gusto mo?”

“Anything. As long as it’s cool.”

“Kung silhouette na lang ng girl? Pero may pagka-ice yung design?” sabi ko naman at nagnod si Gemmatanda.

“Aba creative!” sabi naman niya. Eh sila lang naman ang hindi creative!

After kong sabihin yun, pinagpose niya si Scarystal tapos yun ang ginaya niya. Nilagyan niya rin ng modifications, tapos inoverlay niya yung salitang ‘ICE’. Maganda naman yung kinalabasan at wala naman kaming reklamo. Ang galing pala magpaint nitong si Gemmatanda pero pagdating sa pag-iisip ng pangalan, sabog.

Sa labas ng bahay namin sinabit yung insignia para madali naming makita kung may magtatangka mang kumuha doon. Sabi ni Scarystal, maglalagay rin daw kami ng traps sa susunod para mas safe. After that, pumunta ulit kami sa may sala para pag-usapan ang name. Naglalakad pa lang ako papunta doon, pakiramdam ko hindi na naman maganda ang mga maririnig ko.

“Bakit ba ayaw niyo ng Ice Four Sale? Ayos naman yun ah! Apat pa tayo!” sabi agad ni Dumbsey.

“Ay nako tumigil ka nga, Nene! Ang corny kaya!” Wow, nagsalita si Gemmatanda! Akala mo yung mga naisip niya kanina hindi corny!

“How about you?” sabi naman ni Scarystal sabay tingin sa akin. “Hindi ka pa nagsasabi ng suggestion. Though...” okay. Mukhang nabasa niya na sa isip ko yung gusto kong maging name.

“I think—”

Naputol bigla yung pagsasalita ko nung makarinig kami ng ingay mula sa labas. Agad-agad kaming tumakbo at nagsiksikan pa kami ni Dumbsey para sumilip sa may bintana dahil nakaharang na sa pintuan sina Scarystal at Gemmatanda.

Nagsisitakbuhan yung mga tao at mukhang nagmamadali sila.

“Lumayo na tayo habang hindi pa sila nakakarating dito!”

“Bakit ba lagi na lang silang nanggugulo?!”

“Parang nung nakaraang dalawang taon, andaming namatay dahil sa gulong ginawa nila!”

Bigla akong napatigil sa paggalaw nung narinig ko yun. Parang nagflash ulit yung nangyari two years ago at lalong lumaki yung galit ko sa grupong yun. Malakas ang kutob ko na sila ang tinutukoy nung mga tumatakbo.

Dumaan ako sa gitna nina Scarystal at Gemmatanda para makalabas. Kailangan kong makita ang gang na yun.

“Hey! Teka, Miles! Saan ka pupunta?” narinig kong sigaw ni Gemmatanda pero di ko siya nilingon. Tumakbo ako papunta sa Black Market dahil pwedeng nandun ang targets ko.

“Hoy! Bingi ka ba?!” Napatigil naman ako sa pagtakbo nung marinig ko yung boses ni Dumbsey. Paglingon ko, nakasunod na silang tatlo sa akin. Sinilip ko yung bahay at wala na sa may labas yung insignia. Siguro pinasok muna nila.

“I know what you’re doing,” sabi ni Scarystal. Geez. Her mind-reading skill is really scary. “Go. Nakasunod lang kami. At sasabihin ko na lang rin sa kanila kung anong nangyayari,” sabi niya habang nakatingin kina Dumbsey at Gemmatanda. Nagnod na lang ako at nagsimula ulit tumakbo.

Wala naman akong magagawa kundi sabihin sa kanila kung anong nangyari. They accepted me kaya dapat lang na maging honest ako sa kanila. And I know they can help me. Nabuhay ako na tanging kay Leo lang ako nakadepende at sa sarili ko. This time, kahit na ilang oras ko pa lang silang nakakasama, sigurado ako na matutulungan nila ako.

Nagmadali ako sa pagtakbo pero masyadong maraming tao ang tumatakbo sa opposite direction kaya ang hirap. Tsk!

“Hoy!” Napalingon naman ako dahil narinig ko ulit yung boses ni Dumbsey at feeling ko ‘Hoy’ na ang pangalan ko para sa kanya. Paglingon ko, bigla niyang hinagis sa akin yung isang end ng whip niya. Napatingin ako sa kanila at naglalakad na pala sila sa bubong ng mga lumang bahay!

“Mas madali tumakbo dito!” sigaw naman ni Gemmatanda. Hinawakan ko kaagad yung whip pagkatapos ay sabay-sabay nila yung hinatak. Binitawan ko yun nung nasa ere na ako at saka ako lumundag kung nasaan sila.

“Pansin ko lang ha, ang hilig mong tumalun-talon sa ere,” sabi ni Gemmatanda. Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy kami sa pagtakbo dito sa may mga bubong. Kapag may damage yung bubong na aapakan namin, si Dumbsey agad ang nauuna para makahawak kami sa chain whip niya.

After ng ilang minuto naming pagtakbo, tumalon kami pababa dahil underground yung Black Market. Mas maraming tao rito dahil nagpupumilit yung ibang lumabas at yung mga nasa labas naman, pinipilit makapasok para makiusyoso.

“Excuse me!” sigaw ko at saka ako nakisiksik sa mga nasa entrance. Tinulak ko na yung iba na ayaw pang magpapasok kaya napunta na rin ako sa may loob habang nakasunod sa akin yung tatlo. Pero napatigil agad ako nung nakita ko kung anong nangyayari.

“Haaah? Hindi niyo alam kung saan nakatira yung matandang nakapwesto dito dati?!” sigaw nung lalaki habang nakatayo doon sa pwesto ng isang babaeng merchant—na dating pwesto namin ni Leo.

Sila nga. Tama ang hinala ko.

Nagdilim yung paningin ko nung nakita ko yung mga pagmumukha nila at lalo akong nainis sa sinabi niya. Bakit niya naman hinahanap si Leo? Sila ang dahilan kung bakit siya namatay!

“H-hindi po...” Nanginginig na yung babae dahil sa takot at mukhang walang gustong tumulong sa kanya. Halata namang takot lahat ng merchants sa kanila dahil sa nangyari two years ago.

Hinugot ko yung twin guns ko at papaputukan ko na sana siya pero napatigil ako nung bigla akong may naramdaman sa likuran ko. Then pagtingin ko, nandun na sa gitna sina Scarystal at Gemmatanda. Biglang sinipa ni Scarystal yung lalaki sa sikmura at tinulungan naman ni Gemmatanda yung babae. Inalalayan niya yun hanggang sa kunin nung ibang merchant yung babae.

“You’re disgusting,” sabi ni Scarystal gamit ang pinakanakakatakot na tonong narinig ko doon sa lalaki na nakahandusay ngayon sa sahig.

“I shoud’ve cut his legs off. Tsk. Bakit kasi sinipa mo siya?” dagdag pa ni Gemmatanda.

Kahit hindi sila magaling sa pag-iisip ng pangalan, sobrang awesome naman nila pagdating sa labanan. Ang badass pa ng entrance nila at parang hindi man lang sila natatakot.

“Sa ganitong oras ko lang talaga sila hinahangaan,” narinig kong sabi ni Dumbsey na mukhang napabilib rin sa tapang nung dalawa.

“Sinabi na sa amin ni Leader kung anong nangyari. So sila pala ang pumatay sa tatay mo,” sabi niya pero nakatingin lang siya doon sa gitna. Naalala ko na naman yung nangyari dito two years ago. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nila pinatay yung mga nadamay na merchants, at nasama doon si Leo.

“Yeah. They are my target. Pero ayon sa information na nakalap ko, sub-group lang sila ng isang malaking gang.”

“Sub-group? May ganun?”

“Dahil maraming members yung gang nila, nagkaroon ng divisions at ang division na yan ang pumatay kay Leo.”

Naaalala ko pa dati, halos nasa twenty silang nanggulo dito pero ngayon, siyam lang sila. Wala rin sa grupo yung mismong pumatay sa karamihan ng merchants.

“Ugh. Who the fuck are you?!” nakabangon na yung lalaki at nakapalibot na kina Scarystal at Gemmatanda yung siyam. “Tsk! Kailangan nating mahanap yung weapons kaya tapusin niyo na agad yang dalawang yan!”

Tumakbo rin kami ni Dumbsey papunta sa kanila pero biglang lumingon sa amin si Scarystal. Lumapit siya sa amin pero hinarang siya ng isang lalaki. May hawak na mahabang kutsilyo yung lalaki at bigla niyang sinugod si Scarystal kaya kinabahan ako. But the next thing I knew, natumba na lang yung lalaki after siyang hawakan ni Scarystal sa may bandang dibdib. After that, naglakad siya papunta sa amin habang kami ni Dumbsey ay tulala pa rin sa kanya.

“W-what happened?” tanong ko dahil naguluhan ako sa nangyari.

“I froze his heart.”

“Damn you!” Napatingin kami sa lalaking pasugod dito pero  bumagsak rin agad siya. Nasa likuran niya si Gemmatanda habang hawak-hawak yung wooden sword niya.

“I’m your opponent, asshole.”

Naalala ko bigla yung itsura ni Gemmatanda kaninang umaga, pero this time, mas seryoso siya...at mas nakakatakot.

“She said she can handle them,” biglang sabi sa amin ni Scarystal.

Napatingin ako kay Gemmatanda kahit na likod niya lang ang nakikita ko. Bigla niyang tinaas yung wooden sword niya at sa stance pa lang na yun ay kinilabutan na ako. Sabay-sabay siyang sinugod nung natitirang pitong lalaki at natulala na lang ako sa nangyari.

Bigla niyang inislice yung sword niya sa nasa unahan at tumalon siya sa balikat nun. Then she cut the three guys behind her sa isang sword movement lang. Tinulak niya yung lalaking tinutungtungan niya papunta doon sa dalawa kaya na-out of balance sila at ginamit niya yung time na yun para patumbahin sila. Ang tanging natira na lang ay yung lalaking sinipa ni Scarystal kanina.

Wow. Sa isang iglap lang, napatumba niya yung anim.

Tinutok niya yung dulo ng wooden sword niya sa dibdib ng lalaki at mukhang nanginginig na yung lalaking yun.

“Scared?” tanong pa ni Gemmatanda doon sa lalaki. And after that, mabilis siyang umikot papunta sa likuran ng lalaki and then natumba na lang siya bigla. Pagtingin ko doon sa likod niya, may isang mahabang trace ng ice doon.

Nagbulung-bulungan yung merchants at ibang tao dahil sa nangyari at yung iba ay nagcontact na ng officers. Lumapit sa amin si Gemmatanda habang winawasiwas niya pa yung wooden sword niya.

“Krystal, nakita mo rin ba?” sabi niya kay Scarystal at tumango naman siya.

“Huh? Tanda, Leader, anong nakita niyo?”

“Their tattoo,” sagot ni Gemmatanda.

“They are members of Flame Spectre,” dagdag ni Scarystal at mas lalong sumeryoso yung expression niya.

Yes. Yun ang pangalan ng gang na target ko. May kinalaman rin ba doon sina Scarystal?


***