.

.

Chapter 15 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“This way.”

Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay ni Miles. After nung encounter namin sa Flame Spectre kanina, gusto niyang pumunta sa bahay nila para kunin yung weapons na collection ng tatay niya.

“Whoa. May ganito palang lugar dito sa East Black,” sabi ni Kelsey habang pasulyap-sulyap sa paligid.

“Obviously, Dumbsey,” sabay irap ni Miles sa kanya. Mukhang di naman narinig ni Kelsey dahil manghang-mangha pa rin siya. In fairness naman dito kay Miles, mas matinong mag-isip kaysa kay Kelsey. But she’s also a Nene for me.

Nandito kami ngayon sa isang street na parang 10 years ago pa huling may nakatira dahil sa sobrang isolated at hangin lang talaga ang maririnig mo. Yung mga bahay rin ay sira-sira at abandonado na. Naglakad pa kami ng ilang minuto bago huminto si Miles sa tapat ng isang bahay.

“Ito ang bahay niyo?” sabay turo ni Kelsey sa bahay na parang haunted house na ang dating.

“Yeah. Syempre para hindi mapansing may nakatira rito. Besides, maayos naman yung loob.”

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at tama siya. Mukhang bahay naman yung loob...bahay ng isang badass. Sobrang cool! Inaasahan ko nang maraming weapons akong makikita pero hindi ko alam na ganito karami. May mga baril at swords na nakasabit sa dingding. May iba’t ibang klase rin ng weapons sa bawat sulok ng bahay kaya sobrang nakakamangha talaga.

“Whoa! Ang ganda nito!” Pagtingin ko kay Kelsey, may hawak siyang whip na gawa sa metallic thorns. Mukhang may obsession ang Neneng ‘to sa whips. “Tsaka nito!” sabay hawak niya doon sa whip na maraming tali.

“What’s your plan? They are searching for this place.” biglang tanong ni Krystal kay Miles.

“Pwede bang dalhin nating lahat ‘to sa base?”

“But how?” tanong ko naman. Masyadong marami ‘to kung dadalhin namin lahat at pagtitinginan kami ng mga tao dahil may dala kaming iba’t ibang klase ng armas.

“Kung may sasakyan lang tayo,” sabi naman ni Kelsey. Kung meron nga, kaso wala.

Natahimik kaming apat dahil sa problemang ‘to. Baka malocate na rin kasi ng members ng Flame Spectre na nagpunta kanina ang bahay na ‘to.

“Babalik-balikan na lang natin ‘to hanggang sa madala nating lahat sa base,” sabi ni Krystal. Dahil yun lang ang possible way ay umoo na lang kami.

Agad na naghanap si Miles ng malalaking bags para paglagyan ng weapons na dadalhin namin ngayon. Syempre ako, yung swords ang una kong niligpit at nilagay ko sila sa scabbards bago ko isinilid sa isang itim na bag. Si Kelsey, ano pa nga ba? Yung whips at foldable staffs and spears ang kinuha niya. Si Miles naman ay yung mga baril na nakadisplay sa walls at sa tables yung niligpit, habang si Krystal ay kung anong una niyang makita ang nilalagay niya sa bag niya.

After that, napatingin ulit ako sa buong bahay. Marami pang weapons at hindi masyadong halatang may mga nabawas. Umalis agad kami doon sa bahay at maingat kaming umalis sa lugar na ‘yun. Mukhang wala namang nakasunod sa amin kaya nakahinga ako nang maluwag.

Nauunang maglakad sina Miles at Kelsey habang buhat-buhat nila yung bags na halos kalahati na ng size nila. Kasabay ko naman si Krystal at mukhang may malalim siyang iniisip.

‘Flame Spectre. Flame Spectre. Damn it.’

Bigla akong napahinto dahil sa narinig ko. Boses yun ni Krystal pero hindi naman siya nagsasalita. Anong nangyayari? Siya ba yun?

Napatingin siya sa akin dahil tumigil ako sa paglalakad at nakatitig lang ako sa kanya.

“Bakit? Anong nangyari sa’yo?”

“I-iniisip mo ba ngayon yung Flame Spectre?” Hindi ko alam kung tama ba ‘tong iniisip ko pero malakas talaga ang kutob ko eh.

“Yeah...”

“Read my mind,” sabi ko kaagad sa kanya. Then, sinabi ko sa isip ko yung narinig ko sa kanya kanina.

‘Flame Spectre. Flame Spectre. Damn it.’

“Hey...” kahit walang kabuhay-buhay yung expression ng mukha niya, alam kong nagulat pa rin siya.

“Yun ba ang iniisip mo kanina? Tama ba? What the hell? Anong nangyayari sa akin?” tapos napahawak na lang ako sa ulo ko.

“So you can also read minds?”

“No! Ewan! Ngayon ko lang ‘to naranasan. Teka, nakakahawa ba yang pagbabasa mo ng isip? Hindi kaya nahawaan mo lang ako?” Nung sinabi ko yun ay kumunot yung noo niya kaya napatahimik ako.

“Oyy Leader, Tanda! Dalian niyo!” Napatingin ako kina Kelsey at Miles dahil huminto na rin sila at mukhang hinihintay kami.

‘Bagal naman nila!’
‘Tsk. Ano bang pinag-uusapan doon ni Gemmatanda at Scarystal?’

“Oh my God,” sabay tingin ko kay Krystal.

“Nabasa mo yung kanila?”

“What the heck is happening to me?”

“Pag-usapan natin ‘to mamaya kapag nasa bahay na tayo. Let’s go.”

Nagsimula namang maglakad si Krystal kaya sumunod na lang ako. Pero hindi talaga maalis sa isip ko yung nangyayari. Nababaliw na ba ako? Bakit nakakabasa na ako ng isip like Krystal? Anong meron? Bakit?!

Mababaliw ako sa kakaisip nito!

Naglalakad na kami pabalik sa bahay at wala pa rin ako sa wisyo. Kung anu-ano na ang pinag-iisip ko dahil baka mabasa ko na naman yung isip ng tatlo. Ang creepy masyado! Kinilabutan tuloy ako bigla!

“Miles, Kelsey, stop.”

Maski ako, napahinto nung sinabi yun ni Krystal. Pagtingin ko, sobrang seryoso ng expression niya.

“Bakit, Leader?”

“Anong meron?”

‘Hey, did you feel that?’

Nagpanic ulit ako nung narinig ko yung boses ni Krystal sa isip ko. Oh God! This time, kinakausap niya ako?! Pagtingin ko sa kanya, sumulyap lang siya sa akin sabay tingin doon sa eskinitang nadaanan namin. Saka ko narealize na hindi ako kinilabutan kanina dahil sa iniisip ko kundi dahil sa presence na naramdaman ko nung dumaan kami sa harap ng eskinitang yun.

‘Someone’s there.’ Narinig ko ulit siya sa loob ng ulo ko. Feeling ko talaga mababaliw na ako.

Bigla naman kaming may narinig na tumawa kaya naging alert kami. Nilabas ko kaagad yung bokken ko at tinutok doon sa may eskinita.

“So you two can feel my presence, huh.” Dahil medyo madilim doon sa eskinita ay hindi ko nakitang may tao pala doon. Ibig sabihin siya yung naramdaman namin kanina. Unti-unti naman siyang naglakad at isang lalaki ang lumabas galing doon.

“Who the hell are you?” tanong ni Krystal at pati ako ay kinabahan sa sobrang seryoso ng tono niya.

“A-ahh! Ikaw yun!” Napatingin ako bigla kay Kelsey at nakita kong nakaturo siya doon sa lalaki habang gulat na gulat ang expression.

Ngumiti lang sa kanya yung lalaki at tumingin siya kay Krystal. Teka, kilala siya ni Kelsey?

“I’m just a nobody,” saka siya tumalikod at naglakad ulit pabalik doon sa eskinita pero lumingon ulit siya. “See you soon, Ice Goddesses,” at tuluyan na siyang nawala.

Pagkaalis niya ay nagtinginan kaming apat dahil hindi namin alam kung anong nangyari. Sino ba yun?

“Who’s that?” tanong agad ni Krystal kay Kelsey.

“Kahit matagal na yun, natatandaan ko pa rin yung mukha niya. Siya yung nagbigay sa akin ng chain whip ko.”

Whoa! Siya yun?! Pero bakit siya nagpakita sa amin? May kailangan ba siya? Kalaban ba siya?

“Ahh! Alam ko na kung anong gang name natin! Ice Goddesses!” sigaw ni Kelsey. Eh narinig niya lang namang sinabi yun ng lalaki! At bakit Ice Goddesses? ‘Di bagay!

“Oh God, no!” sabi naman ni Miles.

“Bakit may naisip ka bang maganda?!” sagot ni Kelsey sa kanya at inirapan naman siya ni Miles.

“How about, Phantom Ice?”

“EEWW!” halos sabay pa kami ni Kelsey kaya nagkatinginan kami.

“Baduy!” sabi ni Kelsey.

“Excuse me?! Kung baduy yun, paano pa kaya yung mga sinabi niyo kanina? Ice Ice Ladies? Ice Four Sale? Freezer? Anong tawag sa mga yun?!”

“Hoy di baduy yung akin, yung sa kanila lang!” sigaw pa ni  Kelsey.

Aba, baduy ba yung Ice Ice Ladies?! Hindi naman ah!

Sasagutin ko na sana siya pero mukhang hindi na kailangan dahil natahimik siya bigla pati na rin si Kelsey. Uh oh. Bakit kasi sinali niya sa baduy yung Freezer? Kahit sobrang corny nun, dapat di niya sinabi out loud! Lagot siya kay Krystal—oh shit.

Tumingin rin nang masama sa akin si Krystal. I forgot! Nakakabasa nga pala siya ng isip!

“Run for your life. I’ll freeze you to—” bago pa matapos ni Krystal yung famous line niya ay tumakbo na kaming tatlo pabalik ng bahay.


***