***

Pagkagising na pagkagising ko ay naramdaman ko kaagad yung sakit ng ulo ko dahil hindi ako pinatahimik ng isip ko. Plus yung adventure pa namin kaninang madaling araw sa basement.

“Morning.”
“Oh my God!”

Muntik na akong malaglag sa kama nung makita ko si Krystal na kagigising lang rin. Paano ba naman ay ang sama ng tingin niya at gulu-gulo pa yung buhok niya. Lalo namang sumama yung tingin niya dahil sa reaction ko kaya nagsmile na lang ako sa kanya.

Napatingin naman kami sa orasan at nagulat ako nung nakita kong 1 PM na. Kaya pala kumukulo na rin yung sikmura ko. Sabagay, anong oras na rin kaming natulog kanina.

Bumaba kami at nakita naming nagrarambulan sa kusina ‘yung dalawang nene. Wala pa yatang araw na hindi ko sila nakitang magkasundo. Bigla naman silang napatigil nung nakita nila kami at bumalik sila sa mga kanya-kanya nilang ginagawa.

Pfft. The Krystal effect.

Pagkatapos magluto ni Kelsey ay kumain na kami kaagad. At habang kumakain kami ay napag-usapan ulit namin ‘yung basement.

“Ano na palang gagawin natin doon, Leader?”

“Gusto ko ulit makita ‘yun. Hindi ko masyadong naexplore kanina eh,” sabi ni Miles. Maski ako gusto ko rin. Nabitin ako kanina at ang dami pang pwedeng iexplore doon lalo na ‘yung books at weapons.

“Eh paano, nakakapit ka lang kay Tanda all the time!”

“Sus! Ikaw rin naman eh! Nakakapit ka lang kay Scary—sa kanya!” sabay turo ni Miles kay Krystal.

“Pero nagtataka ako kung bakit may faint blue light na lumabas nung hinawakan natin ‘yung wall. Lahat ba ng hahawak doon, mabubuksan rin ‘yung wall?” tanong ko.

“Maybe only those who have the ice attribute can open it,” sabi naman ni Krystal. Sabagay, may point siya. May ice attribute ang family niya kaya possible na ginawa nila ‘yun just for them. Pero nakakamangha pa rin na nakagawa sila ng ganun.

“Pupunta ba ulit tayo doon, Leader?”

“Not yet. We need to collect more insignias for now,” tapos tumingin siya kay Kelsey. “Pupunta tayo mamaya sa South. And you two,” sabay tingin niya sa amin ni Miles. “kukunin niyo ‘yung natitirang weapons sa bahay mo.”

After that ay naghanda na kami. Dahil dalawa lang kami ni Miles na pupunta ay tig-dalawa rin kami ng bag na dadalhin. Syempre, dinala ko ‘yung bokken ko at dala naman ni Miles ‘yung twin guns niya. Pero nagdala rin siya ng dalawa pang extra na baril kaya nagdala na rin ako ng extra sword. Nagtali ako ng tela sa bewang ko at doon ko siniksik ‘yung bokken at scabbard.

“Tanda, magdala ka ng whips ha! Bye!” sabay takbo naman ni Kelsey para makahabol kay Krystal na nauuna nang maglakad. Thirteen pa lang ang insignias na nakokolekta namin at thirty ang kailangan para makasali sa War of Best. Mukhang kailangan naming bilisan ang pagkuha dahil sabi ni Krystal ay mas hihigpit ang security ng gangs ngayon dahil alam nila ang mangyayari.

“Oy Gemmatan—Gemma, tara na!”

At talagang sinanay na niya ‘yung sarili niya sa pagtawag sa akin ng Gemmatanda? Tapos si Kelsey naman, Tanda. Hindi ba talaga ako kagalang-galang sa paningin ng dalawang neneng ‘to? Buti pa kay Krystal, may takot sila!

Naglakad kami papunta sa bahay niya at hindi namin pinapahalata ang presence namin. Pero nung nakalagpas na kami sa may Black Market ay biglang may humarang sa amin.

“There you are,” sabi nung isa habang nakatingin kay Miles.

“Tsk tsk. Sayang ka, ang galing mo pa namang hunter pero ngayon ikaw na ang hinuhunt.”

“Ayaw mo nun, para wala tayong kaagaw sa pera?”

Bounty hunters.

Pitong hunters ang nakapalibot sa amin ngayon pero nakatingin lang sila kay Miles. Bigla akong kinabahan. Ito ‘yung sinasabi ni Krystal na consequence ng ginawa ni Miles doon sa officer. Tsk.

Biglang hinagis nung isa ‘yung wanted poster na hawak niya at pinagbabaril niya mid-air.

“Gun hunter Miles, patay ka na!” at saka sabay-sabay na sumugod ‘yung pito papunta sa amin.

Napatingin ako kay Miles at nakatulala pa rin siya. Damn! Is she scared?!

Tumakbo ako papunta sa kanya habang kinukuha ko ‘yung dalawang sword ko. Bago pa sila makapunta kay Miles ay humarang ako using my bokken and the scabbard. Tinignan ko sila nang masama at bago pa sila makapagreact ay hinila ko mula sa scabbard ‘yung metal sword and I swung it to them.

Two of them were wounded. Tss. Ang bagal pala kumilos ng mga ‘to.

“Hey, hey. Why are you bullying my underling?” sabi ko at nagsmirk ako sa kanila. Wow, rhyme ‘yun ha. And pagkasabi ko nun, umalis sa likuran ko si Miles at tumabi sa akin.

“Underling?! Kelan mo pa ako naging under?!” Oohh. So nasa wisyo na siya.

“Bakit? Tingin mo ba magkalevel tayo?” this time, sa kanya naman ako nagsmirk.

“Huh! You wait! I’ll prove it to you!” 

Bigla niyang hinagis pataas ‘yung dalawang baril niya tapos hinugot niya ‘yung twin guns. Pinagbabaril niya ‘yung kamay nung mga nasa harapan niya kaya nabitawan nila ‘yung mga baril at swords na hawak nila at nakita kong nanigas ‘yung mga kamay nila. And then bigla siyang tumalon at inapakan niya ‘yung sword na hawak ko. Buti na lang at alam kong gagawin niya ‘yun kaya gamit ‘yung sword ko ay tinulak ko siya pataas.

Nung nasa mid-air na siya ay kinuha niya ‘yung dalawang guns na hinagis niya kanina habang bumabagsak at saka niya binaril ‘yung mga nasa baba sa binti nila.

Damn. She’s fast! At mas mabilis siya kapag nasa ere siya. Pero hindi ako magpapatalo! Hindi pwedeng siya lang ang bida.

May dalawang sumugod sa akin mula sa likuran pero yumuko agad ako para hindi nila ako matamaan.

“Oi, oi. Swordsmen ba talaga kayo?” They can’t even use their swords properly!

“Shut up—” I slit his throat before he finished his sentence. Pero walang dugong lumabas kundi traces of ice, at saka siya natumba.

“Don’t tell me when to shut up. Tama na na may tatlong tao na laging pinuputol ‘yung mga sasabihin ko.”

Tinignan ko naman ‘yung lalaking bumaril kanina ng wanted poster at nakatutok na ‘yung baril niya sa akin.

“Magaling ka nga gumamit ng espada pero sa ganitong distansya, hindi mo magagamit ‘yan. Mas mabilis pa rin ang bala,” saka siya tumawa na para bang siya na ang nanalo.

“You’re annoying.” Pagkasabi niya nun ay bigla niyang pinutok ‘yung baril niya.

I can clearly see the path of the bullet. At nung malapit na sa akin ay hinarang ko ‘yung metal sword at iniba ko ang trajectory ng bullet. Sinakto ko ‘yun sa lalaking pasugod sa akin sa kanan.

And he was hit on the chest.

“P-paano...”

“Mas mabilis? Saan banda? I know someone whose bullets are faster.” Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay bigla na lang tumumba ‘yung lalaki at tumabi sa akin si Miles.

“Thanks for the compliment, Gemmatanda.”

“Feeling. Hindi ikaw ‘yun,” sabay talikod ko sa kanya.

Pinulot ko ‘yung scabbard at nilagay ko ulit doon ‘yung metal sword saka ko nilagay sa bewang ko. Nakita ko rin ‘yung sira-sirang wanted poster at mukha nga ni Miles ang nakalagay doon.

“Oh, 15,000 lang pala ang worth mo,” sabi ko sa kanya at kumunot bigla ang noo niya. Hah! That’s my payback!

“At least ako may worth, ikaw wala!”

“Kasi malinis ako gumawa at ‘di ko nakukuha ang attention ng  officers. At natakot ka nga kanina kaya wag mong ipagmalaki ‘yang bounty mo ‘no.”

“Sus! Inggit ka lang!”

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Buti na lang pala at nagdala talaga kami ng weapons kundi tumatakbo na kami ngayon para makatakas.

But this is really a bad news. Kung may bounty na si Miles, hindi na siya pwedeng maglakad-lakad nang ganito sa kung saan-saan dahil for sure ay may bounty hunters na nakaabang sa kanya.

“Hoy, pumasok ka sa bag,” sabi ko sa kanya tsaka ko inopen ‘yung hawak kong bag.

“Huh?!”

“Mamaya may makakita na naman sa’yo. Mapapalaban na naman tayo.”

“Bakit sa bag?! Nababaliw ka na ba?!” bigla kong tinutok sa kanya ‘yung bokken ko. Then hinatak niya bigla ‘yung telang nakatali sa bewang ko kaya nalaglag ‘yung swords ko.

“Hoy!”

“There! Okay na ‘to kaysa sa idea mo!” tapos nauna na siyang maglakad sa akin.

Nilagay niya sa ulo niyang ‘yung tela at pinambalot niya sa mukha niya. Fine. Ako rin naman ang mahihirapan kapag pinasok ko siya sa bag dahil ako ang magbubuhat.

Nung nakarating na kami sa tapat ng bahay niya ay napatigil kami dahil may taong nakabantay sa labas. Bigla namang tinutok ni Miles ‘yung twin guns niya sa kanya kaya napatingin siya sa amin. Pagtingin ko, babae pala.

She’s about my height pero may something sa kanya na nakakatakot, but not the fear I feel kapag seryoso si Krystal. May kagat-kagat rin siya na maliit na stem at tinaas niya ‘yung kamay niya sa amin.

“Hey.”

Sino siya?


***