.

.

Chapter 18 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, November 28, 2014


***

“Sino ka?!” biglang tinutok sa kanya ni Miles ‘yung baril niya.

“Whoa, whoa. Chill,” sabi naman ng babae tapos tinapon niya ‘yung kagat-kagat niyang maliit na stem.

“Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?”

“Hmm, ano nga bang kailangan ko?” sabay hawak niya pa sa baba niya na parang nag-iisip.

“Tsk!”

“Miles,wait—”

Bigla na lang siyang nagpaputok nang sunud-sunod doon sa babae. Damn! She lost her cool! Siguro dahil na rin sa nangyaring ambush sa amin kanina.

Pero nagulat ako nung naglabas rin ng baril ‘yung babae at nagpaputok. Pero ang mas nakakagulat, ‘yung mga bala na pinaputok niya ay same path ang tinatravel like kay Miles. She wants to stop Mile’s bullet by using hers.

“Whoa!” Pero mukhang mas matibay at mas mabilis ‘yung kay Miles kaya nagbago lang ng direction ‘yung mga bala niya. “Cool,” sabi pa niya na mukhang amaze na amaze after niyang iwasan ‘yung mga tira ni Miles.

“Nakakainis—” tinututok ulit ni Miles sa kanya ‘yung baril niya.

“I said chill, brat.”

Bigla akong kinilabutan at mas naging alert ako. Huli ko ‘tong naramdaman nung naging seryoso si Krystal. Shit. This girl is dangerous.

The next thing I knew, may nakapulupot na kay Miles na whip at hinila nung babae ‘yun papunta sa kanya. She took down Miles in an instant.

Napahawak agad ako sa swords ko dahil nararamdaman kong kailangan ko siyang seryosohin. I can feel that she’s strong.

“Wait, wait, ikaw rin?” sabay turo niya sa akin.

“Pakawalan mo si Miles.” Tinignan ko siya nang seryoso at ganun rin ang ginawa niya sa akin.

“You’re strong, aren’t you?” tapos ngumiti siya.

“Stronger than her,” saka ko tinuro si Miles. Magrereklamo na sana ‘yung Nene pero biglang pinulupot nung babae ‘yung whip hanggang sa bibig niya.

“Heh. Then I don’t want to fight you,” sabay upo niya ulit doon sa harapan ng bahay.

“Huh?”

Nawala naman ang focus ko nung sinabi niya ‘yun. After that, tinanggal niya ‘yung whip kay Miles at tinutukan niya ng baril.

“Isa pang salita galing sa’yo, you’re good as dead, brat,” sabi niya kay Miles. Mukhang nasa sukdulan na rin ang galit ni Miles kaya lumapit ako sa kanila.

“Miles, calm down,” tapos tinitigan ko siya nang seryoso at bigla naman siyang nanahimik. Oohh. Umeepekto na ba ang pagiging mas matanda ko sa kanya? My God. Parang gusto kong maiyak at for the first time, sinunod niya ang utos ko!

“Hmm, mukhang mas reasonable ka,” sabi naman nung babae. “What’s your name?”

“You should tell your name first dahil ikaw ang mukhang may kailangan sa amin,” sabi ko at saka ko hinila si Miles sa tabi ko. 

Bumuntong-hininga naman siya at tumayo ulit. Saka ko lang napansin ‘yung malaking bag sa gilid niya.

“Ashley. But please call me Ash.”
“Gemma. And this is Miles.”

Nagtitigan kami ng ilang segundo dahil hindi ko pa rin alam kung anong kailangan niya sa amin at kung may gagawin ba siyang masama.

“Didiretsuhin ko na kayo. Nandito ako para sa weapons.”

“Ha! Sabi na nga ba! Hindi pwede! Hindi ko hahayaang mapunta kahit isa—” tinignan naman si Miles bigla ni Ash kaya nagtago siya sa likuran ko.

Pfft. Akala ko kay Krystal lang may takot ang isang ‘to!

“What do you mean?” tanong ko kaagad sa kanya.

“Yung may-ari ng bahay na ‘to at ang tatay ko ay parehong weapon collector at magkakilala rin sila. Because of some incidents, nagpunta ako rito para tignan ‘yung weapons.”

“Tignan?”

“Yeah. Wala akong balak kunin ang mga ‘yun dahil ‘di hamak naman na mas marami kaming weapons.”

“Anong sabi mo—”

“Miles,” tsaka ko siya tinitigan. Hay. Bakit ba ‘yung pareho sila ni Kelsey na masyadong maiksi ang pasensya? Characteristic ba ‘yun ng mga Nene ngayon?

Pero teka, kung mas marami na silang weapons, bakit kailangan niya pang tignan ‘yung weapons dito? Hindi kaya...

“Are you from the White Division? Tuta ka ba ng gobyerno?” Napahawak ulit ako sa bokken ko kung sakali mang may mangyari. Pero nabigla ako nung nagbago ‘yung expression niya.

“White Division? The government? Are you kidding me? I despise them,” tapos tinignan niya ako nang seryoso. I can feel the intensity of her stare. Parang naramdaman ko rin ‘yung galit niya.

“Then why do you need to see the weapons?”

Napapikit naman siya tapos huminga nang malalim. Mukhang kinakalma niya ‘yung sarili niya dahil sa inasal niya. Well, sorry. Malay ko bang malaki ang galit niya sa kanila? Pero alam ko namang halos lahat ng nasa Black Division ay galit sa mga nasa White Division at sa gobyerno namin. Maski akong galing sa White Division, hindi ko rin gusto ang pamamalakad doon. Idagdag pa ‘yung mga kasama ko sa bahay. Kaya nga ako lumayas eh. I just hope na hindi naman si Dad ang pinapahirapan nila. Speaking of Dad, namimiss ko na siya. Galit kaya siya sa akin dahil sa ginawa ko?

“Pwede bang sa loob na lang tayo mag-usap?” Napatingin naman ulit ako kay Ash at inalis ko muna sa isip ko si Dad.

Tinignan ko naman si Miles at mukhang labag sa loob niya na papasukin si Ash. Pero wala rin naman siyang nagawa at pumasok kaming tatlo sa loob. Umupo kami sa may gitna at iniiscan ni Ash ‘yung tingin niya sa weapons sa buong bahay.

“So, bakit mo gustong makita ang mga ‘to?” tanong ko ulit sa kanya.

“Hmm, paano ko ba ‘to sisimulan?” sabay hawak niya ulit sa baba niya.

Tinignan niya ulit ‘yung weapons at bigla siyang napangiti. Si Miles na kanina pa nakatingin nang masama sa kanya ay biglang nagbago ang expression. Siguro dahil sa pagngiti ni Ash. She also loves these weapons, katulad ni Miles.

“’I’m from North Black at nagtravel ako papunta sa East para makita ‘to. Sabi kasi sa akin ni Lolo at Papa, hindi lang ordinary weapons ang nakakalat ngayon sa Black at White Division. Meron ring weapons...na tanging piling tao lang ang nakakapag-wield.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at nagkatinginan kami ni Miles. Napahawak rin ako bigla sa bokken ko.

“Nung una kong narinig ‘yun ay hindi ako naniwala. Para sa akin, pare-parehas lang naman ang weapons na ‘to. They are made for people. They are made for the weak to become strong, and for the strong to become stronger. Pero nagbago ang pananaw ko nung may naencounter akong isang weapon.”

“So you mean, gusto mong mahanap ang piling weapons na ‘yun?” tanong ko kaagad.

“Yeah. I want to see them. Gusto kong makita kung paano gumagana ang mga ‘yun sa napili nilang taong magwiwield nun. Gusto ko ring malaman kung bakit ilang tao lang ang pwedeng gumamit sa mga ‘yun at kapag ibang tao ang humahawak ay may nangyayaring masama sa kanila.”

Lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Kung dati, wala akong pakialam kung bakit ako lang ang nakakagamit nito pati si Dad, ngayon parang gusto ko na ring malaman kung bakit. At alam kong ganun rin ang nararamdaman ni Miles ngayon dahil ang alam ko ay basta na lang binigay sa kanya ng tatay-tatayan niya ‘yung twin guns sa kanya ng walang paliwanag.

“Man, ang init naman dito,” biglang sabi ni Ash at hinubad niya ‘yung jacket niya.

“Meron ka na bang lead sa weapons na hinahanap mo?”

“Meron sana pero hindi ko naman magamit,” tapos hinatak niya ‘yung bag niya at may nilabas siyang...libro? “Ito ang copy ng book of special weapons na nasa Lolo ko pero hindi ko na maintindihan ‘yung mga nakasulat dahil sira-sira na.” 

Mukhang wala ngang makakaintindi doon. Paano ba naman, wala na ‘yung ¼ ng libro. Parang nasunog or napunit. Basta hindi na siya mukhang libro.

“Well then, mag-iinspect muna ako,” sabay inat niya pa. Pero biglang may nahagip ang mata ko sa braso niya.

“Wait! A-ano ‘yan?” sabay turo ko sa upper arm niya.

“Hmm? Tattoo. Lahat kami sa pamilya, may ganito. Hindi ko rin alam kung bakit pero nung nag-thirteen ako ay nilagyan nila ako ng ganito—ehem. Nevermind,” saka siya tuluyang naglakad papunta sa weapons.

Why would they put something like that on their arm? Coincidence lang ba ‘to?

The word ‘ICE’ was tattooed on her arm.


***