.

.

Chapter 19 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, December 5, 2014


***

Kakaiba talaga sila. I mean, these two—Gemma and Miles. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko may kakaiba sa kanila.

Nagtingin-tingin naman ako sa weapons na nakadisplay sa dingding. Sobrang dami pero may ilang spaces na wala nang laman. Oh. Kaya pala sila nandito. Mukhang kinukuha na nila ‘yung weapons. Naalala ko tuloy ‘yung weapon collections namin sa bahay.

I came from the North Black Division at galing ako sa pamilya ng mechanics. Lahat ng bagay kaya nilang ayusin, pati na ang weapons. Kuntento naman ako sa pagtulong kina Lolo at Papa na nagmamanage ng shop namin at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko pero dahil sa isang encounter ay may kung ano akong gustong malaman.

Last year, may lalaking nagbenta sa amin ng baril. Bumibili rin kasi kami ng mga sirang weapons o ‘yung mga ayaw nang gamitin ng users dahil gusto pa rin silang icollect ni Lolo. Ako ‘yung tumanggap ng baril dahil ako ang nagbabantay ng shop noong araw na ‘yun. Syempre, ininspect ko muna at mukhang sira na nga. Ayaw kasi gumana ng gatilyo. Pero dahil gusto ko talagang ayusin ‘yung baril ay nagfocus ako sa pagiinspect. Then bigla na lang akong nagulat nung napihit ko ‘yung gatilyo nang wala namang ginagawa at buti na lang ay sa labas nakatutok ‘yung baril at walang tao kaya wala namang natamaan. After that, sinubukan ko ulit pero ayaw na namang gumana.

Sinabi ko kina Lolo at Papa ‘yung nangyari at binigay ko sa kanila ‘yung baril. Ang alam ko lang ay nagtinginan silang dalawa na para bang nagkakaintindihan sila. After that, sinabi nila sa akin na sira lang talaga ‘yung baril at natyempuhan ko lang na mapagana for the last time. Kukunin ko na ulit sana sa kanila ‘yung baril pero hindi na nila ibinigay sa akin. Kahit labag sa loob ko, wala naman na akong nagawa.

After ng incident na ‘yun ay may kung anong tanong sa isip ko. Hindi talaga mawala sa isip ko ‘yung nangyari. Talaga bang sira ‘yung baril? Natyempuhan ko lang ba talagang mapagana ‘yun? Ewan ko pero kakaiba talaga ‘yung pakiramdam ko eh. Nung napaputok ko kasi ‘yung baril ay parang may something sa akin na...kakaiba. Hindi ko rin maintindihan eh. Basta ang alam ko, gusto ko ulit maramdaman ‘yun. Hindi ko ‘yun nararamdaman kapag nag-aayos ako ng ibang weapons. Sa baril na ‘yun lang.

Ilang months ang nagdaan pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ‘yung nangyari. Parang nakatatak na ‘yun sa isip ko at gusto kong mangyari ulit. Kaya naman pinuntahan ko si Lolo at nagtanong ako sa kanya.

“Lolo, pwede ko ba ulit makita ‘yung baril?” Napatigil siya sa paggawa doon sa machine gun na nasa harapan niya at punung-puno na ng grasa ‘yung damit niya.

“Bakit ba interesado ka sa baril na iyon?”

“H-Hindi ko rin po alam. Pero sige na, Lolo. Gusto ko lang ulit makita. Please?”

“Apo, may mga armas na hindi pwedeng mapasakamay ng mga ordinaryong tao.”

“Po?”

“Wala. Wala. Hala sige at magtrabaho ka na. May tao sa labas oh.”

Dahil tinaboy na ako ni Lolo papunta sa customer ay wala akong nagawa. Pero mas lalong dumami ‘yung tanong sa isip ko dahil sa binitawan niyang mga salita. Weapons na hindi pwedeng mapasakamay ng mga ordinaryong tao? Anong ibig sabihin nun? Kasama ba doon ‘yung baril na ‘yun?

Ilang months pa ulit ang lumipas at mas lalo akong naging interesado sa sinabi ni Lolo. Lagi ko na siyang kinukulit na ipakita ulit sa akin ‘yung baril na ‘yun dahil wala doon sa collection room. Pati si Papa kinukulit ko rin pero ayaw niya ring sabihin dahil magkakampi sila ni Lolo. Tss.

Then one time, naisipan kong pumasok sa room na puro lumang gamit ang laman. Hindi naman talaga ako pumapasok dito dahil amoy luma. I mean, basta, parang ‘yung amoy ay nagtagal ng ilang dekada.

Madaling araw ako nung pumasok sa kwarto para hindi ako makita o marinig nina Lolo at Papa. Pagpasok ko doon ay nilabas ko kaagad ‘yung flashlight dahil walang ilaw sa kwartong ‘to. Napayakap ako sa buong katawan ko dahil sobrang lamig sa loob. Nung nasa loob na ako ay nakita ko na ang daming nakatambak na sirang weapons. Dito rin kasi nakalagay ‘yung weapons na wala na talagang pag-asang maayos. May mga libro ring nakalagay sa shelf pero pinaglumaan na ng panahon. ‘Yung iba, feeling ko kapag hinawakan ko ay magdidisintegrate na lang bigla dahil sobrang brittle na ng pages.

Inispect ko naman ‘yung weapons na nakakalat sa sahig. Grabe. Ngayon na lang talaga ako nakapasok dito. Huling pasok ko dito ay nung seven years old pa lang ako. Ang dami na palang nadagdag dito.

Nagpunta naman ako doon sa shelf at tinignan ko ‘yung books. Dahan-dahan kong kinuha ‘yung isa at talagang maingat akong umupo doon sa isang sirang cannon para magbasa. Tinignan ko ‘yung libro at parang hindi na siya mukhang libro. Tapyas na kasi ‘yung bandang taas na para bang nasunog kasi may burn marks na natira.

Dahan-dahan kong binuklat ‘yung pages at nakakatakot dahil feeling ko ay anytime, masisira ko ‘yung libro. Tinutok ko ‘yung flashlight sa libro para magbasa pero nadisappoint ako sa nakita ko. Hindi ko kasi maintindihan ‘yung nakasulat. Ibang language ba ‘to? Bakit ganito?

⋇ҩǂᵻͽϫ•ͽѯҩ•⨳ҩͽϞᴥᵻϫ•ҁѫͽҁ•ͽѯҩ•ѣͽϠҩ•ϕѯᴥѣ•ϫϞҩͼǂͽҵ•ѣͽҁҩѯǂͽҵϫ∺ǂ⋇ͽᵻжᴥ⋇∎•ᴥᵻҩ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ͼѯҩͽҁᴥѯ•ᴥϕ•ѫϭᵻҁѯҩϫ•
ҁѯǂ⧝ҩ∎•
ҁᴥ≬ҩҁѫҩѯ•⨳ǂҁѫ•жͽ≬ҩ∎•ҁѫҩ•ϫᴥᵻ•ᴥϕ•ϫѫǂᵻϛǂ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ϫҩᵻϫѫǂᵻ•ҁѯǂ⧝ҩ∎•ѣͽϠҩ•ҁѫҩϫҩ•⨳ҩͽϞᴥᵻϫ•ҁᴥ•ͽǂϠ•
ҁѫҩǂѯ•ѯҩϫϞҩͼҁǂ⋇ҩ•
ҁѯǂ⧝ҩϫ•ϕѯᴥѣ•⧝ͽҁҁҵҩϫ∺

What the hell are these? Symbols ba ‘to? Codes? Sinong matinong tao ang gagawa ng libro na ganito?

Tinignan ko ‘yung ibang libro sa section na ‘yun at puro ganito rin ang nakasulat. Writing system ba ‘to ng ibang lugar? Pero bakit meron kami nito? Ano ba ‘to?

Bago pa tuluyang masira ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba ‘tong mga ‘to ay sinara ko na ‘yung libro at nilagay ko sa bag na dala ko. Baka magamit ko ‘to sa future.

Ilang oras pa ang lumipas at inabutan na ako ng umaga dito dahil sa dami ng weapons na gusto kong tignan. Hindi ko nga alam kung paano nila napasok dito ‘yung cannons at ‘yung iba pang malalaking weapons eh.

Lumabas na rin ako kaagad dahil lagot ako kapag naabutan ako nina Lolo at Papa dito. Tsk. Mukhang hindi na ako makakatulog dahil ako ang magbabantay ng shop ngayong umaga.

Binuksan ko ‘yung shop at umupo ako doon sa harapan. Umub-ob ako doon sa table dahil tinamaan na ako ng antok. Narinig ko naman ‘yung footsteps papunta rito kaya alam kong gising na sina Lolo at Papa.

“Ang aga mong nagising ngayon ah,” rinig kong sabi ni Papa. Bumangon naman agad ako.

“Nagbabagong-buhay,” sabi ko naman kaya binatukan niya ako.

After that ay hindi ko na talaga napigilan at nakatulog na ako sa lamesa.

Pagkagising ko, tanghali na at may customer sina Lolo at Papa. As usual, puro grasa na naman sila. Ayaw kasi nilang mag-apron eh. Buti pa ako, kapag gumagawa, konti lang ‘yung napupunta sa damit ko. Ewan ko ba dyan sa mga ‘yan. Nakakabawas daw kasi ng pagkalalaki kapag naka-apron.

Ilang araw ko na ring ginagawa ‘yung pagpunta sa room na ‘yun para mag-inspect tuwing madaling araw. Feeling ko tuloy detective ako.

Pero isang araw, nagulat na lang ako dahil biglang bumukas ‘yung kwarto. Pagtingin ko, nasa pintuan si Lolo pati na si Papa.

“Anong ginagawa mo rito, Ash?” seryosong tanong ni Papa. Bigla akong kinabahan at kinilabutan. Kapag seryoso na ‘yung tono niya, lagi akong nakakaramdam ng chills sa katawan sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil nakakatakot talaga siya at hindi ako sanay kapag seryoso siya.

Nilapitan nila akong dalawa at hindi na ako makagalaw sa pwesto ko dahil kinakabahan ako sa pwede nilang gawin sa akin.

“Itong batang ‘to talaga. Halos isang taon na rin simula nung nangyari ‘yung sa baril. Hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan. Kaya ba nandito ka?” sabi naman ni Lolo at lalo akong kinabahan kasi ‘yun naman talaga ang rason.

Pinalabas nila ako doon sa kwarto at pumunta kami sa shop na kasama rin ng bahay namin. Pinaupo nila ako at binuksan nila ang ilaw dahil madilim pa dito kasi sarado pa ‘yung shop namin.

“Ano bang gusto mong malaman?” tanong sa akin ni Papa habang ako ay nakayuko lang.

Huminga naman ako nang malalim at prinepare ang sarili ko. Ngayon lang kasi nangyari ‘to. ‘Yung parehong seryoso sina Papa at Lolo dahil sa ginawa ko at chance na ‘to para tanungin sila sa gusto kong malaman. Bihira lang na seryosohin nila ako pagdating sa mga ganitong bagay kaya hindi ko pwedeng pakawalan ang chance na ‘to.

“Anong meron doon sa baril at ayaw niyong ibigay sa akin?” tanong ko agad habang kinakalma ko ang sarili ko. Nakita ko namang nagtinginan ulit sila at napabuntung-hininga si Papa at tumango si Lolo. Nagkaintindihan sila sa lagay na ‘yun?

Nakita ko na naman ‘yung tattoo ni Lolo sa wrist niya. ‘Yung kay Papa naman ay sa bandang dibdib niya. Hindi ko rin alam kung para saan ‘yung tattoo pero pinilit rin nila akong lagyan nun nung thirteen years old ako. Sa braso ko pinalagay ‘yung sa akin at sobrang sakit nung time na ‘yun dahil parang binubutas talaga ‘yung balat ko.

“Apo, sabi ko hindi ba, may mga armas na hindi pwedeng mapasakamay ng mga ordinaryong tao?”

“Mmm,” tapos tumangu-tango ako dahil naaalala ko pa rin ‘yun hanggang ngayon.

“Ang mga armas na ‘yun ay hindi nila magagamit at mga piling tao lang ang pwedeng makahawak.”

“Piling tao? Bakit?” this time, si Papa naman ang nagsalita.

“Because those weapons are special, and they are made for special people...like us.”


***