.

.

Chapter 2 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“Whooo thank you! Grabe nakaupo rin after 3 freakin’ hours! Ouch!” sobrang nakakagaan sa pakiramdam yung pag-upo sa couch. Ilang oras na rin akong naglalakad kanina at ngayon lang ako nakapagpahinga!

Buti na lang pala at sumama ako kay Krystal. Actually, sumunod lang ako sa kanya. Then after twenty minutes, nandito na kami sa isang lumang bahay. As in luma. Parang ilang taon na walang tumira rito. Nakatakip rin ng mga puting tela yung mga gamit. Maging itong couch na inuupuan ko.

“Dito ka talaga nakatira?” tanong ko sa kanya.

“No. I’m from the White Division.” Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napatayo agad ako.

“Really?! I’m from there, too! Actually, doon ako galing ngayon. Err, naglayas kasi ako. Hahaha!” sabay kamot ko  sa ulo ko.

“I know.”

“Talaga? Paano mo nalaman?” Alam niya ba talaga na sa White Division ako galing?

“Yung daan na dinaanan mo kanina. That’s the route to cross the borderline between the White Division and East Black Division.”

Wow. Alam niya nga. Pero nakakabilib pa rin kasi unang kita niya pa lang sa akin doon sa route na yun ay alam niya na kaagad na galing ako sa White Division.

“Back there, when we are fighting those guys, napansin ko na gumamit ka ng wooden sword.” Whoa. Nakita niya yun?

“Ah, yeah. That’s my bokken. Yung daddy ko kasi, instructor ng dojo sa White Division. So ayun, natuto ako sa kanya and lagi na akong may dalang bokken, in case of emergency.”

“Ah.”

Mukhang hindi talaga siya komportable sa akin. Para ngang wala siyang masyadong pinapakitang reaction eh. Kalmado lang yung expression niya.

Bigla naman siyang tumalikod at kinabit niya yung kinuha niyang parang maliit na flag doon sa pole na nasa tabi niya. Sa pagkakaalam ko, yun yung kinuha niyang flag mula doon sa boss kanina. Para saan kaya yun?

“Uhm, Krystal? Ano nga pala yung sabi mo kanina? I mean, yang parang flag na yan? Bakit mo sila kinokolekta?” bigla naman siyang napabuntung-hininga. Sabi ko nga. Mukhang ayaw niya ng kausap.

Bigla naman siyang humarap sa akin.

“These are gang insignias. Kapag naka-collect ka ng thirty, your group can enter the War of Best.”

“Huh?” Gang insignias? War of Best? Ano yun?

“You know the Flame Spectre, right?”

“You mean, the only gang allowed to have their base sa White Division?”
Naririnig ko yung name nila sa mga estudyante ni Daddy sa dojo. Ang alam ko ay isa silang legal gang na naka-base sa White Division.

“Oo. Sila ang nag-aarrange ng War of Best. It’s like a Battle Royale among the strongest gangs.”

“So, kaya ka na nangongolekta ng gang insignias ay dahil gusto mong sumali doon?”

Bigla naman siyang natulala na para bang may iniisip na malalim. Then, tumingin ulit siya sa akin with her cold stares.

“Yeah. I need to win that War.”

“Okay. I’ll join you. I’ll help you.”
Pagkasabi ko nun, halatang nagulat siya. Err, I mean hindi halata as in shocked yung facial expression niya. Napansin ko lang na nagbago yung tingin niya sa akin pero ganun pa rin yung mukha niya. Expressionless.

“Why?”

“Because you saved my life. I owe my life to you now, right?” saka ako nagsmile sa kanya. Totoo naman eh. Kung hindi dahil sa kanya, baka kung ano nang nangyari sa akin kanina. At kahit sabihin pa niya na hindi naman talaga niya ako iniligtas at nagkataon lang na nandun siya para sa insignia ng gang na yun, para sa akin ay niligtas niya pa rin ang buhay ko.

“Wait—”

“Besides, di ba sabi mo, groups ang sumasali doon? Eh mag-isa ka lang ata sa ngayon. Don’t worry, I think makakatulong naman ako sa’yo. I think I’m strong enough to fight by your side.”

Nagtitigan lang kami ng ilang minuto. Then after that, napabuntung-hininga na lang siya. Hah! Does that mean tinatanggap niya na ako bilang group member?

Bigla naman siyang tumalikod at umakyat doon sa second floor. Tsk tsk. Mukhang hindi talaga siya palakausap ng tao. Maybe it’s hard for her? O baka naman ganun lang talaga siya?

Nagstay ako rito sa first floor at hindi ko na siya sinundan. Napatingin na lang ako sa buong bahay. Actually, malaki ‘tong bahay. Kaso nga lang, may sira na yung dingding at basag rin yung ilang bintana. Buti at hindi ‘to pinapasok ng mga magnanakaw. At sabi niya kanina, galing rin daw siya ng White Division. Ibig sabihin, kababalik niya lang dito sa East Black Division?

Napagdesisyunan kong umakyat sa second floor para makita ko yung itsura at para na rin magtanong kay Krystal. Dala-dala ko pa rin yung bokken ko dahil mas komportable ako kapag hawak ko ‘to. Nung nasa second floor na ako, bigla akong napayakap sa sarili ko. Sobrang lamig dito sa second floor compared sa first floor. Pero nagulat ako nung nakita ko si Krystal na nakaupo sa may gitna.

Her hands are freezing. Literally freezing. Nagyeyelo yung kamay niya at may vapors pa na lumalabas.

“OMG,” bigla kong natakpan yung bibig ko pero huli na. Napatingin sa akin si Krystal at nanlaki ang mga mata niya sa akin.

“Shit!” sigaw niya tapos biglang nawala yung yelo sa kamay niya. Lumapit agad ako sa kanya at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

“Y-yan. Yan yung naramdaman ko kanina! And kaya pala natalo mo yung mga lalaking yun, bare-handedly.” Kaya pala para akong nakaramdam ng chills kanina.

“You saw it?”

“Yeah. Can I see it again?” sobrang nakakaamaze talaga. Akala ko...

“Aren’t you scared? I’m not normal.”

“I’m not scared. I’m amazed. And besides, I’m not normal, too.”
Ngumiti ako sa kanya at parang nagtaka siya sa sinabi ko.

“What do you mean?”

“This.”

Tinutok ko sa leeg niya yung bokken na hawak ko at alam kong naramdaman niya yun. Akala ko ako lang yung kakaiba. Akala ko ako lang yung may tinatagong sikreto. Mukhang may kasama pala ako.

“You...” natawa naman ako sa reaksyon niya.

“This bokken has an Ice attribute.
Sabi sa akin ni daddy, ako lang daw bukod sa kanya, ang pwedeng gumamit nito. Sabi niya siya at ako lang raw ang makakagamit ng bokken at para lang daw ‘to sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit. Then one day, after he gave this to me, nung nagkaroon kami ng session ng mga kasama ko sa dojo, nagulat ako nung biglang nagcollapse yung kalaban ko. And then I saw his wound sa may back side. Yun yung part ng katawan niya kung saan tumama yung bokken ko. Akala ko sadyang matalas lang yung bokken pero nung hinawakan ko yung paligid ng sugat niya, sobrang lamig nun to the point na pati yung dugo sa sugat niya ay nagfreeze.” Yun rin ang ginawa ko kanina doon sa boss. I wounded her neck using the ice that my wooden sword can produce. It can freeze the wound and the blood, kaya walang lumabas na dugo sa kanya kanina.

“But I never thought na may kapareho pala ako. Akala ko ako lang. And I am amazed dahil it’s from your own body,” dagdag ko. Nakakamangha talaga. Kaya niyang makapagproduce ng ice mula sa mga kamay niya. Samantalang yung sa akin, gamit lang yung bokken.

Tumahimik kaming dalawa doon. Pero nabasag rin ang katahimikan nung nagsalita na naman siya.

“Do you think there are others like us?” Napaisip naman ako sa sinabi niya.  

“I don’t know. Maybe, maybe not.”

Bigla naman siyang tumayo kaya tumayo na rin ako. Sumunod ako sa kanya sa pagbaba niya sa first floor. Nanibago pa ako dahil bumalik na sa room temperature yung pakiramdam ko sa paligid. Sobrang lamig kasi doon sa second floor.

“Hey.” Napatingin ako sa kanya at nagulat ako nung hinagis niya sa akin yung walis. “Let’s start cleaning our base.”

“Our base?”

“You’re in. I need your help,” tapos tumalikod siya sa akin.

Hindi ko naman napigilan yung sarili ko at napangiti na lang ako. Tapos tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya.

“H-hey! Get off!”

“Thank you!” sabi niya base raw namin ‘to. Ibig sabihin, may titirahan na ako. Tapos tinanggap niya na rin ako as a member!

“I said get off! Or I’ll freeze you to death!”

“Okay, okay!” sabay tawa ko.
Mukhang awkward lang siya sa mga tao. Pero sa tingin ko ay mabait naman siya. I guess, this is the start of my new life.


***