.

.

Chapter 20 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, December 19, 2014


***

“L-like us? Anong ibig mong sabihin, Pa?” Mas lalong gumulo ‘yung isip ko dahil sa sinabi niya.

“Makinig ka. Pinagbabawal na ng gobyerno ang paggamit ng mga armas na ‘yun at lalong mas pinagbabawal na pag-usapan ang tungkol doon pero...” huminto sa pagsasalita si Papa at nagtinginan na naman sila ni Lolo. “Mukhang panahon na para sa malaking pagbabago.”

“H-huh?”

“Apo, hindi ba may kinuha kang libro doon sa kwartong ‘yun?”

“A-alam niyong kinuha ko?” Whoa. Akala ko pa naman hindi nila mapapansin ‘yun.

“Kabisado ko lahat ng nakalagay sa kwartong ‘yun, apo. Alam kong marami kang gustong itanong sa amin ngayon pero kailangan mo nang umalis,” sabay bigay sa akin ni Lolo ng malaking bag.

“Sige na, Ashley,” tapos ni-lead ako ni Papa palabas doon sa shop.

“Huh? Wait. A-anong nangyayari? Teka, bakit niyo ako pinapaalis? Papa? Lolo? Teka anong meron?”

“Tumakbo ka na!”

Dahil masyado akong nagulat sa pagsigaw sa akin ni Papa ay napatakbo ako. And at the same time, biglang may mga sumugod sa shop namin pero hinarap sila nina Papa at Lolo habang ako ay nagtago doon sa likod ng poste at hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari.

Pinaligiran sina Papa at Lolo sampung lalaki at gusto ko silang tulungan pero feeling ko ay magiging hindrance lang ako sa kanila. Confident naman ako sa lakas ko pero kung icocompare kina Lolo at Papa ay wala pa ako sa kalingkingan nila.

‘Ash, tumakas ka na! ‘Wag mo kaming alalahanin ng lolo mo dahil kayang-kaya namin sila!’

Sobrang nagulat ako nung narinig ko bigla ‘yung boses ni Papa sa loob ng ulo ko. What the heck? Paanong...paanong nangyari ‘yun? Masyado na ba akong nasstress at kung anu-ano na ang naririnig ko?

‘Tumakbo ka na!’

Dahil masyado nang gulung-gulo ang utak ko ay tumakbo na ako palayo doon. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang alam ko ngayon—pinatakas ako nina Papa at Lolo mula sa mga lalaking ‘yun. Nag-aalala ako sa kanila ngayon pero alam ko namang kaya nilang patumbahin ang mga ‘yun.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makakita ako ng abandonadong bahay. Pumasok agad ako doon dahil sobrang pagod na rin ako sa kakatakbo. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nagcollapse na ang binti ko at napasandal na lang ako sa pader.

Agad-agad ko namang kinuha ‘yung backpack ko at tinignan ko ‘yung laman nun. Pagtingin ko, mga instant food, iba’t ibang weapons na pwedeng magkasya dito, ilang damit pati na rin ‘yung mga lumang libro doon sa kwarto. Whoa. So alam talaga nila na pumupunta ako doon sa kwarto? Tss. Hindi ko talaga sila maiisahan kahit kailan.

Bigla naman akong may nakitang sulat doon sa bulsa kaya nilabas ko kaagad at binasa.

Ash,

Pasensya na at hindi namin maipaliwanag sa’yo ang sitwasyon. Minomonitor kasi kami ng Lolo mo ng White Division government kaya kailangan ay maingat kami sa kilos namin. Pero dahil mukhang unti-unti mo nang nalalaman, kailangan na naming kumilos. Pumunta ka sa East Black Division at hanapin mo ‘yung hidden village malapit sa Black Market. Sa pagkakaalam ko ay doon ang hideout ni Leo. Kahit na wala na siya ay paniguradong nandoon pa rin ang collection niya. At paniguradong may mga nakolekta siyang special weapons. Magagamit mo rin ‘yung mga libro. Alam kong mahahanap mo ‘yung mga sagot na hinahanap mo.

Pagkabasa ko nun ay lalong dumami ang tanong sa utak ko. Hindi ko na naiintindihan ‘yung sitwasyon ko ngayon dahil dito. Ibig sabihin ba nito, minamanmanan kami ng White Division? Sina Papa at Lolo? Pero bakit? Anong ginawa nila? Bakit magkakainteres sa kanila ang White Division? Dahil ba sa weapons?

“Ugh! Ang sakit sa ulo nito!”

Feeling ko sasabog na ‘yung ulo ko dahil gulung-gulo ako sa nangyayari. Huminga muna ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Lalo akong hindi makakapag-isip nito kapag nagpapanic ako.

Binasa ko ulit ‘yung sulat ni Papa at marami akong narealize. Una, minomonitor ng White Division sina Papa at Lolo dahil mukhang may alam sila na hindi pwedeng malaman ng iba. Pangalawa, may kakilala sila sa East Black Division na nagcocollect rin ng weapons katulad namin pero ang sabi sa sulat, wala na siya. Pangatlo, may kinalaman rin ‘yung mga libro pero puro symbols rin sila na hindi ko maintindihan katulad ng unang librong nakita ko. Pang-apat, kinausap ako ni Papa sa isip ko at hindi ko alam kung paano ‘yun nangyari o sadyang naghahallucinate lang ako. Panglima, ‘yung existence ng special weapons na sinasabi ni Papa.

Teka...hindi kaya may kinalaman ‘yung special weapons kung bakit minomonitor ng White Division sina Papa at Lolo?

Ugh! Seryoso, mababaliw na ako sa kakaisip nito. Pero isa lang ang pwede kong gawin ngayon. Kailangan kong pumunta sa East Black Division para hanapin ‘yung bahay kung nasaan ‘yung weapons. Paniguradong makakahanap ako ng sagot doon.

***

And that’s how I end up here. Ngayong kaharap ko ‘tong sina Gemma at Miles, naging kakaiba talaga ang pakiramdam ko. At kanina pa rin sila nagtitinginan habang ineexplain ko kung bakit ako nandito. Wala naman rin kasi akong choice kundi i-explain sa kanila dahil mukhang sila ang owner ng bahay na ‘to.

“W-wait, you mean, hindi mo alam kung bakit may tattoo ka sa braso?” tanong ni Gemma. Bakit ba siya masyadong curious sa tattoo ko?

“Yeah. Tradition na talaga sa amin na magpatattoo ng ganito kapag naging teenager ka na,” sabi ko na lang.

Napahinto naman ako doon sa side ng mga baril. Naalala ko bigla ‘yung kakaibang baril dati. Akala ko nga nilagay rin ‘yun nina Lolo sa bag ko pero wala dito.

Kinuha ko naman ‘yung nakadisplay sa dingding at hinarap ko ulit sila.

“Hey, this gun seems to be—”
“Whoa! Whoa!”
“Watch out!”

Nabigla ako nung bigla kong napihit ‘yung gatilyo habang nakatutok sa kanila ‘yung baril. Masyado akong nacurious dahil parang katulad rin ‘to ng baril na ‘yun at naalala kong kahit anong pindot ko sa gatilyo dati ay ayaw gumana pero may isang beses na gumana siya.

Sobrang nagpanic ako dahil doon. Nabitawan ko kaagad ‘yung baril at tinignan ko sina Gemma at Miles dahil baka natamaan ko sila at ako pa ang maging dahilan ng kamatayan nila. Pero mas nagulat ako sa nakita ko.

That Gemma wielded her wooden sword and she changed the trajectory of the bullet.

Natulala lang ako sa kanya. What the heck? How did that happen? Paanong...paanong na-widthstand ng kahoy ‘yung bullet at nabago pa ‘yung trajectory?

“S-sorry! A-ayos lang ba kayo?” tapos lumapit ako sa kanila kahit na hindi ko pa rin alam kung paano niya ‘yun nagawa.

“Are you crazy?! Bakit mo tinutok sa amin ‘yung baril?” sigaw naman nung Miles.

“I’m sorry, okay? Hindi ko sinasadya.” Tss. Kung makapagsalita ‘tong brat na ‘to parang wala lang sa kanya na mas matanda ako ah? Tsaka hindi ko naman talaga sinasadya!

“I know. You were shocked too,” sabi naman ni Gemma.

Pero this time, nagkatinginan kami at alam kong nacucurious na kami sa isa’t isa.

“Hey, why don’t you come with us?” bigla naman niyang tanong.

“Huh?! Teka Gemmatanda, anong pinagsasabi mo?! Isasama natin siya?!” sabay turo sa akin ni Miles. Aba kanina pa ‘to ah!

Nagtitigan ulit kami at ewan ko pero parang may silent understanding sa aming dalawa. Somehow, parang mapagkakatiwalaan naman siya. And I’m really curious about her sword. Maybe...maybe that’s a special weapon. Baka meron ring tinatago ‘tong brat na ‘to.

Pagkatapos nilang magcollect ng weapons ay sumunod ako sa kanila pero mas nauuna sila sa akin. Well hindi ko naman sila masisisi. Hindi madaling magtiwala lalo na at pinaputukan ko sila kahit na hindi ko ‘yun sinasadya. Pero ako, desperado na ako. Gusto ko talagang malaman ‘yung mga sagot sa mga tanong ko at may pakiramdam ako na kapag sumama ako sa kanila ay magkakaroon ako ng clue. Sana nga lang, tama ang pakiramdam ko.

Sumunod lang ako sa kanila habang naglalakad sila. Nakadaan na kami sa Black Market at mukhang malayu-layo pa ang lalakarin namin. Hay. Mula kahapon hanggang ngayon ay puro pagtakbo at paglakad lang ang ginawa ko. Sobrang nakakapagod na ‘to. Nagugutom na rin ako. Puro instant food lang ang kinain ko mula kahapon at sa malamig at abandonadong bahay pa ako natulog. Ganito na ba kamalas ang buhay ko ngayon?

“Heh! Nagdagdag pa kayo ngayon ng kasama ha?”

Napatigil naman ako sa paglalakad nung narinig ko ‘yun. Pati sina Gemma at Miles ay napatigil rin. Pagtingin ko, bigla na lang kaming pinalibutan ng...teka...bakit ang dami nila?! Fifteen lahat ng nakapalibot sa amin at lahat sila ay nakatingin doon kay Miles.

“Hindi talaga kayo natututo, ano?” sabi naman ni Gemma at saka niya winield ‘yung wooden at isang metal sword sa bewang niya.

“She’s our target kaya ‘wag kang makialam! Ni wala ka ngang bounty!”

Oh. So they are bounty hunters. Marami na rin kaming naging bounty hunters na customer but I guess iba-iba ang dating nila.

“Yeah, I have no bounty but I’m stronger than her,” sabay turo niya doon kay Miles. Pfft. I can totally sense that.

“Ah. Kaya ba may bago kang underling?” sabi naman nung isa tapos tinuro ako.

Huh?! Ako?! Underling?!

Bigla naman kaming pinalibutan nung fifteen na lalaki. Tatlo ang pumunta sa akin habang lima naman kay Miles at pito kay Gemma. Hindi ko alam pero bigla akong nainsulto sa ginawa nila. So sa tingin nila ako ang pinakamahina? Ah ganun? Pagod at gutom na nga ako tapos itatrato pa nila ako ng ganito? Fine.

Kinuha ko kaagad ‘yung dalawang kutsilyo sa likod ko at pinalipad ko ‘yun papunta doon sa dalawa sa pitong lalaking nakapalibot kay Gemma. Tinamaan silang dalawa sa dibdib at lahat ng lalaki ay napatingin sa akin at gulat na gulat pa sila.

Hah! That’s what you get for underestimating me, fuckers!

Natumba silang dalawa at kumalat ‘yung dugo sa damit nila. Gamit ‘yung manipis na tali sa dalawang kutsilyo ko ay hinatak ko sila pabalik sa akin at bago ko sila masalo ay in-aim ko ulit sila sa dalawang nakapalibot naman sa akin at natamaan silang dalawa sa likod. After that ay hinatak ko ulit ‘yung mga kutsilyo ko at hawak ko na ulit sila.

“Surprised?” then I smirked at them. Maski sina Gemma at Miles ay mukhang nagulat sa stunt na ginawa ko. Pero after that ay sabay na rin nilang sinugod ‘yung mga nakapalibot sa kanila and in no time ay agad rin nilang napatumba.

This time, mas lalong lumakas ang hinala ko sa kanilang dalawa. These two might be really using special weapons. Gemma’s sword and Miles’ guns are peculiar.

After that ay nag-iba ang tingin nila sa akin pero hinayaan lang nila akong sumunod sa kanila. I guess they are also curious about me. Wala naman sigurong mawawala kung susunod lang ako sa kanila ‘di ba?

Hmm pero hindi ko akalaing may bounty pala ang Miles na ‘to. Nakita ko rin kasi ‘yung poster na hawak nung lalaki kanina. So she’s a wanted criminal. Pero bakit feeling ko ay hindi naman siya masama? O mali na naman ‘tong pakiramdam ko?

Bigla namang huminto ulit sina Gemma at Miles. Teka wag niyong sabihing may kalaban na naman?!

“We’re here,” biglang sabi ni Gemma. Then pagtingin ko, may dalawang babaeng nakaabang sa harap ng isang lumang bahay.

“Oh! Tanda! Nandito na pala kayo!” sigaw ng isa pang babae na mukhang kasing-edad lang ni Miles.

“Who are you?”

Nagulat naman ako nung bigla akong tinitigan nung isang babae. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan and at the same time ay natakot sa presence niya. Bigla naman akong nilingon ni Gemma.

“This is Krystal and she’s our leader.”

Leader?

Napatingin naman ako sa bintana at may nakita akong...wait...is that an insignia? T-teka...ibig sabihin...Napatingin ako sa kanilang apat at tinuro ko sila.

“You’re a gang?”


***