.

.

Chapter 21 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, December 19, 2014


***

Kaya pala ganun ang presence na naramdaman ko kina Gemma at Miles kanina. Pero may kung anong nakakatakot dito sa leader daw nila. She’s like a beast hiding her dangerous scent.

Bigla naman akong nakaramdam ng movement mula sa taas kaya napatingin ako at naging alert pero nagulat ako nung nakita ko ‘yung isang babae kanina na nasa likod nung Krystal ay nasa bubong na ng bahay nila. Bigla niyang inikot ‘yung whip niya at hinagis niya papunta rito. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o kung ano pero biglang nagbago ‘yung size ng chains at naging fit sa binti nina Miles at Gemma. Tumakbo ‘yung babae papunta sa katabing puno ng bahay habang nakakaladkad sina Miles at Gemma tapos bigla siyang tumalon sa isang sanga at pinadaan niya doon ‘yung whip then tumalon siya pababa. Kaya ang naging ending ay nakasabit ng pabaligtad sina Miles at Gemma sa may puno.

“Hoy Dumbsey! Ibaba mo kami! Walanghiya ka!”

“Crap. Hindi ako nakaiwas agad. Nice, Nene. You’re improving,” sabay thumbs up pa ni Gemma kahit nakabaligtad na siya.

“Yes! Attack, success!” tapos tumawa ‘yung babae. Wait. Anong sabi ni Miles? Dumbsey? Tapos tinawag naman siyang Nene ni Gemma. Ano doon ang totoong name niya?

Napatingin naman siya sa akin at kumunot ‘yung noo niya. Okay. Mukhang magkaugali sila ni Miles at mukhang pareho silang madaling inisin.

“What’s up, kiddo?” then I smirked at her.

“Sino ka naman?” sabi niya and this time, naramdaman kong nakatitig na rin sa akin ‘si Krystal.

“I’m Ash.”

Napansin ko naman na nagtinginan sina Gemma at Krystal for a few seconds. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman.

“What do you need from us?” tanong sa akin ni Krystal. Woah. Katakot ‘yung tono niya pero at the same time ay naeexcite ako. She must be strong.

“I just want to see some special weapons,” sabay tingin ko doon sa tatlo sa may puno, “and some old books.”

“Special weapons?”

“Yeah. Weapons that can only be wielded by special persons. At malaki ang hinala ko na meron nun dito.”

Habang naglalakad kasi kami papunta rito, bigla kong naisip ‘yung weapons nina Gemma at Miles. May hinala na ako sa kanila simula nung nakita ko sila pero mas lumaki nung ginawa ni Gemm ang stunt na ‘yun sa bala ng baril.

“Bakit? Bakit gusto mong makakita ng special weapons?”
“Wala lang. Gusto ko lang silang makita. I am very much curious about them.”

Nagulat naman ako nung biglang binitawan nung Dumbsey ‘yung whip niya kaya nalaglag sina Miles at Gemma sa lupa. Then hinagis niya ‘yun papunta sa akin.

What’s her problem?

Nilabas ko naman ‘yung isang kutsilyo ko pero gaya nung kanina ay nagbago na naman ‘yung size ng chain at naenclose doon ‘yung blade ng kutsilyo. Pero hinawakan ko kaagad ‘yung chain bago niya pa ‘yun mahatak pabalik sa kanya.

“No! ‘Wag mong hawakan!” sigaw niya.

“Ha?!” Sira ba siya? Eh di kung hindi ko hahawakan, mapupunta sa kanya ‘tong kutsilyo ko.

“Bitiwan mo!”

“Aba! Ikaw ang unang umatake dyan tapos ngayon magrereklamo ka?” saka ko hinatak papunta sa akin ‘yung whip kaya nakaladkad siya.

Serves her right!

Nagtaka naman ako sa expression niya dahil gulat na gulat siya. Ano ba talagang problema ng batang ‘to? Sira ba utak niya?

“Y-you can hold it?”

“Ha? Isn’t it obvious?” tapos tinaas ko pa ‘yung whip niya.

“Ibig sabihin...” saka niya tinignan si Krystal kaya napatingin din ako sa kanya.

Okay. Bakit ba siya nagffreak out? What’s wrong with holding her whip? May mangyayari ba sa aking masama kapag hinawakan ko ‘to?

“Yeah. You’ll freeze if you hold that,” biglang sabi ni Krystal. Napabitaw agad ako doon sa whip pero mas nagulat ako nung parang nabasa niya ‘yung iniisip ko. Bigla ko tuloy naalala si Papa.

Binalik ko naman agad ‘yung kutsilyo ko sa likod at napatingin ako doon sa tatlo. Now I’m really sure of it. ‘Yung weapons na hawak nila ay special, and they’re the only ones who can wield it...wait. So kaya niya pinapabitawan sa akin kanina ‘yung whip niya ay dahil sa side effect nun kapag hindi siya ang humahawak. Hmm. So that’s how it works, huh.

“You’re not part of the government, aren’t you?”
“Of course not! Sila ang dahilan kung bakit ako nahiwalay sa pamilya ko ngayon!”

Naalala ko na naman tuloy ‘yung nangyari kahapon. Sana ay ayos lang sina Papa at Lolo ngayon. Sana walang masamang nangyari sa kanila. Pero alam ko namang makakaligtas sila dahil malakas sila pareho.

Lumapit naman sa akin sina Miles at Gemma tapos sumunod si Dumbsey at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, pati na rin ‘yung likuran ko.

“Dumbsey ang name mo, right?”

“Ha?! Anong Dumbsey?! Kelsey ang pangalan ko! Kelsey!” Napaatras naman ako sa pagsigaw niya. Hay. Nakakaubos ng energy ang pagiging active niya.

“Sorry. ‘Yun ang sabi niya kanina eh,” sabay turo ko naman kay Miles.

“Hoy! Tigilan mo na nga ‘yang kaka-Dumbsey mo! Akala tuloy ng iba ‘yun ang pangalan ko!”

“Bakit? Bagay naman sa’yo ah?”

Bigla naman silang naglaban after that. Tinitignan ko pa lang sila, napapagod na ako. Ang dami nilang energy na nastore sa katawan nila.

“Di ba sabi mo interested ka sa lumang books?” tanong bigla ni Gemma. “Actually, may books kami sa baba pero hindi namin maintindihan. At nung pinakita mo ‘yung book mo kanina, saka ko lang narealize na halos pareho ng content ng books sa loob.”

“Talaga?!” tapos tumango siya.

Oh gosh. Mukhang madaling masasagot lahat ng tanong ko. 

“Ah oo nga pala Krystal...” Napatingin ulit ako kay Gemma pero bigla niya akong hinawakan sa braso at binaba niya ‘yung jacket ko. “Ang ganda ng tattoo niya ‘di ba?” tapos ngumiti siya na parang nang-aasar. Bigla namang tumingin sa akin si Krystal.

“Bakit may ganyan ka?”

“Uhm. Family tradition.” Bakit ba masyado silang interested sa tattoo ko? Inggit ba sila?

“Then I’m pretty sure you also have an Ice attribute?”

“Huh? Ice what?”

“Come with us,” tapos tumalikod siya at sabay silang naglakad ni Gemma. Sumunod naman ako pati na rin ‘yung dalawang nag-aaway doon.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, medyo nadisappoint ako dahil ang plain. Ang iniisip ko kasi sa base ng gangs ay astig. You know, parang may angst ang dating at matatakot ka sa unang tingin pa lang. Well siguro dahil mga babae sila.

“Teka, Leader! Sasali ba siya sa atin?” tanong ni Kelsey. Tss. Bakit naman ako sasali sa kanila? Hindi ko pinangarap na masali sa gang at lalong ayaw kong makasama ang dalawang ‘to.

“Ha! Hindi pwede. She’s weak!” sabi naman ni Miles at bigla akong nainis sa sinabi niya. Ako? Weak? Baka gusto niyang gawin ko ulit ‘yung ginawa ko sa kanya kanina?

“Oh. Kaya pala wala kang laban sa akin kanina kasi weak ako? Then that makes you the weakest,” then I smirked at her.

“Natalo ka niya? Pfft! Ikaw pala ang weak eh!” sabi naman ni Kelsey sabay tinawanan niya si Miles.

“S-syempre nagulat ako nun! She caught me off-guard!”

“Kung ako, kaya ko siyang patumbahin agad!” Naiinis na ako sa dalawang ‘to ha. Konti na lang talaga, paiiyakin ko na sila.

“Hmm talaga? Ni hindi mo nga natuloy ‘yung attack mo kanina eh,” sabi ko naman.

“Ugh! Syempre—”

“Shut up or I’ll freeze you all to death.”

Bigla akong napatigil nung narinig ko ‘yun dahil nakaramdam ako ng takot. Talagang tumayo ‘yung balahibo ko sa katawan after that. Pagtingin ko, maging ‘yung dalawa ay natahimik.

“Bakit pati ako? Hindi naman ako nagsalita,” sabay buntung-hininga ni Gemma.

Wow. They are really on a different level.

“We’re here,” sabi ni Krystal. Pagtingin ko, nakaharap kami sa isang pader. So, dito? Anong meron dito?

Nilagay niya ‘yung palm niya sa pader tapos biglang may pumalibot na faint blue light ng ilang seconds. Then nagulat ako nung biglang gumalaw ‘yung pader and after that ay may hagdan na lumabas pababa.

Awesome! Secret basement? Whoa! Siguro kung nandito sina Papa at Lolo ay ganito rin ang reaction nila! Ang astig!

Isa-isa naman silang bumaba kaya sumunod ako. Dahan-dahan lang akong naglalakad dahil sobrang dilim pero nung lumuwag na ‘yung daan ay biglang bumukas ‘yung ilaw. Pagtingin ko, may iba’t ibang weapons na nakasabit sa dingding at may booshelves rin sa dulo. Namangha rin ako sa lawak dahil na rin siguro walang masyadong gamit na nakagay dito.

Pumunta kami doon sa dulo kung nasaan ‘yung mga libro at kumuha ako ng tatlo. Umupo kami doon sa lapag at may hawak na rin silang libro.

“Sino ba kasing gagawa ng libro na ganito ang laman?” sabi ni Kelsey.
“Sa tingin ko, codes ‘to,” sabi ko naman.
“Oh. Mukha nga,” dagdag naman ni Gemma.

Nilabas ko ‘yung librong kinuha ko sa storage room namin at pareho nga ‘yung way ng pagsusulat. Kung code ‘to, kailangan kong malaman kung ano ‘yung corresponding symbols.

Naglabas agad ako ng papel at ballpen at nagsimula akong magsulat. Maski sila ay nakigaya na rin at tahimik lang kaming nagdedecode. Sinulat ko ‘yung symbols na visible pa doon sa book ko na sira-sira:

⋇ҩǂᵻͽϫ•ͽѯҩ•⨳ҩͽϞᴥᵻϫ•ҁѫͽҁ•ͽѯҩ•ѣͽϠҩ•ϕѯᴥѣ•ϫϞҩͼǂͽҵ•ѣͽҁҩѯǂͽҵϫ∺ǂ⋇ͽᵻжᴥ⋇∎•ᴥᵻҩ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ͼѯҩͽҁᴥѯ•ᴥϕ•ѫϭᵻҁѯҩϫ•
ҁѯǂ⧝ҩ∎•ҁᴥ≬ҩҁѫҩѯ•⨳ǂҁѫ•жͽ≬ҩ∎•ҁѫҩ•ϫᴥᵻ•ᴥϕ•ϫѫǂᵻϛǂ•ᴥϕ•ҁѫҩ•ϫҩᵻϫѫǂᵻ•ҁѯǂ⧝ҩ∎•ѣͽϠҩ•ҁѫҩϫҩ•⨳ҩͽϞᴥᵻϫ•ҁᴥ•ͽǂϠ•
ҁѫҩǂѯ•ѯҩϫϞҩͼҁǂ⋇ҩ•ҁѯǂ⧝ҩϫ•ϕѯᴥѣ•⧝ͽҁҁҵҩϫ∺

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal dito. Sa tingin ko ay lagpas dalawang oras at nananakit na ‘yung binti at hita ko.

“Ugh! Ayoko na!” sabay bitaw ni Kelsey sa ballpen niya.

“Then you’re the weakest!” sabi naman ni Miles.

“Sus! Sumuko ka na rin! Alam ko namang nagkukunwari ka lang magdecode eh!”

“Excuse me? Hindi ako kagaya mo ‘no!”

Bigla naman akong kinabahan. May nabuo kasi akong word gamit ‘yung corresponding symbols and letters. Tinignan naman ni Gemma ‘yung papel ko.

“Oh. ‘Yan ‘yung hindi ko makuha,” sabay pakita niya sa akin ng kanya. Pagtingin ko, ‘yung hindi ko naman masolve ang nakuha niya kaya nagkatitigan kami.

“Cool,” then nag-apir kami.

“You two are good,” sabi naman ni Krystal.

“Whoa! Nasolve niyo?” sabay tingin sa amin ni Kelsey.

“May utak pala kayo,” dagdag naman ni Miles.

“Wala lang kayo,” sagot ni Gemma kaya tinignan ko sila ng nakakadegrade ng pagkatao na tingin.

“Nasolve mo rin, Leader?” pagtanong nun ni Kelsey ay biglang nilukot ni Krystal ‘yung papel niya. Tumalikod naman si Gemma sa kanya kaya nakaharap siya sa akin tapos pinipigilan niyang tumawa.

“Gemma...” kinilabutan na naman ako sa tono na ginamit ni Krystal.

“What ? Wala naman akong ginagawang masama…” then lumapit siya sa akin at pinagcompare na namin ‘yung nagawa namin.

“Ivankov? Veinas? Shinji? Kage? Senshin? Ano ‘tong mga ‘to?” tanong ni Gemma.

‘Yun kasi ‘yung ilang weird words na nadecode namin doon sa passage na sinulat ko. Tinry naman namin ‘yung codes sa librong hawak niya at binasa niya ulit.

“Oh. May Senshin ulit na lumabas. Wait...Senshin, Shinigami, Custos and...” Napahinto siya bigla at tumingin siya kay Krystal. Tinignan ko naman ‘yung paragraph na binabasa niya at ako na ang nagtuloy.

“Huntres.”

Huntres? Wait. Sa pagkakaalam ko, special force ‘yun sa White Division government. Bakit sila nandito sa libro?


***