.

.

Chapter 22 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 2, 2015


***

“Kumain muna tayo! Dinala ko na dito ‘yung mga pagkain.”

Napatingin naman agad ako kay Kelsey na binaba nga rito sa basement ‘yung mga pagkain. ‘Di ko akalain na marunong palang magluto ang isang ‘to.

Hindi kasi namin namalayan na gabi na pala dahil tuluy-tuloy lang kami sa pagdedecode ng symbols sa libro na ‘to. Pero kahit na ilang oras na kami rito ay two pages pa lang ‘yung nadedecode namin. Ang hirap naman kasing tandaan ng corresponding letters at symbols. Bilib na ako kung sino man ang nagsulat nito.

“So, what are your plans?” Napatingin naman ako kay Krystal.
“Plans? For what?”
“Saan ka tutuloy?”

Bigla ko namang narealize na wala pala akong tutuluyan. Hindi naman ako pwedeng bumalik sa North dahil for sure ay may officers pa doon. Doon na lang kaya sa abandonadong bahay na tinuluyan ko kagabi? Hindi naman ‘yun malayo rito.

“You can stay here,” biglang sabi ni Krystal kaya nagulat ako.

“Huh? Wait. Talaga?”

“Yeah.”

“Bakit?” Why would she want me to stay? Hindi kaya kakampi rin sila ng White government? O baka naman may kailangan sila sa akin. Napansin ko naman na kumunot ‘yung noo niya.

“Just stay and don’t ask stupid questions anymore,” saka siya pumunta doon sa side nina Kelsey at Miles para kumain.

“That means she likes you,” sabi naman ni Gemma sabay tawa niya.

“Hindi ko nafeel,” sabi ko tapos tumawa lang ulit siya.

Medyo gumaan naman ‘yung pakiramdam ko sa kanila. Kahit na ngayon ko lang sila nakilala ay parang comfortable na agad ako.

Pinagpatuloy naman namin ni Gemma ‘yung pagdedecode dahil sumuko na ‘yung tatlo at ‘yung mga pagkain naman ang pinagdiskitahan nila. Pero in fairness, ang talino nitong si Gemma. Ang first impression ko sa kanya ay easy-going lang siya pero kapag seryosong usapan na ay nakakatakot siya.

“Hmm, so ang book na ‘to ay about sa history ng tribes of Erityians? Though ano ba ‘tong tribes na ‘to?” sabi ni Gemma habang binabasa niya ‘yung libro. Siya kasi ‘yung nagdecode ng title page tsaka ng table of contents.

Tinignan ko naman ‘yung sumunod na page at dinescribe doon kung paano na-form ‘yung Erityians pati na rin ‘yung leaders nila. ‘Yung part naman na nadecode ko sa sariling libro ko ay tungkol lang sa Huntres, though hindi ko na tinuloy ‘yung pagdedecode doon dahil ito muna ‘yung inuuna namin.

“The establishment of Erityian race started when Shinji, Veronika, Ivankov, Yllka, Edda and Ryou met each other and they became the pillars of it. However, due to opposing opinions and beliefs, they decided to group the Erityians according to their powers and ablities. Four tribes emerged from Erityians and they were called Senshin, Shinigami, Huntres and Custos. Shinji and Veronika led the Senshin tribe and they travelled across the world, while Shinji’s brother, Ryou, led the Shinigami tribe and he concentrated their force in Japan. The Huntres tribe was led by Ivankov and Yllka while Edda led the Custos tribe.”

Nakinig lang ako kay Gemma habang binabasa niya ‘yun at mas lalong dumami ‘yung tanong sa utak ko. What the heck is Erityian race? Tao ba sila? At nabanggit na naman ‘yung four tribes na ‘yun tapos kasama ‘yung Huntres. Does that mean na ‘yung Huntres na kasama sa White government ngayon ay kabilang sa Erityian race?

Bigla naman akong nagkainteres doon sa sarili kong libro kaya sinimulan ko ulit ‘yung i-decode dahil about sa Huntres ang laman nito.

“Hoy mga tanda! Kumain muna kayo!” sigaw ni Kelsey. Wait. What? Tanda? Tinawag niya ba akong tanda?!

“Oh. Gemmatanda. Tandashley,” dagdag pa ni Miles.

“Tawagin mo rin silang Nene para mainis,” sabi naman ni Gemma.

Sinunod ko naman siya at sinigawan ko ng Nene ‘yung dalawa. Biglang kumunot ‘yung noo ni Kelsey at parang sasabog na siya kaya natawa ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay hinagis niya sa amin ‘yung whip niya tapos naenclosed sa isang chain ‘yung paa ko, pati na rin ‘yung paa ni Gemma. Then napahiga kami at hinatak ni Kelsey ‘yung whip niya kaya nakaladkad kami papunta sa kanila.

This brat!

“Peace,” tapos nagpeace sign pa siya at nakapokerface. Kung hindi lang ako inawat ni Krystal ay kanina ko pa naupakan ang Nene na ‘to!

Hindi naman na ako nagpakipot at kumain ako ng marami. Kahapon pa ako gutom na gutom kaya blessing ‘to.

Inobserve ko naman silang apat habang nag-uusap at nagkukulitan sila. Mukhang close na close sila at kahit na nagbabangayan sila kahit kumakain ay halata namang nagcacare sila para sa isa’t isa. Ewan ko pero unti-unting nagbabago ‘yung paningin ko sa gangs ngayon dahil sa kanila.

Sa North Black kasi, ruthless ang members ng gangs. Wala yatang araw na hindi ako nakakita ng sugatan o kaya bangkay sa ilang streets dahil sa gang members doon. Minsan ay may nadadamay rin na mga inosenteng tao kapag nagkakaroon ng away sa pagitan ng gangs. Pero kahit na inis na inis ako sa gangs ay kailangan ko pa rin silang pakisamahan dahil sila kadalasan ang customers namin dahil sa amin sila nagpapaayos ng weapons.

Pero sa nakikita ko ngayon, hindi sila ‘yung uri ng gangs ng nakikita ko sa North. Pero kahit na gusto ko ang company nila, hindi na dapat ako magtagal dito. I have my own goals at marami pa akong kailangang gawin. Kung pwede lang sanang hiramin ko ang ilang books dito pero mukhang malabo.

“I won’t let you borrow them,” biglang sabi ni Krystal kaya napatingin ako sa kanya. Kinabahan rin ako dahil nalaman na naman niya ‘yung iniisip ko.

“P-paano...”

“She can read minds pero piling mga tao lang,” sabi naman ni Gemma.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ewan ko pero biglang naging seryoso ‘yung atmosphere at nakatingin lang silang lahat sa akin.

“What do you mean?” sabay tingin ko kay Gemma pero si Krystal ang sumagot.

“You also have an attribute. And the fact that you have that tattoo, I’m pretty sure that you have an ice attribute,” then nagulat na lang ako nung hinawakan niya ‘yung baso at nagfreeze ‘yung tubig na laman nun.

Hindi ako nakapagreact agad dahil sa gulat at amazement. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba ‘yun o namamalikmata lang ako pero naramdaman ko na lumamig bigla dito sa basement.

“H-hindi ko alam kung anong sinasabi niyo pero...ano naman kung...kung may ice attribute nga ako?”

Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko dahil sa sinabi nila. Parang lahat ng sinabi sa akin nina Lolo at Papa dati na hindi ko maintindihan ay gusto kong intindihin ulit. Pati na rin ‘yung weird things na nakikita kong ginagawa nila dati at ‘yung pagkausap sa akin ni Papa kahapon sa isip ko.

“I want you to be part of us.”

Pagkasabi niya nun ay bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Mas lalong dumami ‘yung tanong sa isip ko simula nung naencounter ko sila pero sila rin ang dahilan kung bakit nasagot ‘yung ilang tanong ko. Kung sasama ba ako sa kanila, malalaman ko lahat ng gusto kong malaman? Pero hindi ko alam kung anong goal nila. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang pagkatiwalaan.

Pero kailangan ko rin ng mga kasama. I can’t reach my goal if I’m just alone. White government ang makakalaban ko at masyado silang malakas.

“Fine,” sabi ko. “I’ll help you with your goal but in return, you’ll also help me with mine.”

“Sure,” then inextend niya ‘yung kamay niya kaya kinuha ko ‘yun at nagshakehands kami. Pero wala pang isang segundo ay napabitaw na agad ako dahil sobrang lamig ng kamay niya.

“Eh?! Kasama na siya sa atin? Ang pangit naman kapag Ice Five Sale na!” sigaw ni Kelsey. Pero ano raw? Ice Five Sale? What the hell is that?

“Manahimik ka na Dumbsey! ‘Wag ka nang mag-isip ng bagong pangalan dahil for sure walang sense na naman ‘yan!” sigaw naman ni Miles.

“Akala mo may sense ‘yung mga naisip mo ah?!”

“Matino ‘yung sa akin no!”

Bigla naman akong hinatak ni Gemma papunta doon sa bookshelves at sinabing ‘wag ko nang pansinin ‘yung dalawang ‘yun dahil masasayang lang ang energy ko. Sumunod rin sa amin si Krystal at pagdating namin doon ay nagdecode ulit kami. Nalaman na rin ni Krystal kung paano idedecode ‘yung symbols kaya tumulong na rin siya.

Ilang oras ulit ang lumipas bago ko nadecode ‘yung sarili kong libro. Pero habang binabasa ko ‘yun ay bumibigat ‘yung pakiramdam ko.

Nakalagay doon na originally ay nahahati sa several divisions ang Huntres tribe according sa ‘attributes’ nila. They coexist with each other until Pierre appeared. Siya ‘yung leader ng Fire attribute 25 years ago. Dahil gusto niyang maging pinakamataas na division ang Fire attribute Huntres ay kinalaban nila ang iba’t ibang divisions. Nagkaroon ng war sa pagitan ng divisions kaya naging sobrang gulo noong panahon na ‘yun. Dahil malaking threat ang division ni Pierre ay minabuti ng ilang divisions na makianib sa kanila habang ‘yung iba ay patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanila. In the end ay nanalo sina Pierre. Nagtayo siya ng government na pinamamahalaan niya na ngayon ay tinatawag ng White government. Lahat ng divisions na kumampi sa kanila ay naging under niya at pinatira niya sa White Division, habang lahat ng natalong divisions ay napunta sa Black Division, kasama ng ‘humdrums’ na sa tingin ko ay mga ordinaryong tao. ‘Yung ibang nakasurvive na divisions ay nagtago rin sa Black Division pero nagkawatak-watak na ang members dahil laging may taga-White Division na nagoobserve sa Black Division. Pinagbawal na rin sa Black Division ang paggamit ng attributes dahil may humdrums silang kasama at golden rule sa Erityians na hindi pwedeng malaman ng humdrums ang kakayahan nila. After that ay nagkaroon ng Flame Spectre, isang organization na binubuo ng Huntres na may Fire attributes.

After kong basahin ‘yun ay sinabi ko kina Gemma at Krystal ang mga nalaman ko. Tahimik lang silang nakikinig pero napansin kong naging seryoso ‘yung expressions nila.

“Flame Spectre...” narinig kong bulong ni Krystal sa sarili niya and after that ay bigla siyang tumayo at naglakad palayo.

Anong nangyari dun?


***