.

.

Chapter 23 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 2, 2015


***

Grabe. Bigla na lang nagwalkout si Leader. Kinilabutan pa ako habang naglalakad siya paakyat doon sa hagdan dahil sobrang seryoso ng mukha niya at lumamig talaga dito sa basement.

Tinawag kami nina Tanda kaya lumapit kami ni Miles sa kanila. Seryoso rin ‘yung mga expressions nila kaya tumaas ‘yung tension dito. Ano bang problema ng mga Tanda na ‘to?

“Alam kong wala kayong interes sa mga ganito pero kailangan nyong malaman ‘to. Okay?” sabi ni Gemma habang may hawak siyang lumang libro.

So nadecode na nila ‘yung ibang parts? Whoa! May utak pala talaga ‘tong dalawang ‘to. Hindi lang masyadong halata. Pero ang galing nila. Sa loob ng isang araw ay nadecode nila ‘yung symbols and characters na hindi ko nga maintindihan kung ano.

“Anong kailangan naming malaman?” tanong naman ni Miles na naging seryoso na rin.

“The dark history of this place,” sabi ni Ashley.

Pinaupo nila kami sa sahig at sinimulan nilang iexplain sa amin ‘yung nadecode daw nila na history. Nung una ay hindi ko pa maintindihan dahil kung anu-anong words ‘yung naririnig ko na hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin. ‘Yung may tribes-tribes pa at race na kung ano, pero nung nabanggit ‘yung Huntres ay mas lalo akong naging attentive.

“Wait. So kasama doon sa apat na tribes ‘yung Huntres? Akala ko ba parang justice force lang sila?” tanong ulit ni Miles.

“Yes. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganun but one thing is for sure—this place, is the home of the Huntres tribe,” tapos nagpatuloy sa pagbabasa si Tanda.

Sinabi rin nila ‘yung tungkol sa nangyari 25 years ago at parang sumakit ‘yung ulo ko sa mga nalaman ko. Nabanggit na naman kasi ‘yung Flame Spectre na parehong target at hate na hate nina Leader at Miles. Pagtingin ko sa expression ni Miles, parang gusto na niyang sumugod anytime pero pinipigilan niya lang ‘yung sarili niya.

“May kinalaman ka rin ba sa Flame Spectre?” tanong bigla ni Ashley kay Miles. “Pareho kayo ng expression ni Krystal kanina.”

Nagkatinginan naman kami ni Tanda. Mukhang ‘di pa nila nasasabi kay Ash Tanda ‘yung tungkol sa Flame Spectre.

“Ganito kasi ‘yun...” Kinuwento naman ni Gemma Tanda ‘yung tungkol sa War of Best na gustong salihan ni Leader at pati na rin ‘yung sa pagpatay ng members ng Flame Spectre sa tatay-tatayan ni Miles.

“I understand your reason,” sabay tingin niya kay Miles. “Pero anong meron kay Krystal? I mean, may kinalaman ba ‘yung War of Best doon? Why would she hate the Flame Spectre so much?”

“Hindi rin namin alam. Maybe hindi niya kayang sabihin sa atin,” sabi naman ni Gemma Tanda.

“Pero for sure, maraming gumagamit ng attributes doon dahil sabi niyo ay illegal ‘tong event na ‘to.”

Napatingin na lang ako sa dalawang Tanda na ‘to. Kapag nag-uusap sila, feeling ko ang galing nila at kagalang-galang sila. Ang bilis gumana ng utak nila at may sense ‘yung mga sinasabi nila.

Oh no no no. Parang tumataas na ang respect ko sa kanila pero hindi pwede! Lagi akong inaasar ni Tanda at nakahanap na siya ng kakampi kaya dapat ay hindi maging masyadong mataas ang tingin ko sa kanila.

“So you mean, we just need to steal insignias from other gangs? Hmm, mukhang madali nga lang.”

“Pero mahirap din dahil for sure ay kumikilos na rin ang ibang gangs at for sure ay magkakaroon ng fights para lang sa insignias.”

“Then that means pwedeng may nagmamanman na sa atin dito?”

“Yes. That’s possible. May mga naencounter na rin kasi kaming gangs tapos wanted pa ‘tong si Miles kaya hindi imposibleng may mga nakakakilala na rin sa atin.”

“Well, not me. Bago lang ako rito.”

“Pero hinahabol ka rin ng officers ‘di ba?”

Bigla namang natahimik si Ash Tanda after sabihin ‘yun ni Gemma Tanda. Maski kami ni Miles ay nacurious sa sinabi niya. Hinahabol rin siya ng officers? Bakit? Sa pagkakaalam ko ay nandito lang siya para hanapin ‘yung special weapons.

“P-paano mo nalaman.”

“Uhm...I can also read minds though hindi pa ako sanay. I can hear voices na parang sinasabi ng isip mo pero hindi ganun kalinaw. Ang creepy nga eh.”

“Like Krystal?!”

“Yeah pero siya, matagal na niya ‘tong nagagawa. Ako, kamakailan lang.”

“Then...pwede rin bang makipag-usap gamit lang ‘yung isip?”

“Oo? Ewan. Nagkausap kasi kami ni Krystal through our minds dati.”

Bigla namang natahimik si Ash Tanda na parang may malalim na iniisip. Pero ang awesome lang talaga nun. They can read minds and can communicate through it. Nakakainggit!

Nakinig na lang ulit kami sa pag-uusap nila tungkol sa pagiging alert dahil pwedeng may nag-oobserve na ng mga kilos namin. Then bigla kong naalala ‘yung lalaking ‘yun. The guy who gave me my chain whip.

Sobrang nagulat talaga ako nung nakita namin siya last time. Hindi kaya inoobserve niya kami kaya nandoon siya sa eskinita malapit dito sa base namin?

‘I’m just a nobody. See you soon, Ice Goddesses.’

Nag-echo sa utak ko ‘yung sinabi niya at lalo lang tuloy akong nacurious sa kanya. Is he a member of a gang? O baka naman ng Huntres force? Or White government?

Hindi ko pa rin alam kung anong motive niya sa pagbigay sa akin ng chain whip but I’m thankful to him. Pero paano niya kaya nalaman na kaya kong i-wield ‘yung chain whip? Does that mean alam niya na meron akong Ice attribute kaya binigay niya ‘yun sa akin?

Ayoko nang mag-isip! Masakit sa ulo!

“Tara umakyat na muna tayo,” sabi ni Gemma Tanda kaya tumayo kaming apat at niligpit muna namin ‘yung mga nakakalat na gamit doon.

Sabay-sabay kaming umakyat papunta sa taas at parang walang pinagbago ‘yung temperature doon at dito. Ang lamig din dito sa loob ng bahay!

Nakita naman namin bigla si Leader na nakaupo doon sa sofa at nakayuko siya. Nilapitan naman namin siya.

“Okay ka na ba, Leader?” tanong ko kaagad.

“Yeah. But...something’s weird with me.”

“Bakit? Ano ‘yun?” tapos lumapit sa kanya si Gemma Tanda.

Inangat ni Leader ‘yung ulo niya at tumingin siya sa amin. Bigla akong napasigaw dahil sa nakita ko. Siguro dahil sa pagkabigla, takot at pagka-amaze.

“Scaryst—I mean, L-leader, anong nangyari dyan?”

“I don’t know. Naramdaman ko na lang bigla na nagbago.”

Her eyes.
Her eye color changed and it became purple.


***