.

.

Chapter 24 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 3, 2015


***

Nagstay ng ilang gabi ‘yung dalawang Tanda doon sa may basement para idecode ‘yung buong libro about sa Erityian race na ‘yun pati na rin ‘yung sa Huntres.

Four days after that incident, nalaman na rin namin kung paano nangyari ‘yun.

Pero grabe talaga. Halos magpanic kaming apat dahil sa pagbabago ng eye color ni Leader. Ang creepy nung una kong nakita ‘yung purple eyes niya pero ang ganda rin palang tignan. Actually after an hour, bumalik sa pagiging black ‘yung mata niya at parang ikinagulat niya pa ‘yun.

After four days ay nagmamadaling umakyat sina Ash at Gemma Tanda dahil mukhang may nangyari na sa research nila. Nagpunta kaming lahat sa sala at doon kami nag-usap-usap.

“According to this book, may stages na nangyayari sa mata ng Erityians, though iba-iba bawat tribes. The Senshin and Shinigami tribes have the same ancestors so pareho lang ‘yung process sa kanila. Nagbabago rin ang kulay ng mga mata nila from black to brown to yellow until maging intense green and the color will be permanent. Sa Custos naman, from black to yellow to light orange to blood red. And sa Huntres...from black to purple to blue-violet hanggang maging clear blue.”

After sabihin ‘yun ni Ash Tanda ay may lalong naging tama ‘yung theories nila na galing nga kami sa Huntres tribe.

“We can say na descendants nga tayo ng Huntres tribe,” pagcoconfirm ni Gemma Tanda sa iniisip ko. “Because first, we possess some kind of attributes, and second,” tapos tumingin siya kay Krystal. “Krystal’s eye color changes.”

“Wait. Is it possible na magbabago rin ang kulay ng mata natin?” tanong naman ni Miles.

“Maybe.”

“Cool!”

Bigla namang tumayo si Leader at humarap sa amin.

“I think the color of the eyes corresponds to our level of power,” sabi niya.

“Sa palagay ko rin. Nakalagay kasi rito na blue-eyed ‘yung mga naging prominent people ng Huntres tribe. I guess the last color signifies that you’re on your prime,” dagdag naman ni Ash.

“Bakit Leader? May nafeel ka bang kakaiba?”

“Yeah. Mas madali kong naffreeze ‘yung mga bagay.”

“Whoa.”

Pinakita niya sa amin ‘yung ibig niyang sabihin at napasigaw ako nung pagkahawak niya sa sofa ay hindi lang ‘yung sofa ang nagfreeze kundi pati na ‘yung floor at ‘yung dingding.

Pagkatapos ng meeting na ‘yun ay may inutos sa amin si Leader. Ako, si Miles pati na rin si Ash Tanda ay pupunta sa North Black Division para maggather ng insignias habang si Gemma Tanda at Leader ay sa South pupunta.

“You kids should follow me,” sabi sa amin ni Ash Tanda. Tsk. Pareho talaga sila ni Gemma Tanda! Kids?! Kids?! Mukha ba kaming mga musmos?!

“Nasa five years lang naman ang tanda mo ah! ‘Di na kami bata!”

“Oo nga. I’m mature enough no,” dagdag ni Miles.

Bigla namang tumawa si Ash Tanda at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta doon sa boundary.

“See? Your whining proves that you two are just kids. Wala ‘yan sa edad. Kahit one year lang ang agwat natin, I’ll still see you as kids.” 

Hindi pala! Mas malala pa siya kay Gemma Tanda! So ano siya? Mature? Mature na siya nang lagay na ‘yan?!

“Pero seriously, sumunod lang kayo sa akin. The people here are ruthless,” dagdag pa niya habang papalapit na kami sa North.

Nafeel ko naman kaagad ‘yung atmosphere dito. Kahit malayo sila sa amin, tinitignan pa rin kami ng mga tao at halata namang ‘yung iba sa kanila ay gang members.

Bigla namang nag-hat si Ash Tanda tapos naglagay siya ng scarf na halos natatakpan na ‘yung bibig niya.

“May tinataguan ka ba?” tanong ko kaagad.

“Uhh, parang ganun na nga.”

“Aba pareho na tayo ng disguise, Tandash!” sabi ni Miles.

Well, wala naman siyang magagawa dahil wanted siya at panigurado ay may mga nagkalat na bounty hunters dito. Teka, hindi kaya wanted din ‘tong si Ash Tanda?

Patuloy lang kami sa paglalakad pero napahinto kami dahil huminto rin si Ash Tanda na nasa harapan namin ni Miles.

“Bakit ka—”

“Shh!” then bigla niya kaming hinatak papunta doon sa likod ng isang abandonadong bahay.

Itatanong ko na sana kung ano bang problema niya pero napahinto ako dahil pinigilan ako ni Miles at tumuro siya sa harapan namin.

Dahil sira-sira na ‘yung dingding ng bahay ay kitang-kita mula rito ‘yung nangyayari doon sa bandang harapan.

May isang lalaking napapaligiran ng fifteen na member ng gangs. Akala ko kanina, nag-eexagerate lang si Ash Tanda sa sinabi niyang ruthless ang mga tao rito pero ngayon naniniwala na ako. Paano ‘yung weapons nila ay talagang malalaki at ‘yung iba ay halatang may mga bahid pa ng dugo.

“Anong ginagawa mo rito, ha? Hindi mo ba alam na teritoryo namin ‘to?!” sigaw ng isang lalaki na parang puputok na ‘yung braso dahil sa sobrang laki ng muscles niya. Kadiri!

“Hmm, wala naman. Namamasyal lang,” cool lang na sabi nung lalaki. Ako ang kinakabahan para sa kanya eh! Paano parang nainsulto ‘yung gang members dahil sa sagot niya. Parang hindi man lang siya natatakot.

“That guy...he’s not from here,” biglang sabi ni Ash Tanda kaya napalingon kami sa kanya. “Kilala ko sa mukha ang halos lahat ng gang members dito pero hindi ko pa nakikita ‘yung mukha niya.”

“Baka galing rin siya sa ibang division,” sabi naman ni Miles.

“Maybe he’s like us. Baka insignia rin ang habol niya rito.”

Bigla namang sumugod ‘yung dalawang lalaki sa likuran niya at akala ko ay katapusan na niya pero naiwasan niya na parang wala lang. Tinanggal niya ‘yung lalagyan ng sword sa may waist niya at sinangga niya ‘yung dalawa. Pero nagulat ako nung may nakita akong kakaiba.

“What the hell...” narinig kong sabi ni Ash Tanda.

“He’s...He’s a...” maski si Miles ay hindi na makapagsalita.

Kahit na nakakita na ako ng similar scene dito ay nakakagulat pa rin.

“Oh ano? Kaya niyo pa ba?” sabi nung lalaki at nakangiti lang siya habang tinitignan niya ‘yung mga lalaki na nag-aapoy.

Yes. His sword is flaming.

Nung inislash niya ‘yun doon sa lalaki ay hindi sugat ang naging result kundi biglang nasunog ‘yung part na ‘yun. Then ‘yung palibot ng sword niya ay may maliliit na flames. Ewan ko pero parang naramdaman ko hanggang dito sa pwesto namin ‘yung init ng apoy.

“This guy is trouble,” bulong ni Ash Tanda. “Let’s get out of here.”

Paalis na sana kami pero bigla kaming napatigil sa narinig namin.

“Oh. The three ladies over there. Where are you going?”

Halos sumabog na ‘yung dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Sobrang kinilabutan talaga ako sa sinabi niya at naramdaman kong nasa panganib ako. At mas lalo pa akong kinilabutan dahil nakita ko ‘yung bluish eyes niya.

Pagtingin ko ay bigla siyang sumugod sa amin in an amazing speed. Humarang si Ash Tanda sa harapan namin pero ngumiti lang ‘yung lalaki at nagbago siya ng pwesto.

“The stronger ones should be the last. You should know that rule, lady.”

The next thing I knew, kami ni Miles ang pinuntirya niya. I managed to dodge his attack pero masyado siyang mabilis. Nagulat na lang ako nung nasa harapan ko na siya. Hinarang ko kaagad ‘yung whip sa harapan ko and he attacked me.

I heard a crack at halos lumubog ‘yung puso ko nung nakita kong nahati sa dalawa ‘yung chain whip ko. Dahil disoriented na ako ay hindi ko napansin agad na aatake na naman siya sa akin.

“Yuko!”

Agad naman akong nagrespond sa boses ni Miles at yumuko ako. Narinig ko ‘yung putok ng baril niya pero napasigaw ako nung siya naman ang sinugod nung lalaki. He slashed his sword to her at muntik nang matamaan si Miles. Buti na lang at nakatalon siya kaagad, pero naputol din ‘yung baril niya.

Lumapit naman sa akin si Ash Tanda at pinulot niya ‘yung kalahating part ng whip ko.

“Leave! Dali! Tumakas na kayo ni Miles, susunod ako!” then na-lock na sa kanya ‘yung tingin nung lalaki.

“Pero—”

“Just go!”

Napatayo ako agad at hinatak ko si Miles habang kinukuha niya ‘yung fragments ng baril niya at ako naman ay hawak-hawak ko ‘yung kalahati ng whip ko.

Napalingon ulit ako kina Ash Tanda at napahinto ako sa nakita ko.

She’s holding my whip...pero parang biglang naging matigas ‘yung whip ko at straight na tipong naging sword din. How the heck did she do that?!

Sinangga niya ‘yung flaming sword nung lalaki at nagstop sa paggalaw ‘yung flames na nagkaroon ng contact sa whip ko. Then biglang tinadyakan ni Ash Tanda ‘yung sikmura ng lalaki kaya medyo lumuwag ‘yung hawak niya doon sa sword. Nakita kong may kinuha si Ash Tanda sa likod niya at inikot niya ‘yun sa sword nung lalaki tapos may binato siya. Nagulat ako nung biglang lumipad din ‘yung sword papunta doon at ginamit niya ang opportunity na ‘yun para tumakas kaya pinagpatuloy na rin namin ni Miles ‘yung pagtakbo.

Hindi na ulit ako lumingon at tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa makaabot kami sa boundary. After a few seconds ay nakarating rin dito si Ash Tanda.

“D-Did you use your knife? ‘Yun ‘yung knife mo ‘di ba? ‘Yung may retractable na tali? Bakit mo iniwan doon?” biglang sabi ni Miles.

“Wala na akong choice. Ni-wrap ko kaagad ‘yung tali doon sa sword niya at tinapon ko ‘yung kutsilyo para sumama rin ‘yung sword niya. That way, makakatakas ako. Pero for sure, nasunog na rin ‘yung tali nun. Hay. Lagot ako kay Lolo.” 

So ‘yun pala ‘yung ginawa niya. Mukhang nakita na ni Miles ‘yung weapon na ‘yun kaya alam niya kaagad kung anong ginawa ni Ash Tanda. Pero buti na lang talaga at nakatakas kami. Akala ko talaga katapusan na namin kanina.

“Bumalik muna tayo sa base. We need to inform them sa nangyari kanina,” sabi ni Ash Tanda at nagsimula na ulit kaming maglakad.

Habang naglalakad kami ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Bakit kami sinugod nung lalaking ‘yun? And for sure...

“Tanda, ‘yung sword niya...”
“Oo. I’m sure na special weapon ‘yun.”
“And he has a fire attribute,” dagdag ni Miles.

Ilang minuto kaming naglakad pabalik sa base pero napatigil kami dahil sa nakita namin. Hindi ko nga alam kung totoo ba ‘to o epekto lang ‘to ng pagod sa nangyari kanina.

Si Leader, nakahiga sa lupa at may kahalikan siyang lalaki.


***