.

.

Chapter 25 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, January 6, 2015


***

After umalis nina Ashley ay nagpeprepare na rin kami ni Krystal na umalis. Sa South Black Division ang balak naming puntahan dahil sa North sila pumunta at masyado namang malayo kung sa West pa kami pupunta.

“Ayos lang kaya ‘yung tatlong ‘yun?”
“Nandoon naman si Ash.”

Sabagay. Malakas naman si Ash. Pero sabi niya, aggressive daw talaga ang gangs sa North at alam ko ‘yun. Madalas kasing nahuhuli ng officers sa White Division ay ‘yung galing sa North. Kadalasan may patayan talagang nagaganap kapag sila ang kinalaban mo.

Napatingin naman ako kay Krystal habang inaactivate niya ‘yung series of traps para sa mga magbabalak na pumasok dito sa base. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagbago ‘yung kulay ng mata niya nung nakaraan. Pero at least ngayon, black na ulit.

But I know one thing for sure—she’s a Huntres. Siguro kung magbabago man ang kulay ng mga mata namin, classified as Huntres na rin kami. Salamat sa librong dinecode namin, may nalaman kami tungkol sa history ng state na ‘to.

Bigla naman akong napatigil nung may kakaiba akong naramdaman. Napatingin sa akin si Krystal at mukhang may naramdaman rin siya.

“Someone’s here.” Nagnod naman ako sa kanya dahil ‘yun rin ang tingin ko.

Kumuha pa ako ng isang sword at dahan-dahan kaming lumapit sa may pinto. Sumilip rin ako sa bintana pero wala namang tao sa labas. Maybe he or she is hiding.

Bigla namang binuksan ni Krystal ‘yung pinto.

“Hey wait! Lalabas ka? Teka—”

Napabuntung-hininga na lang ako dahil tuluyan na siyang lumabas. Sumunod naman ako sa kanya dahil hindi na kami makakapagtago.

Pareho naming iniscan ‘yung paligid at naging alert rin ako kung sakali mang bigla na lang kaming sugurin. Pero wala akong makita. Damn. This person is good at hiding his presence.

“Over there!” Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Krystal. Tinuro niya ‘yung puno sa tabi ng base namin at may nakita akong movement doon.

Shit. Doon siya nagtago?! Ni hindi ko man lang siya napansin nung tinignan ko ‘yung puno kanina! Anong klaseng pagtatago ang ginawa niya?

“Krystal—”

At tumakbo na naman siya papunta doon sa puno. My God. Oo nga, malakas siya pero hindi siya marunong magstrategize! Sugod lang nang sugod!

“Who the hell are you?!” sigaw niya doon sa may puno. Dahil walang sumagot, kumunot ‘yung noo niya.

Uh oh. She’s pissed.

Hinawakan niya ‘yung trunk ng puno at mula sa kamay niya ay nagspread ‘yung ice doon. Napansin ko rin na bumalik sa pagiging purple ‘yung mata niya at mas lalong bumilis ‘yung pagfreeze ng puno—hanggang sa magyelo na ‘yun ng buo.

“Whoa!”

Biglang lumabas ‘yung nagtatago doon at nagulat ako nung nakita ko ‘yung lalaking nakita namin sa eskinita. Sa pagkakaalam ko, siya rin ‘yung lalaking nagbigay ng whip kay Kelsey. And his eyes...are blue. Ni hindi ko ‘yun napansin nung una namin siyang nakita. Siguro dahil na rin natatakpan siya ng shadows nung nasa eskinita siya.

“Chill,” sabi niya kay Krystal mula doon sa itaas ng puno. Wrong move, dude!

Pinagsisipa ni Krystal ‘yung puno at dahil frozen na ay madali nang nasira. May mga nalalaglag ng crystals dahil sa pagsipa niya at nagfoform na rin ‘yung cracks doon sa trunk. At after ng isa pang malakas na sipa ay nagcollapse na ‘yung puno.

Dahil hindi mabalance nung lalaki ‘yung sarili niya dahil na rin madulas, bigla siyang bumagsak—sa direksyon ni Krystal.

Napanganga na lang ako sa nangyari.

Hindi kasi nakatingin si Krystal that moment dahil iniiwasan niya ‘yung debris kaya hindi niya alam na bumagsak sa kanya ‘yung lalaki. Pero ang malala—nagkadikit ‘yung lips nila.

Nung nakita ko ‘yun, hindi ko alam kung matatawa, maaawa o matatakot ba ako kay Krystal. Bigla kasing nagbago ‘yung expression niya at para siyang nakakita ng patay.

“Sorry,” then cool lang na tumayo ‘yung lalaki habang pinapagpagan niya ‘yung damit niya. “It’s your fault.”

Hindi ko alam kung pangarap ba ng lalaking ‘to na mamatay ng maaga o ano. Ako ang natatakot para sa kanya! Hindi niya ba alam kung gaano nakakatakot si Krystal kapag ganyan?

“Oh my God, n-n-nagkiss sila. N-nagkiss sila ni Leader.”
“Lalo siyang naging Scarystal!”

Bigla akong napalingon at hindi ko napansin na nandito na pala sina Ashley. Ang haggard ng mga itsura nila pero nagulat ako nung nakita ko ‘yung whip at gun nung dalawang nene. Anong nangyari?

“Sino siya?” sabay turo ni Ash doon sa lalaki. Oo nga pala, hindi pa namin siya kilala nung nakita namin ang lalaking ‘to.

“He’s the person who’ll be killed by me.”

Dahan-dahang tumayo si Krystal at kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya. Mas nakakatakot pa kaysa kapag sinasabi niya ‘yung favorite line niya. She’s really pissed right now.

“Why? Because we accidentally kissed?” Inosente niya pang tanong. Hindi ko alam kung totoo ba ‘yung expression niya o lalo niya lang inaasar si Krystal.

Biglang sinugod ni Krystal ‘yung lalaki at agad naman siyang umiwas.

“I’m Hale, by the way. I’m interested in your group,” sabi niya sa amin habang iniiwasan niya si Krystal na parang naglalaro lang.

Hay. Kung ako ang nasa kalagayan ni Hale, maiiwasan ko rin ‘yung attacks ni Krystal. She’s attacking him plainly. Wala nang mas dadali pang basahin na galaw, lalo na kung puro inis ang nasa isip ng isang ‘to.

“Bakit? Are you part of the White government?” tanong ko ulit tapos lumapit sa akin si Ash at naging alert rin.

“Oh no, no. I told you before, I’m just a nobody.”

“Really? Ha! Kung part ka man ng White government, alam na namin lahat ng baho niyo. You guys are disgusting,” sabay tingin ng masama ni Ashley sa kanya.

“So you’ve learned the history huh?”

That time, natamaan ni Krystal ‘yung braso ni Hale kaya nagfreeze ‘yun at mukhang hindi rin ‘yun inexpect ni Hale. Napahinto siya sa pag-iwas at this time, siya naman ang sumugod kay Krystal kaya tumakbo kami papunta sa kanila pero...

“Don’t worry, I won’t hurt her.”

Napatigil kami dahil biglang may nagform na weapon sa kamay niya...and it’s made of ice. Krystal was pinned down to the ground...again.

“We’ll meet again,” then ngumiti siya kay Krystal. After that ay sa amin naman siya tumingin. “Ice Goddesses,” then tumayo siya at umalis na lang bigla.


***