.

.

Chapter 26 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 12, 2015


***

“Ano bang nangyari sa inyo?”

Umupo kami sa may sala at inexplain sa akin nung tatlo ‘yung nangyari sa North. Nagulat ako nung sinabi ni Ash na may naencounter daw silang may Fire attribute at sinugod sila.

“Bakit naman niya kayo susugurin?”

“I think lahat ng nakikita niya, kinakalaban niya. He’s crazy,” sabi ni Ash.

“Pero ‘yung sword niya...”

“Yeah. For sure special weapon rin ‘yun.”

“May kutob ako na member siya ng Flame Spectre.”

Natahimik silang tatlo at napansin kong kanina pa hindi nagsasalita sina Kelsey at Miles. I’m pretty sure na depressed sila dahil sa nangyari sa weapons nila.

“Akin na ‘yan,” sabay kuha ni Ash doon sa sirang whip at baril.

“H-huh? Teka bakit?!”

“I’ll fix them,” at saka siya tumayo pero napatigil siya dahil sa narinig namin.

Parang may nababasag at hinahagis na kung ano doon sa may basement.

“Di pa rin siya tapos?” tapos tinuro ni Ash ‘yung daan papunta sa basement.

“Mukhang matagal pa siya dyan.”

Pumunta kasi si Krystal sa basement at sinabihan niya kami—more like she threatened us na ‘wag kaming pupunta doon. It turns out na gusto niya lang magwala doon.

Pero ‘di pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina. Gusto kong matawa and at the same time ay maawa sa kanya. Kasi naman, hindi ko maimagine na may kahalikan siya dahil sa personality niya. Wala pa atang lalaki ang nagbalak o nagtangka man lang na lumapit sa kanya.

“Grabe magwala si Scarystal. Scary talaga!”

“Pero nagkiss talaga sila ni Kuya Hale eh.”

“Kuya? Pano mo naman nagin kuya ‘yun?”

“Mas matanda siya kaya kuya siya! Tsaka respect na rin dahil siya nagbigay ng...ng whip ko.”

After niyang mabanggit ‘yung whip ay tumahimik na naman silang dalawa. Pero grabe. ‘Yung lalaking ‘yun, kinukuya niya tapos kami wala man lang sign ng paggalang? Nice one, Kelsey. Nice one.

Pero ano bang kailangan ng Hale na ‘yun sa amin? Bakit parang minamanmanan niya kami?

After siguro ng two hours ay natigil na ‘yung pagbabalibag at yung pagwawala doon sa basement. Naghintay pa ulit kami ng thirty minutes bago kami tuluyang bumaba. Nauna kami ni Ash at nasa likuran naman namin ‘yung dalawang Nene. Hindi ako sanay na tahimik lang sila. Nakakapanibago.

Pagdating namin doon, nakaupo si Krystal sa isang sulok at hingal na hingal siya. Grabe naman kasi ‘yung pagwawala niya. For sure first kiss niya ‘yun kaya nagkakaganyan siya.

Kinuha naman ulit ni Ash kina Kelsey at Miles ‘yung weapons nila at pumunta siya doon sa right side. Nilabas niya rin ‘yung bag na kinuha niya kanina sa kwarto niya. Mukhang tools para sa pag-aayos ng weapons.

“Oi, Tandash, kaya mo ba talagang ayusin ‘yan?”

“Maybe. Nakaayos na ako dati ng special weapon though accidentally lang.”

Sumunod ‘yung dalawa sa kanya at nilapitan ko naman si Krystal.

“Anong pangalan ng lalaking ‘yun?” bigla niyang tanong. Hindi niya ba narinig ‘yung pagpapakilala niya kanina? Hay. Baka masyado na siyang inis kanina kaya wala na siyang narinig.

“Hale. Ayos ka na ba?”

“I’m fine,” sabay tayo niya.

“Okay.”

Halata namang hindi. Pero buti at kumalma na siya. Nakakatakot siyang kausapin kung mainit pa rin ang ulo niya. She should cool herself down. Figuratively and literally.

“Hale, huh. Sounds like hell. And I’ll make sure he’ll go there.”

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako maawa—kay Krystal o doon kay Hale. Hay naku. Bahala na nga silang dalawa. Magrambulan sila kapag nagkita sila.

Sumunod din ako kina Ash doon sa sulok na ginawa na niyang station niya. Pinipigilan ko ‘yung pagtawa ko dahil ang seryoso ng atmosphere pero kasi ‘yung dalawang nene parang mga tuta na nag-aabang sa nanay nila. Pareho silang nakaluhod sa harap ni Ash habang pinapanood siyang gawin ‘yung weapons nila. Grabe talaga. Mas peaceful kapag tahimik sila pero ang creepy at the same time.

***

Two days after ng incident, kalmado na si Krystal. Sinantabi na niya ‘yung personal grudge niya doon kay Hale at nagfocus siya sa paglelead sa amin sa pagkuha ng insignias. Nakakuha kami ng tatlong insignia ni Ash mula sa ambush attacks namin kahapon sa South kaya dalawa na lang ang kailangan namin.

Sigurado na rin ako sa attribute ni Ash dahil sa ipinakita niya sa amin nung nakaraang araw. Bukod sa nahahawakan niya ‘yung weapons namin like us, kaya niya ring ayusin at imodify ang mga ‘yun. May sinabi kasi si Kelsey sa amin na nangyari nung encounter nila with the Fire attribute user. Na-straighten daw ni Ash ‘yung whip na parang sword nung nahati ‘yun sa dalawa. Kaya ang tingin namin ay may kinalaman sa mechanics ang attribute niya. She can, probably, fix any special weapons and modify them specifically.

Kaya naman ayun, maingay na ulit ang dalawang Nene.

“Wala na tayong choice kundi ang North,” sabi ni Ash habang pineprepare niya ‘yung knives niya.

“We need to bring this with us.”

Napatingin naman kaming apat kay Krystal habang tinatali niya sa bewang niya ‘yung insignia tapos nagtali rin siya ng jacket para matakpan ‘yun.

I guess we’re going all out for this chance.

Sabay-sabay kaming lumabas at naglakad papunta sa North pero napatigil kami nung may nakita kami sa isang poste.

“Holy shit.” Natulala ako sa nakita ko at hindi ko sure kung totoo ba ‘to.

“You two got your bounties. Damn. Mahihirapan tayo sa pagpunta doon,” sabi ni Ash.

Nakapaskil sa isang poste ‘yung wanted posters namin ni Krystal pati na rin ‘yung mga mukha namin. Sa pagkakaalala ko sa picture, ito ‘yung nangyari sa Black Market. Shit naman!

“Wow Tanda 35,000 ang bounty ng ulo mo. Si Leader naman, 50,000.”
“Bakit ako 15,000 lang?!”
“Nagreklamo ka pa! Buti nga ikaw may presyo eh!”

Bakit ba tuwang-tuwa pa ang mga nene na ‘to sa bounties namin? Dapat nga matakot sila dahil delikado kami ngayon pero nagkukumparahan pa sila ng bounties. Nagkakaroon tuloy ako ng urge na sirain din ang weapons nila para matahimik ulit sila.

Pinunit namin ‘yung wanted posters para wala nang makakita at tinakpan ko ‘yung mukha ko ng balabal. Mas naging maingat rin kami sa paglalakad dahil for sure ay alam ng bounty hunters ang mga bagong poster na lumalabas.

Mukhang sinuswerte naman kami dahil wala pang kakaibang nangyayari at medyo malapit na kami sa boundary ng East at South. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang masama ang kutob ko dahil masyadong madali ‘yung pagpunta namin sa South. Lalo lang tuloy akong kinakabahan dahil ang tahimik din ng paligid.

“Stop.”

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Krystal ay napahinto kaming lahat sa paglalakad at mas lalong bumilis ‘yung tibok ng puso ko. For sure may kakaiba rin siyang naramdaman at alam naman naming malakas ang instinct niya.

‘We’re surrounded.’
‘A-ano?’

And at that moment, biglang may lumipad na arrow sa direksyon ni Krystal at out of instinct ay sabay-sabay kaming apat na pinalibutan siya. Pumwesto ako sa harapan niya habang nasa likuran naman si Ash at ‘yung dalawa ay nasa magkabilang gilid.

The arrow was caught by Kelsey’s whip. Buti na lang talaga at naayos kaagad ‘yun ni Ash. Now we’re certain na isa itong ambush attack. For sure ay desperate na rin ang ibang gangs para makakolekta ng insignias.

Biglang may lumabas na mga tao mula sa magkabilang side namin at nagulat kami nung may nakita kaming dalawang insignias mula sa kanila. Dalawang magkaibang gangs...then that means, they allied with each other para kunin ang insignia ng gang na kakagat sa ambush nila?

“Malamang ikaw ang boss nila,” sabi nung isang lalaki habang nakatingin siya kay Krystal. “Mukhang mahina ka dahil kailangan ka pang protektahan ng mga kasama mo.”

Nung narinig ko ‘yun ay nag-init ang ulo ko at susugurin ko na sana siya pero napahinto ako. Napansin ko rin na ganun rin ‘yung tatlo.

‘He’s mine.’

Napahinto talaga ako sa paggalaw nung narinig ko si Krystal sa isip ko na sabihin ‘yun at naramdaman ko ‘yung intensity at pressure. Napatingin ako doon sa tatlo at mukhang narinig din nila ‘yun. Kinilabutan ako dahil doon. Hindi naman kasi naririnig nina Kelsey at Miles ‘yung pagsasalita ni Krystal sa isip at sabi naman sa amin ni Ash ay ‘yung boses lang ng Papa niya ang narinig niya after niyang tumakas sa kanila. Ibig sabihin...finorce ni Krystal na sabihin ‘yun sa amin to the point na pati ‘yung tatlo ay narinig ‘yun.

God. She’s really a tough one.

“Kelsey, Miles, siguraduhin niyong makukuha niyo ang insignias.”
“Yes, Leader!”
“Of course!”

Napalitan naman bigla ng excitement ‘yung kaba ko dahil for the first time ay makikipaglaban kasi as a gang. And we only need two insignias to enter the War of Best. We won’t let this chance slip by.


***