.

.

Chapter 27 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, January 14, 2015


***

Naghiwa-hiwalay kami habang pinalibutan naman kami ng gang members. Ngayon ko lang narealize na sobrang dami nila. Mukhang desperado na talaga sila sa pagkumpleto ng insignias at nagkampihan pa sila. Siguro kulang-kulang isangdaang tao ang nandito ngayon.

Napatingin naman ako bigla sa direksyon ni Ash dahil ang daming nakapalibot sa kanya at mukhang siya ang una nilang target.

‘Ash! Sa likod mo!’
‘Huh?!’

Pagkasabi ko nun ay pati ako ay nagulat. Holy shit. Nakausap ko siya. Sumagot din siya. Pati yata siya nagulat dahil sa nangyari. I mean, si Krystal lang naman ang nakakausap ko nang ganito pero kahit hindi ko naman sinasadya ay nakausap ko rin si Ash sa isip ko.

‘Fuck. Anong nangyayari?! Bakit kita naririnig din? Bakit tayo nakakapag-usap?!’ biglang sigaw ni Ash sa isip ko at pati tuloy ako ay nagpapanic na rin.

‘Malay ko rin!’

Bigla namang may sumugod sa aking dalawang lalaki kaya doon ko muna finocus ang utak ko. I swung my sword at them and I attacked them simultaneously. I unsheated my other sword while they are still distracted. Bigla namang nag-iba ‘yung sensation na nararamdaman ko. Ewan ko pero parang ganito rin ‘yung feeling nung lumaban kami sa may Black Market. I can see my enemies’ movements and I can move my body easily.

Sumugod ulit sila sa akin pero this time, may dalawa pa sa likuran ko at pinapalibutan nila akong apat habang may hawak rin silang swords. Sabay-sabay silang sumugod sa akin at hinawakan ko naman nang pabaligtad sa hilt ‘yung dalawang swords ko at nagfull-turn ako and I wounded two of them. Ginamit ko ‘yung chance at tumalon ako doon sa likod ng isa and I slashed his back. May namuong icicles doon habang namimilipit siya sa hapdi.

“Last one,” then I smirked at him.

This time, ako naman ang sumugod sa kanya at nasangga niya ‘yung atake ko. Nakita ko naman na may kinuha siyang kutsilyo sa gilid niya habang dinedepensahan niya ang sarili niya kaya bago niya pa ‘yun masaksak sa akin ay umiwas ako at umikot ako papunta sa likuran niya. Binitawan ko rin ‘yung metal sword ko at ginamit ko ‘yung left hand ko para pilipitin ‘yung kamay niyang may hawak ng kutsilyo at nabitawan naman niya ‘yun. Tinutok ko sa leeg niya ‘yung bokken ko at nakita kong unti-unti nang nagfrefreeze ‘yun.

“Aa...ugh!”

Nagulat naman ako nung biglang may narinig akong bumagsak sa likuran ko at pagtingin ko ay may nakahiga nang lalaki sa lupa at may ice bullets sa likuran niya.

“You’re welcome, Gemmatanda.” Nakita ko namang nakangiti si Miles mula sa malayo at hinipan niya pa ‘yung baril niya.

Napatingin naman ako sa side ni Ash at namangha na lang ako sa lakas niya. She’s throwing her knives and maneuvers them using those strings. Napatumba niya agad ‘yung limang lalaking nakapalibot sa kanya na parang wala lang.

Marami ring nakapalibot kay Krystal na nasa likuran ko lang banda at kasama niya doon ‘yung dalawang Nene. Naglakad siya papunta doon sa direksyon nung dalawang leaders pero hinarangan siya nung gang members kaya naman pumosisyon din sa harapan niya sina Miles at Kelsey.

Nagkatinginan kami ni Ash at mukhang pareho kami ng iniisip.

Tumakbo kami pareho sa direksyon nila dahil pinapalibutan na sila ng halos lahat ng members ng dalawang gangs. Nakita kong tumingin sa amin si Kelsey at alam ko na kung anong balak niyang gawin kaya hinanda ko na ‘yung sarili ko.

Hinagis niya ‘yung whip niya sa direksyon namin habang tumatakbo kami at sinalo ko naman ‘yung dulo, at ganun rin si Ash. Naenclose ‘yung kamay ko sa isang chain at hinatak ‘yun ni Kelsey kaya para kaming lumilipad sa ere. Naglanding kaming pareho sa gitna and I immediately slashed my swords at ganun rin ang ginawa ni Ash.

Umatake lang ako nang umatake sa mga nakikita kong nakaharang at pati na rin ‘yung tatlo habang si Krystal ay nasa likuran namin.

Napabagsak namin ‘yung mga nakapalibot sa amin pero sobrang hinihingal na ako. Sobrang dami kasi nila at lima lang kami. Pero kahit ganun, alam ko namang kaya namin sila.

Huminto kami sa pag-atake dahil cleared na ‘yung daan at halos 20 meters away na lang sa amin ‘yung dalawang boss.

“Oh. Sino kaya ngayon ang mga boss na nagtatago sa likod ng mga miyembro nila?” sabi ni Ash habang iniikot-ikot niya ‘yung kutsilyo niya.

Paano, ang daming members ang nasa harapan namin ngayon at nasa likuran naman nila ‘yung dalawang boss. Tss. Ang kakapal ng mukha na sabihin ‘yun kay Krystal pero sila naman ang mga duwag.

“Kaya siguro sila nagteam-up dahil mga duwag sila,” sabi ni Miles habang nilalaro niya rin ‘yung twin guns niya.

“Lalaki ba talaga sila? They can’t even fight five girls,” sabi naman ni Kelsey.

“Mga lalaki, pero walang balls,” dagdag pa ni Ash.

“Anong sabi niyo?!”

“Iligpit niyo ‘yang mga ‘yan!”

Pagkasabi nung dalawang head ng gangs nun ay nagsimula ulit sumugod ‘yung members nila sa amin.

“This is the difference between us. Kayo, nagtatago sa mga tauhan ninyo. Kami, we make way for our leader.”

After I said that, sumugod kaming apat sa kanila. Nasa front line kami ni Ash habang sina Kelsey at Miles ay sa gilid umatake.

I slashed the three guys in front of me at nagulat ako nung parang may lumalabas na usok sa dulo ng bokken ko. Pinakiramdaman ko kaagad ‘yun at saka ko narealize na sobrang lamig na pala nung edge to the point na nagfoform na ng fog ‘yung attacks ko. Pagtingin ko doon sa tatlong lalaki, mas visible na ‘yung icicles na naiwan sa sugat nila.

‘Yuko!’

Nagulat naman ako nung narinig ko ‘yung pagsigaw sa isip ko. Biglang may humawak sa ulo ko at finorce akong yumuko kaya napaluhod ako sa lupa. Then nakita ko si Ash na tumalon sa akin at tumama ‘yung kutsilyo niya doon sa lalaking muntik na pala akong barilin.

“Focus on the enemies, damn it!”
“Sorry naman, nadistract lang! Init ng ulo!”

Well hindi ko naman siya masisisi kasi laging siya ‘yung tinatarget pati si Miles. Then narelize ko na baka dahil alam ng mga ‘to na wanted siya at pwede pa nilang pagkakitaan kapag nahuli siya. Mukhang hindi pa nila alam na wanted rin kami ni Krystal dahil bago lang ‘yung posters namin.

Nagsimula namang maglakad si Krystal papunta sa dalawang boss na parang walang sumusugod sa kanya. Lahat kasi ng lumalapit sa kanya, nagiging target nung dalawang Nene. After all, long-distance battle ang forte nila. Nasa harapan naman kami ni Krystal at kami ang nagcclear ng way niya.

Mukhang ‘yung mga naiwan sa side nung mga boss ay ‘yung pinakamalalakas nilang members. Ang lalaki ng katawan nila pati na rin ng weapons na hawak nila. May isang may hawak ng battle axe tapos ‘yung iba ay machine guns at hand cannons.

“Kelsey, Miles,” tawag ko doon sa dalawa. “You guys handle these small fries.”

Tumango naman silang dalawa at pumunta sila sa front line. Huminto kami ni Ash sa pakikipaglaban at binantayan lang namin ang kilos nung mga natira habang naglalakad papunta sa kanila si Krystal.

“Akala niyo ba kaya niyo kami?! Sige! Patayin niyo ‘yang babaeng ‘yan at kunin niyo ‘yung insignia sa bewang niya!” Nagulat naman ako doon sa sinabi nung isang boss. Aba. Mukhang malinaw ang mata niya at nakita niya ‘yung insignia namin kahit natatakpan naman ng jacket.

Sumugod ‘yung dalawang lalaking may hawak ng battle axes papunta kay Krystal. Pero bago pa sila makalapit sa kanya ay pinigilan namin sila ni Ash. Sinangga ko ‘yung axe gamit ‘yung metal and wooden swords ko at nginitian ko siya.

“Sorry but you can’t bother her. She’s really pissed right now kaya kung ayaw mo pang mawalan nang buhay, ako na lang ang kalabanin mo.”

Bigla naman akong nakaramdam ng chills at parang nanigas naman sa pwesto niya ‘yung kalaban ko. Bigla kasing sumugod si Krystal papunta doon sa dalawang boss with an unbelievable speed. In a splitsecond ay nandoon na siya kaharap nila at hawak niya ‘yung mga leeg nila. Napahiga sa lupa ‘yung dalawa dahil sa force ng pagsugod niya at nakita kong nagffreeze na ‘yung leeg nila paakyat sa mga mukha nila.

“I’ll freeze you to death,” narinig kong sabi niya with a very serious tone.

Kahit na halos araw-araw naming naririnig sa kanya ‘yun ay ngayon lang talaga ako kinilabutan nang husto sa mga salitang ‘yun. Kasi alam ko na seryoso siya sa gagawin niya.

“Your bosses are as good as dead. You guys angered a beast,” sabi ko doon sa kalaban ko at inipon ko lahat ng lakas ko para tumilapon ‘yung axe niya. And I did. Sinipa ko ‘yung tiyan niya at tumalon ako papunta sa balikat niya and I slashed his neck.

Binalik ko ‘yung tingin ko kay Krystal at nagyeyelo na ‘yung bibig at ilong nung dalawa. Halos kulay violet na rin ‘yung kulay ng mga mukha nila at paniguradong kulang na sila sa oxygen dahil sa pagffreeze ni Krystal sa air passages ng ilong at bibig nila.

“T-tu...lo...ng...”
“Y-you’re...g-going...w-with...u-us...”

Nagulat ako nung biglang pinindot nung isang boss ‘yung butones niya...at may lumabas na kulay purple na usok doon. Mukhang nadistract din si Krystal dahil doon. Pero teka...hindi kaya...shit!

“Krystal!”
“Fuck! Poison gas ‘yun!” sigaw ni Ash na tumatakbo papunta rin kay Krystal.

I knew it! Mukhang alam ni Ash ‘yun dahil familiar siya sa weapons na ginagamit ng gangs at paniguradong hindi mawawala doon ang poisons.

“Don’t come here!” sigaw naman ni Krystal sa amin.
“Pero—”

Nagulat na lang ako nung unti-unti ring nagffreeze ‘yung air...at pati na rin ‘yung poison na kumakalat sa paligid nila. Nagtinginan pa kami ni Ash dahil hindi namin alam kung anong irereact.

She freaking froze the air arround them!

After niyang mafreeze ‘yun ay tumakbo kami ni Ash papunta sa kanya at hinatak na namin siya palayo doon. Kahit naman nafreeze niya ‘yun ay paniguradong poisonous pa rin at malamang ay naka-inhale siya ng small amounts kanina.

And I’m right. Kahit na pinipilit niyang tumayo nang maayos ay nanghihina ‘yung mga tuhod niya kaya napaupo na lang siya sa lupa.

“Kelsey, kunin mo ‘yung insignias!” sigaw ko at hinagis niya ‘yung whip niya doon sa dalawang boss dahil nakakabit rin sa kanila ‘yung insignias nila.

At last. Nakumpleto na rin namin ‘yung required number of insignias. Kailangan na naming umalis dito bago pa may dumating na iba. Nasa masamang kalagayan din si Krystal at kailangan naming matanggal ‘yung lason sa katawan niya.

Inalalayan namin siya ni Ash sa pagtayo pero napahinto kami nung may nakita kaming silhouette doon sa usok dahil sa laban na nangyari kanina.

“Ohhh. Ice attribute users kayo, mga apo?”

Bigla namang nawala ‘yung dust fog at may matandang lalaki ang nakaharang sa dadaanan namin. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan nung nakita ko siya. Kahit na matanda na siya, sa isang tingin ko pa lang, alam kong malakas siya.

Sobrang lakas.

Is he…an enemy?


***