.

.

Chapter 29 [Miles]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 24, 2015


***

Nakarating agad kami sa base at inakyat nina Gemmatanda at Tandash si Scarystal sa kwarto niya para makapagpahinga. Wala pa rin kasi siyang malay hanggang ngayon. Hindi naman kami makakilos nang maayos ni Dumbsey dahil nandito sa may sala ‘yung matanda at nagtitingin-tingin siya sa paligid. Sumunod siya sa amin papunta dito sa base dahil nga tutulungan niya raw kami at hindi ko pa rin alam kung pagkakatiwalaan ba namin siya o hindi.

After ng ilang minuto ay bumaba na rin ‘yung dalawa at sinamahan nila kami sa sala. Bigla namang naglakad ‘yung matanda at tumingin siya sa amin.

“Sumunod kayo sa akin,” tapos pumunta siya doon sa direksyon ng pader kung nasaan ‘yung basement. Teka...imposible namang alam niya ‘yun ‘di ba? I mean, kakarating niya lang dito.

Nagtinginan kaming apat dahil hindi namin alam kung anong gagawin namin.

“Hindi ba’t may lugar sa ilalim nito? Doon tayo magtetraining.”

“P-Paano niyo nalaman?” tanong ni Gemmatanda.

“Sabihin na nating alam ko ang lugar na ito,” tapos ngumiti siya sa amin at tumayo siya sa harapan ng pader.
Pero ang nakakagulat ay bigla na lang bumukas ‘yung pader kahit hindi niya pa hinahawakan.

“At sabihin na nating isa ito sa magpapakita ng lakas ninyo. Bumubukas lang ang pader na ito kapag mayroon kang Ice attribute. May sensor ito na nagtitingin kung mayroon ka ngang Ice attribute kapag hinahawakan mo ang pader. Pero kapag naabot mo na ang huling proseso, kahit gamit lang ang presensya mo ay mabubuksan ito.”

Nagsimula siyang maglakad pababa habang kami ay nakatulala pa rin dahil sa nangyari.

‘Holy shit. Sino ‘yung matandang ‘yun? Bakit niya alam ‘to?’
‘Marami siyang alam at ang lakas niya. For now, sundan na lang natin siya.’

Narinig ko ‘yung boses ni Gemmatanda at Tandash sa isip ko. Hindi ko alam pero simula nung narinig ko kanina ‘yung boses ni Scarystal ay nakakarinig na rin ako ng ibang boses, though hindi ko kayang magsalita gaya nila. Mukhang ganun rin ang kalagayan ni Dumbsey.

Bumaba kami papuntang basement at nasa gitna lang ng room ‘yung matanda. Tumigil kami sa harapan niya at para kaming mga estudyante na nakapila sa harap niya.

“Tawagin niyo na lang akong—”

“Gramps.” Ako na ang nagtuloy dahil mas gusto kong ako ang nagbibigay ng nicknames.

“Hmm...sige.”

Lumapit siya isa-isa sa amin at tinignan niya kami pati na rin ‘yung weapons namin. After that, pumwesto ulit siya doon sa gitna.

“Kailangan niyo munang palakasin ang mga katawan niyo para hindi kayo madaling mawalan ng lakas.”

“So basically, stamina training?” tanong ni Tandash at tumango naman si Gramps.

“Sa pagkakatanda ko...” lumakad siya papunta doon sa pader at tinap niya ‘yun. After a few seconds, parang may space na bumukas doon.

Whoa! Meron palang secret compartments dito?! Nagtinginan kaming apat dahil hindi namin alam ‘yun. Pero bakit alam ni Gramps ‘yun at familiar siya dito sa lugar na ‘to? Hindi kaya ginamit din nila ‘to dati? Dito ba siya nakatira dati?

Lumapit siya at may dala-dala siyang parang metal bracelets.

“Simula ngayon, isusuot niyo ang mga ‘to, kahit saan man kayo magpunta.”

“Yun lang po?” tanong naman ni Dumbsey.

“Subukan mo.”

Lumapit si Kelsey sa kanya at kinuha niya ‘yung bracelet. Pero bago pa maiabot sa kanya ay bigla siyang bumagsak sa sahig at nagsisigaw doon.

“Ang bigat! Grabe! T-teka lang!
Whoa!”

“Hoy Dumbsey, ang OA mo ha.”

Paano namang naging mabigat ‘yung metal bracelet na ‘yun to the point na mapapaluhod siya sa sahig? Lumapit din ako doon at sinuot sa akin ni Gramps ‘yung bracelet. Pagkabitaw na pagkabitaw niya ay feeling ko may humatak sa akin pababa.

“Oh ‘di ba?! Sabi sa’yo eh! Shit ang bigat!” sabi ni Dumbsey at hindi ko alam na totoo pala ‘yung sinasabi niya.

Parang namagnet ‘yung wrist ko sa sahig at hindi ko maigalaw sa sobrang bigat nung bracelet. Grabe. Paano nangyari ‘yun? Bakit sobrang bigat nito kahit na mukhang hindi naman?! Nagulat naman ako nung sinuotan pa ulit kami ni Gramps sa kabilang kamay at pareho ko nang hindi mabuhat ang mga kamay ko.

Lumapit din sina Gemmatanda at Tandash tapos sinuotan din sila ng bracelet at gaya namin, napaluhod din sila. Pero unti-unti nilang naaangat ‘yung mga kamay nila at nakapag-sitting position na sila, habang kami ni Dumbsey ay nakaluhod pa rin.

“Nasa sampung kilo ang bigat niyan bawat isa. Ibig sabihin, dalawampung kilo ang dinadala ninyo sa mga kamay niyo ngayon.”

“Twenty kilograms?! No wonder sobrang hirap buhatin,” sabi pa ni Tandash at parang may hawak siyang dumbbell dahil pataas-baba ‘yung right hand niya. Wow ha? Hirap pa siya sa lagay na ‘yan?!

“Syempre, kailangan ay masanay din ang mga paa ninyo.”

Halos lumuwa ‘yung mata ko nung nakita kong kumuha pa siya ng bracelets pero this time ay mas makapal. Habang nasa awkward positions pa kami ay kinabit niya ‘yung bracelets sa paa namin at talagang napasigaw ako dahil feeling ko ay may magnet sa sahig na nag-aattract sa akin pababa.

“Ang bigat! Gramps! Sobrang bigat! Ayoko na!” sigaw ni Dumbsey habang tinatry niyang magsitting-position din pero bumagsak lang siya sa sahig kaya nakadapa na tuloy siya.

“Labindalawang kilo naman bawat isa ang nasa paa ninyo. Ngayon, kailangan niyong marating ang dulo ng kwartong ito para sa araw na ‘to.”

“Ano?!”

“Ni hindi ko nga magawang makaupo!”

“Is that a challenge? Ha. Deal.”

“Mukhang exciting ‘to.”

Napatingin na lang kami ni Dumbsey sa dalawang Tanda na ‘to. Paano ay parang excited pa sila na gawin ‘yun habang kami ay gusto na lang umiyak dito.

Dahil wala na rin naman kaming magagawa, susubukan ko na lang. Dumapa muna ako para magpahinga dahil naubos ang energy ko sa pagretain ng kneeling position ko. Kasi naman, sinong hindi mapapagod kung merong forty four kilos na extra sa katawan mo?! Kasingbigat na ‘yun ng isang adult!

After five minutes ay sinubukan kong magbago ng posisyon. Inuna ko muna ‘yung tuhod ko para nasa kneeling position ulit ako pero inabot ako ng siyam-siyaw dahil sa bwisit na bracelets sa paa ko. After that ay ginalaw ko naman ang upper body ko habang hinahatak ko ‘yung kamay ko. Siguro naka-thirty minutes ako at nasa sitting position pa lang ako. Parang lahat ng lakas na inipon ko ay naubos na dahil sobrang bigat talaga sa katawan nito.

Pagtingin ko naman kina Tandash at Gemmatanda, nakatayo na sila pero hindi sila makagalaw sa posisyon nila tapos medyo bent ‘yung likod nila. Paano ang bigat ng mga nasa kamay nila. Hindi ko  tuloy maiwasang hindi matawa.
Para silang mga sinaunang tao dahil sa posture nila. Pfft. Ha! Magdusa kayo dyan!

Bigla naman akong may narinig na sound mula doon sa hagdanan kaya napatingin ako. Pagtingin ko...

“Scarysta—I mean, Leader!” pagkasigaw ko nun ay napatingin din silang lahat.

“What the hell are you doing?”

Napatingin naman siya doon kay Gramps at nagtitigan lang sila. For sure, nag-uusap na sila sa isip nila. Pakiramdam ko lang dahil ganun ang lagi niyang ginagawa kapag sila ni Gemmatanda ang nag-uusap.

Pero gumaan talaga ang pakiramdam ko nung makita kong ayos na siya. Mas gusto kong nakikita siyang ganito kahit na cold at scary siya kaysa ‘yung nakita ko kanina.

Gusto sana siyang pagpahingahin ni Gramps pero dahil sadyang stubborn siya ay pinilit niyang ikabit sa kamay at paa niya ‘yung bracelets. Ang nakakainis pa, naabutan niya agad kami ni Dumbsey sa sitting position.

Binabawi ko na ‘yung sinabi ko kanina. Sana maging mahina ulit siya kahit ngayon lang! Tsk!

Ilang oras na ang nakakalipas at nakakailang hakbang pa lang ako. Wala pa nga ako sa kalahati ng room na ‘to at parang gusto ko na lang ulit mahiga sa sahig dahil kahit mismong pagtayo lang ay nakakaubos na ng lakas. Halos pantay lang kami ng distance ni Dumbsey habang si Scarystal ay naunahan na kami. ‘Yung dalawa naman, malapit na sila sa dulo. Kainis! Maduga ‘tong mga matatanda na ‘to!

Kailangan kong tapusin ‘to. Kailangan kong makarating sa dulo! Kakayanin ko ‘to!

***

“Huff...huff...ayoko na.”
“A-ayoko...na...na...rin.”

Nagcollapse kami ni Dumbsey nung nakarating kami sa dulo. Sobrang pawis na pawis talaga ‘yung buong katawan ko at dinaig pa namin ‘yung tumakbo ng marathon.

“Ngayong nakarating na kayo dito...”

Bigla naman akong kinabahan sa tono ni Gramps.
Oh God. Don’t tell me meron pa siyang iapapagawa?! Hindi ko na kayang gumalaw, utang na loob!

“Magpahinga na kayo—”

“Yes!” talagang sumigaw ako sa sobrang tuwa. Ngayon lang ata ako natuwa nang ganito at narinig ko ‘yung salitang magpahinga.

“Pero isusuot niyo pa rin ‘yan habang natutulog kayo.”

Pinaakyat niya kami sa hagdan nang suot-suot ‘yung bracelets kaya ilang oras din ang inabot bago kami nakarating sa rooms namin. Pinayagan niya naman kaming tanggalin ‘yun for five minutes para magshower at magpalit ng damit.

Nag-unahan kami ni Dumbsey sa CR at nauwi ‘yun sa rambulan kaya napagdesisyunan na lang namin na siya ang magshoshower at ako naman ay gamit na lang ‘yung tabo tapos inayos namin ‘yung curtain para may division.

Habang naliligo ako ay ang gaan sa feeling pero ang sakit pa rin ng buong katawan ko dahil sobrang napagod ako kanina. Minadali ko ‘yung pagligo at after four minutes ay tapos na ako. Tumakbo agad ako palabas at naghanap ng susuotin ko. Buti na lang at after five minutes ay natapos ko ang routine ko.

Syempre, pinabalik sa amin ‘yung bracelets at humiga na ako. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na pinansin ‘yung bigat ng bracelets sa kamay at paa ko at agad akong nakatulog.

***

Nagising naman ako bigla dahil sa sobrang lamig.
Kahit na may yakap akong unan at nakatalukbong na ako sa kumot ay nanunuot pa rin sa katawan ko ‘yung lamig. Pagdilat ko ng mata ko, napasigaw talaga ako at nagising rin si Dumbsey.

Nababalot ng fog ‘yung kwarto namin ni Dumbsey at nagsstart na ring magyelo ‘yung sahig.

‘Kapag hindi pa kayo umalis sa mga kwarto niyo ay magyeyelo rin kayo.’

Narinig ko ‘yung boses ni Gramps sa isip ko at agad akong napaupo. Pero napahiga din ako agad dahil sa weight ng bracelets. Ugh! Nakalimutan ko na nakakabit pala ‘to sa amin!

Pero unlike kahapon, mas nasanay na ako sa ganitong pakiramdam at after fifteen minutes ay nakatayo na ako pati na rin si Dumbsey. Pero mas lalong kumakapal ‘yung fog sa loob at lalo ring lumalamig.

“Hoy Dumbsey dalian mo! Nakaharang ka sa daan!”
“Teka lang! Wala akong makita!”

Nagtulakan na kaming dalawa para lang makalabas sa kwarto. Hindi ko na kasi kaya ‘yung lamig. Naninigas na ‘yung katawan ko dahil sa yelo sa sahig.

After two hours ay nakarating kami sa basement at pinakain niya muna kami. Pero sobrang bagal ng pagkain namin at hindi ko rin naenjoy dahil hindi niya pinatanggal ‘yung bracelets namin sa kamay. Pagkatapos naming kumain ay pinaghiwa-hiwalay niya kami sa buong basement, habang siya ay nakatayo sa gitna.

“Ngayon magsisimula na ang totoong pagsasanay ninyo.”

Pagkasabi niya nun ay kinabahan ako. Naging seryoso na rin ‘yung expressions nilang lahat at alam kong ito na talaga ‘to. Kung hindi pa training ang tawag ni Gramps sa ginawa namin kahapon, then I’m expecting that this will be...a hell of a training.


***