.

.

Chapter 30 [Miles]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, January 25, 2015


***

“Whoa! Whoa! Gramps! Dahan-dahan naman!”

Panay lang ang iwas ko sa ice crystals na ibinabato niya sa amin. Ilang beses na rin akong natamaan kanina at kahit maliliit na yelo lang ang binabato niya ay pakiramdam ko, bala ‘yung tumatama sa akin.

Pagkatapos kasi niya kaming paghiwa-hiwalayin kanina ay pumwesto siya sa gitna at sinabi niyang ang kailangan naming gawin ay iwasan ‘yung atake niya. Like Scarystal, kaya niya ring magproduce ng ice at ‘yung crystals na ‘yun ay binabato niya sa amin. And I’m telling you, hindi halatang matanda na si Gramps dahil sa lakas at bilis ng pagbato niya!

“Ouch! Ang sakit!” sigaw ni Dumbsey doon sa kabilang dulo.

Maski ‘yung tatlong tanda ay hindi nakaligtas sa kanya at ilang beses din silang natamaan. Confident pa naman din ako sa skill ko sa pag-iwas pero hindi ko masundan ‘yung crystals kaya wala sa timing ‘yung pag-iwas ko at dahil ang bigat ng katawan ko! Nakakabit pa rin kasi sa amin ‘yung bracelets. Hindi rin namin pwedeng gamitin ‘yung weapons namin kaya mas mahirap.

“Labinlimang beses niyo lang namang gagawin ang pag-iwas. Bakit hindi ninyo magawa?” inosenteng tanong pa ni Gramps.

Paano namin maiiwasan kung hindi kami makagalaw nang maayos?! Nakakainis naman ‘tong bracelets na ‘to oh! Kung hindi lang ‘to nakakabit ay may pag-asang maiwasan ko ‘yung binabato niya.

“Hindi pwede ‘yan,” biglang sabi ni Gramps kay Scarystal.

“Tsk.”

Paano kasi, finreeze ni Scarystal ‘yung upper body niya pati ‘yung kamay niya. Siguro para hindi masakit ‘yung impact nung pagtama ng crystals. Pero dahil hindi raw pwede ay inalis niya rin agad.

After three or four hours ay natapos na kami sa training na ‘yun at nagcollapse kami sa sahig. Feeling ko puro pasa na ‘yung katawan ko dahil sa dami ng tama na nakuha ko. Tapos si Gramps, hinihingal lang. ‘Yung totoo? Matanda ba talaga siya? Tao ba siya?

“Ang sakit. Natamaan ako sa boobs,” sabay tingin ni Gemmatanda sa chest niya.

“Parang lumubog ah?”

“Weh?”

“Medyo lumiit.”

Napafacepalm na lang ako sa usapan nina Tandash at Gemmatanda. Hindi ko alam kung seryoso ba sila o ano. Si Scarystal mukhang nag-iimage training. Si Dumbsey naman, hindi na gumagalaw doon sa pagkakahiga niya. Natuluyan na ba ‘to?

Pinagpahinga kami ni Gramps for thirty minutes at naglakad ako papunta doon sa lamesa para uminom ng tubig. This time, fifteen minutes na lang ang inabot ko sa paggawa nun. Medyo nasasanay na ako sa bigat ng bracelets pero ang sakit ng katawan ko kaya ang bagal ko pa ring kumilos.

After that ay pinatayo niya ulit kami sa dati naming posisyon at kailangan naman naming umiwas for twenty times sa ice crystals niya. Inabot kami ng gabi dahil doon at knockout kaming lahat sa kama pagkatapos.

***

Four days na ang nakakalipas nung unang isuot sa amin ‘tong bracelets at nakakagalaw na kami ngayon ng normal. Namimiss ko na rin ‘yung twin guns ko. Pinagbawalan kasi kami ni Gramps na gamitin ‘yung weapons namin kaya nasa basement lang ang mga ‘yun.

Buong week ay tinrain niya mostly ang stamina namin. Araw-araw ay ubos ang energy ko after ng training at pagkagising naman namin ay maninigas kami sa lamig dahil nagffreeze ang kwarto namin kapag hindi kami nagising nang maaga. Nasanay na rin ako. Kaya nga nagigising agad ako kapag naramdaman ko na nag-iba na ‘yung temperature.

Nandito kami ngayon sa basement at nasa harapan namin si Gramps habang may hawak siyang lumang libro. Teka...‘yun ba ‘yung book sa may shelf sa dulo?

“Pwede niyo nang tanggalin ang bracelets ninyo.”
“Ha?”

Para kaming nakarinig ng milagro at hindi kami nakapagreact kaagad. Pero after a few seconds ay sumigaw si Dumbsey at doon lang namin narealize ‘yung sinabi ni Gramps. Pero promise, muntik na akong maiyak dahil sa sobrang tuwa.

Agad-agad kong tinanggal ‘yung bracelets sa kamay at paa ko at feeling ko nabuhay ulit ang katawang-lupa ko. Grabe! Parang nangalahati ‘yung bigat ko at ang gaan sa pakiramdam!

“Whoa! Ang sarap!” tapos nagstretching si Gemmatanda.

Nakigaya naman kami at nag-inat-inat na rin ako. Tumalun-talon pa ako at feeling ko ay lumilipad ako. Sa lahat ng pinagawang training sa amin ni Gramps, ang pagtanggal ng bracelets ang pinakafavorite ko.

“Ngayon pumwesto kayo kahit saan at iwasan niyo ang mga atake ko. Pero mas lalakasan at bibilisan ko ngayon.”

Pagkasabi niya nun ay tumakbo agad ako sa bandang kaliwa at nabother ako sa huling words niya. Mas lalakasan at bibilisan? Ibig sabihin hindi niya pa binibigay ang 100% niya sa attacks na ‘yun na halos ikamatay namin?!

Nakaharap siya kay Scarystal pero nagulat ako nung ako ‘yung una niyang inatake. Iniwasan ko ‘yung crystals at muntik na akong matumba dahil masyadong malakas ‘yung pag-iwas ko. Nasanay kasi ako sa bigat nung bracelets eh!

Akala ko ay lilipat na siya ng target pero ako pa rin ‘yung inaatake niya.

“Gramps! B-bakit ako pa rin?! May galit ka ba sa akin?!” sigaw ko habang umiiwas sa attacks niya.

“Ngayon ay kailangan nyong sunud-sunod na iwasan ang mga tira ko ng tatlumpung beses.”

Muntik na akong mapatid nung narinig ko ‘yun. Thirty times?! Papatayin niya ba talaga ako?!

Biglang may lumipad na crystal sa ulo ko kaya yumuko agad ako. Pero may nakasunod na namang crystals kaya tumalon ako. Hindi ko na alam kung ilang moves ang nagawa ko habang nasa ere ako pero ang daming crystals na papunta sa akin and at the end ay natamaan ako sa braso.

At sobrang sakit!

Cannon ball ba ‘yun?! Tumilapon talaga ako nung tumama ‘yun sa braso ko at namula ‘yung part na tinamaan. Nakakatakot si Gramps! Wala siyang awa!

“Nakalabinglima ka lang,” sabi niya tapos humarap naman siya this time kay Tandash.

Kahit na natanggal na ‘yung bracelets sa amin ay hindi pa rin namin magawang gumalaw ng tama. Kung dati ay masyadong mabigat sa pakiramdam, ngayon naman ay sobrang gaan kaya ang hirap kontrolin. Pero masasabi ko na ang dali na gumalaw ngayon. Ito ba ang purpose nun?

Natahimik naman kami nung natapos ni Scarystal ‘yung thirty shots...at hindi siya tinamaan kahit isa. Para lang siyang nagssway at walang kaeffort-effort sa pag-iwas.

“Magaling. Pwede ka nang magpahinga.”

After that ay naupo si Scarystal sa isang sulok at sinundan ko lang siya ng tingin. Wow. As in wow. Lalong tumaas ‘yung paghanga at respeto ko sa kanya. She’s really strong.

Ilang beses pa akong umulit at after ng fourth try ay nagawa ko na ring umiwas ng thirty times consecutively. Lalo lang sumakit ‘yung katawan ko. Kahit kasi ilang beses lang akong tinamaan, mas malakas naman ‘yung impact ngayon.

Scarystal is strong but Gramps is a monster! Wala talaga siyang patawad! Baka bali-bali na pala ‘yung buto ko dahil sa mga atake niya.

“Mamamatay na ata ako...” tapos humiga si Dumbsey sa sahig at nagcollapse na rin ako.

“Tara, sabay na tayo.”

“Mauna ka.”

“Pag namatay ka na.”

Tumingin kami nang masama sa isa’t isa at napangiti na lang dahil sa wakas ay tapos na ang hellish attacks ni Gramps. Hindi ko na kakayanin kung may ipapagawa na naman siya—

“Lumapit kayo rito.”

Hindi pa ba ‘to tapos?! Ayoko na!

“Hindi pa tapos. Nagsisimula pa lang tayo.”

Sabi ko nga nababasa niya rin ‘yung isip ko eh. Nakakastress na ‘to. Pati ‘yung utak ko, hindi na rin free at kaya nilang iinvade.

Tumayo na lang agad ako at lumapit kami kay Gramps na nakaupo sa may gitna. Pinaupo niya rin kami at napansin ko na naman ‘yung librong hawak niya.

“Ngayong may pagbabago na sa lakas niyo, kailangan niyo na ring palakasin ang attributes niyo.”

Natahimik kami after niyang sabihin ‘yun. Lalakas ang Ice attributes namin? Is that possible? Well, nangyari naman kay Scarystal kaya baka pwede ring mangyari sa amin.

“Pero bago ‘yun ay kailangan niyo munang malaman ang pinagmulan ninyo.”

“You mean, the Erityian race, Gramps?” sabi ni Gemmatanda.

“Alam niyo na?”

“Not the whole story. Nadecode lang namin sa isang libro,” dagdag naman ni Tandash.

“But our ancestors came from the Huntres tribe, according to them,” sabay turo ni Scarystal kina Tandash at Gemmatanda.

“Hmm...hindi ko akalaing nalaman niyo ang tungkol dyan kaagad. Mukhang magagaling talaga kayo. Gaya nga ng sinabi ninyo, mula tayo sa Erityians at nahati iyon sa apat. Isa na roon ang Huntres sa pamumuno ni Ivankov at Yllka. May kakayahan tayong kumontrol ng iba’t ibang elemento, gaya natin...yelo. Pero nagkaroon ng labanan dahil sa kasakiman ng isang grupo.”

“Flame Spectre...” sabi ni Scarystal at nagnod naman si Gramps.

“Oo. Dahil sa kanila ay nagkagulo-gulo lahat. Nakamit din nila ang gusto nila at sila ang namahala ng lugar na ito, habang ang mga lumaban sa kanila ay ipinatapon sa Black Division. Dahil kasama nating namumuhay ang mga normal na tao rito ay ipinagbawal din ang paggamit ng attributes sa harap nila at ang pagkukwento tungkol dito. Kaya naman ang henerasyon ngayon ay hindi alam ang tungkol sa attributes nila pati na rin ang nangyari dati. At para na rin pigilan ang kung sinumang nagbabalak labanan sila. At kung mapapansin niyo ay lahat ng tinutugis nilang kriminal ay ang mga mayroong iba’t ibang attributes.”

Hindi ko alam na may ganun palang nangyari. Kaya pala lahat ng nasa wanted list na matataas ang presyo ay mahirap hulihin. At kaya rin ako naging wanted...ay dahil sa attribute ko.

“Ngayon, isa rin sa kakayahan natin ay ang makabasa at makapag-usap gamit lamang ang isip. Pero hindi lahat ay kayang gawin ito.”

‘Naririnig niyo ba akong lahat ngayon?’

Tumango naman agad kami. My God! Konti na lang maloloka na ako. Parang  gusto kong magfreak out everytime na may naririnig o kumakausap sa akin gamit lang ang isip nila. At wala akong magawa para pigilan ‘yun.

“Madali lang makarinig ng boses at kapag nasanay ka na ay maaari ka na ring makipag-usap. Pero ang hindi alam ng karamihan ay pwede niyo ring isarado ang isip niyo.”

“Talaga po?!” napasigaw talaga ako nung nalaman ko ‘yun. Merong way para isara ang isip. Kailangan kong matutunan ‘yun!

“Oo. Normal na nakabukas ang isip natin pero meron ding iilan na ang normal sa kanila ay nakasarado. Pero karamihan ay bukas. Para mapigilan ninyo ang pagbabasa ng iba sa isip ninyo ay kailangan niyong isarado ‘to. Kapag kasi nakikipaglaban kayo, maaaring basahin nila ang mga galaw na naiisip niyo at kayo ang talo pag nagkataon. Kaya kailangan niyo ‘tong matutunan.”

“Paano, Gramps?” Mukhang interested din si Dumbsey dahil kaming dalawa ang walang background tungkol sa mga ganito.

“Isipin ninyong nagtatayo kayo ng pader at pinapalibutan nito ang utak niyo. Lagyan niyo ng harang ang isipan niyo at kayo mismo ang makakaramdam kung nagawa niyo ba ‘to o hindi. Subukan niyo.”

Pumikit naman ako agad para magconcentrate.

Sinunod ko ‘yung sinabi ni Gramps at para akong magkaka-migraine sa ginagawa ko. Pero nararamdaman ko ‘yung sinabi niya. Para ngang may wall na nageenclose ngayon sa utak ko.

“Ikaw,” sabay turo ni Gramps kay Scarystal. “Subukan mong basahin ‘yung isip niya,” tapos tinuro niya ako.

Napalunok naman ako sa titig ni Scarystal. Inisip ko ulit ‘yung wall sa utak ko at talagang tinatagan ko ‘yung loob ko dahil nakakatakot ‘yung tingin niya!

“I can’t,” biglang sabi ni Scarystal.

“Talaga?” Napahawak ako sa ulo ko tapos umiling si Scarystal.

Oh my God! Hindi na niya nababasa ‘yung mga iniisip ko? Sa wakas! Wait. Try nga.

‘Nakakatakot ka, Scarystal! Minsan gusto kong hatakin ‘yung pisngi mo para naman magkaroon ka ng expression! Gawin ko kaya next time? Pero wait, hindi talaga ako makapaniwala na nakipagkiss ka!’

Pagkatapos kong sabihin ‘yun sa isip ko ay nagpigil ako ng hininga dahil kinakabahan ako. Mamamatay ako kapag nabasa o narinig niya ‘yun.

“W-wala kang naririnig, Scary—I mean, Leader?”
“Wala. Good job.”

Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o magpaparty doon sa good job niya pero napangiti na lang ako. Hindi niya nabasa! Hah! Mabubuhay pa ako!

“Hindi niyo nababasa ang isip ng isa’t isa pero nababasa ko ang isip niyong lahat. Habang Masyado pang mahina ang pagsarado ng isip niyo. Kailangan niyong magsanay na isara ang isip niyo hanggang sa kaya niyo na itong isara na parang wala lang.”

After that ay pinagpartner-partner kami ni Gramps at si Dumbsey ang napunta sa akin. Sina Gemmatanda at Tandash naman ang magpartner at si Scarystal ay kay Gramps.

“Ngayon ay kailangan niyong panatilihing sarado ang mga isip niyo habang nakikipaglaban para hindi mabasa ang mga galaw niyo.”

Nagtinginan kami ni Dumbsey at pareho kaming nagsmirk. Alam naming kaya namin ang isa’t isa kapag may weapon kami pero dahil hindi pa rin pinapagamit sa amin ay nakadepende kami ngayon sa physical strength namin.

“Ihanda mo na ang sarili mo sa pagkatalo, Dumbsey.”

“Ikaw ang magprepare dahil papaiyakin kita.”

For the first time ay naging seryoso kami sa isa’t isa. It’s time to see who’s stronger.


***