.

.

Chapter 31 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 31, 2015


***

Okay.

Hindi ko alam kung anong tama sa ulo nitong si Gramps (The Great Tanda) at pinagpair niya kaming lahat. At kahit naman hindi sabihin ay alam kong itong si Miles ang mapepair sa akin. Kami lang naman ang same wavelength.

“Ihanda mo na ang sarili mo sa pagkatalo, Dumbsey.”
“Ikaw ang magprepare dahil papaiyakin kita.”

But for some reason, naeexcite ako. I always see her as both comrade and rival. At mukhang ganun din siya sa akin. Practice match lang naman ‘to pero ramdam na ramdam ko ‘yung tension sa aming lahat. Maging ‘yung dalawang Tanda na madalas ay playful at carefree lang ay naging seryoso ngayon. I am getting goosebumps habang tinitignan ko sila. Pero mas malala ‘yung kay Gramps at kay Leader. Alam kong mas malakas si Gramps pero si Leader, parang ayaw magpatalo. Nagpapakiramdaman pa lang sila pero kinikilabutan na ako.

“Handa na ba kayo pati ang mga isipan ninyo?” Pagkasabi nun ni Gramps ay naging alert kaming lahat. Nung tinaas niya ‘yung kamay niya ay naging signal ‘yun para magsimula na kami.

For the first time ay hindi ko pinakialaman ‘yung paligid ko. Hindi ko pinansin ‘yung pakikipaglaban nung dalawang set ng Tanda. Nagfocus lang ako sa amin ni Miles pati sa movements niya. Siguro dahil na rin sa training namin at mas nakikita ko nang maayos ‘yung mga galaw niya pati na kung paano ako kikilos. Siguro kung may weapons kami ngayon ay nagrarambulan na kami pero dahil wala, kailangan naming pakiramdaman ang isa’t isa.

For the first time din ay tumahimik kaming dalawa. Usually, kami ang maingay pagdating sa ganito.

Nakaramdam naman ako bigla ng disturbance sa isip ko. I instantly knew na sinusubukan niyang basahin ang galaw ko sa pamamagitan ng pagbabasa sa isip ko. Agad-agad kong sinara lalo ‘yung isip ko gaya nung instruction na sinabi ni Gramps.

Sa totoo lang, nung una, I find it absurd. I mean, paano ka naman makakaform ng wall sa palibot ng utak mo? Pero nung sinubukan kong isipin ‘yung mental wall or barrier na ‘yun, may kakaiba akong naramdaman. Parang may gear sa utak ko na unti-unting nabubuo. Parang napipigilan nga ‘yung flow ng isip ko at muntik na akong magfreak out kanina dahil doon.

Nung narinig ko kanina na hindi mabasa ni Leader ‘yung isip ni Miles, sinubukan ko rin sa kanya.

‘Leader! Hoy! K-Krystal! Yuhoo! Ngiti-ngiti naman dyan pag may time! Sayang ang bibig at ngipin!’

Pumikit pa ako dahil feeling ko ay nagkasala ako at anytime ay iffreeze to death talaga ako ni Leader. Pero ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Nakahinga agad ako nang maluwag that time.

Nagulat ako nung biglang sumugod si Miles and for some reason, kusang gumalaw ‘yung katawan ko at nag-evade. Whoa! Eto ba ang epekto nung pag-iwas namin sa mala-kanyon na pagtira sa amin ni Gramps ng ice crystals? Kung oo, sobrang effective! Parang sanay na ‘yung katawan ko na iwasan lahat ng danger na nararamdaman ko—like Miles flying kick.

“Tsk!”
“Ha! Akala mo mapapatumba mo ako ng ganun lang?!”

This time, ako naman ang sumugod. Nahawakan ko ‘yung sleeves ng damit niya dahil mahaba pero umikot siya at nakawala sa akin.

Dahil sa confrontation namin sa isa’t isa, naging sign ‘yun para sa pagsisimula ng laban namin. Maski ako nagulat sa movement ng katawan ko. I feel lighter, faster and stronger. Parang natanggal lahat ng stiffness ko sa katawan at nasusunod ng katawan ko ‘yung galaw na gustong gawin ng isip ko. Mukhang ganun din si Miles dahil nagiging confident na siya sa pagsugod sa akin.

Tsk. Siguro kung may weapons lang kami ngayon, mas exciting ‘tong laban namin pero ayaw naman ipagamitni Gramps. According to him, endurance and stamina first.

Patuloy kaming nagsparring ni Miles at nakakagulat lang talaga na nasasangga ko ‘yung mga atake niya, at ganun din siya. Bigla naman siyang natumba—I think sinadya niya, and then sinipa niya ako mula sa baba. Buti na lang at nasangga ko ‘yung paa niya nung pinagcross ko ‘yung braso ko kundi may shoeprint na ang mukha ko ngayon. Dahil sa force ng pagsipa niya ay napaatras ako. Nakita ko naman na patayo na siya kaya this time, ako naman ang umupo at sinipa ko ‘yung binti niya para matumba siya—this time hindi na niya sinasadya dahil ako ang may gawa. Hah! Take that!

Lumayo agad ako para mag-isip muna at ganun din siya. And then suddenly, may narinig ako.

‘Kung suntukin ko kaya siya? Sa mukha?’

Biglang nag-init ‘yung ulo ko nung narinig ko ‘yun. Sinadya niya bang iparinig sa akin ‘yun? Gusto mo pala ng ganyan ha? Fine!

‘I’ll kick her in the face. Hard.’

I know na hindi pa kaya ng isip namin na makipagcommunicate sa isa’t isa pero kaya naming mabasa ang isip ng isa’t isa. At alam kong nabasa niya ‘yun dahil sumimangot siya. Aba! Sinimulan niya ‘yan, kaya tatapusin ko!

Nagkatinginan kami at naramdaman ko na naman ‘yung tension sa pagitan namin. Sabay naman kaming sumugod sa isa’t isa na parang alam namin ang movements namin. I attacked her restlessly while defending myself from her attacks. Pero bigla akong kinilabutan sa hindi malamang dahilan. Saglit akong napatingin sa paligid at muntik na akong mapasigaw sa nakita ko.

“Whoa! Teka! L-lookout!”

Tinulak ko si Miles papunta sa side niya at napasama ako sa kanya. Tumayo ako agad at halos mapanganga ako sa nangyari.

“What the heck? S-seryoso ba sila?” narinig kong sabi ni Miles.
“They’re crazy.”

Parang nawalan na ako ng interes sa laban namin ni Miles dahil sa dalawang Tanda. Oo. Bigla na lang silang naglaban sa pagitan namin. Throwing punches and kicks na palagay ko ay makakapatay ng ordinaryong tao. At nung nakita ko ‘yung expressions nila ay lalo akong kinilabutan. Nakangiti sila pareho na parang nag-eenjoy but their stares are dead serious. Lalo pang bumilis ‘yung pacing nila and they are definitely using the entire basement with lots of running.

“Holy mother of ice! Tignan mo!”

Napatingin naman ako sa tinuro ni Miles at naggive up na ‘yung tuhod ko. Ngayon lang nagkick-in ‘yung pagod at sakit ng katawan ko after ng laban namin ni Miles. Sa kabilang dulo ng basement, nagkaroon ng bagong Antarctica.

“Kaya pala parang kinikilabutan ako kanina!” sigaw ni Miles at nakita kong hinihingal din siya.

“Pwede bang ipagpaliban na natin ‘yung laban natin? Delikado tayo kapag pinagpatuloy pa natin dito.”

“They are on a different level.”

Halos magkaroon ng instant freezer dito dahil sa paglalaban ni Gramps at ni Leader. There are sparks, literally—because of flying ice crystals, kapag nagkakalapit sila. Sabagay, pwedeng nilang magamit ‘yung attributes nila dahil galing ‘yun sa loob ng katawan nila. Ang duga!

“Whoa!”

Napaatras kami dahil parang mga berserk na ‘yung dalawa pang Tanda. Hindi ko alam kung paanong hindi sila napapagod sa pinaggagawa nila—fighting while running around with a fast pacing.

“My God. We have a crazy group!” sabi ni Miles habang umiiling-iling pa.

“Crazy, but badass,” dagdag ko naman.

Bigla naman akong napalayo kay Miles dahil naramdaman ko ‘yung paggalaw niya. At tama ang hinala ko! Gusto niya akong sugurin while I’m off-guard! Buti na lang at naging alert ako.

“Maduga! Dirty tricks!”

“Pasensya na, but I’m crazy as them,” sabay ngiti niya sa akin.

“Then I’m as badass as them!” at pinagpatuloy namin ang laban namin sa gitna ng peligro.

***

Napahiga na lang ako sa sahig sa sobrang pagod. Hindi ko na kaya. Tama nga si Gramps. Kailangan ko ng stamina dahil wala pang isang oras ay bagsak na agad ang katawan ko. And I’m thankful na ‘yun din ang problema ni Miles. Halos sabay kaming bumagsak at pareho kaming hingal na hingal at maraming pasa. Ang sakit ng katawan ko dahil sa mga atake niya!

“S-siguro...naman...pwede na tayong...t-tumigil...”

Hingal na hingal ako habang sinasabi ko ‘yun sa kanya at tumango lang siya. Well, hindi na nga kami makatayo eh. Paano pa kami maglalaban?

Napatingin ako sa isang side at magkaharap lang ‘yung dalawang Tanda habang nasa attack position silang pareho at humihingal na rin. Nakikita ko na rin ‘yung paglitaw ng mga pasa sa katawan nila...at may ilang galos at sugat pa. Talagang sineryoso nila ‘yung laban nila!

“One last strike,” sabi ni Ash Tanda at ngumiti siya.

“Yeah.” Ngumiti rin si Tanda sa kanya...at sabay silang sumugod sa isa’t isa.

Parang naglue ‘yung mata ko sa kanila pareho. I respect them, yes, pero hindi ko pinapakita sa kanila. I admire their strength and carefree attitude. Pero nakakatakot sila kapag nagiging seryoso sa labanan and at the same time ay nag-eenjoy. Naalala ko bigla ‘yung narinig kong sinabi ng isang gang leader dati habang nasa lansangan pa ako: “Ang mga malalakas lang ang may kakayahang mag-enjoy sa isang laban.”

At ngayon, nalaman ko ang ibig niyang sabihin doon habang tinitignan ko ‘yung dalawa. Naoovershadow man sila ni Leader ay sa standard strength ay nasa top na sila.

“D-Damn. C-can’t move.”
“S-so...it’s a draw...huh.”

Parehas silang bumagsak sa sahig gaya namin pero mas brutal nga lang ‘yung sa kanila. Para silang nakipaglaban sa buong gang dahil sa itsura nila.

“Shit—”
“Tapusin na natin ito.”

Pagtingin ko doon sa kabilang dulo (kung saan unti-unti na talagang nagiging Antarctica), ay nakita ko na hingal na hingal din si Leader, which was a rare view. Habang si Gramps ay chill (okay, no pun intended) lang. Habang naglalakad siya papalapit kay Leader ay nagffreeze ‘yung sahig kung saan siya tumatapak. Then nagspread ‘yun sa paa ni Leader at nastuck na siya doon sa pwesto niya.

Bigla namang tumingin sa amin si Gramps. Gustuhin man naming tumayo ay hindi ko na mapasunod ‘yung katawan ko dahil in love na siya sa sahig at gusto na lang magstay dito.

“Hmm...mukhang handa na kayo sa mas mahirap pang pagsubok. Mabuti. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo dahil kakailanganin niyo ng lakas kinabukasan.”

After that ay lumakad siya palayo sa amin na parang wala lang nangyari sa kanya. Napabuntung-hininga na lang ako at iniisip ko pa lang ‘yung sinasabi niyang ‘mas mahirap na pagsubok’ ay gusto ko na lang magstay na ganito. Pero ano pa nga bang magagawa namin? Ito lang ang paraan para lumakas kami in a faster way. Sabi ni Leader, ilang araw na lang ay magsisimula na ang War of Best. At para matulungan namin siya...

We need to get stronger.


***