.

.

Chapter 33 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, February 9, 2015


***

I am really impressed with our improvement. Hindi ko akalain na dahil kay Gramps (really Miles? Bakit Gramps?), marami kaming nalaman at lumakas pa kami.

“So tomorrow is the day,” sabi ni Gemma habang nandito kami sa kwarto at nagbibihis para bumaba sa basement.

Oo nga pala, nagbibihis kami habang nagyeyelo ang kwarto namin. Yeah. Nasanay na kami sa lamig. Sa araw-araw ba naman na paggising namin ay nagffreeze ‘yung buong kwarto na para kaming natutulog sa loob ng freezer tapos kapag nasa basement naman kami ay aatakihin kami ni Gramps ng ice, sinong hindi masasanay ‘di ba? Though, nangangatog pa rin ‘yung kalamnan ko everytime kaya nasanay na rin kaming kumilos nang mabilis, or else, magiging frozen meat din kami.

Sabay kaming lumabas ng kwarto kasama ang icy fog at nakita namin na pababa na sina Kelsey at Miles sa basement. Sakto namang kalalabas lang din ni Krystal sa kwarto niya wearing her perfect expressionless face. Seriously? Ayaw niya bang magamit ang cheek muscles niya?

‘Shut up, Ash.’
‘Oh. Sorry.’

I immediately closed my mind. Damn. Hindi pa rin ako sanay na nakakarinig at nakakapag-usap sa isip. What’s worse ay naka-open by default ang isip namin at lagi ko ‘yung nakakalimutan...and that’s why I always end up with trouble. How I wish na sarado by default ang isip ko.
Sabi ni Gramps, rare lang daw ‘yun. Sinu-sino kaya ang mga may ganun? Must’ve been cool. Nakakainggit tuloy.

Magkasabay kaming tatlo na pumunta sa basement at napatingin na naman ako sa mga mata ni Krystal. After almost three weeks of hellish training, unti-unting nagiging crystal blue ‘yung eye color niya. It’s like a mixture of the shades of blue—sky, ocean and ice. Lalo rin siyang naging intimidating at kahit nakatayo lang siya sa tabi ko ay ramdam na ramdam ko ang presence niya and it sends chill down to my spine, like
literally. Pakiramdam ko nasa loob ako ng frozen room namin kapag katabi ko siya.

Pero mas intense siya ngayon. Mas lalo akong naiintimidate sa kanya at idagdag pa ‘yung expressionless face niya. Siguro dahil bukas na ‘yung War of Best. Yes. Bukas na.

Pagdating namin sa basement, nakatayo na naman sa gitna si Gramps as usual. Feeling ko favorite place na niya ‘yun.

“Mukhang handa na kayo para bukas. Sana ay magtagal kayo sa laban. At huwag na kayong masyadong mag-ensayo ngayon. Kailangan ninyong ipunin ang lakas niyo at ihanda ang isipan niyo para bukas.”

Nung sinabi ‘yun ni Gramps ay lalo lang kaming natense.

“Masaya akong makita ang paglakas ninyo.
Lagi niyong tatandaan ang mga sinabi ko dahil magagamit niyo ang mga ‘yun sa labanan. Salamat at pinagkatiwalaan ninyo ako para sanayin kayo,” and then for the first time ay ngumiti si Gramps sa amin na parang proud na proud.

Suddenly, bumigat ‘yung pakiramdam ko.
Naalala ko bigla si Lolo. Ganyan din ang ngiti niya kapag proud siya sa mga naayos o nagawa kong weapons. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa kanila dahil una, hindi na ako nakabalik ulit sa North, at pangalawa, nasa wanted list ako kaya mahirap nang bumalik. Sana lang ay ayos lang sila. I promise, kapag natapos na ‘to at nalaman ko ang dahilan kung bakit sinugod kami ay babalikan ko sila.

“Wait lang, Gramps.
Bakit parang aalis ka na?” tanong bigla ni Kelsey.
“Dahil aalis talaga ako.”
“Huh? Bakit, Gramps?” tanong naman ni Miles.
“Dahil may kailangan akong...ayusin.”

Natahimik kami bigla. Alam namin ang ibig niyang sabihin sa salitang ‘yun.
Alam naming maraming Huntres divisions ang naghihintay sa outskirts para pabagsakin ang gobyerno na pinamamahalaan ng Flame Spectre. And one of the rebellion’s leader is Gramps.

“Mahalaga ang papel na gagampanan ninyo kaya mag-ingat kayo.”

“We’re the...
opening act...” biglang sabi ni Krystal na parang narealize niya na ‘yung buong scenario. After that ay tumangu-tango lang si Gramps.

Hindi naman kami tanga para hindi maintindihan ang usapan na ‘yun. Pero ngayon, naiimagine ko na rin ang mga posibleng pwedeng mangyari...at kinikilabutan na ako.

Nagpaalam sa amin si Gramps at tuluyan na siyang umalis. Mukhang naging malapit ‘yung dalawang bata (mga Nene sabi ni Gemma) sa kanya kaya kahit hindi nila sabihin ay halata namang nalungkot sila.
At oo nga pala, nasa purple stage na rin silang dalawa, which is good. Mas lumalakas na rin ang combat styles nila pati ang presence nila sa labanan. Kami naman ni Gemma, nagiging navy na ang mga mata namin.

Okay. So actually nagiging competitive kami. Kahit hindi namin sabihin ay alam kong chinecheck namin ang lakas at improvement ng isa’t isa, even our eye color. Sa ngayon, mas malapit sa pagiging blue ang mata niya pero in terms of combat ay mas mabilis at malakas ako sa kanya. I’m not biased, okay? Siguro dahil na rin ‘to sa background ko sa weapons at sa training sa akin nina Papa at Lolo. But I can feel na mas mabilis ang improvement niya kaysa sa akin, which is scary.

Krystal si scary, we all know that. Kahit sa unang tingin mo pa lang sa kanya ay mararamdaman mo na ang takot at kapag nakilala mo pa siya, mas maiintimidate ka sa lakas niya. In contrast, Gemma is easygoing and laid-back. Pero kapag naging seryoso siya, para ka na ring may kaharap na isa pang Krystal. You wouldn’t see her as strong at first pero mararamdaman mo ‘yun kapag nagseryoso na siya.

“Time to test our strengths,” sabi bigla ni Krystal kaya napatingin kami sa kanya.

“Pero kakasabi lang ni Gramps na magpahinga raw tayo ngayon,” sagot naman ni Gemma at umupo siya sa lapag habang pinopolish niya ‘yung wooden sword niya.

“Just a light battle.”

“Actually, gusto ko ring itry,” sabi ko naman and instantly, lumayo ako sa kanila at binunot ko ‘yung throwing knives ko sa likuran ko. Tumayo rin kaagad si Gemma at lumayo kami sa isa’t isa.

Nakita kong nagcurl upwards ‘yung isang side ng lips ni Krystal at nagflinch ako. My God! Even her smile gives me goosebumps.
Creepy.

Sa mga nakaraang araw, hindi na kami nagtetraining nang sabay-sabay. Syempre, tinatry din naming ifigure-out ‘yung mga kakaibang nangyayari sa amin pati na rin sa weapons namin. Pare-pareho naming hindi alam kung ano na ang attacks ng isa’t isa kaya kailangan naming maging maingat.

Suddenly, nagpaputok si Miles...sa aming apat. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ‘yun nang sabay-sabay kahit dalawa lang ‘yung baril niya and I’m pretty sure na sabay-sabay lumabas ‘yung bala.

I immediately dodged it pero nagulat ako nung tumama ‘yun sa wall at biglang nagkaroon ng hole ‘yun at pinapalibutan pa ng ice crystals. That was dangerous. Kung tumama siguro sa akin ‘yun ay butas na ang katawan ko ngayon. Her bullet’s can penetrate the freaking wall! Imagine? Wall ng basement ‘to!

“My turn.”

Nung narinig ko ‘yung boses ni Krystal ay lalo akong naging alert. Seeing her standing at the middle reminds me of Gramps. Then bigla na lang gumapang ‘yung ice crystals mula sa paa niya papunta sa direksyon naming apat.

Sandali akong nagfreak out dahil dati ay hindi naman niya kaya ‘yun. She can only freeze the things that she touched or made contact ‘to. Pero ngayon, kaya niya na ring imanipulate ‘yung mismong ice.

Agad akong tumakbo sa opposite direction ng ice crystals na papunta sa akin...pero wrong move. Patakbo rin sa direksyon ko si Gemma. Tinutok niya kaagad sa akin ‘yung sword niya, which looks weird.

Her wooden sword is completely enclosed with ice. Dati ay ‘yung edge lang ang may ice blade pero ngayon, ‘yung buong sword na niya. And I think that’s way sharper than an ordinary sword.

I fended off her attack by sidestepping and running away. Not that I’m scared. Pero nasa likuran ko lang ‘yung ice crystals kaya wala akong time para depensahan ang sarili ko sa likuran at harapan from two monsters.

After a few minutes, nagmukha na namang freezer ang basement namin, as usual. Napahiga na lang ako sa sobrang pagod. Kadalasan sa training namin with Gramps, one-on-one lang ang labanan. Pero ngayon, naging all-out battle. I managed to hit Kelsey and Miles pero after that ay nafreeze ‘yung paa ko at ako ang naging target ni Krystal.

“Paano...paano naging light ‘to?” hingal na tanong ni Miles habang nakahiga siya sa sahig.

Nagpahinga kami doon saglit at after that ay umakyat na kami. As if on cue ay naghiwa-hiwalay kami nung nakaakyat na kami sa sala. Hindi ko na tinignan kung saan sila nagpunta pero ako ay dumiretso kwarto para kunin ‘yung ibang gamit ko at nagshower na rin ako. Buti na lang at hindi na frozen ‘yung tubig.

Nung nakapagbihis na ako ay bigla namang pumasok si Gemma sa kwarto habang ako ay paalis na.

“Pupunta ka sa basement?”
“Oo. After all, that’s my sanctuary.”
“Baka nagyeyelo pa doon.”
“I can manage,” then I smirked at her.
“Whatever, Ash.”

Dala-dala ko ‘yung backpack ko habang pababa ako sa basement. Nung naglalakad ako sa hagdan, ang daming tumatakbo sa isip ko. Siguro nga fated na mapunta ako sa grupong ‘to. Lahat ng gusto kong malaman, connected dito and somehow, feeling ko ay belong talaga ako rito. It’s like my second home. We will be facing a lot of enemies tomorrow and I’m sure, kabado kaming lahat, pati na rin si Krystal.

I don’t like gangs before, pero ngayon, gagawin ko lahat para maprotektahan ang mga kasama ko. Hindi na ako papayag na mahiwalay pa ulit sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Just wait, White government. Sisiguraduhin kong pagsisihan niyong ginulo niyo ang pamilya ko.


***