.

.

Chapter 34 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 15, 2015


***

“My God! Totoo ba ‘to?” sabay punit ni Miles doon sa wanted poster niya na nakapaskil sa may dingding.
“Shit! Meron na rin ako!” sabi naman ni Kelsey.

Naglalakad kami ngayon papunta sa White Division dahil ngayon ang simula ng War of Best. Pero napatigil kami sa isang wall dahil may mga mukha doon ng wanted gang members na nagkalat ngayon sa Black at White Division. Of course, ito ang highest chance ng officers para mahuli ang mga wanted, though hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ‘yun. I mean, ‘yung War of Best ay sponsored ng Flame Spectre at ang White government naman ay mostly members ng Flame Spectre ang mga nasa itaas. Parang nagcocontradict ‘yung dalawang system na ‘yun. Actually, ‘yun ang napag-usapan namin ni Ash kagabi nung bumalik siya sa kwarto.

“What the
freezing hell?” biglang sabi ni Ash nung nakita niya ‘yung posters namin.

“That bastard...I’m going to freeze and torture him to death,” tapos hinawakan ni Krystal ‘yung poster niya at nagfreeze ‘yun sa dingding.

Paano ba naman kasi, sa ibabaw ng pangalan namin ay nakalagay ang mga salitang “
Ice Goddesses” na parang ‘yun ang nagsilbing name ng gang namin. Eh ni hindi nga namin napag-usapan ‘yun nang maayos at wala kaming naipasa pero biglang ganito. At isa lang naman ang tumatawag sa amin ng ganun—si Hale.

Pero ang weird nung Ice Goddesses. Mas weird pa sa Ice Ice Ladies ko dati.

“Ano ba ‘yan! Dapat kasi Ice Four Sale Plus One ‘yan eh!” sigaw ni Kelsey.
“Oh, please Dumbsey, shut up. Hindi ko alam kung seryoso ko o ano!”
“Mukha ba akong nagjojoke?!”
“Yung mukha mo ang mukhang joke.”
“Palibhasa wala kang alam na joke—”
“Enough.”

Biglang natahimik ‘yung dalawa nung sinabi ‘yun ni Krystal. Alam na kasi nila ang mga sunod na salitang lalabas sa bibig ni Krystal at idagdag pa na bad mood siya dahil kay Hale.

“Let’s go,” sabay lakad ni Krystal kaya sumunod kaming apat sa kanya.

Habang naglalakad kami ay kung anu-ano na ang tumakbo sa isip ko. Una, makakabalik na ako sa White Division after kong maglayas. Bumalik ulit sa akin ‘yung pang-aalipin sa akin ng stepmother at stepsister ko but at the same time ay namiss ko si Dad. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nung umalis ako. Siguro kung anu-ano nang paninira ang ginawa ng dalawang ‘yun na sinabi nila kay Dad. Sana lang at hindi pa nalason ang isip ni Dad. Gusto ko ulit siyang makita pero hindi pa siguro ngayon. Gusto ko siyang harapin kapag may napatunayan na ako sa sarili ko.

Napansin ko namang marami kaming nakakasabay sa paglalakad na mukhang gang members din. Mukhang maraming sasali na galing dito sa East Black. Medyo mataas din ang tension since nagtitinginan bawat lahat at posibleng magkaroon ng away kahit wala pa kami sa venue. Pero mas natatakot ako sa nararamdaman kong tension within our group. They are eyeing us at nasa bad mood ngayon si Krystal.
Hindi namin alam kung kaya ba namin siyang pigilan sa paglaban sa mga ‘to. Baka maging frozen land ‘to at magkaroon ng frozen people.

I opened a part of my mind and directed it to Kelsey.

‘Mauna na kayo ni Miles at isama niyo si Krystal. Go.’
‘Okay.’

“Leader, tara! Ipetition natin ‘yung name natin!”
“Oo nga. Sino ba ‘yung lalaking ‘yun para siya ang magdecide para sa atin?” dagdag ni Miles.

Mukhang nakuha nila ang loob ni Krystal at binilisan niya rin ang paglalakad niya habang kami naman ni Ash ay bumagal. Nasa likuran kami nung tatlo pero tumalikod kami sa kanila at this time ay sa amin na nakatingin ‘yung ibang sumusunod sa amin. Nung medyo malayo na sa amin sina Krystal ay huminto kami sa paglalakad.

“So you fucking gross guys are targeting us because we’re just girls or because you think we’re weak?” sabi ni Ash at natigilan ‘yung mga nakapaligid sa amin.

Damn. This girl is really straightforward and warfreak. Feeling ko kapag sila ni Krystal ang magkasama ay hindi malayong magkaroon ng massacre!

Nakita ko namang ngumiti at nagsnicker ‘yung ilan sa kanila. Alam ko naman na ang tingin ng karamihan sa mga lalaki sa babae ay mahihina at mas mababa sa kanila. Minsan okay lang naman since may benefit pero kapag mga ganitong pagkakataon ay nakakainis.

May isang lalaking umabante at pumunta sa harapan namin. Malaki ang katawan niya at halos hanggang balikat lang niya kami. Tinignan niya kami na parang tuwang-tuwa siya at nakayuko siya habang kami ay nakatingala.

“Parehas,” sabi niya kay Ash at mukhang sago niya ‘yun sa tanong kanina. Lalong na-init ang dugo ko.

“Ah. Kasi babae kami at mahina kami?” sabay ngiti ni Ash pero alam ko na ang ibig sabihin nun. She lost her temper.

“Oo. Kaya bago pa kayo—”

She threw her knives at him and it hit him on the legs. Halos kalahati nung kutsilyo ang bumaon sa magkabilang binti niya kaya napasigaw siya at napaluhod sa lupa. Lalo siyang sumigaw sa sakit nung hinatak ni Ash ‘yung strings at bumalik sa kanya ‘yung throwing knives niya.

“Now who’s looking down on who?” sabay tayo niya sa harapan nung lalaki. “See? Mas mahina ka kaysa sa amin kaya wag kang umastang malakas ka. Dahil para sabihin ko sa’yo, hindi.”

That time ay sumugod ‘yung mga kasamahan nung lalaki kaya agad-agad kong kinuha ang bokken ko and I swung it to them. Tumakbo ako sa direksyon nila at isa-isa ko silang pinatikim ng frozen wounds. They writhe in pain and some of them collapsed. Napatigil ang ilan sa paglapit sa amin at ‘yung iba ay napaatras pa.

“Don’t underestimate us just because we’re girls. And don’t overestimate yourselves just because you are guys,” sabi ko at pumunta ako sa side ni Ash.

“Yeah. Because some of them have no balls,” dagdag pa ni Ash habang nakatingin doon sa lalaking pinuruhan niya kanina.

“Tara na nga. Baka nawala na ‘yung tatlong ‘yun,” sabay lagay ko sa bewang ko nung bokken ko.

Cool lang kami na naglakad kahit alam naming nakatingin sa amin ‘yung iba.

‘Jusko, gumawa na tayo ng eksena dito,’ sabi ko through our minds.
‘Kainis naman kasi. Akala mo kung sinong mga Adonis. Malalaki lang ang katawan, hindi naman ginagamit.’
‘Anyway, dumiretso na tayo sa part na ‘yun. Border ‘yun ng East Black at White Division.’

Tinuro ko sa kanya ‘yung route na dinaanan ko dati nung naglayas ako at kung saan ko unang nakita si Krystal. Dito nagsimula ang lahat. Dito ako muntik mamatay at dito rin niya ako tinulungan. Dahil sa kanya kaya nandito ako ngayon.

After ten minutes of walking and fending off some attacks ay bumungad sa amin ang malalaking buildings at urbanized setting ng White Division. Ibang-iba talaga dito kumpara sa Black Division at kahit kailan ay hindi ko nagustuhan dito kahit na dito ako lumaki.

“Wait, saan pala natin sila hahanapin?” tanong ni Ash habang tumitingin-tingin sa paligid.

Kahit na tagarito ako ay hindi ko naman naririnig ang War of Best dati. And since illegal ‘yun ay for sure nakatago ang setting nun.

Inikot ko ang paningin ko at may nakita akong...teka, restaurant ba ‘yun? Wala namang ganung kainan nung umalis ako dito. Unless...

“Hindi kaya ‘yun?” bulong ko kay Ash sabay turo doon sa restaurant.
“Puntahan natin.”

Naglakad kami papunta doon at pumasok kami sa loob. Pagtingin namin ay nagkalat ang mga tiga-White Division pero halata ang ilan na gang members dahil sa weapons na dala nila. That means ito nga ang venue...or more like the entrance.

“Pero dito gaganapin ‘yun, ‘di ba?! Bakit ayaw niyong sabihin kung paano makakapasok?!”

Napatingin kami doon sa isang lalaki na nagsisigaw sa harapan ng cashier. Bigla niyang tinutok doon sa babaeng cashier ‘yung baril kaya nagpanic ‘yung ibang kumakain. Pero ang weird dahil kalmado lang ‘yung itsura ng cashier.

“Sorry Sir pero nakakaistorbo kayo sa customers namin...kaya lumayas ka rito.”

Pagkasabi niya nun ay nagkatinginan kami ni Ash dahil naramdaman namin ang lakas ng presence niya. Then out of nowhere ay lumabas ang isang matandang lalaki na nakasuot ng chef uniform.

“Mawalang-galang na,” sabi niya doon sa lalaking may hawak na baril. Then napanganga na lang ako sa sumunod na nangyari. Sinipa niya ‘yung lalaki at...tumilapon siya sa labas. Kaya pala malawak ang pintuan ng restaurant at nakabukas lang ‘yun. Napatingin ako doon sa chef na naglakad pabalik sa kitchen nila. Somehow ay naaalala ko sa kanya si Gramps. Ang lakas niya! O sadyang lahat ng matatandang naeencounter ko ay malakas?

Bigla naman akong hinatak ni Ash sa gilid tapos lumapit siya sa tenga ko.

“Tignan mo ‘yung menu. It’s a secret code. Kaya siguro maraming gangs ang nandito pa ay dahil hindi nila alam ang sasabihin,” bulong ni Ash.

Tinignan ko naman ‘yung menu sa itaas at inisa-isa ko ‘yung mga nakasulat. Then may isang kakaiba doon at napangiti ako. Tama nga siya. It’s like a code. Ang talas talaga ng isip ni Ash. Buti na lang at kakampi ko ‘to.

Pumunta kami doon sa harapan at kinausap namin ‘yung cashier.

“Dalawang order ng Wine of Barcelona,” mahinang sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa amin at napangiti.
“Oh. Okay. Two Wine of Barcelona, coming up!”

So they made it
Wine of Barcelona to denote War of Best. Cool. Naghintay kami doon sa counter at dumating ‘yung glasses of wine namin.

“Here’s your order. May unoccupied seats pa sa left side then magright turn kayo,” tapos ay nagwink sa amin ‘yung babae.

Agad naman naming dinala ni Ash ‘yung tray at pagpunta namin sa left side ay may dalawang bantay doon. Kinuha nila ‘yung order namin at tinuro nila ‘yung isang hallway. Pumasok kami doon at nagright-turn kami. At the end of the hallway ay may nakasaradong pinto. Pagbukas namin, parang ibang mundo ang nakita namin.

“You’re here,” bungad sa amin ni Krystal.
Hinintay pala nila kami rito.

Nung nakumpleto kami ay naglakad kami papasok doon sa stadium. Finally, we’re here at the War of Best.


***