.

.

Chapter 35 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, February 18, 2015


***

“Holy shit,” bungad ni Ash nung nakapasok kami sa loob.

Nandito kami ngayon sa parang lobby at sobrang daming tao. Karamihan ay lalaki at may mga hawak silang weapons. Nilibot ko ang paningin ko at may iilan akong nakitang kakaiba ang presence. I’m sure some of them are
like us—they have attributes and they’ll use them during the match.

“So you girls really came, huh?”

Napatingin agad kami sa likuran namin at bumungad si Hale. Buti na lang at narestrain kaagad ni Kelsey ng chain niya si Krystal kundi ay magkakagulo rito. Ito namang Hale na ‘to, ngumiti pa sa kanya nang nakakaloko kaya mas lalong kumunot ‘yung noo ni Krystal.

“Ikaw ba ang nagsuggest ng pangalan namin?” tanong kaagad ni Kelsey habang hawak-hawak niya ‘yung chainwhip.

“Not really. Kalat na sa ibang Division ang pangalan na ‘yun. At dahil nagkaroon na kayo ng bounties, sa ayaw at sa gusto niyo ay ipapangalan sa inyo kung saan kayo nakilala.”

“Well, it’s actually nice. Nakwento na sa akin ni Miles ang suggestions ng mga ‘to and I’m really thankful na wala doon ang napili.
Aalis talaga ako sa grupo kapag nagkataon,” sabi bigla ni Ash.

“Grabe ka ha!” sigaw ko sa kanya. Judgmental ‘tong babaeng ‘to. Anong pangit doon sa mga naisip namin? Wala naman ah?

“See you around, Ice Goddesses,” tapos biglang may nagform na iced flower sa kamay niya at inabot niya ‘yun kay Krystal. Pero dinurog lang niya at sinamaan niya ng tingin si Hale habang papalayo sa amin.

Pinakalma muna namin si Krystal after that encounter. Isa pa, wala naman kaming pupuntahan since dito sa lobby naggagather lahat.
Nandito kami sa malapit sa wall kaya naupo muna kami sa lapag. Mukha kasing hindi pa magsstart.

“Ang hot nung isang ‘yun,” biglang sabi ni Ash kaya napatingin ako sa line of sight niya at may nakasandal na lalaki sa isang pillar habang hinahasa ‘yung curved knife niya na medyo malaki.

“Baka naman ‘yung knife niya lang ang tinignan mo.” Mukhang mas interesado pa si Ash sa weapons kaysa sa mga lalaki eh.

“Ha? ‘Yung knife naman talaga ‘yung sinasabi ko eh. Tsaka hindi ko gusto ang tabas ng mukha ng may hawak.”

“Sabi ko nga.” Tinignan ko ulit ‘yung lalaki at gwapo naman siya. Baka magkaiba lang kami ng paningin nitong si Ash.

Kanya-kanya kaming nag-observe kaya nilibot ko rin ‘yung paningin ko at ngayon ko lang narealize na ang daming swordsmen and swordswomen dito. Iba’t ibang klase ng swords din ang nakikita ko kaya nag-sword hunting na rin ako gaya ni Ash.

“That bokken is nice.”

Nagulat ako nung marinig ko ‘yun kaya napatingin agad ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaki na may hawak ring sword. At in fairness, alam niya ang bokken. Mukhang marami siyang alam sa swords and the like.

Tumingin naman siya sa paligid tsaka lumapit sa akin kaya napahawak agad ako sa bokken ko. Then napansin ko na nagbago ‘yung kulay ng mata niya from black to blue, then back to black.

“You have an attribute, right?” bulong niya kaya napatigil ako.

“Ikaw rin?” tanong ko at ngumiti lang siya.

“Then see you on the battlefield, Miss...”

“Sorry, but my name is too valuable to spill,” then I smirked at him.

“Oh,” tapos ngumiti na naman siya. “I like your personality.”

“Gusto ko rin ang personality ko.” Pagkasabi ko nun ay tumawa siya nang tumawa hanggang sa mamula na ‘yung mukha niya.

“You’re really interesting. See you, Miss Attribute,” saka siya umalis.

Okay. What’s wrong with that dude? Is he hitting on me o gusto niya lang akong mahuli off-guard? Tsk. Kailangan talagang mag-ingat kami rito. Walang pwedeng mapagkatiwalaan kundi kami-kami lang.

“Gemmatanda, nakabingwit ka ah?” Biglang lumitaw si Miles sa gilid ko at pangiti-ngiti pa ang loko.

“Not my type.”

Not my type pero namumula? Pareho lang kayo ni Scarystal, in denial pa.”

Aba. Aba. Ako pa ang nilecture-an ng Neneng ‘to? Wow ha. At ako namumula? Baka dahil mainit lang. Paano ang dami-daming tao dito.

Napatingin naman kami sa isang side dahil biglang may tumunog—parang may bumukas na pinto. Mukhang pinto nga dahil nagsipasukan na ‘yung mga nandoon sa side na ‘yun kaya sumunod kaming lima.

Habang naglalakad ako ay bumibilis ‘yung tibok ng puso ko dahil sa kaba at excitement. For sure ay maraming malalakas at mas malalakas sa amin dito at gusto ko silang makalaban. Gusto kong makita ang improvement ko at gusto ko ring makita ang kakayahan ng mga makakalaban namin.

Tahimik lang kaming naglalakad and for sure ay kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip nila. Panigurado ay curious at kabado rin sila ngayon tulad ko. And at the back of my mind ay naaalala ko pa rin ‘yung mga sinabi ni Gramps sa amin bago siya umalis. Dito magsisimula at magtatapos ang lahat at kami ang opening act. Hindi ko pa ma-grasp totally kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging
opening act. Basta ang alam ko, kailangan naming manalo.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay napa-“whoa” na lang ako. Hindi ko alam kung paano nagkasya ang ganito kalaking stadium dito. Sa labas kasi, parang hindi naman malaki ang itsura pero pagdating dito sa loob, parang pwede nang maglanding ang tatlong eroplano dito. Tapos elevated ang bleachers kaya siguradong kitang-kita mula doon ang magaganap na labanan.

“Shit, ang laki. Dito magaganap ‘yung War of Best?” tanong ni Ash pero walang nakasagot sa amin dahil masyado pa kaming naaamaze sa sight.

“Excuse me girls? Your insignia?”

Napatingin naman kami doon sa isang babae sa gilid ng pinto. Tsaka namin narealize na bago pala pumasok ay kailangang i-surrender ang insignia kaya binigay agad ‘yun ni Krystal. After that ay tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Naglakad kami papunta doon sa hallway dahil dito pumupunta ‘yung mga tao. ‘Yung ilan ay bigla-bigla na lang pumapasok sa rooms. Sinundan namin si Krystal at pumasok din siya sa isang kwarto. Nung nakapasok na kaming lima ay finreeze niya ‘yung doorknob pati ‘yung maliit na space sa pagitan ng pinto at ng doorway. Umupo kami sa bleachers na nandoon sa loob ng room.

“There’s no turning back,” biglang sabi ni Krystal kaya napatingin kaming lahat sa kanya. “Sorry for dragging you here with me—”

“Oh shut up. Sabi ko sa’yo dati na tutulungan kita dito, right?” sabi ko sa kanya. Naaalala ko pa ‘yung sinabi ko sa kanya nung una naming pagkikita. Pinangako kong tutulungan ko siya dahil sa pagligtas niya sa akin—and I’ll keep that promise.

“She’s right. We’re here on our own accord. At may sari-sarili rin kaming rason para magparticipate dito,” dagdag ni Ash.

“May atraso rin sa akin ang Flame Spectre,” sabay labas ni Miles doon sa mga baril niya.

“See, Leader? Kaya ‘wag kang magsorry. At saka hindi bagay,” sabi naman ni Kelsey.

Nakatingin lang sa amin si Krystal na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi namin.
Pero after a few seconds ay bumuntung-hininga na lang siya at tumayo.

“Fine. You girls are really troublesome.”
“Matagal na!” sigaw ni Kelsey.
“Nahawa kami sa’yo,” bulong naman ni Miles.

Napangiti naman ako. At least kahit papaano ay gumaan ang atmosphere.

Habang hinihintay namin ‘yung announcement o kung anumang mangyayari, naglight exercise muna kaming lima. Limited lang ang galaw namin since maliit lang ang room. Pero makalipas lang ang isang minuto ay parang nasa freezer na naman kami dahil sa attacks namin, lalung-lalo na ‘yung kay Krystal.

Napatigil naman kami nung biglang may kumatok sa pinto.

“Labas na,” sabi nung lalaking boses.

Agad-agad naman kaming nagprepare at after that ay inabsorb ng chainwhip ni Miles ‘yung yelo doon sa doorknob at lumabas kami ng kwarto. Naglakad kami sa hallway hanggang sa makarating kami doon sa  malaking arena. Pagtingin ko sa bleachers sa taas ay maraming nang nakaupong gang members at sa pinakataas ay parang may shed.

“Welcome to the War of Best!”

Narinig namin ang pagsasalita sa mic nung nasa shed. Kahit nandito kami sa baba ay kitang-kita ko ang itsura nung lalaking nagsasalita. He’s bulky ang muscular kahit siguro ay nasa 40 or 50 na siya sa itsura niya. Vest lang ang suot niya na pantaas kaya bakat na bakat ang muscles niya sa katawan. Pero ang pinakanapansin ko talaga ay ‘yung intense blue eyes niya na para bang kapag tinignan ka niya ay mararamdaman mo ang lakas niya. I felt a chill after imagining that scenario.

“For the first round, it’s East versus South Black Divisions!”

Halos mabingi naman ako nung nagsigawan ‘yung mga nasa bleachers habang hinahampas pa nila ‘yung weapons nila. Then bigla na lang may nagsurround na matataas at pointed fence and barbed wires sa buong arena at naenclosed kaming mga nasa baba.

Then it occurred to me—siguro huling pinalabas sa rooms ang mga tiga-East at South para sa arena kami dumiretso at wala kaming magagawa kundi lumaban.

Halos nasa isangdaan siguro ang nandito ngayon sa arena. Nagtalikuran kaming lima dahil ‘yung ilan ay nakatingin na sa amin. Target na nila kami.

“LET’S START THIS CARNAGE, NOW!” Pagkasigaw nun nung nasa taas ay kanya-kanya nang sumugod sa targets nila ang mga nandito.

“So...what’s the plan?” rinig kong tanong ni Ash.

“Just stay alive...and freeze everyone to their deaths!” at saka tuluyang sumugod si Krystal.


***