.

.

Chapter 36 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 20, 2015


***

Great. Just great. Within a few seconds ay napalibutan na kami rito ng dalawang Nene na kasama ko habang sina Ash at Krystal ay nasa kabilang dulo na.

“Hindi nababagay ang mga babae sa labanang katulad nito,” sabay ngiti nung isang lalaki sa amin.

Seriously? Katawan lang ba nila ang malalaki at ang utak nila ay walang laman? Kailan pa pinagbawal ang mga babae sa ganitong labanan?

“Wag kang mag-alala, Manong. Hindi rin nababagay ang mga katulad mong mahihina rito!” and then Kelsey slashed her chain towards him.

Napasigaw ‘yung lalaki nung nagkaroon ng contact ang whip ni Kelsey sa braso niya—a sign that he’s just an ordinary person, a
humdrum, ayon doon sa librong nadecode namin. Ibig sabihin, tama ang hinala ko kanina. Magkakahalo ang humdrums at Huntres dito.

“I need a playmate, too!” sigaw naman ni Miles at pinagbabaril niya ‘yung mga lalaking nakapalibot sa amin. May naligaw pa ngang ice bullet sa direksyon ko kaya ginamit ko kaagad ‘yung bokken ko para mabago ‘yung trajectory nun papunta sa lalaki sa gilid ko at narinig ko na lang siyang bumagsak.

“Oops. Sorry!” sabay peace sign sa akin ni Miles habang nakapoker face.

“Funny.”

“Yuko!” sigaw niya bigla kaya napayuko naman ako at tinutok niya ‘yung baril sa direksyon ko. Pagtingin ko sa likuran ko ay bumagsak na lalaki at may tama siya sa dibdib.

“You’re welcome, Gemmatanda! Bye!” tapos tumakbo siya sa kabilang direksyon pati na rin si Kelsey.

Those brats. Wala talagang galang ang mga ‘yun. Dapat na ba akong mag-ala-Krystal para katakutan nila? Kaso hindi ko kaya ‘yung walang ngitian at fixed lang ang expression.

“Anong tinatayu-tayo mo dyan, Miss?! Akin ka!” Napatigil ako sa pagpapractice ng cold expression nung narinig ko ‘yun. Napatingin ako doon sa isang lalaki na tumalon papunta sa akin habang may hawak siyang sword. Bigla akong naexcite dahil gusto ko talagang makipagduel sa lahat ng swordsmen dito.

I concentrated on my bokken and I felt a tugging sensation inside my body. I can tell that my eye color changed from black to purple just like before.

“Sorry pero hindi ako sa’yo,” then I slashed my sword at him.

Pareho kaming nagulat nung biglang nagsnap ‘yung metal sword niya into two pieces. Pero ginamit ko kaagad ‘yung moment para patumbahin siya. I shoved my sword into his legs at napasigaw siya siya sabay bagsak sa lupa. Of course, bago pa magdugo ‘yung wound na ‘yun ay nabalot na agad ng yelo. After that ay napatingin ako sa sword ko at alam kong nakatingin din sa akin ‘yung ibang malapit sa akin. Sino ba namang mag-aakala na mapuputol ng isang wooden sword ang isang metal sword?

Napangiti ako bigla. Nacocover na ng iced blade ‘yung halos buong parte ng bokken ko. And I am really impressed na mas matibay pa ‘yung ice kaysa sa metal. Damn, Gramps was right! Makikita talaga namin ang improvement namin after that rigorous training. At nakadepende rin sa lakas ng user ang effect ng attribute niya sa weapon.

“Maybe I should also have some fun,” bulong ko sa sarili ko habang pinapanood ko ‘yung apat na atake lang nang atake sa mga nakapaligid sa kanila.

Tsaka ko naman narealize na unti-unti nang lumalamig tapos ang lakas pa ng hangin. Mukhang nasasanay na rin ako sa cold temperature dahil laging nagyeyelo doon sa base namin. At for sure ay dumbfounded na ‘yung iba dahil may fragments of ice na kung saan-saan.

Tumakbo ako doon sa side nung apat dahil magkakasama na sila. Pagdating ko doon ay mas dumami lalo ‘yung pumaligid sa amin at mas lalong lumakas ‘yung hiyawan ng mga nanonood na gang members sa taas.

“KILL THEM!”
“Patayin niyo ang mga babaeng ‘yan!”

Kung pwede lang talagang sugurin ang mga nanonood ay kanina ko pa ginawa pero may certain rule na bawal ‘yun gawin. We are only allowed to fight the ones inside the arena.

‘Tatandaan ko mga pagmumukha nila. Lagot sila sa akin pagkatapos nito,’
rinig kong sabi ni Ash sa isip ko.
‘Wag silang makapunta-punta sa East Black! Ibibitin ko silang lahat!’
‘At kapag binitin mo sila, gagawin ko silang target sa shooting practice ko.’

Napatingin kami nina Krystal at Ash doon sa dalawang Nene at mukhang nagulat din sila sa nangyari. Last time ay nakakarinig lang sila ng boses sa isip nila pero ngayon kaya na rin nilang makipagcommunicate. Natawa nga ako sa reactions nila dahil para silang nakakita ng multo at hindi makapaniwala sa nangyari.

“Oh my God, ang creepy nun!” sabi ni Kelsey habang nakahawak siya sa ulo niya.

“Mas scary pa kay Scarysta—I mean Leader,” dagdag naman ni Miles at palihim na tumingin kay Krystal.

Napatigil naman kami sa pag-uusap nung sabay-sabay na sumugod ‘yung mga lalaki sa amin. Papalibot na sana kami kay Krystal pero bigla siyang nagsalita.

“Let me do this.”

Pagkasabi niya nun ay kinilabutan ako dahil seryosong-seryoso ‘yung tono niya to the point na parang nakakafreeze din ‘yung boses niya. Napaatras kaming apat.

“Don’t you dare underestimate our gang, weaklings.”

What happened next seems to be impossible. After two steps ay nagfreeze ‘yung tinatapakan niya at kumalat ‘yun sa direksyon nung mga sumugod sa amin. Hindi visible ‘yung ice pero alam kong frozen na ang ilalim ng paa at mga sapatos nila kaya hindi sila makagalaw sa pwesto nila.
Napatigin ako sa likod ni Krystal at lalo lang akong namangha sa kanya. That was an awesome control!

Bigla naman siyang lumingon sa amin.

“You can have them,” sabay lakad niya pabalik sa amin at nagtinginan kaming apat. Well, that’s our leader. Kami ang tagatapos ng nasimulan niya.

“BOO!”

Nakatanggap kami ng malakas na boo mula sa crowd at unti-unti nang nag-iinit ang ulo ko sa kanila. But for the second time ay si Krystal ulit ang unang kumilos at tumingala siya. Her eyes are brilliant blue and they illuminate power. Ramdam na ramdam ko ang presence niya at nakakaoverwhelm ‘yun.

“Just wait for your turns, hooligans. You’ll be my preys for the next rounds.”

Biglang natahimik ‘yung ilang nakarinig nun.
Tumawa ako nang malakas dahil nasatisfy ako sa reactions nila. Matatapang lang sila dahil wala sila dito sa baba. Tignan ko lang ang tapang nila kapag sila na ang nandito.

“That’s our leader!” sabay hampas ko nang malakas sa likod niya at sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.

“Serves them right! Kanina ko pa gustong ihagis ‘tong mga kutsilyo ko sa kanila,” sabi naman ni Ash na lumapit sa amin habang ‘yung dalawang Nene ay busy sa pagtalo doon sa mga finreeze ni Krystal ang movements.

Pero napatigil kami nung biglang tumilapon ‘yung mga lalaki na kinakalaban nina Miles at Kelsey.
Buti na lang at nakaatras agad sila at lumapit sila sa amin. Napatingin agad kami doon sa force na pinanggalingan ng attack na ‘yun…and I saw that guy.

“So you are the rumored Ice Goddesses, the Amazons of the East. At hindi ko akalaing kasama ka pala, Miss Attribute,” sabi nung lalaki at ngumiti siya sa amin habang may papalapit sa kanyang apat na lalaki at isang babae.

‘You know him?’
rinig kong tanong ni Krystal sa isip ko.
‘Not really. Nagkausap lang kami kanina doon sa lobby.’

“Gust, don’t tell me you’re hitting on her?” tanong nung babae na siguro ay kasing-edad nung dalawang Nene.

“Rae, kilala mo naman ‘yan. Basta babaeng may hawak na sword, nagkakandarapa na ‘yan,” sabi naman  nung isang lalaki na may hawak na malaking ax. As in sobrang laki at hindi ko alam kung paano niya nabubuhat ‘yun.

“What do you need from us?” biglang tanong ni Krystal at nagkaroon ng tension sa pagitan namin.

“Wala naman. Sinabi lang sa amin ni Sir Isaz na magkakaroon kami ng allies galing sa East Black at meron silang Ice attributes,” sabi nung lalaking nakausap ko kanina. Gust ata ang name niya, ayon doon sa isa.

“Isaz?
Sino ‘yun?” tanong ni Ash.

“Nakalimutan niyo na ba ang nagtrain sa inyo?”

“You mean…si Gramps ?!” sabay na sigaw nung dalawang Nene.

Bigla namang may sumugod sa amin habang nag-uusap kami pero halos sabay na nagsalita sina Krystal at Gust ng command.

“Ash.”
“Squall.”

Sabay na sinugod nina Ash at nung lalaking may hawak ng malaking ax ‘yung mga sumugod sa amin. Ash threw her knives and he easily defeated two persons. Si Squall naman ay shinove sa sahig ‘yung ax niya, causing cracks and tremor, pero ang ikinagulat ko ay ‘yung pressure na dala nun. Lahat ng nakapalibot sa kanya ay tumilapon sa kung saan-saan. Buti na lang at tinusok din ni Ash ‘yung knives niya sa sahig para may panghold siya doon sa malakas na force na ‘yun.

After that ay napatingin ako doon kay Gust at ngumiti ulit siya, as if he finds us interesting.

“We’re the Phantom Breeze from the South, and we have Wind attributes. Consider us your ally.”


***