.

.

Chapter 38 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 27, 2015


***

“You mean may alliance ang Flame Spectre at...”
“Lightning Strike,” dugtong ni Eos nung narinig ko ang usapan nina Gust at Gemma.
“Eh ‘yung Aquarius at Underworld?” tanong ko kaagad sa kanya.
“They are independent gangs. Hindi ko alam kung kasali sila sa rebellion o hindi.”

Tumingin na lang ulit ako doon sa arena sa baba at parang nagkakaroon tuloy ng war sa pagitan ng natural elements dahil sa attributes nila. And as the usual rule,
eliminate the weakest first. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay marami na akong nakitang mga katawan na nakaratay sa sahig.

“Still the rough style, eh?” sigaw nung isang babae na may water attribute sa lalaking may lightning attribute.

Nagsmirk lang sa kanya ‘yung lalaki at pinosition niya ‘yung bow niya pero wala siyang arrows. Pero nung nilagay niya ‘yung kamay niya sa string ay may naform na arrow...pero gawa sa
lightning. Halos kasingbilis nun ‘yung ice bullet ni Miles pero nung inikot nung babae ‘yung staff niya ay may naform na water barrier sa harap niya at naengulf nun ‘yung lightning arrow. May sparks na nag-appear doon sa barrier and then all of a sudden ay tinuro nung babae ‘yung staff niya sa right direction and the water barrier obliged. Halos lahat ng nasa right side nila ay naelectrocute nung mabasa sila ng tubig na ‘yun.

“Wow. Sino sila?” tanong ko kaagad kay Eos na sa kanila rin nakatingin.
“Galene from Aquarius and Rogue from Lightning Strike.”
“That’s Rogue?” sabay turo ko doon sa lalaking may hawak na bow at tumango si Eos.

So he’s the worst criminal in West Black. Akala ko mukhang beast ‘yung Rogue na tinutukoy nila na may malaking katawan at rough features pero hindi pala. Katamtaman lang ang katawan niya at para siyang babae dahil sa mahaba niyang buhok na nakatali. Pero halata sa mukha niya na marami na siyang napatay na tao. That cold look and expression...ni hindi man lang niya tinitignan ang mga napapabagsak niya at humahanap agad siya ng bagong targets—
definitely evil.

Nagpatuloy ‘yung labanan ng mga may attributes habang walang kamalay-malay na napapatumba na lang ang mga ordinaryong tao na sumali. Then bigla naman akong napaisip: saan kaya nila dinadala ‘yung mga nasugatan at mga nawalan ng buhay after the match? Sa pagkakatanda ko kasi ay kinuha sila kanina nung mga naka-black na lalaki palabas sa arena. May medical center ba rito?

Habang nanonood ako ay lalo lang sumasama ang pakiramdam ko. That Lightning Strike gang, they are strong. Ewan ko lang pero pakiramdam ko ay kasinglevel silang lahat ni Krystal dahil sa blue eyes nila. Para tuloy silang gods dahil kulay langit ang mga mata nila at lightning ang attributes nila, but
ironically, they teamed up with the filthy and evil Flame Spectre.

Pagtingin ko doon sa left side ay bumilis ‘yung tibok ng puso ko at na-lock ang tingin ko sa isang lalaki.

“Sino ‘yun?” sabay turo ko sa kanya.

“That’s Bolt, bukod sa kasali siya sa gang ay officer din siya sa White government. Ironic, isn’t it? Isa siya sa mga pwedeng humuli sa mga nandito ngayon pero kasalukuyan siyang nasa arena at nakikipaglaban,” sagot naman ni Eos habang nakatingin doon kay Bolt.

Tandang-tanda ko ang itsura niya.
Isa siya sa mga nakita kong sumugod sa bahay namin bago ako pinatakas nina Lolo at Papa. Napahigpit ‘yung hawak ko sa mga kutsilyo ko at nagkaroon ako ng urge na ibato ang mga ‘to sa kanya pero mukhang napansin ‘yun ni Eos.

“Don’t break the rules...
yet.” Panandaliang nabawasan ‘yung galit ko dahil nalito ako sa sinabi niya.
“What?”
“May tamang panahon para dyan, but not now.”

Bigla akong nakaramdam ng chill sa batok ko kaya napatingin agad ako sa likuran ko at nakita kong seryosong-seryoso ‘yung expression niya at lalo pa akong kinilabutan. Nagkatinginan kami ni Gemma at binuksan ko nang kaunti ‘yung isip ko.

‘What’s wrong with her?’
tanong ko kaagad.
‘Ewan ko pero kanina pa siya nakatingin doon sa nakaupo sa may shed.’

Tinignan ko kaagad ‘yung shed na nasa kabilang side ng arena at katapat namin. Nakaupo sa malaking upuan ‘yung isang lalaki at nalula ako sa presence niya. Unang tingin ko pa lang sa shed ay siya agad ang mapapansin, like he’s drawing the attention to himself. Sa pagkakatanda ko, siya ‘yung unang nagsalita kanina nung nagsimula ‘yung labanan sa arena then after that ay nagpalit na ng announcer at naging spectator na lang din siya.

Lumapit ako nang kaunti kay Eos dahil hindi ko naman alam kung nakakabasa ba sila ng isip or what and his mind is closed so no choice. Bumulong lang ako para hindi marinig ni Krystal, though I’m sure hindi na niya masyadong napapansin ang paligid dahil nakafocus lang siya doon sa lalaki.

“Who’s that?” bulong ko at sinundan niya ‘yung tingin ko papunta doon sa lalaki. Naging stiff bigla ‘yung expression niya at tumingin siya sa akin.

“Pierre.”

Pierre.
Saan ko nga ba narinig ‘yun? Medyo familiar ang name. I think...wait. Shit. Ibig sabihin...

“He’s the leader of Flame Spectre. The one who started the division war twenty five years ago,” dagdag ni Eos.

Sabi na nga ba.
Siya ‘yung nabasa namin doon sa libro. That same Pierre na sakim at nagawang kalabanin ang sarili niyang tribe para lang makaangat sa kanila. He’s the reason kung bakit nagkaroon ng pagkakawatak-watak ang Huntres divisions. Tapos siya, nakaupo lang ngayon sa silya at ngingiti-ngiti habang pinapanood ang mga naglalaban sa arena.

Bigla namang may mga umakyat doon sa lower shed at umupo sa ibaba nung Pierre na ‘yun.

“The Flame Spectre.”

Pagkasabi nun ni Eos ay naramdaman ko kaagad ang tension dito sa side na ‘to ng arena. ‘Yung anim na members ng Phantom Breeze, nawala ‘yung easygoing side nila. It’s like the gentle breeze is starting to become a hurricane. Maski kami ay nabother din at naramdaman kong biglang lumamig ‘yung knives ko. Sabi ni Gramps, our weapons can understand us. Nung una ay hindi ako naniniwala sa kanya. I mean how can a
thing understand you? Pero simula nung nagbago ang kulay ng mata ko, pakiramdam ko ay nagrerespond sa nararamdaman ko ‘yung throwing knives ko.

“Ash Tanda! ‘Y-yung lalaki!” biglang sigaw ni Kelsey.
“Oh my God. Siya nga ‘yun,” dagdag pa ni Miles.

Tinignan ko kung sino ang tinitignan nila at nakita ko ‘yung lalaking nakasagupa namin sa North Black—the guy with the
flaming sword.

Napabalik naman ‘yung atensyon ko sa arena nung biglang naghiyawan ‘yung mga tao. Pagtingin ko, may isang babae na may hawak na sword ang nakapagpabagsak doon sa babae ring may lightning attribute. Nung tinignan ko ang mata niya, normal lang naman ang kulay. Does that mean natalo ng isang ordinaryong babae ang may attribute? Paano nangyari ‘yun?

“Yes! Told you, aatake siya after 3.5 seconds,” sabi nung babae habang kausap ‘yung dalawang lalaki na mukhang gang members niya rin. Tinignan ko rin ang mga mata nila at normal din ang mga ‘yun.

“Time’s up!”

Pagkarinig nila nun sa speaker ay biglang pumasok ulit ‘yung mga nakadamit ng black at binuhat nila lahat ng injure at wala nang buhay doon sa arena habang ‘yung mga nakasurvive ay umakyat sa magkabilang side nga arena.

Napunta naman ulit ‘yung atensyon ko doon sa kabilang side ng bleachers at nakita kong tumayo si Pierre and after that ay sumunod sa kanya ‘yung ilang members ng Flame Spectre, kasama na ‘yung flaming sword guy.

“There will be a one-hour break before the start of the next round. You can go to your respective rooms or you can stay at the bleachers.”

Minabuti naman namin na magstay na lang dito sa bleachers para mag-observe. After a few minutes ay nakarating na rito sa bleachers ‘yung mga nakasurvive na members sa previous round at nakita ko nang malapitan ‘yung Aquarius at Underworld gangs. Then nakita ko rin ‘yung weird trio at umupo sila sa left side namin. Dahil ako ‘yung nasa dulo ay naririnig ko ‘yung usapan nila.

“Ugh. Ang sakit talaga sa mata nito,” sabi nung lalaking nakasalamin at may tinanggal siya sa mata niya.
“Don’t remove it! Ano ka ba?” sabi naman sa kanya nung babae.
“I have the droplets, okay?”
“Hindi pa rin ako makapaniwala na secluded din ang place ng Huntres tribe,” sabi nung isang lalaki na medyo blonde ang buhok.
“Like us, right?” sabay giggle nung babae.
“I just hope we’ll succeed this time. Tinry na nila thirteen years ago pero walang nangyari.”
“It’s because nasa warring state sila for a long period of time. Don’t worry Hayate, this time it’ll succeed—the alliance of Huntres and Senshin tribes.”

Nung narinig ko ‘yung huling sinabi nung babae, narecall ko bigla ‘yung mga nabasa ko sa old books na binigay ni Lolo at sa basement. Then nung nakita ko ‘yung mata nung nakasalamin, it confirmed my guess. Those
intense green eyes...I’m pretty sure they are from the Senshin tribes, one of the four tribes of Erityian race.


***