.

.

Chapter 4 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Bakit ba hinahabol pa rin nila ako?! Hindi ba sila napapagod?!

“YOU BRAT! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NAHULI KITA! I’LL FREEZE YOU TO DEATH!” Kinilabutan ako sa pagsigaw nung babaeng kinuhanan ko nitong...ewan ko kung ano ‘to!

Buti na lang at expert na ako sa pagtakbo at pagtakas sa mga tao. Simula nung 7 years old ako, nabuhay ako sa pagnanakaw ng mga gamit ng iba at binebenta ko sila sa Black Market. Seven years na rin ang nakakalipas at magaling na ako sa pagnanakaw. Kaso may mga tao talagang masyadong persistent...

Tulad ng dalawang babaeng ‘to! Paano ko ba sila matatakasan?! At bakit ba galit na galit siya? Parang kahoy na espada lang naman ‘tong kinuha ko! Panigurado, mura lang ‘to sa Black Market!

Lumiko ako doon sa isang eskinita at umakyat ako sa mga drums at barrels na pinagpatung-patong doon. Binilisan ko ang kilos dahil mukhang malapit nang lumiko sa eskinitang ‘to yung dalawang babaeng humabol sa akin.

Umakyat ako doon sa pader at tumalon sa kabilang side. Diniretso ko yung takbo ko hanggang sa makita ko yung bakal na gate. Pero bigla kong naalala na sinarado na nga pala kahapon yung gate na yun! Shit! Dead end! Hindi naman ako pwedeng bumalik dahil baka makasalubong ko sila!

No choice!

Nag-iba ako ng ruta at kumaliwa na lang ako kahit maraming nagkalat na gang members dito. Teritoryo kasi ‘to ng Black Sparrow. Tsk! Bahala na nga! Kaya ko naman siguro silang takbuhan. Tsaka kung mapapalaban man ako, baka may pag-asa naman ako kahit papaano.

Papalapit pa lang ako sa teritoryo nila, may nakikita na akong mga lalaking nakatingin sa akin. Sino ba namang hindi mapapatingin sa akin?! Tumatakbo ako tapos may dala pa akong weird na kahoy!

Nilakasan ko na lang ang loob ko at pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo kahit dumadami na yung nakatingin sa akin. Nasa kalahati naman na siguro ako ng teritoryo nila at makakaya ko namang tumakbo doon ng walang nangyayaring masama. Napalingon ako sa likuran para tignan kung nasundan pa rin ba ako ng dalawang babaeng humahabol sa akin. Pagtingin ko, wala namang tumatakbo. Ibig sabihin, nakalayo na ako sa kanila! Yes! Hah! Ang galing ko talaga—

“OUCH!”

Tumalsik ako at naunang bumagsak ang pwet ko sa lupa. Ang sakit nun! Ugh! Nakakainis! Sino bang bumangga sa akin—

“Uh oh.” Napakagat ako sa labi ko dahil may nakatayong lalaki sa harapan ko at nakatingin sa akin.

“Natatandaan ko yang pagmumukha mo, bata.”
Bigla niyang hinawakan yung leeg ko at tinaas niya ako. Shit! Ang lakas niya! Isang kamay lang ang hawak niya sa akin pero naitaas niya ako hanggang sa height niya! Patay ako nito!

“Bitawan mo nga ako!” sisipain ko sana siya kaso hinawakan naman niya yung kanang paa ko gamit ang isa niya pang kamay.

“Ikaw yung nagnakaw ng baril ko nung nakaraang araw!” tapos hinigpitan niya yung hawak sa leeg ko kaya napahawak ako sa kamay niya, habang hawak-hawak ko pa rin yung kahoy na ninakaw ko kanina.

Tinignan ko ulit yung itsura niya. Sobrang laki ng katawan niya at malalaki ang muscles niya sa braso. Natatandaan ko nga siya. Siya yung tangang lalaki na nakatayo lang doon sa eskinitang dinaanan ko nung nakaraang araw.

Nakita ko yung baril na nakasabit sa bewang niya at mukhang kakaiba yung itsura kaya ninakaw ko sa kanya yun. Balak ko sanang ibenta sa Black Market kasabay ng mga mananakaw ko ngayon.

“Hindi kita kilala! Anong baril yang pinagsasabi mo?!” saka ko pinaghahampas yung kamay niya gamit ‘tong kahoy pero mukhang walang epekto sa kanya. Ugh! Ang sakit na ng leeg ko!

“Ah ganun?” sabi niya tapos tumingin siya sa isang lalaki sa gilid at biglang sumenyas. Pagtingin ko, bigla na lang hinagis nung isang lalaki yung baril dito sa kumag na ‘to, at tinutok niya sa akin.

“Oh ano? Naaalala mo na ba ako? O maaalala mo lang ako kapag pinutok ko ‘to sa ulo mo?” saka siya ngumisi at nagsitawanan naman yung ibang lalaki na nakapaligid sa amin.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Shit! Ayoko pang mamatay! May gusto pa akong gawin sa buhay ko! Bata pa ako!

Bahala na! Basta kailangan kong makatakas sa kanya! Ayokong mamatay sa kamay ng isang gang member!

“Hindi ko naaalala ang mga taong tanga!” saka ko siya dinuraan sa mukha at binitawan ko yung kahoy na hawak ko.  Agad kong kinuha yung chain whip ko sa bulsa ko habang distracted pa siya.

“Die! You piece of shit—” bigla niyang kinalabit yung gatilyo. Pero bago pa tumama sa akin yung bala ay pumasok yun sa isang chain sa chain whip ko at nalaglag na lang sa lupa. Pagkatapos nun ay nawala na yung baril sa kamay niya dahil pinulupot ko sa baril niya yung chain whip ko at hinila ko yun palapit sa akin. Binulsa ko kaagad yun at hinagis ko ulit yung chain whip ko sa leeg niya. Napahawak siya sa leeg niya at napasigaw siya kaya ginamit ko yung opportunity para sipain siya sa birdie niya.

“Hyaaa!” buong-lakas kong sinipa yun dahil alam kong yun ang kahinaan ng lahat ng lalaki. Halos hindi maipinta yung pagmumukha niya after kong gawin yun. Bigla naman niyang binitawan yung leeg ko kaya bumagsak ako sa lupa.

“Ouch! Shit ka!” feeling ko durog na yung buto ko sa pwet! Ugh!

Agad-agad akong tumayo at kinuha ko ulit yung bumagsak na kahoy at tumakbo ako palayo. Kaso bigla akong pinalibutan nung mga lalaking nanonood sa amin kanina.

“Hoooh. Mukhang malakas ka, Miss. Akalain mong napatumba mo si Rick? Isa siya sa pinakamalalakas na member ng gang namin,” sabi nung isang payat na lalaki.

“Maganda ka rin. May boyfriend ka na ba?” sabay ngiti ng isang matabang lalaki sa gilid ko. Eeeww! Kung siya ang magiging boyfriend ko, mas mabuti pang mamatay na lang ako!

Pinanood ko sila habang unti-unti akong pinapalibutan. Fifteen in total. Shit! Hindi ko sila kayang lahat!

Bigla na lang naghagis ng kutsilyo yung payat na lalaki kanina kaya napabitaw ako doon sa kahoy na hawak ko at hinawakan ko ng dalawang kamay yung chain whip ko. Hinagis ko rin yun papunta sa direksyon ng kutsilyo at pumasok yung dulo sa isa sa mga chains. Inikot ko yung chain kaya lumipad yung kutsilyong nakatusok doon papunta sa lalaking nasa likuran ko.

“Urghhh...” pagtingin ko, nakasaksak sa hita niya yung kutsilyong pinalipad ko.

Pagkatapos nun ay bigla silang tumakbo lahat papunta sa akin. Kaya bago pa ako makuyog, hinagis ko ulit yung chain whip ko papunta sa leeg nung matabang lalaki at hinatak ko siya kahit sobrang bigat niya!

“Oi...oi...oi!” Inikot-ikot ko siya para hindi makalapit sa akin yung mga kagrupo niya pero bigla siyang huminto at hinawakan yung chain whip ko. Napasigaw siya sa ginawa niya.

“Whoops. Sorry. Ako lang ang pwedeng humawak dito,” sabay takbo ko papunta sa kanya at sinipa ko siya sa sikmura. Tinaggal ko kaagad yung chain whip ko sa leeg niya at hinagis ko ulit sa direksyon ng isa pang lalaki. Pumulupot yun sa kamay niya at napasigaw rin siya.

“Malakas ka bata, pero marami kami.”
Napatingin ako bigla sa likuran ko at may hawak na sword yung lalaki.

“You’re dead,” sabi pa ng isang may hawak ring kutsilyo.

Napapikit na lang ako dahil alam kong mamamatay na ako.

Mamamatay na ako.
Patay na ako.
Patay na...

Eh? Bakit wala akong naramdaman?

Napadilat agad ako at nakita kong wala nang malay yung dalawang lalaki sa likuran ko.

“Whoo! Sa wakas! Akala ko hindi na babalik sa akin ‘tong bokken ko!” sabi nung babaeng ninakawan ko ng kahoy kanina.

“We’re lucky. This is a gang,”sabi naman nung isang babae na kasama niya.

“Ahh. Oo nga pala. Gang insignias.
Oh well. Let’s finish this para makakain na tayo.”

Napatingin na lang ako sa kanila. Parang wala lang silang pakialam kahit ang dami pa ring kalaban at pinapalibutan nila kami.

“Hey, kid. Papatawarin kita sa ginawa mong pagnanakaw sa akin, basta makuha mo yung insignia nila,” sabi nung babaeng may hawak na kahoy at nilagay niya pa yun sa balikat niya.

“Insignia?” Ano yun?

“That flag.” Ginamit niya yung kahoy na panturo at tinignan ko naman yung direksyon na tinuro niya. Pagtingin ko, parang may isang bahay doon at may nakasabit sa bubong na black flag at may image ng sparrow.

No choice ulit. Para makaalis ako dito, kailangan ko ng tulong nila. Mukhang malakas naman sila at yung flag lang naman yung kailangan nila.

“Pero kailangan ko ng—” napahinto ako sa pagsasalita nung biglang tumingin sa akin yung babaeng kasama niya.

“Just do it or I’ll freeze you to death.” Bigla akong kinilabutan nung sinabi niya yun, habang yung kasama niya ay tumawa lang.

“F-fine!” Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Nakakatakot siya. Tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko nung sinabi niya yun.

Napatingin ako doon sa flag na nasa taas ng bahay.

Heh. Easy as pie.


***