.

.

Chapter 40 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, March 9, 2015


***

“Oh my God. Bakit nagkaganyan ‘yung arena?” tanong ni Kelsey at kitang-kita sa mukha niya ang panic.

Then all of a sudden ay biglang yumanig ‘yung paligid, at nung tinignan ko ‘yung tinatapakan namin ay nagkakaroon na ‘yun ng cracks. Biglang nagsigawan ‘yung ilan at ‘yung iba ay nag-unahan sa pagbaba sa hagdanan. Kami naman ay nagtinginan at mukhang pare-pareho kami ng iniisip.

They are planning to collapse the spectator’s area at kapag nangyari ‘yun...diretso kaming lahat sa chasm.

Napatingin ako sa right side namin at nakita kong nagcollapse na ‘yung lower part nun at napasigaw ako nung may mga nalaglag doon. Hindi ko na naatim na tumingin sa baba dahil ayokong makita ang pagkahulog nila sa ibaba.

“Hold onto us. Pwede naming gamitin ang attributes namin para makarating tayo sa arena,” biglang sabi ni Gust at nagready ang mga kasama niya.

“We can take care of ourselves,” sagot naman agad ni Krystal.

“Okay, if that’s what you think. But we need some explosion to serve as driving force.”

“Yun lang ba?” sabi naman ni Miles at pinaikut-ikot niya sa kamay niya ‘yung twin guns niya habang tumitingin siya sa paligid. Then napahinto siya nung nakita niya ‘yung parang generator at switch area sa itaas.

Lumapit agad ako kay Kelsey dahil for sure ay gagamitin niya ang whip niya para makapunta doon sa kabilang side.

“Wait, Tanda! Baka hindi kayanin ng whip ko kung tayong dalawa! Ang bigat mo kaya!”

“No worries. Magkasinggaan lang tayo,” then humawak ako sa chainwhip niya at nagreready na siya sa paghook nun sa arena sa baba.

Sina Ash at Krystal naman ang magkasama. Nakaready na si Ash para ihagis ang throwing knives niya sa arena para rin magserve as hooks. Si Rae ay nasa tabi ni Miles at mukhang siya ang tutulong sa kanya. ‘Yung Phantom Breeze naman ay nilabas ang weapons nila at naramdaman ko ‘yung hangin sa iba’t ibang direksyon.

Tumingin ako kay Miles sa likuran at nakita kong binaril niya ‘yung outlets...and the explosion occurred. Halos hindi ko na narinig ‘yung sigawan at tulakan ng iba dahil nabingi ako sa lakas ng pagsabog. Parang domino effect dahil sunud-sunod pang pagsabog ang nangyari. Nung malapit na sa amin ay hinagis ni Kelsey ‘yung whip niya papunta sa arena at naramdaman ko ‘yung init at force ng pagsabog. Sa lakas ng force ay tumilapon kaming lahat mula sa bleachers.

“Shit shit shit! Tatama tayo sa gilid!”
“H-Hindi ko kayang kontrolin!”

Hindi ako nakahinga nung tumilapon na kami papunta sa arena habang nakahawak kami ni Kelsey sa whip niya. Pero hindi ko akalain na sa edge mahohook ‘yung dulo ng whip at pwede kaming tumama sa mismong side ng arena or worse, babagsak kami sa chasm. And the worse is about to happen.

Naunahan na ako ng instinct ko at agad kong kinuha ‘yung bokken mula sa bewang ko. Nung babangga na kami sa gilid ng arena ay naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng mata ko and I willed it to turn into navy blue—ang pinakamataas na kulay na naattain ko sa training. After that ay nabalot ng ice sheets ang bokken ko at mas kumapal ‘yung ice blades and I immediately thrusted it to the stone-edged arena at bumitaw ako sa whip.

Hindi kami nakapagsalita ni Kelsey after that at nakatingin lang kami sa isa’t isa. Nakahawak lang ako sa bokken ko and I am dangling over the chasm habang si Kelsey ay nakahawak naman sa whip niya. Buti at ginamit niya ‘yung binti niya para mapigilan ‘yung collision niya sa bato. Then all of a sudden ay nakaramdam kami ng hangin at alam kong sa kanila galing ‘yun. Biglang lumakas ‘yung hangin to the point na parang may ipu-ipo na nakapaligid sa amin. Hinatak ko ‘yung bokken ko kahit na kapag ginawa ko ‘yun ay mahuhulog ako sa chasm...which didn’t happen. Pumalibot sa amin ‘yung hangin at tumilapon kami sa taas. Pagtingin ko, nasa pinakagilid ng arena sina Krystal pati na ang Phantom Breeze.

“Nagflash ang buong buhay ko within that five seconds,” sabi ni Kelsey at napailing-iling pa siya.

Ganun din ang naramdaman ko pero napangiti na lang ako dahil sa reaksyon niya.

“Thanks,” casual kong sabi kay Gust.

“No worries. You just owe me your lives,” then he smiled. Hambog talaga ang isang ‘to. Siguro kaya ginagamit ‘yung term na
‘mahangin’ para sa mayayabang ay dahil ‘yun ang ugali ng mga may Wind attributes.

Pagtingin ko sa buong arena ay nababalot na ng usok dahil sa pagcollapse ng bleachers’ area pati na rin ‘yung mga pagsabog na nangyari kanina. Pero napanganga ako nung nakita kong parang may nabuong daan gamit ang debris sa bandang left side namin.

“Earth attribute users,” sabi ni Gust. Well ‘yun din naman ang hinala ko. Gawa sa bato ‘yung area na ‘yun kaya for sure ay sila ang may kayang magkontrol nun.

Napatingin ako ulit sa kabilang dulo ng arena at may nakita akong silhouttes sa usok at fog. Siguro mga nasa twenty or thirty sila at naglalakad sila papunta sa gitna.

“Well, well, well. Hindi ko akalaing maraming matitira.”

“At least those pests were eliminated.”

“True. Akala naman nila malalakas sila.
They are just ordinary people.”

Naging alert ako nung narinig ko ‘yung mga boses. After a few seconds ay nawala na rin ‘yung usok pero napalitan naman ng tension sa buong arena.

Nakita ko ‘yung ibang may attributes na nasa arena na rin at may iba ring hindi ko naman nakita kanina sa mga previous match.

“You really eliminated the humdrums, huh?”

Bigla naman kaming napalingon doon sa pinanggalingan ng boses at narinig kong naggrunt si Krystal. Sa right side namin ay naglalakad si Hale papunta rito. Halos makalimutan kong nakita namin siya kanina dahil hindi naman siya nag-appear sa mga match. Pagtingin ko naman doon sa lalaking nasa gitna ng Flame Spectre, which is the same rude guy na nakipagpalitan ng salita kay Krystal, ay biglang naging seryoso ‘yung expression niya.

“Hale of the Huntres Force, I suppose? Hindi ko akalaing pupunta ka rito.”
“So you are Rage of the Flame Spectre. Of course, we have taken some measures.”

Lalo tuloy akong nagduda sa identity ni Hale dahil sa pag-uusap nila.
At sa pagkakaalam ko ay nasa ilalim ng White government ang Huntres Force. I don’t get it. Ibig sabihin ba ay kakampi ni Hale ang mga ‘to?

“Sabi na nga ba at hindi ka mapagkakatiwalaan. Nandito ka ba para kalabanin kami?” sabi nung Rage sa kanya.

“What do you think? I am not part of your damned government, and never will be.”

Lumapit sa amin si Hale at biglang nagbow sa kanya ‘yung members ng Phantom Breeze.

“Who are you?” tanong agad ni Krystal sa kanya at nakakatakot ang tingin niya sa kanya.
Ngumiti naman si Hale sa kanya na parang nang-aasar pa.

“I told you, didn’t I? Just a nobody.”

“Sinong nagpadala sa’yo rito? Are you working under someone? Why the hell are you here?”

“You’ll know that soon, Krystal Alveria.”

Pagkasabi niya nun ay biglang natahimik si Krystal at hindi na siya gumalaw doon. Para siyang nafreeze sa pwesto niya at hindi na niya kami nakikita o naririnig. And this is the first time na nalaman ko ang apelyido ni Krystal.

“Alveria?
Parang narinig ko na dati ‘yun...” sabi naman ni Ash kaya lumapit ako sa kanya.

“Saan mo narinig?” Ewan ko ba pero parang medyo familiar din ang surname na ‘yun sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig or nabasa...

Wait...

“D-doon sa libro,” sabi ko kay Ash at narealize niya ‘yung sinabi ko.

“Pero ‘di ba ang nakalagay doon...”

Hindi na naituloy ni Ash ‘yung sasabihin niya dahil siguro ang dami na niyang naiisip. Kung anu-ano na rin ang tumatakbo sa utak ko this time dahil lang sa nalaman ko ang surname ni Krystal. At ngayon ko lang narealize na wala kaming kaalam-alam sa identity niya. Ang alam lang namin ay galing siya sa White government at bukod doon, wala na.

“Attack them.”

Nagulat naman ako nung narinig ko ‘yun sa kabilang banda. Naging alert din ‘yung mga tao sa paligid namin at napatingin kami sa mga nasa gitna. Humarap sila sa iba’t ibang sides ng arena at nagsimula silang umatake. Nagspread kaming lahat at tumakbo ako sa left side, at sumama sa akin sina Kelsey at Gust.

“Tanda, tabi!”

Pagkasigaw nun ni Kelsey ay nagduck ako at gumulong. Pagtingin ko ay biglang nagcorrode ‘yung pwesto ko kanina. Tumayo ako agad at nasa harapan ko ang isang babae na may suot na metal claws. May fumes na lumalabas doon sa dulo at for sure ay ‘yun ang may gawa nung pagcorrode ng sahig.

“Be careful. I think she has a Poison attribute,” bulong ni Gust nung nakarating na siya sa tabi ko habang si Kelsey ay sumama kay Miles.

“What? Poison?”

Napalunok na lang ako nung narinig ko ‘yun. Ibig sabihin, allied ang Fire at Poison? Idagdag pa ‘yung Lightning. Those are dangerous attributes! Paano naman namin sila tatalunin kung Ice and Wind lang ang magkakampi?

“Wait, hindi ba natin kakampi ang Earth at Water?”

“I don’t know. Independent gangs sila at kadalasan ay neutral sa mga ganito.”

“Pero hindi naman siguro sila sasali sa War of Best kung wala silang motive.”

“That’s true but...”

“Couples! Disgusting!”

Nagulat naman ako nung biglang umatake ulit ‘yung babae kaya nagdive ako papunta sa kanan at sa kaliwa naman si Gust. Pero nainis ako doon sa narinig ko kaya tumayo agad ako at in-unsheathe ko ang bokken ko.

“Excuse me pero hindi kami couple,” sabay tutok ko sa kanya ng sword.

Pero parang wala siyang narinig at sinugod niya pa rin ako. Dinepensahan ko kaagad ‘yung sarili ko at sinangga ko ‘yung metal claws niya. Pero nung nagkaroon ng contact ‘yun at ‘yung sword ko ay biglang nagform ng fumes doon sa pagitan. Nagulat naman ako nung biglang tumilapon ‘yung babae at pagtingin ko sa gilid, hawak-hawak na rin ni Gust ‘yung sword niya at wala na ‘yung cloth na bumabalot doon.

“Couple, huh? Not a bad idea.” Tinaasan ko siya ng kilay nung tumingin siya sa akin at ngumiti naman siya.

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko, ang hina niya. O sadyang malakas lang ako?”

“Hangin,” sabay talikod ko.

Tinignan ko naman ‘yung babae at hindi siya talaga napuruhan. Sa katunayan, nakatayo na ulit siya at mukhang susugurin niya ulit kami.

And this time, mas humaba at tumulis ang metal claws niya. 


***