.

.

Chapter 41 [Miles]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, March 15, 2015


***

“Whoa! Wait, wait!”
“Sorry!”

Buti na lang at napigilan ko ‘yung sarili ko sa pagbagsak kundi nauna ‘yung mukha ko sa sahig. Sinamaan ko kaagad ng tingin si Rae at ngumiti lang siya.

“Look out!” sigaw ko naman nung nakita ko ‘yung kalaban namin na nasa likuran ni Rae. Binaril ko kaagad siya pero nakaiwas siya at gumulong naman sa kabilang side si Rae.

Tsk. Ang hirap niyang kalabanin dahil mas inuuna namin ‘yung defense kaysa sa offense. Paano kasi ay may Dark Attribute siya, according to Rae. Yeah. Hindi ko alam na may ganun palang nag-eexist. And his specific attribute is that he can travel through shadows. Kapag umapak siya sa isang anino ay bigla na lang siyang mawawala at lilitaw siya sa ibang anino kaya ang hirap niyang hulihin at wary rin kami sa sarili naming mga anino dahil baka bigla na lang siyang lumitaw sa likuran o harapan namin.

“Ahh! Nakakairita ka na ha!” sigaw ko dahil naiinis na ako sa kakatakbo niya sa mga anino. He’s fast at hindi ko mai-timing ‘yung pagbaril ko.

“Miles!”

Napayuko agad ako nung nakita kong hinampas ni Miles ‘yung malaki niyang pamaypay papunta sa direksyon ko. May narinig akong nagsigawan sa likuran at pagtingin ko, tumilapon ‘yung isang may Earth Attribute. Mukhang wala silang kinakampihan dahil inaatake nila lahat ng may attributes, ganun din ‘yung Water. Mukhang wala silang alam o ‘di kaya ay neutral sila.

Nilibot ko ulit ‘yung paningin ko para hanapin ‘yung may Dark attribute at napansin ko na may lumalabas na kamay sa anino ni Tandash. Hindi niya pa siguro ‘yun napapansin dahil nakatalikod siya at may dalawa siyang kalaban sa harapan niya. Tinignan ko kaagad si Rae at nagproduce siya ng breeze kaya umangat ako at tinutok ko kaagad ‘yung baril sa anino ni Tandash mula sa malayo. Tinarget ko ‘yung kutsilyo na hawak niya kaya nawala ‘yun sa grasp niya at binaril ko ulit ‘yung kamay niya. After that ay hindi siya lumabas sa anino at mukhang nagtago na naman siya. Kainis! Hindi ko siya mahuli!

Hinanap ko kaagad si Rae pero mukhang busy siya doon sa kalabang lumitaw sa harapan niya. Hinanap ko naman ulit ‘yung lalaki. Tsk. Nasaan na naman ba siya?!

“Got you.”

Bigla akong kinilabutan nung narinig ko ‘yun sa likuran ko at alam kong sa anino ko siya lumabas. Shit. He’s...going to stab me—

“No. I got you.”
“Ugh!”

Napalayo agad ako doon sa pwesto ko at pinakiramdaman ko ‘yung puso ko. Akala ko mamamatay na ako! Bwisit na lalaking ‘yun!

Pagtingin ko doon sa pwesto ko ay may parang may whip na nakapalibot sa kanya pero ang weird lang dahil parang hindi totoo ‘yung whip kasi nawawala-wala ‘yun...o nanlalabo lang ang paningin ko. Tinignan ko ‘yung lalaking may hawak ng whip at inadjust niya ‘yung salamin niya tapos nabalot na ng whip ‘yung buong katawan nung may Dark attribute. After a few seconds ay natumba na lang siya at may lumapit namang babae doon sa lalaking may gawa nun.

“Oh. Parang Black Dimension,” sabi nung babae sa kanya.
“Yeah. Pero ang kaibahan, limited ang galaw niya sa mga anino.”

Napatingin sila sa akin at naging alert naman agad ako. Tinutok ko sa kanila ‘yung dalawa kong baril pero nagulat ako nung nakita kong iba ang kulay ng mga mata nila.
It’s green. Pero sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Tandash, walang green sa transformation ng mata ng isang Huntres.

“Oh. Fierce!” sabi nung babae sa akin.
“Reina.”
“I know, I know.”

Bigla namang in-unsheathe nung babae ‘yung isa niyang sword tapos inislash niya sa kanan niya kahit hindi siya nakatingin at may natamaan siyang tatlo. Whoa! Alam niya bang may kalaban sa gilid niya?

“Well then kid, good luck!”
“Kid? You think you’re an adult?” sabi nung lalaki sa kanya at ngumuso naman ‘yung babae.
“Bakit? Mukha naman akong mas matanda sa kanya ah?”

After that ay umalis na sila doon sa area ko habang ako ay stunned pa rin. What the heck are they? At teka, tinawag niya ba akong kid?! Bakit ba lahat na lang sila?! Nahawaan ba siya nung dalawang matanda?

“Whoa! Whoa! ‘Wag niyo akong pagtulungan!
Di naman ako malakas!”
“Hah! Patay ka sa amin, bata!”

Bigla naman akong napatingin doon sa kabila at nakita kong tumatakbo si Dumbsey papunta dito sa direksyon ko habang may apat na humahabol sa kanya.

“Ah! Hoy Miles! Tulong!” sigaw niya pero nakangiti siya.
“Hoy! Sira ka ba? Bakit mo sila dinala rito?!”

Nakita ko naman na hinatak niya ‘yung whip niya at nung malapit na siya sa akin ay narealize ko na kung anong balak niyang gawin. Umikot siya sa akin at bago pa ako maenclose doon sa whip ay tumalon ako, habang ‘yung mga humahabol sa kanya ay natrap doon sa chains at hindi makagalaw. Habang nasa ere ako ay pinaputukan ko ‘yung apat at tumumba sila.

“Joke lang. I’m not that weak,” sabay belat ni Dumbsey doon sa apat nung naglanding na ako sa tabi niya.
“But you’re weaker than me,” sabi ko naman.
“Asa ka—”

Natahimik kami nung biglang may something na dumaan sa pagitan namin. Sobrang kinabahan ako nun dahil feeling ko ay may masamang nangyari kapag saktong sa amin tumama ‘yun. Tinignan namin ‘yung direksyon kung saan nanggaling ‘yun at napakunot ang noo ko sa nakita ko.

“Oh. Sorry mga Nene. Umabot ba dyan? Don’t worry, after effects lang ‘yun!” sabay tawa pa ni Gemmatanda na parang walang nangyari. Ngayon alam ko na kung ano ‘yung dumaan sa pagitan namin—after effects ng slash niya.

“Hoy Tanda! Muntik na kami dun ha! Sinasadya mo ba ‘yun?!”
sigaw ni Dumbsey sa kanya.

“Ha? Sa pagitan naman dumaan eh. Tsaka ‘wag niyo akong kausapin!” sabi niya habang dinedeflect niya ‘yung claws nung isang babae.

What a crazy attack. Ngayon ko lang nakita si Gemmatanda na ganito kaseryoso sa labanan, though nawala ‘yun nung inaasar niya kami.
Sabagay, ngayon lang naman kami nakaencounter ng katulad namin na may attributes. All this time ay may mga ganitong tao pala sa Black at White Division.

“Ah! Leader!”

Nakita naman namin si Scarystal na tumatakbo papunta sa amin at tatakbo rin sana kami para salubungin siya pero napahinto kami nung sumigaw siya sa isip namin.

‘Don’t move!’

Then bigla siyang tumalon. Hinawakan niya ‘yung ulo namin kaya naforce kami ni Dumbsey na yumuko at narinig na lang namin na may bumagsak sa likuran. Pagtingin namin ay may frozen na ‘yung balikat nung lalaki kung saan siya sinipa ni Scarystal.

“I told you to always guard your back,” mahinang sabi ni Scarystal pero feeling ko pinapagalitan niya kami.

“Oh. Ice attribute. Ang tagal ko nang di nakakakita ng may ganyang attribute,” sabi nung isang lalaki at hinawakan niya ‘yung balikat niyang naging yelo. Then all of a sudden ay lumiwanag ‘yung kamay niya at natunaw ‘yung yelo.

Tinignan ko ulit ‘yung kamay niya at may lumalabas na sparks doon. Tsaka ko narealize na maliliit na lightning ‘yun.

“But your attacks don’t have any effects on me,” saka siya ngumiti sa amin.
“Oh yeah?”

Nagulat ako nung biglang nawala si Scarystal sa harap namin at napunta na lang siya doon sa likuran nung lalaki. Biglang naging limp ‘yung kaliwang balikat at braso nung lalaki at shocked pa ‘yung expression niya.

“But my speed is effective. Your left humerus and some joints are now frozen.”

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Scarystal.
Ni hindi ko nakita na hinawakan niya pala ‘yung braso nung lalaki kanina! Grabe! Scary talaga! Pero at the same time, awesome.

“Damn you!”

“I’ll finish you so that damn Flame Spectre will make their move,” sabi naman ni Krystal at tumingin siya doon sa kabilang gilid.

Napatingin din kami ni Dumbsey at nakita namin na hindi nakikipaglaban ‘yung mga members ng Flame Spectre at parang at ease lang sila doon. Then napaisip ako sa sinabi ni Scarystal. Para bang sinasabi nilang hindi na nila kailangang kumilos para tapusin ang laban na ‘to.

“Heh. Wala kayong laban sa kanila. At sa amin.”

Gaya nung ginawa niya kanina ay hinawakan niya ‘yung braso niya tapos nagspark ‘yun pero nakita kong nagwince siya. Tapos after that ay nagagalaw na niya ‘yung balikat niya.

“Now let me show you my true strength,” then he suddenly attacked us.


***